NANG mga sumunod na araw ay hindi ko pa rin pinapansin si Wesley. Sinasadya kong matulog ng maaga at gumising ng late kaya naman wala ng chance na magkausap kami. Pareho rin silang abala ng kanyang ina sa kompanya kung kaya't nitong mga nakalipas na araw ay maluwag akong nakakahinga sa mansiyon. Tanging si Aling Bebang lang ang palagi kong kasama at aminado akong nag-eenjoy ako."Oh, hindi pa rin kayo nag-uusap ni Wesley?" anang matanda habang sabay kaming nag-aalmusal."Hindi pa po eh.""Mag-iisang linggo na kayong hindi nagpapansinan baka naman humantong na 'yan sa kung saan.""Hmm...huwag kang mag-alala 'nay. Magiging okay din kami. Sinusulit ko lang 'yong mga pagkakataon na busy silang mag-ina kasi sa oras na magkabati kami ni Wesley ay paniguradong pipilitin niya na naman akong makisalamuha sa kanyang ina at paniguradong mai-stress na naman ako no'n." walang buhay na paliwanag ko."Sabagay. Pero naawa ako sa'yo. Nakangiti ka nga pero deep inside ay nasasaktan ka na
LINGGO ngayon kaya't wala akong choice kundi ang makipag-ayos na lang kay Wesley. Kahit anong gawin kong pag-iwas ngayon'g araw ay paniguradong wala rin'g silbi dahil hindi niya rin naman ako titigilan ng pangungulit.Napasulyap ako sa wall clock na naroon sa aming silid. Alas otso na ng umaga ngunit mahimbing pa rin na natutulog si Wesley kaya naman dahan-dahan akong bumaba ng kama. Balak kong ipagluto siya ng almusal bilang peace offering. Subalit namilog ang aking mga mata ng bigla niya akong hilahin pabalik sa higaan."Hey! Bitawan mo nga ako! Akala ko pa naman ay tulog ka pa!" reklamo ko."Mamaya ka na umalis. Masyado pang maaga." Aniya sa halos pabulong na tinig."Ma-magluluto ako ng almusal," katwiran ko."Hayaan mo na si Aling Bebang. Kaya niya na 'yon. Dito ka lang sa tabi ko," giit pa nito dahilan upang muli akong mahiga sa tabi niya.Niyakap niya ako ngunit agad ko rin na kinalas ang mga bisig niya."Maiipit si baby," nakangusong sambit ko."At saka, di'ba galit ka pa
WALA akong nagawa sa naging desisyon ni Wesley. Kaya naman tinawagan ko na lang si Cindy upang humingi ng dispensa at para na rin ipaalam sa kanya ang kagustuhan ni Wesley."Baby, bilisan mo na diyan, naiinip na 'yon si mommy!" Ani Wesley na kanina pa naghihintay sa'kin."Huh? Ba't nasali ang mom mo? Akala ko ba ay tayong dalawa lang ang lalabas?""Tss, mom suggested na mamili na raw tayo ng mga gamit ni baby. Alam mo naman 'yon masyado ng excited magkaroon ng apo."Bahagya akong natigagal. Hindi ko inaasahan na desisyon na naman pala iyon ng kanyang ina."Uhm, sorry. Hindi ko alam na kasama pala natin siya."Wala na akong nagawa kundi ang sundin na lamang sila.Maya-maya pa'y pare-pareho na kaming lulan ng kotse ni Wesley."Gosh, i'm so excited na mabilhan ng gamit ang aking apo!" nakangisong bulalas ni Mrs. Cordova.Pasimple ko siyang inirapan bago ako napilitan'g makipagplastikan sa kanya."Mrs. Cordova...." bigla akong napahinto sa aking tinuran. "I mean, mom...masyado pa naman yat
KINABUKASAN ay muli na naman akong nakaramdam ng ibayong kalungkutan dahil pagdilat ko ng aking mga mata ay wala na si Wesley sa aking tabi. Paniguradong naroon na ito sa kanyang opisina. Kaya naman gaya ng nakasanayan ay lumabas na ako ng silid upang makapag-almusal kasabay ni Aling Bebang."Ayos ka lang ba, Kiera?""Opo, Nay Bebang." Maagap kong tugon."Namumutla ka eh!" giit pa nito."Naku, huwag mo ng pansinin 'yan 'nay. Ganyan na ang kulay ko kahit dati pa.""Sus, kung ano man ang nararamdaman mo ay huwag kang mahihiyang magsabi saakin.""Okay lang talaga ako 'nay. Siya nga pala, kinausap ka ba ni Wesley kagabi?" pag-iiba ko ng usapan."Hmm, sinubukan niya akong kausapin kaso hindi ko na siya pinagbuksan ng pinto. Nirerespeto ko ang desisyon mo, Kiera kaya ayoko na ako pa mismo ang magsabi kay Wesley.""Salamat 'Nay."Matapos namin'g kumain ay tinulungan ko na si Aling Bebang sa pagtutupi ng mga damit."Nay, maaari ba akong umalis kahit saglit lang ngayon? Gusto ko lang m
