Share

Chapter 3

Author: Ziellanes
last update Huling Na-update: 2023-05-16 11:07:38

NGITING pumasok si Jasmine sa opisina ni Fabian. 

“Welcome to Beauty Magazine, Miss Jasmine,” ngiting pagbati ni Fabian dito. 

“Thank you po, Sir Fabian,” nahihiyang wika ni Jasmine dito. 

“Have a seat please.” 

Umupo si Jasmine sa harap ni Fabian. Napansin niya na kanina pa ito nakatitig sa kaniya. Napalunok na lang si Jasmine na tila bang naiilang siya dito.

“M-May problema po ba sa mukha ko, Sir Fabian?” nahihiyang tanong ni Jasmine dito saka marahang tumawa si Fabian.

“No, I am just glad that you accepted my offer. This is my contract.” 

Pinakita ni Fabian ang contract na ginawa niya kaya binasa ito ni Jasmine at napansin niyang blanko na ang salary offer dito. 

“As you can see, Miss Jasmine, I put it blank kasi gusto ko ikaw ang mag-decide sa kung magkano ang salary mo. You will sign an exclusive contract to us for six months. Now, name the price.” 

Napakurap ng dalawang beses si Jasmine. She didn’t expect this at ayaw niya namang magpresyo ng mataas. Nahihiya siya na baka sabihin ni Fabian na mukhang pera siya. 

“Ay naku, Sir Fabian! H-Hindi ko po alam ang rate ko. Alam niyo naman pong first time kong maging model. Wala pa akong experience pagdating do’n. Nag-trending lang naman ako kasi kamukha ko si Madison Morgan.” 

Marahang tumawa si Fabian. He found her cute sa reaksyon nito. 

“Sige. Are you sure na ang two thousand pesos per month na sahod will be enough?” 

Tumango si Jasmine. 

“Sa totoo lang po, Sir Fabian, malaki po ang sahod na ‘yon.” Maikling natawa si Fabian. 

“Malaking sahod pero mahirap ang trabaho especially na baguhan ka pa lang. Okay. Then I’ll consider this three thousand pesos per month.” 

Nanlaki ang mata ni Jasmine. Hindi niya ma-imagine ang laki ng sahod na binigay sa kaniya. Kahit anong trabaho basta marangal at makakatulong sa pamilya ay gagawin niya. Nag-print ulit ng bagong contract si Fabian na nakalagay ang amount of salary saka niya binigay kay Jasmine ito. 

“Please sign the contract.” 

Tahimik na pinirmahan ni Jasmine ang lahat ng pahina ng kontrata saka niya binigay kay Fabian ito. Tumindig si Fabian kaya sumunod na tumayo si Jasmine. Nakipagkamayan ang binata sa kaniya. 

“Congratulations and thank you for signing the contract. Expect that we will release this to the public.” 

Napahinto si Jasmine habang iniisip ang ibigsabihin ni Fabian dito. 

“I mean, para malaman ng mga tao na exclusive ka na sa amin. Baka kasi maraming mga fashion company ang gustong kunin ka. There are a lot of entertainment companies na naghahanap din ng kagaya mong nag-trending. They may offer you to be a model or even an actress. But, gagawin mo lang ‘yon after our contract ends.” 

Tumango-tango si Jasmine. Hindi niya alam na gano’n pala kahalaga sa industriya ng entertainment na kapag sikat ka, lalapitan ka. 

“Oh, I see po. So, kailan po ako magsisimula?” 

“You can start on Monday next week.” 

Ngiting bumaba ng building si Jasmine at dumiretso siya sa ospital. Nailipat na kasi sa private room ang tatay niya. Pagkababa niya ng tricycle ay biglang may sumalubong sa kaniyang matatangkad na dalawang lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng takot dahil sa hindi kaaya-ayang hitsura ng mga ito. Tanaw niya ang suot na sira-sirang lumalang pantalon. Puno ng mga tattoo ang katawan nila na para bagang serial killer ang mga ito. 

“Sabi ko na nga bang pamiliar ka sa akin, Miss,” nakakauyam na ngiting utas na sabi ng lalaki. 

