Kakatapos lang ni Andrea ng huling shooting nila para sa teleseryeng ipapalabas na inabot ng madaling araw. She felt tired and exhausted dahil sa sunod-sunod na project; commercial photoshoot, mall shows, presscon at kung ano-ano pang social gatherings na kailangan niyang daluhan para sa ikatatagumpay ng bago niyang teleserye. Ibinagsak niya ang katawan sa kama at pumikit. Wala pang limang minuto ay nakatulog na siya.
Alas dos na ng hapon siya nagising. Umupo siya sa eggchair na nasa balcony ng condong inuupahan niya mula nang
Nasa airport na ng Puerto Princesa si Andrea at ang manager nito para sa promotion ng teleserye nila ni Patrick. Kasama din sa byaheng iyon ang on-screen partner niya at iba pang characters sa palabas. Inikot niya ang mata sa paligid at nilanghap ang hangin.Two weeks ago lang niya nalaman na kasama sa iterinary nila ang Palawan para mag-promote. Sa Falcon Hotel and Resort sila naka-book ng ilang araw dahil kasama sa schedule niya ang launching ng bagong tayong condominium ng mga Falcon. Isang madaliang photoshoot ang ginawa n
Sunod-sunod na katok ang nagpagising sa kanya kinabukasan. Wala pang alas syete ng umaga. Ang alam niya'y alas onse pa ang cutting ng ribbon sa Falcon Tower 1. Naiinis na hinablot ang robang nakasabit sa rack at isinuot. Nang pagbukas niya ng pinto ay itinulak naman ito ni Anthony na halos tamaan pa siya."G-good morning," nauutal na bati niya dito dahil hindi niya inaaasahang pupuntahan siya nito at sa ganito kaagang oras. Bakas sa mukha ng binata ang inis. Bakit siya'y natataranta naman?
Nakahanda na si Andrea para sa launching ng Falcon Tower 1. Nakatingin siya sa salamin habang hinihintay si Anthony. For the first in her life she felt insecure of how she looked. Napaigtad pa siya ng marinig ang mahinang katok. Her heartbeat went fast. Pagbukas niya'y naroon si Anthony wearing a dark gray suit na tila isang hollywood actor."Don't give me that look, Andrea, na tila naghihintay kang hagkan." Seryosong wika nito dala ang galit sa mukha nito katulad nang ipinakita nito sa kanya kaninang umaga.
Hawak ng binata ang bewang niya at magkalapat ang dibdib nila. He was breathing hard at naaamoy niya ang hininga nito – a mixture of mint and wine. Tila lalo lang siyang nalasing. Nakatingin ito sa labi niya na tila nag-iisip kung ano ang susunod na gagawin. Next thing she knew he was kissing her hard na lalong nagpalambot ng tuhod niya.Binuhat siya nito at inihiga sa kama. Pero nang inakala niyang hahagkan siyang muli ay nagkakamali siya.
Alas syete na nakabalik si Anthony at nagugutom na siyang talaga. Nakita nitong nakasimangot siya."I'm starving to death, akala ko'y hindi ka na babalik.""Maraming pagkain sa ref, you could've made even sandwiches. Ni hindi ka nakapagtanghalian," wika nitong pagalit din.
Alas sais pa lang ay gising na si Andrea. In-off ang aircon saka binuksan ang bintana. Kahit pa sabihing isla ito'y hindi niya kabisado ang lugar kaya sinara niya ang sliding door at ilaw. Ang tanging liwanag niya ay ang ilaw na nanggagaling sa poste ng hacienda.Malamig ang simoy ng hangin kahit ganitong summer. Wala siyang matanaw na dagat kundi isang walang hanggang puno ng niyog. Sa di kalayuan ay mga kabayong iba-iba ang breed.
Ipinatawag na siya sa katulong para makasabay kumain sa dining. Napilitan siyang bumaba dahil nakakahiya namang sa kwarto lang siya maghapon. Nang bumaba siya'y pilit niyang itinago ang inis kay Anthony.Napuno naman ng masayang kwentuhan nila Margarita at dalawa pang pinsan nitong si Ellise at Tiffany ang dining room.
