Charinda made sure na malayo siya kay Kent upang hindi marinig ng bata ang pinag-uusapan nila. Sinigurado rin niyang makikita pa rin niya ang bata kung sakaling lalabas ito ng classroom.“Charinda. You’re no longer talking,” saad ni Fernando sa kabilang linya.Bumalik ang utak niya sa kasalukuyan. Ano nga ulit iyong huling sinabi niya sa lalaking ito? Ah, right. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Mr. Fernando. Bakit. Mo. Sinabi. Kay. Tito?”Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki sa kabilang linya. “Alam kong iiral na naman ang katigasan ng ulo mo. Hindi mo susundin ang utos ko kaya tinawagan ko siya. Ngayon, patas na tayo. You make me angry by not staying at the house and I made you furious. Equilibrium.”“Alam mo, Mister Fernando?” nanginginig ang boses niyang tanong. Nakakagigil ang lalaking ito! Ang sarap-sarap halikan...este sakalin!“Kung sasabihin mong may gusto ka sa akin, matagal ko nang alam,” he said. “Walang sinuman ang hindi nagkakagusto sa akin, Chari
“Why do I have this feeling that I will kill you one of these days?” tanong ni Charinda kay Fernando.Ngumisi ito.Abalang nakikipag-usap si Kent sa kaklase nito kaya malaya sabihin kung anuman ang nais niyang sabihin sa lalaki.Umiling si Fernando. “Threats. Threats. Threats. Magaling ka lang naman sa mga banta ngunit hindi mo kayang gawin. Payo ko lang. Huwag mo nang ituloy. Ikaw rin naman ang magdurusa. You will surely miss me,” turan nito saka kumindat.Charinda snorted.Siksikan ang registration area. Malapit na kasing isara ang registration kaya ngayon lang nagkukumahog na magpalista ang iba. Typical na gawain ng ibang Pinoy.Fernando stopped and looked at me in the eyes. “Bago ang lahat gusto ko lamang sabihin na dapat kapani-paniwala ang acting nating dalawa. Narinig kong may nagtangka na raw magpanggap bilang mag-asawa upang makapasok, pero nahalata rin ng organizers. They got banned from joining the camping.”“Ang arte naman,” tugon niya. “Alam mo naman pala ang tungkol sa c
Bukas na ang camping at naayos na rin ni Charinda ang lahat ng dadalhin nilang dalawa ni Kent. She was not sure kung ganoon din ba ang ginawa ni Fernando or kung handa na rin ba ito. Hindi na niya ito nakita pa pagkatapos nilang umuwi galing sa school. Nagkulong ito sa opisina nito. Marahil tinatapos ang good for three days na trabaho para kung may camping man, wala na itong alalahanin pa. “I’m so excited, Yaya Charinda!” saad ni Kent na tumatalon-talon pa sa kama nito. Tapos na niyang lagyan ng mga damit, underwear, at essential things para sa camping. Mahirap ng bumili pa ng kung ano-ano. Nakakatamad kaya iyon. “Kent. Awat na. You should sleep early. Maaga pa tayo bukas.” Assembly time was said to be six o’clock. Walang problema sa kanya kahit na four o’clock sila pumunta. Sanay na ang katawan niya kahit walang tulugan. Sinara niya ang bag nang mapuno na. Good to know na may tent pala ang Fernando na iyon para magamit nila. Good for three persons. Kahit na ayaw niyang makipagta
Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Charinda nang makarating sila sa camping site. Hindi niya alam na ang pupuntahan pala nila ay kailangan ng ilang oras na biyahe mula sa Metro Manila. It was already noon when they arrived. Super late sa napag-usapan. Si Fernando naman ay parang chill-chill lang, animo hindi nararamdaman na nagngingitngit na ang kalooban niya. Isang simpleng white T-shirt at pantalon ang isinuot niya samantalang kulay asul na checkered polo ang kay Fernando. Pantalon na itim naman ang pang-ibaba nitong suot. May suot din itong sunglasses na kulay itim ang lense na animo isa itong actor na may gagawing shooting sa camping site. Biglang nawala saglit ang galit niya nang makita ang lugar. It was actually breathtaking. The camping site, actually. It was a cove specifically known as Anawangin Cove, a couple of hours drive from Metro Manila. It was found in the town of San Antonio in the province of Zambales, facing the South China Sea. It was surrounded by maje