“Hehe. Alam kong si Miss Jasmine ka. Mukha at katawan mo pa lang, masarap na,” ani ng kasama nitong lalaki. 

Medyo malayo pa ang lalakarin ni Jasmine at itong street lang ang puwede niyang daanan dahil mas malapit ito sa sakayan ng jeep. Mawala masyadong dumadaan sa kantong ito dahil napapaligiran daw ito ng mga masasamang tao. Hindi na naisip ni Jasmine ang kaligtasan niya dahil okupado sa isip niya ang lagay ng tatay niya. Marahan na hinawakan ng lalaki ang braso ni Jasmine. Naamoy din ni Jasmine ang masangsang na amoy ng alak ito sa damit ng mga lalaki. 

“Relax lang, Miss Jasmine dahil paliligayahin kita.” 

Nanlaki ang mata ni Jasmine saka pilit niyang tinatanggal ang kamay ng lalaki nito sa braso niya. 

“Pakawalan mo ako kundi sisigaw ako!” 

Akmang sisigaw na sana si Jasmine nang biglang tinakpan ng isang lalaki ang bibig niya. May kung anong tulis na matalim ang tumutok sa leeg niya. 

“Shhh. Kung gusto mo pang mabuhay,” galit na sabi ng lalaki habang hawak ang maliit na kutsilyo. 

Walang magawa si Jasmine kundi sinudin ito. Kahit anong pilit niyang makawala sa dalawa ay hindi niya magawa. May dumating na itim na kotse na tantya niyang ipapasok siya dito sa loob. Nang ipapasok na siya dito ay biglang tinamaan sa mukha ang lalaking humawak sa braso niya. Napatingin si Jasmine sa gumawa nito at nakahinga ito ng maluwag nang makita niya si Philip. 

“Philip?” naiiyak na sambit sa pangalan niya. 

Si Philip Hernandez ang childhood friend ni Jasmine since grade school. 

“Dito ka sa likod ko, Jasmine,” galit tonong utos nito sa dalaga. Kaagad na ginawang pananggalang ni Jasmine si Philip.

 At dahil gold winner ito sa karate no’ng sea games at black belter ay natalo ni Philip ang dalawang lalaki pati ang driver nito. 

“Tumawag ka ng pulis,” ani Philip kaya mabilis na nilabas ni Jasmine ang cell phone at ginawa ito. 

Mabuti na lang ay mabilis na rumisponde ang mga pulis kaya nahuli ang dalawa at dinala ang mga ito sa police station.

Humingi ng tawad ang dalawa dahil lasing lang daw sila kaya nagawa nila ‘yon. Hindi niya pinatawad ang mga ito bagkus gusto niyang ipakulong. Matapos ang isyu sa police station ay hinatid ni Philip si Jasmine sa Family Care Hospital. 

“Mabuti na lang talaga ay nadaanan kita. Kaya ikaw, Jasmine. H’wag ka nang dadaan sa kantong ‘yon. Kita mo naman na delikado tapos tumuloy ka pa.” 

“Ang layo kasi ng lalakarin ko at iikot pa ako kung do’n ako sa kabila dadaan.” 

“Kahit na. Dapat hindi mo ‘yon ginawa. Lalo na ngayong sikat ka na at maraming mga taong nakatingin sa’yo.” 

Tahimik lang na sumakay sa motor si Jasmine. Napangiti si Jasmine dito at mahigpit na niyakap niya si Philip sa likod. 

“Maraming salamat. Kung hindi dahil sa’yo, baka namatay na ako,” pang-aasar niya dito. 

“Tigilan mo nga ako, Jasmine! Anong mamamatay sinasabi mo?” 

“Ano? Wala akong narinig!” pabirong tanong niya dito. 

“Ang sabi ko, tigilan mo ako,” malakas na boses na tugon ni Philip. 

Kapuwa silang tumawa hanggang sa hinatid siya sa bahay.