"Come and join me at the pool," wika ni Tiffany sa kanya kinabukasan. Ito lang at si Margarita ang madalas niyang makita sa bahay dahil estudyante pa lang ang pinsang ito ni Anthony. Si Olive at Ellise ay tumutulong na sa mga gawain sa iba't ibang opisina ng Falcon."Dito lang ako, wala akong dalang swimsuit," sagot niya ng umupo sa hang chair sa gilid ng pool.
Pagkatapos ng mahigit isang buwan ay ikinasal sila ni Anthony sa isang simbahan sa Dumaran. Sa Hacienda Falcon ginanap ang reception na dinaluhan ng maraming bisita na karamihan ay kasosyo sa negosyo at mga kaibigan ng pamilya Falcon. Ang tanging bisita lang niya ay ang ina at si Perly na umalis din kaagad pagkatapos ng reception. Naroon din si Maddox na hindi napigilang lumapit kay Anthony habang nakikipag-usap ang asawa niya sa isang kaibigan ng pamilya. Hindi pa rin mawala ang panibugho niya sa babaeng iyon dahil alam niyang matagal itong naging karelasyon ni Anthony.
Bago sila lumipad pabalik ng Maynila ay dumaan sila sa opisina ni Anthony para ibilin nito ang ilang trabaho sa personal secretary nito na noon niya lang nakita dahil naka-leave ito ng isang linggo. Hindi nakaligtas sa kanya ang maiksing palda nito na bakat pa ang pantyline kapag naglalakad. Pinalampas niya ang malalagkit nitong tingin kay Anthony kapag akala nitong hindi siya nakatingin pero nanggagalaiti siya sa inis hanggang makarating sila sa Maynila. Na kung bakit hindi naman napansin ni Anthony ay hindi niya alam.
Kinabukasan ay maaga sila sa clinic ng OB-Gyne na kaibigan ng mga Falcon. Sa hapon ay nasa hotel naman sila para asikasuhin ang kasal. May meeting din itong pinuntahan na kasama siya. Habang pauwi sila ay nakita niyang tumatawag sa telepono nito si Maddox. Agad niyang iniwas ang mata."Yes, honey?" sagot nito na ikinasingkit ng mga mata niya. "No, I can't tonight," wika pa nito na kung para saan ay hindi niya alam. "I'll be there tomorrow morning."
Nakatitig si Andrea kay Anthony habang ang huli ay nasa balcony at tinatanaw ang matatayog na mga gusali sa lungsod. Nang lumingon ito'y agad naman niyang iniwas ang tingin."Come here," wika nito saka iniabot ang kamay. Lumapit naman siya at hinawakan ang nakalahad nitong kamay. Iniyakap ni Anthony ang braso nito sa kanya. "Why were you staring at me?" tanong nito.
"Why, Andrea?" mahina pa rin ang boses nito nang magtanong. "Hindi mo gustong ipaalam sa akin ang ipinagbubuntis mo? Wala ba akong karapatang malaman?"Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan dahil sa kawalan ng isasagot. "You don't want me..." halos pabulong niyang wika."Don't want yo
"Hindi ba iyon makakasagabal sa kontrata ni Miss Andrea kung ikakasal kayo?" tanong ng isang reporter."Her manager and I are settling the issues," kampanteng wika ni Anthony. "May mg endorsements si Andrea na ako na ang makakapareha niya. I don't think that our wedding would be a problem.""Per
Nagising si Andrea na kumakalam ang sikmura. Nakayakap pa rin sa baywang niya ang braso ni Anthony at masarap pa ang tulog nito. Alas dies na ng umaga.Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso nito saka tumayo at nagtungo sa kusina para lamnan ang tyan ng sandwich na inihanda ni
"Hindi mo kailangang um-attend sa interview sa akin, Anthony," mahina niyang wika."Nasabi ko na sa manager mo na sasamahan kita. Kumain ka na ba?" masuyo nitong tanong na nagtungo sa kusina at binuksan ang ref."Marami kang trabaho sa hacienda, hindi kita gustong abalahin."
Wala pang isang oras ay kumatok na ang manager niya sa pinto na ikinagulat niya. Ni hindi pa siya nakaka-recover sa pag-uusap nila kanina. At ngayong umaga ay tila hinahalukay ang tyan niya. Ipinagpaliban muna niya ang pagkain para hindi madagdagan ang nararamdamang bigat sa tyan."Nakapag-usap na ba kayo ni Anthony kung ano ang idadahilan niyo sa pagkansela ng inanunsiyo niyong kasal?"