Hindi alam ni Charinda kung nasaan na siya. Ang tanging naglalaro lang sa puso niya ngayon ay kung paano makawala kay Fernando at mawaglit sa isip niya ang isang napakalaking kahihiyang ginawa niya. Damn it. Why did she wipe his sweat again? Marahas siyang napabuga ng hangin. Saan na nga ba siya? Hindi na niya alam dahil ang ginawa niya ay naglakad na lang nang naglakad. Hanggang sa namalayan na lang niyang nasa baybayin na pala siya at tinatanaw ang puting buhangin at nagkikislapang dagat. Ilang dipa mula sa kanya ay tanaw niya ang mga isdang naghahabulan. Mula sa kinatatayuan ni Charinda sa kanyang likuran ay kitang-kita niya ang kabuaan ng camping site. Naaaninag niya na abala ang mga lalaki sa pag-aayos ng mga tent samantalang matiyagang nagbabantay ang mga asawa ng mga ito sa hindi maubos–ubos na enerhiya ng mga bata. May mga batang nagpapalipad ng makukulay na mga saranggola sa papawirin sapagkat mahangin sa lugar na pinagdarausan ng taunang Family Camping. Pasalampak si
Napailing na lang si Charinda sa sobrang hangin ng lalaki. “I’m sorry to break it to you, pero kailanman ay hindi kita magugustuhan.”Nagsalubong ang kilay ni Teacher Oman. “Why not? Maliban na lang kung may gusto kang iba, Charinda?”Nabulunan siya sa sinabi nito. Pasimple niyang tiningnan ang lalaki at nakitang nakatingin ito sa kanya, mataman siyang tinitigan. “Bakit ganyan ka makatingin?”“Like what?”Na para bang curious na ito sa kanya. She never wanted to arouse anyone’s attention especially when it comes to men. Masyadong nakakasakit ng ulo ang mga ito.“Never mind. Go away. Gusto kong makapag-isa na.”As if on cue, tumunog ang cellular phone ng lalaki. Hindi agad ito sinagot ang tawag.“Answer it. Baka principal ninyo ang tumatawag.”“I don’t think that’s important right now. May tanong pa ako na hindi mo sinasagot.”She scowled at him. “Are you freaking serious? Hindi ka natatakot na baka i-fire ka ng superior mo?”“Maghahanap na lang ako ng ibang school. Marami naman diyan
Bakit ng ulit nakipag-deal si Charinda sa babaeng iyon? Ano bang dapat niyang patunayan? Wala naman, ah. Sa pagkakaalam niya, wala siyang pakialam kung may gusto sa kanya si Fernando or wala.Magkagayunman, nakikita pa rin niya ang sariling iniisip ang sinabi nito. “Kent, halika,” tawag ni Charinda sa bata. Nakabalik na siya sa tent ng dalawa Nag-aayos pa rin ng tent si Fernando. Hindi niya alam kung kailan ito matatapos samantalang kanina pa ito. Alam ba nito ang ginagawa?Papahangos na lumapit sa kanya si Kent. “Ano po iyon, Yaya?”"Kent, if you want na hindi tayo mapauwi agad-agad, you have to call me Tita Charinda."Wait. At bakit naman siya concerned kung mapauwi sila o hindi? Hindi ba mas maganda kung mapauwi sila? Kinuha niya ang kamay nito at inilayo kay Fernando. Mahirap na. Baka mabisto nito ang gagawin niya. Mukhang wala ring plano si Fernando na makipag-asaran sa kanya dahil hindi man lang nito nagawang lumingon sa direksyon niya nang makarating siya.But no. She was n
“ANONG problema?” agad na wika ni Charinda pagpasok pa lang sa tent. She looked for any suspicious things but did not see anything. Sensing that there was no real harm, she lowered her gun. “Stop screaming, will you? Sumasabog ang tenga ko!” angal niya.Tumigil naman ito. Ngayon lang niya napansin na hawak nito ang camera. “Iyong mga pictures kasi, eh,” mangiyak-ngiyak na wika ng babae.“Ano bang nakita mo? Blurred ba masyado kaya naiiyak ka riyan?""Of course, not. Hindi naman masama ang pagkakuha. May blurry pictures naman pero kaunti lang. Pero, girl. Iyong ibang pictures, para kayang may prenup ni Mister Fernando! Kinikilig ang lola mo! I'm rooting for you, Charinda! Go, go, go! For the name of love!"Umasim ang mukha niya. "I'm not in love.""I hope you will fall in love with Daddy, Tita Charinda. I don't want you to leave our house.""Aw. Ang cute mo naman, baby boy. Halika nga rito. You remind me of my love."Niyakap ni Grysa si Kent. Ang bata naman, mukhang comfortable naman