***

JASMINE 

INAYOS ko ang sarili ko saka ako pumasok ng Beauty Magazine. This will be my first day. Halong kaba at emosyon ang naramdaman ko ngayon. Paano nga ba ang maging isang model? Ay bahala na! Lakas loob akong pumasok hanggang sa nagsitinginan ang mga empleyado sa akin. Dinig ko ang bulongan nila. Alam ko naman na ako ang pinag-uusapan nila. Lumapit sa akin ang tantya kong secretary ni Fabian. 

"You must be Miss Jasmine, right? I am Dominic—Sir Fabian's secretary," anito sa akin. 

Tumango ako. "Yes po." 

"Follow me po." 

Sinundan ko siya hanggang sa VIP elevator, hindi na ako magtatakad dahil gold ang pinto. Pinindot ni Dominic ang floor number. Dirediretso itong umakyat at di humihinto hanggang sa marating namin ang 135th floor. Medyo nahilo lang ako at parang lumundag ang utak ko pagdating namin. Pinauna akong lumabas saka naglakad sa harap ko si Dominic. Pamiliar na sa akin ang hallway kaya di na ako malilito. 

"Pasok po kayo."

 Pagdating ko ay tanaw kong si Fabian na busy katitipa sa laptop niya. Ilang sandali pa ay nagtama ang mata namin. Parang huminto ang mundo ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o baka dahil sa guwapo siya. Pinilig ko ang ulo ko. 

"Good morning, Sir Fabian." 

Ngumiti siya sa akin. 

"Ang aga mo naman, Miss Jasmine. Wait. Tawagan ko lang si Miss Gab to assist you." 

Mabilis niyang kinuha ang cell phone saka tinawagan ito. Ilang sandali pa ay may binigay siya sa akin na brown envelope. 

"Ito na ang kopya ng contract mo." 

Binuksan ko ang laman at nakita kong notarized na ito ng lawyer. May isang papel akong nakita at nabasa ko ang job offer. 

"Thank you po, Sir Fabian," ngiting pasalamat ko sa kaniya. 

Dumating na si Miss Gab at sinamahan niya ako papuntang training room. Namangha ako sa dami ng mga models na nageensayo. Tuwid ang tindig nila suot ang five inches na heels, ang lakad ay parang makikita kong magagaling na sila. Tinanong ko si Miss Gab kung ilang years na silang model. Ang iba raw ay five years, twenty years at ang iba buwan pa lang. Si Miss Gab ang magiging tainor sa model journey ko. Maganda rin siya, mas matangkad lang sa akin. 

In-orient ako ni Miss Gab tungkol sa modelling.

“First, kailangan ayusin mo ang tindig mo. You should be familiar with the runway or catwalk modeling. Second, kailangan confident ka. Isipin mong maganda ka at kaya mong tumayo beautifully with a heart. Third, maintain your body shape. Diet and exercise are the most important thing. Not only for the shape but also for your health. Fourth, is the hygiene. Kailangan marunong ka rin maglinis sa sarili mo. Kailangan presentable ka tingnan. Fifth, of course a good attitude. Being a model is not easy. Kailangan mo ipakita sa kanila not because career mo ‘to but because you need also to educate people. Everyone is looking at you, especially now, center of attention ka ng mga tao kaya kailangan mabait ka at genuine. If you have a bad attitude, lahat ng pinaghirapan mo masisira lang. Are we clear about this, Miss Jasmine?”

Tumango ako. “Yes po, Miss Gab. Medyo tumaba nga ako ngayon, eh. Kaya kailangan ko nang mag-diet at mag-exercise.”

Ngumiti siya sa akin. “Good. Kasi importante ‘yon. Now, ‘yung task mo ngayon ay i-practice mo ang sarili mo sa five inches heels. Balita ko na hindi ka sanay sa heels.”

Kumuha siya ng stiletto heels at pinasuot sa akin.

“Try this,” aniya.

Sinuot ko ang stiletto, hinawakan ko pa ang pader habang tinatayo ko ang sarili ko.

“Make sure you walk with heels first, before toe.”

She demo first bago ko siya sinundan. Kaya pala minsan natatapilok ako inuuna ko muna ‘yong toe. 

