LUMIPAS ang tatlong buwan ay ganoon pa din ang relasyon nila Matt at Zeinab. Walang pansinin at hindi nag uusap sa isat isa. Wala na ang lambingan nila sa isat isa kagaya nuong dating magkasintahan palang sila.Matigas pa din si Zeinab, na galit talaga siya kay Matt. Naglaho ang pangarap ni Zeinab dahil kay Matt. Isa lang din palang mahirap si Matt kagaya nila ng kapatid niya. Nagpapanganggap na mayaman para mahalin lang niya.Laging malungkot na pumapasok sa opisina niya si Matt at halos walang ganang magtrabaho. Naging tahimik din ito. Pakiramdam niya hindi na niya maililigtas ang pagsasama nilang mag asawa. Sana sinabi na lang niya kay Zeinab ang lahat para hindi na umabot sa ganito.Pumunta ng pintuan si Zeinab para tingnan kung sino ang nagdoorbell. Nagulat siya nang makita ang kanyang biyenan na babae."Pasok po" pinatuloy ni Zeinab ang Mama ni Matt sa loob ng condo nila.Pagkapasok ni Marta sa loob ng condo ng anak ay hinanap niya ng mga niya si Matt. Naisip niya na baka nasa t
NAGPASYA si Matt na hindi umuwi kagabi. Dahil makikita na naman niya ang mukha ng galit na asawa niya. Hindi niya kayang tingnan iyon, na ganoon si Zeinab sa kanya. Nagbago ang pakikitungo ng asawa niya sa kanya. Nahihirapan na siya sa sitwasyon nilang dalawa.Nagmulat siya kanyang mga mata at nagpalinga linga sa paligid. Nagulat siya na nasa isang silid siya. Hindi iyon pamilyar sa kanya. Nang tumingin siya sa katabi niya.Nanlaki ang mga mata niya na nakita, si Catherine na natutulog. Wala itong saplot. At tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot. Wala din siyang saplot. Nanlalaki ang mga mata niya na iniisip ang mga nangyari kagabi. Pero wala talaga siyang maalala.Dali daling tumayo si Matt at kinuha ang slacks niya sa sahig saka iyon isinuot. Doon naalimpungatan at nagising si Catherine dahil sa paggalaw ng kama.Ngumiti ito sa kanya."Good morning, Babe" sabi nang nakangiting si Catherine."Anong ginagawa ko dito? Bakit ako katabi kitang matulog? Huwag mo akong tawaging Babe
ILANG oras pa ang inilagi ni Matt sa bahay nina Catherine. Masayang masaya ang Mommy ni Catherine. Habang si Matt ay hindi mapakali. Alam niyang naghihintay ang asawa niya sa bahay nila. Dahil hindi siya nakauwi kagabi. Kaya naglakas loob na siyang magpaalam sa Mommy ni Catherine."Tita, I have to go" paalam ni Matt at tumayo na.Napatunghay ang mag ina kay Matt."Hindi ba puwedeng dumito ka muna ngayong buong araw? Wala ka naman sigurong pasok ngayon sa trabaho mo" tanong ni Candy kay Matt."Sorry po, Tita. Naghihintay po kasi sina Mama sa akin sa bahay at may gagawin din po ako" pagsisinungaling na sagot ni Matt sa Mommy ni Catherine."Sige, kung hindi ka na mapipigilan. Siguro hindi pa ito ang huli natin pagkikita, Matt?" saad ni Candy.Ngumiti si Matt sa Ginang. At hindi sinagot ito. Dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng kahit N anong ugnayan kay Catherine."Sige po aalis na ako" paalam ulit ni Matt.Ngumiti lang si Catherine at hindi na nagsalita. Hindi naman niya mapipigilan si M
MAAGANG nagising si Zeinab. Pinagmamasdan ang asawang natutulog sa kanyang tabi. Napangiti siya nang maalala ang mga nangyari kagabi. Parang nasa honeymoon pa din sila dahil katulad nuong unang may mangyari sa kanila. Pinagsaluhan nila ang buong gabi ng paulit ulit.Linggo naman ngayon at hahayaan niyang matulog ang asawa. Kaya tumayo na siya at pumunta ng banyo para maligo.Kasalukuyan na nagluluto si Zeinab ng almusal nila ni Matt nang marinig ang malakas ng tunog ng cellphone ni Matt.Akala niya tulog pa ang asawa kaya hindi nito naririnig ang walang hintong pagtunog ng telepono nito. Narinig niya na nagsalita ang asawa niya."I'm sorry, I can't be there. I'm in my home and I'm with my wife now! So please can you stop call me, Catherine!" malalakas na sigaw ni Matt.Dinig na dinig iyon ni Zeinab na napaawang ang mga bibig."Posible kayang nagkabalikan ang asawa ko at si Catherine?" tanong ni Zeinab sa isip.Masama ang loob niya na bumalik siya nang kusina at itinuloy ang pagluluto.
