Share

Chapter 2

Author: WrongKilo
last update Huling Na-update: 2022-02-11 17:54:08

Chapter 2

Matilda’s POV

Napabaling ang atensiyon ko mula sa malaking mansiyon sa loob ng isa pang malaking gate dito sa loob. So, kahit pala magiba namin ang isa pang gate. We won’t be able to go there. 

Tinignan ko naman ang lalaking sumalubong sa akin. He was holding a host, nagdidilig ng kaniyang mga halaman.

“I mean are you the kidnapper? Or hardinero ka lang dito? Nasaan ang boss mo?” tanong ko sa kaniya. 

“You can ask questions one at a time, Miss.” He was looking at me intently.

“If I were you I’ll just go out of here,” aniya na may mapaglarong ngisi na ngayon. 

“The boss won’t probably let you get out of here…” Napaawang naman ang labi ko roon ngunit imbes na matakot ay nakaramdam ako ng excitement. Really? Is this what he have done to Xiase? 

“Binalaan na kita, Miss.” Ni hindi ako nakinig sa kaniya at nilapitan pa ang isang gate. Tumalon-talon muna ako bago nagsimulang akyatin ‘yon. The guy already saw me. Hindi ko nga lang alam kung may mga gwardiya ba rito sa loob. Kapag pinaalis, edi don’t. 

Natatawa na lang ako sa naiisip habang inaakyat. Hindi naman naging mahirap sa akin dahil noon pa man ay sanay na sanay na ako sa mga adventorous na bagay. Dito pa man din sa trabaho ko, kailangan ko ng stamina. I mean hindi naman usually’ng ganoon pero dahil ako ang madalas sinasabak ni Brian sa mahihirap na task, napapa-exercise na lang ako ng wala sa oras. 

Nang tuluyan nang makababa. Pinagpagan ko lang ang sarili. Napangisi na lang din ako dahil kung hindi ko magagawa ito nang maayos, paniguradong dadakdakan ako ni Brian kapag sa kulungan kami muling magkikita. 

Nanlaki ang mga mata ko nang ilagay sa isang telang itim ang aking ulo. Naramdaman ko rin ang pagtali sa aking mga kamay. Dalawang lalaki ang nag-uusap habang iginigiya ako sa kung saan. 

“Ingatan mo, tanga! Kapag nagkagalos ‘yan, papatayin tayo ni Boss,” bulungan nila. Hindi naman ako tumili o ano. I already said so. I won’t go unless I got a piece of information. 

Pinuwersa naman nila akong paupuin sa isang upuan kaya iritado ako. 

“Usong mag-utos nang maayos. Tangina niyo, ah,” ani ko sa kanila. Nagbulungan naman ang mga ito na mukhang bahagyang natakot but I don’t think because of me dahil nang marinig ang ilang yabag. Nagmadali silang alisin ang itim na tela sa aking mukha. 

Agad naman akong sinalubong ng malamig na mga mata. Para kang mawawala sa mga mata nitong abo. Ni tila ba hindi nagulat sa presensiya ko. 

“You may leave,” aniya kaya unti-unti akong napatayo. Para bang may awtoridad ang tinig nito na kaya kang pasunurin sa kahit anong iniuutos. 

“Not you.” Kasing lamig ng kaniyang mga mata ang kaniyang tinig. Nagmamadali namang nagsi-alis ang mga lalaki. Ni hindi ko na sila nabalingan pa ng tingin dahil nasa iisang tao na lang ang aking mga mata. 

He’s the boss? 

“Who are you?” tanong ko na bahagyang nakabawi sa gulat. 

“I suppose I should be the one asking you that question, Miss.” Ang kaniyang tinig ay malamig rin katulad ng kaniyang mga mata. Napatikhim naman ako dahil bahagya akong natulala. Parang narinig ko na ang tinig nito! Napapikit na lang ako dahil sumasakit lang ang ulo ko sa naiisip. 

And they said that he’s ugly! He’s far from that! Gago may ganito ba? Parang ginawa lang para mabuhay bilang gwapo. 