“The reason why it is advised to walk on heel first para ma-balance ang paglakad mo. And then when walking, try to step in line with the center of your body. Magiging catwalk-like ‘yan tingnan.”

Pinakita niya sa akin at namangha ako. Ang ganda nga kapag in line sa center ng body mo. Sinubukan kong sundin ang payo niya pero bigla akong natumba. 

“Sorry po, Miss Gab. Medyo hindi ko pa kaya ang stiletto. Baka may wider heel ka na puwede kong praktisan muna?” pakiusap ko sa kaniya.

“Sure. Puwedeng wedge type muna. Here.”

Binigay niya sa akin ang five inches na wedge heel. Pagkasuot ko ay medyo naayos ko na ang paglakad ko. Na-ma-maintain ko na ang paglakad ko.

“Sige. ‘Yan lang muna ang praktisan mo, Miss Jasmine.”

Nagsimula akong suotin ang five inches heels. Hirap na hirap akong ilakad ito. Ilang beses na ako natapilok, mabuti na lang hindi ako na-injury. 

“Pasensya na po talaga, Miss Gab. Hindi ko po alam kung paano," nahihiya kong paumanhin sa kaniya. 

"Ayos lang, Miss Jasmine. Mahirap lang talaga sa una. Masasanay ka rin," aniya sa akin. 

Bumuntong-hininga ako nang magpahinga ako sa upuan habang pinagmamasdan ang mga trainee. Nainggit ako dahil sa ganda ng tindig nila. 

"Sana makaya ko 'to. Kailangan ko to para sa pamilya ko," usal ko sa isip. 

Buong araw kong ginawa ang ituwid ang lakad ko hanggang sa naiwan ako mag-isa sa training room. Pumasok bigla si Sir Fabian kaya natapilok ako. Mabuti na lang ay nasalo niya ako. Nagkatinginan kami kaya agad akong tumayo nang maayos. 

"Pasensya ka na po, Sir Fabian," nahihiyang sambit ko. Marahang siyang tumawa kaya nakapagpigil ako ng paghinga. 

"Ayos lang. Kumusta ka?" tanong niya. "Pasensya na po. 

Naninibago lang po talaga ako. Hindi po ako sanay sa heels. Pero pag-aaralan ko po ito." Ngumiti lang siya sa akin. 

"Hope you can adjust for two three weeks. Kasi plano ko nang magkaro'n tayo ng pictorial this month." 

Nabigla ako dahil sa ikli ng panahon ng pagsasanay ko. Pero siguro kakayanin ko 'yon, kailangan ko lang ng matinding pagsasanay. Huminga ako nang malalim saka ako nagsimula muling mag-ensayo. Umalis na rin si Sir Fabian at naiwan ako sa training room. 

Mga alas syete ng gabi na ako natapos at nagpasyang umuwi. Medyo namanhid ang mga paa ko, di ako makalakad nang maayos dahil sa sugat na natamo ko sa paa. 

Nakatayo akong mag-isa sa lobby. Pinilig ko ang ulo ko saka ako naglakad palabas ng building. Naghanap ako ng masasakyang taxi hanggang sa makauwi ako ng bahay. Matapos akong maghapunan ay agad akong nag-ensayo ng isang oras habang hinihintay ko si Philip na sunduin ako rito.

"Jasmine?" Ngiting lumingon ako pagdating ni Philip. 

"Sorry," nahihiyang sambit ko. Kaagad akong nagsuot ng flat sandlas saka lumabas ng bahay at ni-lock. 

"Kumusta ang unang pasok mo?" tanong niya saka binigay ang helmet. 

"Nakakapagod. Hindi ako sanay sa takong," mabilis kong sagot dito. Mabuti na lang ay nakapakiusapan ko si Philip na sunduin ako rito. 

Nahihiya na nga ako kay Stella dahil sa pagiging demanding ko. Kailangan ko na talaga ng makakatulong sa karinderya, mukhang wala na akong time para dito. 