NAKARATING na si Matt sa bahay nila Catherine. Naipark niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Mabilis siyang lumabas ng kotse niya at kumatok sa pintuan ng bahay nila Catherine.Pinagbuksan siya ni Catherine. Akma sanang yayakapin siya ng babae pero iniiwas niya ang katawan dito. Saka iniwan si Catherine at pumasok na sa loob ng bahay.Nakamasid lang si Catherine sa papalayong si Matt.Magkababata sila Catherine at Matt. Nagsimula sila dahil sa tuksuhan nuong first year college sila. Dahil sa lagi silang magkasama at halos hindi mapaghiwalay.At first Catherine never thought na magkakagusto si Matt sa kanya. Si Matt ay isang tahimik at masipag mag aral. While her, is always fail to go to school. Laging nagkacutting classes at laging hindi gumagawa ng assigment nila. In short, hindi siya nag aaral ng mabuti at nagbubulakbol lang. May kaya ang pamilya nila Catherine kaya wala sa kanya ang mag-aral.Naging kaklase niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan naging malapit sila Matt at Ca
DAHAN-DAHANGA inilalock ni Matt ang pintO ng unit nila. Saka pumunta ng kuwarto nilang mag asawa. Nalate na naman siya nang uwi dahil sa pinag uusapan nila ni Catherine.Nagulat si Matt nang madatnan ang asawa na nakaupo sa kama nila at mukhang hinihintay siya."Saan ka galing?" bungad na tanong nito sa kanya.Isa isang tinatanggal ni Matt ang pagkakabutones ng polo niya. Saka isinunod na hubarin ang pantalon."Ang sabi ko, saan ka galing?" inulit ni Zeinab ang tanong niya kay Matt."Babe, di ba nagpaalam ako sayo na pupunta ako kina Mama?" sagot ni Matt.Pupunta na sana si Matt sa banyo ng magsalita ulit si Zeinab."Nagpunta si Mama Marta dito kanina at hinahanap ka. Dahil hindi ka naman daw umuwi sa inyo" wika ni Zeinab habang natayo na tinitingnan si Matt.Natigilan si Matt at nahuli ang pagsisinungaling niya."Matt, bakit mo ako niloloko?!" galit na tanong ni Zeinab."No, hindi kita niloloko" sagot ni Matt. Nagmamaang maangan pa din kahit nahuli na.Pero hindi naman naniniwala si
NAGULAT si Julieanne nang makita ang kapatid na si Zeinab sa harap ng pintuan nila na umiiyak at may dalang maleta. Awang awa ito sa itsura ng kapatid habang umiiyak. Yayakapin sana nito si Zeinab nang bigla itong mawalan ng malay."Hubby, tulong!" malakas na sigaw ni Julieanne.Dali dali namang lumalapit si John sa asawa at nakita ang walang malay na si Zeinab. Habang hawak ng asawa si Zeinab para hindi tuluyang malaglag sa, sahig.Nagising si Zeinab at iginala ang tingin sa loob ng kuwartong kinahihigaan niya. Bumangon siya at napaupo sa kamay habang yakap ang mga tuhod. Tuluyan na sitang bumigay at umiiyak nang maalala ang mga nangyari sa kanila ng asawa niya.Bumakas ang pinto at iniluwa niyon si Julieanne. Dala dala ang pagkain ni Zeinab. Nilapitan ni Julieanne si Zeinab. Umpo ito sa tabi ni Zeinab at inilapag ang dalang pagkain sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ni Zeinab.Hinaplos ni Julieanne ang buhok ni Zeinab habang nakayuko ito at umiiyak."Kumain ka na muna. Mukhang hin