“Paano maging paborito ni Lord?” Hindi ko na rin namamalayan ang sariling magtanong ng kung ano. Napakunot naman ang noo niya sa akin dahil do’n.

“What?” naguguluhan niyang tanong. Mayamaya lang ay narinig ko ang munting halakhak nito. Pucha. Bakit pati ang tawa’y ang sexy? Samantalang kapag ako na ang tumawa, I probably sound like an idiot. 

He sexily laugh bago sumimsim sa kaniyang tasa. Narito kami sa garden nito. He’s holding a newspaper at may mga desert pa sa lamesa. 

“Eat,” utos niya nang mapansin ang tingin ko sa mga ‘yon. 

“Puwede? Kanina pa ako nagugutom!” ani ko ngunit may naalala. 

“You!” malakas kong sigaw kaya napakunot ang noo niya. Kita ko pa ang mapaglarong ngisi mula sa mga labi nito habang nakatitig lang sa akin. 

“You’re that…” Hindi ko naman tinuloy ang sasabihin at napabalik sa inuupuan. Agad ko ring kinurot ang sarili dahil sa inis. Shet. Siya ‘yon! The one in the bar! Some of the furniture looks like what is in that penthouse. Idagdag mo pa ang tinig nito and of course that blurry dreamy face. Sigurado na ako. 

Napatitig naman ako sa kaniya. Starting from his rough face na para bang bawal kang mag-joke dahil sarkastiko ka lang na tatawanan, sa mga labing sigurado akong nag-iisang malambot sa mukha niya. Sa ilong na matangos and of course sa kulay abong mga mata na para kang mawawala kapag tinignan mo na. 

Bumaba naman ang tingin ko sa kaniyang katawan. He’s wearing a black polo longsleeve, unbutton from the first to third. Bahagyang nagpapasilip sa kaniyang dibdib. 

“Done checking me out?” tanong niya pa sa akin kaya agad akong napabalik sa wisyo. Agad din akong napatikhim dahil masiyado na akong nawawala sa sarili. Trabaho muna, bago landi, Matilda. Baka nakakalimutan mong kidnapper ang kaharap mo. 

“Are you Xiase’s kidnapper?” Natatakam naman ako habang nakatingin sa mga pagkain. Mahirap na at baka mamaya’y malason ako rito. 

“Just eat,” aniya kaya agad ko naman siyang nilingon at pinagkunutan ng noo. 

“Aba, paano kung may lason ‘yan? Edi kawawa naman ako? Saka paano ako kakain kung nakatali ang mga kamay ko?” tanong ko na pinakita pa ang tali mula sa mga kamay ko. Kita ko naman ang pagdilim ng mukha niya. 

“Those idiots,” pabulong na saad nito bago inalis ‘yon. 

“I’ll eat. Walang lason ‘yan,” aniya nang makabalik sa upuan. 

Hindi ko rin napigilan ang kumain dahil hindi pa naman ako nag-aalmusal. Isa pa, sayang! Habang kumakain naman ay hindi ko maiwasang magtanong sa kaniya. Naniningkit pa ang mga mata. 

“Uy, ano na? Kidnapper ka ba ni Xiase?”

“Bakit? Are you obssess fan?” tanong ko pa muli habang sumusubo. He’s not even answering. Agad ko namang naalala ang istura ni Xiase sa interview. 

“Are you the one who did that to her?” That’s scary. How can I dine with him?

Nanatili lang ang malamig niyang tingin. 

“Why? Because she doesn’t like you? You shouldn’t force love,” ani ko na para bang magkaibigan kami kung magpayo ako rito. Pinagmasdan niya lang ako at hindi pa rin nagsalita. 

“Go after you eat.” Ang mga mata nito’y malamig pa rin. Tumayo siya na parang handa nang umalis. 

“Teka lang! Marami pa akong tanong!” ani ko na agad hinila ang laylayan ng damit niya. Napanguso naman ako nang kita ko ang sama ng tingin niya sa akin. 