"Kumusta sina Ate Tyang at Stella? Marami bang customers?" tanong ko sa kaniya habang angkas niya ako sa motor. 

"Dinagsa nga kami kanina at hinahanap ka ng mga tao. Mabuti nando'n ako para alalayan si Stella." 

“Talaga? Tinulungan mo sila sa karinderya?”

“Oo naman! Business mo ‘yon at kaibigan kita,” ngiting wika niya sa akin.

“Sus! Alam ko naman na magpapalibre ka lang ng pagkain, eh!”

“Sakto, nagugutom na ako,” pabiro niya.

“Sige libre ko.”

Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang pumarada sa tapat ng convenience store, dito kasi kami madalas tumatambay. Siopao lang nila, solve na kami.

“So, ano? Siopao ulit?” tanong ko sa kaniya saka siya marahang tumawa.

“Eh, ano pa ba? Eh di siopao ulit!”

Natawa na lang ako pagpasok namin sa loob. Pagkatapos namin bayaran ang siopao ay saka kami umupo sa bakanteng upuan. Hindi ko pa nakakagat ang siopao ay tanaw kong bigla na lang bumuhos ang ulan sa labas.

“Sakto lang pala ang pagpasok natin dito,” aniko sa kaniya.

“My tummy saves us,” pabiro niyang sabi kaya marahan akong natawa.

“Alam mo, Philip, akala ko talaga hindi na darating ang swerte sa buhay ko. Akalain mong dahil sa mukha ko, makukuha ko ang offer ng Beauty Magazine?”

“Eh, sa tagal nating magkaibigan, sinabi ko na ba sa’yong napakaganda mong babae?”

Ngumiwi ako sa sinabi niya. 

“Ilang beses mo nang sinabi sa akin ‘yan, Philip. Naku! Hindi mo ako madadala sa karisma mo, alam ko naman na marami din nagkakandarapa sa’yo.”

“Pero kung isa ka ro’n, I will close the door dahil ikaw ang pipiliin ko.”

Natigilan ako sa narinig ko sa kaniya.

“Ano? H’wag mong sabihin na may gusto ka sa akin?”

Dinig kong bumuga siya ng hangin saka tumawa.

“Aba’t! Sa tagal na natin magkasama, ngayon mo lang na-realize na gusto kita?”

“H’wag mo nga akong lokohin, Philip, alam kong may jowa ka ngayon.”

Ngumuso siya saka niya kinagat ang siopao. Alam ko naman na nagbibiro lang siya at saka hanggang kapatid lang ang turing ko sa kaniya. Mahirap na baka masira ang pagkakaibigan namin.

Habang ine-enjoy namin ni Philip ang siopao ay bigla na lang nag-ring ang cell phone ko. Nakita ko ang unknown number pero hindi ko kaagad ito sinagot.

“Bakit ayaw mong sagutin?” tanong ni Philip.

“Eh, baka scammer.”

“Paano na lang kung emergency ‘yan? Sagutin mo na lang kaya?”

May point naman si Philip kaya sinagot ko na lang ang tawag.

“Hello? Sino ‘to?” tanong ko.

“Hello? Anak po ba ito ni Hector Pedrosa?”

Hindi ko alam pero bago ako magsalita ay nakaramdam na ako ng kaba.

“Opo. . .”

“Nabanga ng truck ang tricycle ng tatay mo. Critical ngayon ang tatay mo at kailangan po naming ng blood type O.” 

Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ‘yon. Bigla ko na lang nabitawan ang hawak kong siopao kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Akala ko magiging masaya ako, akala ko giginhawa na ako pero hindi pa pala. May darating pang isang problema na kailangan kong solusyunan.