Zeinab's POVLIMANG buwan na ang nagdaan hindi ko na kinausap pa si Matt. Lagi itong tumatawag at pumupunta sa bahay nina Ate Julieanne at Kuya John para dalawin ako. Hindi ko siya hinaharap. Nagkukulong lang ako sa kuwarto ko at doon umiiyak muli.Ayoko na muna siyang makita at makausap dahil sa galit ko. Pero hindi siya tumitigil nang kakakulit sa akin nuong nasa bahay pa din ako nina Ate Julieanne at Kuya John nakatira. Nagpupumilit siya na kausapin ako pero ako mismo ang tumatanggi.Kaya nagpasya akong lumipat sa probinsiya, sa dating bahay nina Mama, sa Quezon. Doon kahit na mag isa ako may katahimikan ang loob ko.Nakakatulog ako ng maayos.at hindi ko na din masyadong iniisip pa si Matt. Pero hindi siya nawawala sa puso ko. May kasama din ako sa bahay na kinuha nila Ate para bantayan ako."Anak, mahal na mahal ka ni Mommy. Basta promise ni Mommy sayo na mabubuo din tayo" sabi ko sa habang hawak hawak ko ang tiyan ko.Nalulungkot ako na hindi ko kasama si Matt ngayon. Naglilihi a
"CAN we talk?" untag ni Ria kay Zia. Hinarang si Zia ni Ria nang papunta siya sa canteen. Nauna na si Carol doon at hinihintay lang siya.Matiim na tiningnan ni Zia si Ria. "Tungkol saan?""I just want to make things clear. Karapatan mo namang malaman ang lahat. Since nainvolved ka na sa aming dalawa ni Greg. Let's go to the coffee shop there" turo ni Ria sa coffee shop na katapat na building ng MDC. Pumayag na din si Zia. Dahil sa pakiusap nito sa kanya."Inform ko lang ang friend ko na hindi ako sasabay sa kanya maglunch" ani Zia. Hindi na niya hinintay na sumagot sa kanya si Ria at kinuha ang phone niya sa bulsa nang skirt niya. Saka nagtipa nang mensahe para kay Carol.Nauna ng pumunta si Ria sa coffee shop at sumunod na lamang si Zia. Ayaw niya sanang maglihim kay Greg. Pero kailangan bang malaman ni Greg ang magiging usapan nila ni Ria?Napansin ni Zia na nakaupo si Ria sa pinakadulo ng coffee shop. May maliit na table at dalawang upuan. Humihigop na si Ria nang kape sa tasa. Um
KUMAKAIN na sila. Panay ang sulyap ni Greg kay Zia. Tahimik lang itong kumakain at hindi kumikibo. Nitapunan nang tingin ay hindi nito ginagawa."Baby, any problem? Ang tahimik mo. Hindi ako sanay na hindi mo ako kinikibo" Greg asked. Napatigil si Zia sa pagsubo ng pagkain at inilapag ang kutsara sa plato niya."Iniisip ko lang. Paano na kaya ako kapag naisip ng parents mo na ipakasal ka kay Ria? Hindi nawawala ang takot ko, Greg. Kahit piiltin ko ang sarili ko na kalimutan na lang ang mga nangyari kanina. Sa restaurant, sa mall. Pabalik balik, eh. Ang sakit" nanubig na ang mga mata ni Zia. Napaiwas ng tingin kay Greg at pinunasan ang mga luha.Greg reached Zia hands. Mahigpit na kapit. "Baby, remember this. I love you so much" madiing sabi ni Greg. Kahit anong mangyari, basta ipangako mo lang na hindi ka bibitaw. Dahil hindi kita bibitawan. Kahit magsama sama pa sila Mommy, Tita Bettina at si Ria. Hindi kita iiwan. Kahit si Ria pa ang gusto nila for me. Sa puso ko ikaw lang ang mahal