NAKAHIGA na ako sa kama at nakatulala lamang sa kisame habang kinakausap ako ni Wesley. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ao maka-get over sa mga nangyari kanina sa buong maghapon."Hey baby! May problema ba? Kanina pa ako dito dumadaldal, hindi ka man lang sumasagot." Reklamo niya bago ako tinabihan sa kama. Kakauwi lang niya galing sa opisisna dahil tambak daw ang kanyang gawain lalo pa't hindi pumunta ang kanyang ina. Kaya naman ang kaninang mga nasaksihan ko ay bigla na naman na sumagi sa isip ko."Uhm, Wesley...halimbawa namatay na ako and your age is already fifty at that time, mag-aasawa ka pa ba ulit?""Huh? Anong klaseng tanong 'yan? Paano kang mamamatay? Bakit, may sakit ka ba?" sunud-sunod niyang tanong saakin."Wa-wala. I'm just wondering lang naman kung may balak ka pa banag humanap ng iba at that age.""Tss, to be honest, wala na akong balak. Dahil ikaw lang ang nag-iisang babae na sineryoso at minahal ko ng totoo. At kahit ano pa ang mangyari, ikaw lang ang mamahalin
WALA na si Wesley sa aking tabi pag dilat ko kinabukasan. Muling sumagi sa isip ko ang pinagsaluhan namin kagabi. Kaya naman kahit medyo mabigat pa ang aking pakiramdam ay nakangiti pa rin akong bumangon.Lumabas ako ng silid at agad kong nasalubong si Aling Bebang."Good morning 'nay!" masiglang bati ko sa matanda."Wow! Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon ah. Kahapon lang ay hindi maipinta 'yang mukha mo pero ngayon kahat yata hindi ako marunong gumuhit ay kayang-kaya kong iguhit 'yan dahil sa tamis at lapad ng pagkakangiti mo.""Tss, 'nay naman! Pagbigyan mo na akong ngumiti. Ngayon lang 'to. Mamaya kapag nakita ko na naman si Mrs. Cordova ay paniguradong burado na agad ang ngiti kong 'to." "Sus, bumaba ka na diyan at baka magkita pa kayo dito ng biyenan mo. Nariyan pa iyon sa silid niya kasama 'yong lalaki." Biglang humina na ang tinig ni Aling Bebang nang banggitin niya iyon. Kaya naman pabulong akong nagtanong sa kanya."Alam ba ni Wesley na nariyan-""Hindi. Pinakiusapan
NANG sumunod na buwan ay hindi ko inaasahan ang naghihintay saakin na kamalasan.Ngayon ay naka-schedule ang check up ko sa aking private OB Gyne. Wesley insisted to accompany mo. Pero bigla na naman na nakialam ang hilaw kong biyenan."Baby, sasamahan na kita sa check up mo ngayon." Ani Wesley habang magkaharap kami sa hapagkainan.Kaagad akong huminto sa pagsubo ng pagkain at nakangiti akong tumingin sa kanya. "Thank you. Pero sure ka ba diyan? Marami ka pang gagawin sa opisina.""Yeah, I know. Pero gusto kong bumawi. Palagi ka na lang akong hindi sumasama tuwig check up mo." Giit pa niya."Tss, okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman na busy ka.""Hmm...thank you for-"Hindi na naituloy pa ni Wesley ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang sumulpot ang kanyang ina."Wesley, have you recieve an email from Mr. Tolentino?" Ani Mrs. Cordova."Uhm, not yet mom. Why?""Then, kindly check your phone now. I thought he wants you to attend the inagauration of his new branch." d
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Wesley. Dalawang araw na ang lumipas simula ng pagtalunan namin ang patungkol sa mga larawan na ibinigay ng kanyang ina. Ngayon ay naririto ako sa isang parke kung saan ay napagkasunduan namin ni Cindy na magkita. Halos dalawampung minuto na akong naghihintay sa kanya ngunit hindi pa rin siya dumarating.Naupo muna ako sa isang bench at inabala ko muna ang aking sarili nang sa gayo'n ay hindi ako mainip. Kinuha ko ang aking cellphone at earphone. Kapagkuwa'y nakinig muna ako sa mga kanta ni Dua lipa. Hindi ako nakuntento sa pakikinig lang kaya't mas pinili kong sa youtube na lang nang sa gayo'n ay mapanood ko rin ang kanyang music video. Pakiwari ko kasi ay nari-relax ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang kanyang mga kanta.Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong may biglang umupo sa aking tabi. Subalit binalewala ko lamang iyon. Dahil ang buong atensiyon ko ay naroon sa aking pinapanood at pinapakinggan. Palagay r