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 4

    JASMINEDAGLI ako pumunta ng ospital. Pagdating ko sa Family Care Hospital ay agad akong nagtungo sa emergency room. “Nurse, ako po ang tinawagan niyo kanina. Saan po si Hector Pedrosa?” “Nasa loob po ng operating room. Kailangan ka po munang i-test kung anong blood type ka.” Sigurado akong type O ang dugo ko dahil ‘yon ang sabi ni Nanay sa akin noon na lahat ng miyembro ng pamilya namin ay type O. Policy ng ospital na i-test ang donor bago mag-donate kaya pumayag akong magpa-test. Pagpasok ko sa loob ay kinunan ako ng dugo sa daliri. “Pwede na po kayong lumabas, Ma’am. Sabihan po namin kayo kung ano ang resulta.” Ilang minuto ang nagdaan ay nilapitan na ako ng nurse. “Ano po? Pwede na po ba ako mag-donate?” “Pasensya na po, Miss Jasmine. Hindi po match ang dugo niyo sa tatay niyo. Type A po kayo.” Nanlaki ang mata ko. Hindi pwedeng hindi kami match ni Tatay. “Po? Ano na po ang mangyayari sa tatay ko kung wala akong mahanap na type O? Wala po ba kayong dugo dito?” natataranta

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 5

    JASMINEKAAGAD kong sinearch sa Google ang ‘VIP Marriage’ pero wala ni isang article akong nabasa. Napatingin ako sa baba ng card ay may nakasulat na ‘Join our Entry Level to get a one million signing bonus’ Napataas ako ng kilay. “Ano kaya itong VIP Marriage? Bakit may entry level at may signing bonus pa na isang milyon?” tanong ko sa sarili saka ko tiningnan ang likod ng card. Nakasulat naman sa likod ang cell phone number. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit tinipa ko sa cell phone ang numerong ‘yon. “Tawagan ko kaya?” Walang pasubaling pinindot ko ang call button. Dahan-dahan ko pang nilagay sa tenga ko ang cell phone. Ilang sandali pa ay napahinto ako ng paghinga nang kaagad na may sumagot sa tawag ko. Nanigas pa ako sa kinauupuan ko nang bigkasin ng babaeng nasa linya ang pangalan ko. “Are you Jasmine Pedrosa?” Tikom ang bibig ko at hindi ako makapagsalita sa narinig ko. “Hello po? May tao po ba?” tanong muli ng babae kaya nagsalita na ako. “Oh–Opo! B

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 1

    "Are you ready to marry one of the wealthiest men on earth?"Tumango lang ako dahil kailangan ko na ng pera pambayad ng ospital bills ni tatay.Dumating ang araw na pumasok ako sa office nila. Malawak. Malinis. At mamahalin ang mga gamit sa loob. Mukhang malaki ang kompanyang ito.Pinaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng VIP Marriage.Ang Very Important Partners Marriage Agency ang tumutulong sa mga mayayamang tao na pipili ng mapapangasawa nila. Madalas dito ang mga milyonaryo o bilyonaryong tao na walang oras pagdating sa pag-ibig. Kailangan nila ng assistant para hanapan sila ng taong mag-ma-match sa preference nila.Tatlo ang level dito: Elite, Diamond at Entry level.Elite ang tawag sa mga taong bilyon ang assets nila. Diamond naman kapag milyon ang assets.Samantala, Entry level naman ang tawag sa mga kagaya kong walang anuman sa buhay. Pili lang ang mga nakakapasok sa Entry level. Masasabi kong masuwerte ka kung pinili ka ng agent na mapabilang dito dahil tumatanginting

    Huling Na-update : 2023-05-16
  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 2

    GALIT na pumasok si Fabian sa loob ng opisina dahil sa masamang balitang natanggap nila mula kay Daphne Garcia. Nakapagpirma na ito ng kontrata sa kanila para sa nalalapit na twentieth anniversary ng Beauty Magazine. “May tatlong buwan pa tayo para sa anniversary issue ng magazine natin, Sir Fabian, kaya puwede pa tayong maghanap ng kapalit kay Miss Daphne,” ani ng sekretary ni Fabian na si Dominic. Huminga nang malalim si Fabian dahil sino namang babae ang puwede nilang ipalit dito? Kailangan sikat ito para bumenta ang anniversary issue nila ngayong April. Si Fabian Forbes ay CEO ng Beauty Magazine under Forbes Corporation. Anak siya nina Chairman Ethan Forbes at Sylvia Forbes. May sarili din silang eskuwelahan—ang Forbes Academy. At hindi lang ‘yon, sila din ang nagmamay-ari ng Forbes Mall, Forbes condominium, ilang telecommunications sa bansa, banking and financial services. In short, billionaryo ang pamilya niya at tanging si Fabian lang ang tagapagmana sa kayamanang ito. Pero