"MAHAL na mahal din kita" madamdaming sagot ni Zia. Pinunasan ni Greg ang mga luha ni Zia. Pagkatapos ay hinila niya ang dalaga papunta sa sasakyan niya.Pinagmamasdan ni Zia si Greg habang ito ang mga mata ng binata ay tutok sa daan. Napalingon si Greg at nagbawi bigla ng tingin si Zia. Napangiti si Greg."Baby, It's okay. Wala naman pumipigil sayo na titigan ako. Kaya lang baka mabangga tayo. Natutunaw na kasi ako sa mga titig mo" birong sabi ni Greg.Umismid naman si Zia. At napairap. "Napakahangin! Hindi ikaw ang tinititigan ko" tanggi ni Zia. Natawa naman ng mahina si Greg.Huminto ang sasakyan ni Greg sa tapat ng building kung saan ang kanyang condo. Tinanggal niya ang seatbelt niya. Pati na din ang seatbelt ni Zia. Nagtatakang tumingin si Zia sa kanya."Akala ko ba ihahatid mo ako sa bahay" turan ni Zia."Baby, puwede bang dito na muna tayo. Gusto pa kitang masolo. Ihahatid din kita maya-maya" tugon ni Greg sa kanya. Tumango na lang ng ulo si Zia. Naunang lumabas si Greg ng sas
BUMALIK na silang magkaibigan sa kompanya. Nawalan na din ng gana si Zia na kumain. Kahit anong pilit na kalimutan ang mga nakita ay hindi niya magawa. Nasasaktan man. Pero anong magagawa niya?Bestfriend ni Greg si Rhea. Mas matagal silang nagsama kesa sa kanya. At kilalang kilala nila ang isat isa."Huwag mo munang isipin yun. Mas maganda na kausapin mo ang boyfriend mo. Tanungin mo siya. Kung ayaw mo naman itanong ang mga nakita mo. Eh di alisin mo na lang diyan sa isip mo. Kahit na masakit" litanya ni Carol.Malungkot na tumingin si Zia kay Carol. Namumula na ang mga mata niya. Nagbabadya ang luha na kanina pa niya gusto ilabas."Hoy. Huwag ka naman ganyan. Pati ako ay nahahawa na sayo" alo ni Carol at niyakap na lamang si Zia.Iniharap ni Carol ang kaibigan niya sa kanya."Carol, ayaw kong masaktan. Pero anong gagawin ko? Mahal ko si Greg. May nangyari na din sa amin" sabi ni Zia habang panay ang tulo ng luha niya."Alam ko. Kaya nga siguraduhin mo. Kung sino ka talaga kay Sir Gr
HINATID ni Greg si Zia sa bahay nila. Pasulyap sulyao siya sa dalaga na tahimik na nakaupo.Malapit na sila sa bahay ng dalaga. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din siya iniimik nito.Napabuga ng malalim na buntong hininga si Greg. At inihinto ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada."Baby, please. Kausapin mo naman ako. What I will do to prove to you, na ikaw ang mahal ko. Huwag mo naman akong ignorin ng ganito" pagmamakaawa ni Greg kay Zia. Alam niyang masama ang loob ni Zia sa kanya.Napatingin si Zia kay Greg."Wala ka naman kailangan na patunayan sa akin. Naiinis lang ako at nasasaktan dahil sa sinabi ng Mommy ni Ria" sagot ni Zia."Natatakot ako, Greg. Sobra akong natatakot ngayon. Kasi mahal na mahal kita" umiiyak na dagdag ni Zia."I love you too, so much. Kaya ialis mo na sa isip mo ang takot. Hindi kita iiwan. I will always beside you. Hindi ako aalis sayo. I promise" ani Greg at niyakap si Zia na panay ang iyak.Nakauwi na si Zia at nakahiga na sa kanyang kama.Hindi mawal
PresentCebuNATULALA si Greg nang makita si Zia kasama ng mag asawang Camus. Pati ang batang babae na katabi ni Mrs. Rita ay napatingin din siyang pinagmamasdan maigi ito. Pakiramdam niya kilala niya ito.Pero napalingon siya sa babaeng nakakapit sa braso niya na may matamis na ngiting nakapaskil sa mukha nito.Bigla niyang tinanggal ang kamay ni Dion na nakahawak sa kanya at muling tumingin kay Zia."Dion, kaibigan siya ni Zia, si Carol at ang anak nitong si Cassy" pakilala ni Mrs. Camus kina Carol.Tumango ng ulo si Carol at binalingan ang katabi na si Zia."Umupo na kayong dalawa" utos ni Mr. Carter sa anak at kay Greg.Naghila ng dalawang upuan si Greg para sa kanilang dalawa ni Dion. At umupo si Dion sa katabi ng Daddy niya. Habang si Greg ay katabi ng anak ni Carol na si Cassy. Halos katapat ni Zia si Greg.Kaya halos iwasan nitong tumingin sa kabilang side dahil magtatama ang mga tingin nila ni Greg. Ayaw niyang ipakita na apektado pa din siya sa presensiya ng binata."Mom, Da