HINDI ko maiwasan ang mapangiti habang sumisimsim ako ng kape sa may veranda. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang aking anak na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan habang nakikipaglaro sa mga bata.Umaalingawngaw din sa buong paligid ang malutong nitong halakhak na wari'y nagpapaalala saakin kay Kiera. I missed her so much! Pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na kailanma'y hindi na siya namin maaaring mayakap pa at mahagkan. Tanging ang mga magagandang ala-ala niya na lamang ang magsisilbing lakas at pag-asa namin sa bawat hamon ng buhay na aming haharapin.Akmang sisimsim akong muli ng kape nang may biglang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon ng makita kong si Nay Bebang iyon."Batid kong masayang-masaya na ngayon si Kiera kung saan man siya naroroon." Anang matanda.Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Tama ka 'nay at batid ko rin na palagi niya kaming babantayan at gagabayan sa lahat ng oras.""You deserve this kind of happ
NANG ma-discharge ang anak ko ay agad kaming nag-usap ni Kiana. Gusto kong makumpirma mula sa kanya ang totoong mga nangyari lalo na kay Kiera."Saan ba talaga tayo pupunta? Palabas na 'to ng Manila eh." reklamo ko habang patuloy na nagmamaneho."Magmaneho ka lang. Mag-uusap tayo kapag nakarating na tayo sa probinsiya." Ani Kiana na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone."What? Bakit hindi mo sinabi na sa probinsiya pala tayo pupunta? At saka, kailangan ba talaga na doon tayo mag-usap at-""Huwag ka ng magreklamo. May sariling kotse ka naman kaya mabilis lang tayong makakarating sa'min." Giit pa niya na naroon pa rin ang atensiyon sa kanyang cellphone."Tss, wala naman problema sa'kin kahit saan pa tayo pumunta. Ang inaalala ko ay si Wynona. Baka ma-""Don't mind her. Sanay 'yan sa pagod at hirap."Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y nilingon ko siya sa backseat na kanina pang nahihimbing ng tulog habang yakap ang kanyang lumang unan.Halos kalahating araw kami na
TATLONG araw na ang nakalipas simula ng masalinan ng dugo ang anak ko. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Tatlong araw na rin akong nagbabantay dito sa hospital ngunit hindi man lang pumupunta si Kiera. Gustong-gusto ko ng makausap si Kiana ngunit makikipag-usap lamang daw siya saakin kapag na-discharge na si Wynona."Anak, please lang...gumising ka na. Marami pa tayong kailangan'g gawin at pag-usapan. Gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit." Malungkot na pagkausap ko sa kanya habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Pangako, aayusin ko ang pamilya natin kapag-"Naudlot ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Aling Bebang ang rumihestro sa screen.Kaagad ko iyon na sinagot at nagulat ako nang mapansin kong tila natataranta ang tinig nito. "Nay, what's going on?""Kailan ka ba uuwi? Kailangan natin'g mag-usap." Aniya sa kabilang linya."Tss, nay alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pa
DALAWANG beses sa isang araw kong pinupuntahan ang coffee shop na iyon, baka sakaling bumalik ang batang babae at makausap kong muli. Subalit mag-iisang linggo na akong pabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tila nawalan na naman tuloy ako ng pag-asa. Kaya naman ay bagsak ang balikat na nagmaneho ako pabalik ng opisina. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng coffee shop ay naipit na agada ko ng matinding trapik. Naiinis na napamura ako at napasandal na lamang sa upuan ng aking kotse. Kaya lang ay biglang nakaagaw ng pansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa labas. Na-curious ako at naisipan kong ibaba ang salamin'g bintana ng aking kotse."Excuse me, Miss...what's going on here?""Uhm, sir may batang babae na nasagasaan kaya nagkakagulo ang mga tao at kaya rin biglang nagkatrapik." Anang ginang na nagmamadali rin'g makiusyuso.Sa narinig ko ay tila may sariling isip ang aking mga paa. Mabilis rin akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ko ang mga nagku