“I mean, hindi ko ‘yan mauubos. Eat with me first,” ani ko. Matagal lang siyang nakatingin bago bumalik sa kinauupuan at binuklat na lang ang diyaryo para magbasa roon. Napanguso naman ako nang mapansing diyaryo namin ‘yon. Napatikhim ako nang makitang sa article na sinulat ko siya nakatingin. Article tungkol sa kanilang dalawa ni Xiase. 

Binaling ko naman ang mga mata sa malaking mansiyon nito. Mafia boss ba siya? Kasama ba sa black society? Nagtitinda ba siya ng organs? 

Nanlaki naman ang mga mata ko roon at halos masamid sa naiisip. Nang mapansin niya ‘yon ay kunot noo niya akong tinignan. Napatikhim naman ako at nagkunwari lang na abala sa pagkain. 

I can’t help but to be curious. Alam kong sapat na ang nakikita ko ngayon para ibalita kay Brian ngunit hindi ko alam kung paano ko kukuhanan ng litrato. 

“What are you thinking about?” tanong niya sa akin na ibinaba na ang diyaryo. 

“Did you meet Xiase last Nov. 25?” tanong ko sa kaniya. Date kung kailan sinasabi nilang nawala ito. Humalukipkip pa habang nakatingin sa kulay abo niyang mga mata. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. 

“I did.” Tila sinagot na lang din dahil naiirita na sa dami ng tanong ko. 

“Did you force her to meet you? Did you kidnap her?” tanong ko pa. 

“I didn’t.” Mas lalo namang naningkit ang mga mata ko.

“Really? Why did her management said that you kidnap her? Why did you let her go after a week? Are you scared with the media—” Magtatanong pa sana ako nang lumapit ang isang nakatuxedo’ng lalaki na mukhang gwardiya niya. Bumulong ito rito kaya napahilot na lang sa kaniyang sentido ang lalaking kaharap ko. 

Tumayo siya bago ako nilingon.  “The next time I’ll see you here, you won’t be able to get out…” 

Dire-diretso na siya sa pag-alis habang ang guard niya naman ay dinaluhan ako at sinakay sa isang kotse. 

“Saan mo ako dadalhin?” tanong ko na masama ang tingin sa kaniya. He didn’t even answer. 

“Saan nga sabi?” Sinipa ko pa ang upuan niya. 

“Pinapahatid ka na sa labas ni Sir, Ma’am. Ihatid ko raw ho kayo kung saan pa ang tungo niyo,” anito na napakamot na lang sa ulo dahil walang choice sa akin. 

“Ganoon? Baba mo ako riyan sa kanto,” ani ko. Aba’t mabuti nang mag-ingat. 

Tumango naman siya at talaga ngang binaba ako. Walang galos o kahit ano. 

What the heck just happened? Pinagmasdan ko lang na umalis sa harapan ko ang kotse habang sinusulat ang plate number nito. 

Nanlaki ang mga mata ko nang may maalala. What the heck? I forget to take a photo! Kainis! 

Wala akong magawa kung hindi ang bumalik sa opisina. Atleast mayroon naman akong primary evidence galing sa suspect o siya nga ba talaga ang suspect? 

“What happened? May nakalap ka ba?” tanong sa akin ni Brian. Tumango naman ako at agad sinabi ang ilang impormasiyon na nakuha.

Tinignan niya naman ako na para bang hindi naniniwala. Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil do’n. 

“You think gagawa lang ako ng kwento?” tanong ko na sinamaan pa siya ng tingin. 

“Of course not! It’s just that, hindi ka marunong mag-ingat. Paano kung mamamatay tao nga talaga ‘yon? Ikaw pa naman basta sa trabaho’y hindi sumusuko hangga’t walang nakukuhang impormasiyon,” aniya na naiiling na lang sa akin. 

“But everything’s fine. Nakalabas naman ako ng buhay roon and of course I did find some information.” 

“The heck? I didn’t ask the most important question.”