NAKARATING na sila sa bahay nila Greg. Hindi iyon simpleng bahay lang na may tatlong kuwarto sa loob. Kundi isang mansyon. Nakakalula ang laki niyon sa mga mata ni Zia.Ang garden na sobrang laki na halos mas malaki pa sa kinatatayuang lupa ng bahay nila.Binuksan ng guard ang gate at naipark ni Greg ang sasakyan sa harap ng mansyon nila.Namamangha si Zia sa mga nakikita sa buong lugar ng mansyon nina Greg. Lumapit ang isang guard at kinuha ang susi ng kotse ni Greg para ipark ang sasakyan nito sa garahe.Pagkababa nila ng sasakyan ni Greg ay hinapit na agad siya sa beywang ni Greg at iginiya papasok sa loob ng mansyon.Kinakabahan si Zia at namamawis ang mga kamay. Napansin ni Greg ang pag tahimik ni Zia."Baby, I know you're nervous. Just relax, mababait na tao ang parents ko. At hindi ko naman hahayaan na may masabi silang hindi maganda sayo" pamapalakas ng lobo na sabi ni Greg.Napahinto si Zia sa paglalakad."Huwag mong gagawin iyon, Greg. Mga magulang mo pa din sila kaya igalan
KINAKABAHAN si Zia sa magiging reaksiyon ng Mama niya kapag ipinakilala niya si Greg na boyfriend niya.Istrikto pa naman ang Mama niya pagdating sa kanya. Lalo na at nag iisa na lamang siyang kasama nito sa bahay nila. Dahil sa may kanya kanya ng mga pamilya ang mga kapatid niya."Mama, andito na po ako" tawag ni Zia sa Mama niya.Napag isip isip ni Zia na huwag na munang ipaalam o ipakilala sa Mama niya ang boyfriend niyang si Greg. Kaya pinadiretso na ni Zia si Greg para umuwi sa kanila. Babalik naman ito para sunduin siya mamaya. Dahil sa may family dinner ito sa kanila at isasama siya ni Greg para ipakikilala sa parents ng binata.Maghahanda na lang siya para sa pagpunta niya sa bahay nina Greg. Kinakabahan din siya na makilala ang parents ni Greg. Hindi miya alam kung magugustuhan siya ng mga magulang ng binata."Zia, magpalit ka na nang damit mo at nang makakain na tayo" utos ni Alicia sa anak anakan."Mama, pupunta po ako kina Carol mamaya. Niyaya po kasi ako ng parents niya d
SINAMAHAN ni Amy si Zia papunta sa HR department. Habang naglalakad sila papasok sa kuwartong iyon ay kita niya ang mga mapanuring tingin ng mga taong naroroon."Hello guys! This is Zia our new employee here. Everyone please be good to Zia and ayaw ko na makakarinig ng hindi maganda tungkol kay Miss Zia" pakilala ni Amy kay Zia sa mga kasamahan nito.Nagtaka naman ang mga taong naroon sa sinabi ni Amy. Saka nagbulungan ang ibang mga naroron."Amy, huwag ka namang ganyan sa kanila. Baka sabihin nila kaya ako nakapasok dito dahil sa palakasan" mahinang saway ni Zia kay Amy pero sapat na marinig ni Amy."Miss Zia, ako ang mananagot kay Sir Greg kapag may nangyari sayo dito or may sinabing ka ng hindi magaganda ng mga kasama natin dito sa department niyo. Saka malalaman din naman nilang lahat na ikaw ang girlfriend ni Sir Greg" mga paliwanag ni Amy kay Zia."Huwag mong alalahanin ang Boss mo. Ako na ang bahala doon. Kaya relax ka lang" nakangiting wika ni Zia."Mas kilala ko sila Miss Zia