Share

Kabanata 55: Terrified

ABALA SIYA sa pagbasa ng isang naipadalang mensahe nang maramdaman niyang may yumakap sa kaniya mula sa likuran. Akmang padarag na kakalasin sana niya iyon ngunit nang maamoy ang pamilyar na pabango ng lalaking kabisado na niya ay hindi na siya nagtangka pa.

"Nathan, baka may makakita sa 'tin na empleyado mo," suway niya sa lalaki habang abalang iginagala ang kaniyang paningin sa paligid kung may mga tao bang nagagawi ro'n sakali man na mabuti na lang at wala.

Naramdaman niya ang mainit na hininga nito mula sa kaniyang leeg nang suminghot ang lalaki. Hinayaan niya ang kaniyang sarili na ngumiti sa mga oras na iyon. She wanted to feel the warmth of Nathan's embrace.

"I miss you," turan nito bigla na mas lalong nakapagpaligaya sa kaniya. Ilang oras pa lang naman simula nang magkahiwalay sila ng landas, ngunit gano'n din naman kung tutuusin ang kaniyang nararamdaman sa sandaling iyon, sapagkat kanina pa siya patingin-tingin sa opisina nito, nagbabakasakaling nakabalik na mula sa tinungu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya yun?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status