"Are we really doing this?" ilang beses na tanong ni Charinda. “Pwede ka pang umatras kung gusto mo, Fernando.” Ngumiti lang si Kadriel. Her heart skipped. How she loved seeing those smiles. Damn. Bakit nga ulit siya nahulog sa lalaking ito? He is kind. Handsome. Good provider. Above all, he loves you more than his life. Even if it sounded wrong for you. Charinda’s expression softened as she looked at the man. Right. And she also loved him. Her billionaire boss. Kaharap nila ang kaibigang mayor ni Kadriel. They will have their civil wedding sa maliit na opisina nito kasama ang ilang tauhan ng lalaki. Nobody knew about this wedding. Sila lang dalawa and the employees of this Local Government Unit. "For the tenth time, yes we are doing this, Charinda. We both passed twenty-five years old. Hindi na kailangang humingi tayo ng approval sa parents and guardian natin." Right. Even her aunt and uncle did not know about this. Wala rin si Kent. Silang dalawa lang at ang matinding pagm
Tila hindi nito gusto ang naging sagot niya. “Ginagalit mo ako, Delos Reyes.”“I don’t want to kill an innocent man!”Itinaas nito ang mga kamay. “Okay. Till death do us part pala ang drama ninyo. Sige. Dahil mabait ako, ibibigay ko ang hinihingi mo.”Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay ni Kadriel. “D-don’t be afraid.”Hindi ako natatakot para sa buhay ko. Natatakot ako para sa iyo. “Nakakabagot ito.” At parang balewala nitong itinutok ang baril sa kanya. “Pagkatapos ko sa’yo, ang heneral naman at asawa nito ang isusunod ko. Paalam, Delos Reyes.”Umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.Kapwa sila napalingon sa labas.Thank God! Tama lamang ang pagdating ng mga ito. Mabuti na lamang at natunton agad nina Tito Ignacio ang kinaroroonan nila. May inilagay siyang tracking device sa bulsa.“Tito, kapag hindi kami nakabalik agad, tawagin mo si Agent Lapinig. Siya ang nagbigay ng tracking device sa akin. Matutunton niya ang kalagayan namin kapag napatunayan ang hinala ko
SINURI ni Charinda ang kinalalagyan niya. Nasa kulungan siya. Nilatagan ng mga dayami ang sahig at mapanghi ang amoy sa paligid. Masyadong pulido ang mga harang sa mga bintana at mahihirapan siyang baliin iyon. Pero nasaan si Fernando? Bakit wala ito sa kwartong kinalalagyan niya?“Sumunod ka kung gusto mong makita ang hinahanap mo.” Nasa labas si Pantio. Nakatingin sa kanya. “Buksan ninyo ang silda.” Isa sa mga tauhan nito ang lumapit na may dalang malaking susi. Ilang sandali lamang, nasa labas na siya.As they were walking, she made sure to drink every important details of the place. Sa kanilang tabi, may mga kahon na nakatambak. Isang lalaki ang nagbukas ng isa sa mga iyon at inilabas ang kumikinang na baby armalite. Kung ganoon, ito ang pagawaan ng mga baril. Dito lang pala itinatago ni Pantio ang mga baril nito. Ilang taon na ring hinahanap ng mga pulisya at NBI ang lugar na ito ngunit hindi nila makita.“ How is your business?”“Successful and keep on expanding. May mga kusto
“SINO BANG hinahanap natin?” tanong ni Fernando kay Charinda sa hindi na niya mabilang na beses. Iritadong tiningnan niya ito. Sakay silang dalawa sa sasakyan ng lalaki. Wala sana siyang planong dalhin ito dahil isang napakalaking abala lang sa gagawin niya, subalit masyadong makulit ang lalaki at ang gusto ay samahan siya. And she brought him with her. At isa iyon sa pinagsisihan niya. Fernando kept on asking her questions at kaunti na lang talaga at hihilahin na niya ito pabalik sa ospital. “I told you a couple of times already, right? We are going to Benedict. Kailangan ko siyang makita.”Napatigil ang lalaki at sumandal sa pader.Nasa paradahan sila ng mga sasakyan, sa labas ng ospital. Mangilan-ngilan lamang ang mga tao. Siguro dahil iwas sa masakit na sikat ng araw. “Why? You can text him, Charinda,” paalala nito. “Hindi kailangang maghintay tayo rito na para bang mga kriminal.”Napabuntong-hininga siya.It was a mistake bringing him alone.“What?” tanong nito nang hindi ni
Laglag ang balikat na bumalik si Charinda sa room ni Tito Sandro. Laman pa rin ng isipan niya ang text na pinadala ni Oman. The man was very vocal when it comes to his feelings, pero iba pa rin ang impact kapag nabasa niya ang nilalaman ng puso nito. Mahina niyang sinampal ang magkabilang pisngi. What happened was already done. Hindi na niya pwedeng bawiin ang lahat ng mga salitang sinabi na niya. Humugot siya nang sunod-sunod na hininga. Hindi dapat ganito ang mukhang isasalubong niya kay Fernando. Baka kung ano ang isipin nito sa kanya. After taking a deep breath, Charinda knocked on the door and opened it. “What’s up? Nag-usap na kayong dalawa ni Teacher Oman?” pa-chill na tanong nito sa kanya. Nanulis ang nguso niya. Hindi man lang nito nagawang magtaas ng tingin. He was working on his laptop. “Did your secretary come here?” “No. Kasali ang laptop sa pinadala ko kay Oly. You did not answer my question, Charinda.” “We did.” “And?” tanong nito, hindi pa rin magawang mag