“His name!” ani ko na napakamot na lang sa ulo. 

Naiiling na lang din sa akin si Brian. Mukha na siyang stress sa mga pinaggagawa ko. 

“This will be a big scoop. Relax ka lang, I’ll just gather some information pa,” seryoso kong saad. 

“Tigilan mo nang boba ka, naghahanap ka lang ng ikapapahamak mo,” aniya na nailing sa akin. Ngumisi naman ako at nagkibit ng balikat. I already set my mind into this. Ngayon pa ba ako susuko? 

I tried to take Xiase’s statement personally but they said she’s not there. Buong araw ‘yon lang ang inatupag ko.

Kinagabihan, I’m trying to look for the guys name through the internet ngunit iritadong-iritado lang ako dahil wala akong ideya kung paano sisimulan. 

Napakatanga mo, Matilda! Masiyado kang nawala sa wisyo sa mukha ng lalaking ‘yon!

Inis na inis naman ako habang nagpapagulong-gulong sa kama ko. Napasipa pa ako kaya bandang huli’y napatayo na lang din. 

Hindi ako makakatulog hanggang hindi ko nasisimulang sulatin ang article ko. 

Hinila ko na lang ang hoodie na nasa pinto bago lumabas ng apartment ko kahit gabing-gabi na. 

“Laguna po,” ani ko. Ang dami kong dalang gamit ngayon. May telescope, notebook, mini camera at ilan pang gamit na kailangan ko. 

May ilang reporter pa ring nasa labas nang makarating ako roon. Palihim lang akong naglakad patungo sa pinagpasukan ko. Napangisi na lang ako nang walang makitang tao. Agad kong ginamit ang telescope ko para sipatin ang ilang gwardiya. Mayroong nakabantay sa gate kaya naman sa pader ako umakyat. 

Nagawa ko pang makita ang ilang gwardiya sa loob ngunit katulad kanina’y nagawa ko ring takasan. Napangisi naman ako habang ingat na ingat sa aking galaw. 

Nang tuluyang makapasok sa mansiyon, nahinto ako nang mapansin ang magagarang gamit mula rito. Yaman nga talaga! Napanguso ako habang pinagmamasdan ang mga furniture sa loob. Parang lahat gawa sa ginto. 

“Wow…” 

Wala na akong nakita pang tao matapos dito. Maingat ako sa bawat tapak ko. Hinahanap ang pangalan ng lalaki ngunit nahinto ako sa isang magarang kwarto. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malalaking shelf ng libro sa loob niyon. Halos nawalan nga lang ako nang hininga nang makita ang mga tingin na sinalubong ang namamangha kong mga mata.

He was seated in the center part of the room while holding a glass of water.

“Look who we got here again…” Halos manuot sa aking balat ang malamig na tinig niya. Mas malamig sa tinig niya kanina tila sinasabayan ang malamig na panahon. 

“I told you, Matilda Chavez. I won’t let you get out of here in the second time…” Makikita ang magpalarong ngisi mula sa kaniyang mga labi ngunit ang kaniyang mata’y isa lang ang pinahihiwatig. Panganib. 

Kaugnay na kabanata

  • The Billionaire's Possesion (Bachelors Series #3)   Prologue

    PrologueMatilda’s POV“Job well done, Mate!” nakangising saad sa akin ng ilang mga katrabaho matapos kong ibalitang nakuha ko ang impormasiyong matagal na nilang kinakalap.“Boss, wala bang pa-dinner diyan? We finally got a big scope!&r

    Huling Na-update : 2022-02-11
  • The Billionaire's Possesion (Bachelors Series #3)   Chapter 1

    Chapter 1Matilda’s POVI wake up in unfamiliar place. Sumasakit ang ulo ko sa dami nang nainom kagabi. Napapikit na lang ulit ako at napahiga sa kama ngunit agad akong napaupo sa kama nang mapagtanto na nasa ibang lugar nga ako.“Wait? What t

    Huling Na-update : 2022-02-11

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status