six years later...Wesley's POV TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan."Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan. Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan."What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya."Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae."Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.Napamaang ako sa kanyang tinuran kay
UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin."Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?""Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah.""Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan
KINABUKASAN ay tinatamad akong bumangon sa higaan. Napilitan lamang ako nang bigla na lang pumasok sa aking silid si mommy at nagsimula na naman na magsermon."Wesley, bumangon ka na nga diyan! Huwag mong sirain ang buhay mo nang dahil lang sa Kiera na 'yon!"Nang marinig ko ang pangalan ni Kiera ay padabog akong umalis sa kama."Pwede ba, lumabas ka na nga, mom! Kay aga mo manermon eh! Hindi naman na ako ten years old para gisingin at sermunan mo ng ganyan!" reklamo ko na naroon pa rin ang iritasyon sa akimg tinig."Kung ayaw mong sermunan ka...pwes, magpakatino ka!""Wow! Coming from you, mom! How about this? Matino ba 'yan?" pang-iinsulto ko sa kanya at ibinato ko sa kama ang aking cellphone habang naka-play ang voice record nila ni Tito Alfred."What the hell is this?" pagmaang-maangan niya.Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay walang pasabi na iniwanan ko na lang siya sa loob ng guest room na 'yon."Wesley! Sandali!" pahabol na sigaw pa ng aking ina ngunit sinadya kong
INUMAGA na ako ng uwi sa mansiyon. Gaya ng dati ay nakaabang na naman si mommy sa pagdating ko. Nakahiga ito sa couch na naroon sa sala. Nakapikit ang mata niya kaya't buong akala ko ay mahimbing siyang natutulog. Maingat akong naglakad nang sa gayo'n ay hindi ako makalikha ng ingay. Subalit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay agad na siyang nagsalita."Where have you been?" sita niya saakin dahilan upang mapahinto ako sa paghakbang."Sa bahay ni Iñigo.""Liar! Tinawagan ko kanina ang kaibigan mo at sinabi niya saakin na maaga ka pang umalis sa opisina niya.""Tss! Mom matanda na ako. Hindi mo na kailangan pang alamin ang bawat ikinikilos ko.""How dare you to talk to me like that, Wesley? Look, umaga ka ng umuwi! Alas singko na ng umaga oh! Tapos ano, hindi ka na naman pupunta sa kompanya? Papabayaan mo na naman ang kompanya ntain? Paano pa ang-""Enough, mom! Puro na lang pera ang nasa isip mo. Ang totoo ay wala ka naman talaga'ng pakialam saakin eh. Kompanya at pera l
PAGKAGALING ko sa office ni Iñigo ay dumiretso ako sa night club ni Roxy. Gusto kong magsaya at pansamantalang makalimot. Miss na miss ko na si Kiera at wala akong maisip na paraan ngayon kundi ang aliwin muna ang aking sarili.Dumiretso ako sa counter nang makita kong naroroon ang kaibigan ko."Hey!" bati ko sa kanya ngunit hindi niya man lang ako pinansin. Abala siya sa kanyang cellphone.Kaya naman sinenyasan ko ang bartender na tawagin ang boss niya."F*** you, Cordova! Ano na naman ang ginagawa mo dito? Halos one year ka ng huminto sa panggugulo sa club ko tapos heto at may balak ka na naman yata ah!""Tss, what kind of approach is that? Ang harsh mo naman sa kaibigan mo!" reklamo ko."C'mon! Totoo naman ang sinasabi ko ah. At saka, ba't ka ba nandito? Nasaan na 'yong alaga ko na tinangay at binuntis mo?""Iniwan niya na ako.""Oh, kaya naman pala eh. So, ano naman ang pwede kong-""Bigyan mo 'ko ng bago mo diyan!""Tss, hayan ka na naman. Feeling VIP kung makapag-demand