Nagpalingon-lingon si Charinda.Saan na ba ang lalaking iyon? Bakit ang bilis maglakad? Tito Sandro’s room was found on the third floor at nasa second floor na siya ng ospital. Ilang beses na siyang nakakasalubong ng mga pasyente at doktor ngunit hindi pa rin niya makita ang lalaki.Tumingin siya sa ibaba. There. She saw him! Nasa ground floor na ito!“Oman!” tawag ni Charinda sa lalaki. Malalaki ang mga hakbang nito na animo nagmamadaling makaalis sa ospital.Damn it.Galit ba ito sa eksenang natagpuan? There was some chance na galit nga ito sa kanya. She remembered telling him na bibigyan niya ito ng chance na ipakita kung gaano siya nito kamahal. Pagkatapos, iyon ang eksenang makikita nito?Ugh.She messed up.Baka akala nito at two timer siya. Namamangka sa dalawang ilog.“Oman!” sigaw niya.Napatingin sa direksyon niya ang ibang mga pasyente.Isang mura na naman ang pinakawalan niya sa sarili. Bakit ba ayaw nitong tumigil?Sensing he had no plans to talk to him, she ran after hi
Kadriel FernandoNaalimpungatan si Fernando. May nakadagan sa kanyang dibdib. Isang mabigat na bagay. He opened his eyes and saw it was Charinda beside him. Sleeping. Nakatagilid ito at nakanganga ang bibig habang salubong ang kilay.Charinda moaned and her face contorted in pain.What was she dreaming right now?Using his fingertips, he straightened her furrowed brows. She leaned on his touch and snuggled closer to him.Damn.Charinda’s scent knocked him off. He was not the type of bastard who would take advantage of a woman especially if she was on her weakness point but her lips were inviting him to kiss her.Fernando gulped.Why were her lips so red and plump?He hardened down there and mentally kicked himself.The woman trusted him right now at hindi niya dapat ito i-take advantage.Be a good boy, Fernando and resist whatever temptation. Even if you got a boner down there.It was still five o’clock in the morning. Malayo-layo pa ang kailangan niyang hintayin bago magising ang bab
SA ISANG kwarto dinala si Charinda ni Agent Lapinig. Malaki ang kwarto at kumpleto sa halos lahat ng mga gamit. Hindi na niya gaanong pinansin ang iba pang nasa loob ng kwarto. She found him on the bed, sleeping. May kadena ang mga kamay nito. As if sensing that he was not alone, he woke. Kasabay ng pagbangon nito ay ang pagprotesta ng kadena. It created a tune that was out of place for the mood right now. Naglakbay ang mga mata ni Pantio at tumigil sa kanila. Lumamlam ang mga mata nito nang makita siya. Muntik na siyang maniwala sa emosyong nakita niya sa mga mata nito, subalit ipinaalala niya sa sariling kailangan niyang maging rational at hindi puso ang sinusunod. “Charinda?” “See? Look at his expression.”Mukhang totoo naman ang ipinakita nitong pagkabigla.Sumandal siya sa pader. “Iwan mo muna kami, Lapinig.”“Hindi pwede. Baka mapatay mo siya.”Charinda let out an exaggerated sigh. Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo ay matigas din ang ulo, aniya sa
Charinda Delos ReyesCharinda was out for blood. Wala ng iba pang naglalaro sa isipan ni Charinda kundi pagbayarin ang taong may pakana ng lahat ng ito. Hindi siya makakapayag na manatiling malaya ang taong iyon. Kung kinakailangan niyang lumabag sa batas, gagawin niya. If Tito Sandro will know what was running in her mind, baka hindi nito magugustuhan ang gusto niyang gawin.However, hindi pwedeng wala siyang gawin. They will pay. Whoever that jerk was. Hindi niya alam kung ano ang naging buhay niya kung hindi siya ng heneral. They even treated her like their own child. She looked at her watch. Pasado alas dos na ng madaling araw. May gising pa kaya? Gising pa kaya ang gonggong na iyon? Iginarahe niya sa tabi ang SUV at pumasok sa loob ng bahay. This was a secluded place. Kaunti lang ang nakakaalam. At kung mayroon mang isang outsider na makakapasok, they will never see the way on how to get here. Itinago ng heneral ang lalaki sapagkat gusto pa nitong makasiguro na si Pant