    Huling Na-update : 2023-05-16

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 3

    NGITING pumasok si Jasmine sa opisina ni Fabian. “Welcome to Beauty Magazine, Miss Jasmine,” ngiting pagbati ni Fabian dito. “Thank you po, Sir Fabian,” nahihiyang wika ni Jasmine dito. “Have a seat please.” Umupo si Jasmine sa harap ni Fabian. Napansin niya na kanina pa ito nakatitig sa kaniya. Napalunok na lang si Jasmine na tila bang naiilang siya dito.“M-May problema po ba sa mukha ko, Sir Fabian?” nahihiyang tanong ni Jasmine dito saka marahang tumawa si Fabian.“No, I am just glad that you accepted my offer. This is my contract.” Pinakita ni Fabian ang contract na ginawa niya kaya binasa ito ni Jasmine at napansin niyang blanko na ang salary offer dito. “As you can see, Miss Jasmine, I put it blank kasi gusto ko ikaw ang mag-decide sa kung magkano ang salary mo. You will sign an exclusive contract to us for six months. Now, name the price.” Napakurap ng dalawang beses si Jasmine. She didn’t expect this at ayaw niya namang magpresyo ng mataas. Nahihiya siya na baka sabihi

  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 2

    GALIT na pumasok si Fabian sa loob ng opisina dahil sa masamang balitang natanggap nila mula kay Daphne Garcia. Nakapagpirma na ito ng kontrata sa kanila para sa nalalapit na twentieth anniversary ng Beauty Magazine. “May tatlong buwan pa tayo para sa anniversary issue ng magazine natin, Sir Fabian, kaya puwede pa tayong maghanap ng kapalit kay Miss Daphne,” ani ng sekretary ni Fabian na si Dominic. Huminga nang malalim si Fabian dahil sino namang babae ang puwede nilang ipalit dito? Kailangan sikat ito para bumenta ang anniversary issue nila ngayong April. Si Fabian Forbes ay CEO ng Beauty Magazine under Forbes Corporation. Anak siya nina Chairman Ethan Forbes at Sylvia Forbes. May sarili din silang eskuwelahan—ang Forbes Academy. At hindi lang ‘yon, sila din ang nagmamay-ari ng Forbes Mall, Forbes condominium, ilang telecommunications sa bansa, banking and financial services. In short, billionaryo ang pamilya niya at tanging si Fabian lang ang tagapagmana sa kayamanang ito. Pero

  • The Billionaire's Secret Romance (VIP Marriage Series #1)   Chapter 1

    "Are you ready to marry one of the wealthiest men on earth?"Tumango lang ako dahil kailangan ko na ng pera pambayad ng ospital bills ni tatay.Dumating ang araw na pumasok ako sa office nila. Malawak. Malinis. At mamahalin ang mga gamit sa loob. Mukhang malaki ang kompanyang ito.Pinaliwanag sa akin kung ano ang ibig sabihin ng VIP Marriage.Ang Very Important Partners Marriage Agency ang tumutulong sa mga mayayamang tao na pipili ng mapapangasawa nila. Madalas dito ang mga milyonaryo o bilyonaryong tao na walang oras pagdating sa pag-ibig. Kailangan nila ng assistant para hanapan sila ng taong mag-ma-match sa preference nila.Tatlo ang level dito: Elite, Diamond at Entry level.Elite ang tawag sa mga taong bilyon ang assets nila. Diamond naman kapag milyon ang assets.Samantala, Entry level naman ang tawag sa mga kagaya kong walang anuman sa buhay. Pili lang ang mga nakakapasok sa Entry level. Masasabi kong masuwerte ka kung pinili ka ng agent na mapabilang dito dahil tumatanginting

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status