UMAGA na ng umuwi ako sa aming mansiyon. Kaya naman gaya ng dati, ang aking ina ang unang bumungad sa'kin matapos kong mag-doorbell."Where have you been?" gigil na tanong ni mommy."Good morning mom!" nakangiting pagbati ko matapos kong humalik sa kanyang pisngi. ''Galing ako kina Franco." Sagot ko bago ko pa man siya nilampasan."Huwag mo akong gaguhin Wesley!" Magkakrus ang mga braso na wika ng aking ina."Mom, I am telling you the truth! Hindi ba't ang paalam ko sa'yo kagabi ay dadalawin ko si Angela?""Really? Kakauwi ko lang dito sa mansiyon tapos ganyan na kaagad ang ginagawa mo! Nagsisimula ka na naman ng kabastarduhan mo!" sermon pa nito saakin."Mom, kumalma ka nga! Ang aga-aga eh high blood ka na naman!" Napakamot pa ako saaking ulo. "Galing nga ako kina Franco! Kita mo naman oh, hindi ako lasing at hindi rin ako amoy babae." Pangangatwiran ko pa at bahagya ko pa nga'ng inamoy ang suot kong damit."Siguraduhin mo lang na wala kang ginagawa'ng kalokohan dahi
DALAWA'NG buwan ang matulin'g lumipas. At kagaya ng napag-usapan namin ni Kiera ay wala muna'ng dapat na makakaalam sa relasyon namin maliban kay Cindy. Kaya naman palihim pa rin kami kung magkita at mag-date."Oh, ba't nakasimangot ka? Hindi ka ba masaya na dinalaw kita?'' tanong ko isang umaga'ng dumalaw ako kay Kiera.Nakapangalumbaba kasi ito sa mesa habang nakaharap saakin at tila wala sa sariling nakatitig lang sa mga pagkain'g dala ko.''Masaya." Walang buhay niyang tugon."Baby, ayos ka lang ba? May sakit ka ba?" usisa ko pa. Nilapitan ko ito at sinalat ang noo ngunit hindi naman pala ito mainit."Wala akong sakit. Medyo nahihilo lang ako kaya matamlay ako ngayon." Ani Kiera."Huh? Bakit ka nahihilo? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Nalipasan ka ba ng gutom or-""Okay lang ako Wesley. Huwag mo akong alalahanin. Paniguradong mamaya ay mawawala rin ito.""Sigurado ka ba? Magpa-check up na lang kaya tayo para masiguro natin na okay ka lang." Nag-aalalang suhestiyo
TAHIMIK lang sa buong biyahe si Kiera. Maging ako man ay tila umurong din ang dila matapos ang nangyari kanina sa restaurant. Ngunit nang tuluyan na kaming makarating sa bahay nila ay napilitan din akong kausapin siya." Baby, i'm sorry. Pangako , kakausapin ko si mommy tungkol sa relasyon natin.'' sambit ko matapos alalayan sa pagbaba ang aking kasintahan.''Dapat kasi hindi na lang tayo lumabas eh!'' puno ng iritasyon at pagsisisi sa tinig ni Kiera.''Yeah, i know it's all my fault. That's why I am apologizing to you, baby.'' Puno ng pagsusumamo sa aking tinig."Sige na, umuwi ka na. Baka sugurin pa ako ng mommy mo rito sa oras na malaman niyang dito ka dumiretso.''Pagtataboy niya saakin."Tss, Kiera I know it's hard for you na unawain ang nangyari kanina. Please, bigyan mo 'ko ng kaunting panahon para ayusin 'to.'' Dagdag ko pa."Hindi 'yan ang gusto kong marinig Wesley.''''Huh? W-what do you mean?'' naguguluhang usisa ko.''Gusto kong marinig mula sa bibig mo na kahit an
TULUYAN na nga kami'ng nagsama ni Kiera. Sa katunayan ay isang linggo na kami'ng naninirahan sa bahay na inuukopa nila ni Cindy. Mas pinili ko na lang ang lumayo sa aking ina kahit pa nga naghihikahos kami ngayon. Ang importante ay makasama ko lang ang babaeng pinakamamahal ko."Baby." Ani Kiera isang umaga habang nag-aalmusal kami."Hmm?""Hindi ka ba nagsisisi na pinili mo ako?" bigla ay tanong niya saakin."Huh? Syempre hindi. Bakit naman ako magsisisi? Mahal kita kaya kahit anong mangyari ikaw pa rin ang laging pipiliin ko.""Hindi mo ba nami-miss ang mommy mo?"patuloy na usisa pa niya."Syempre nami-miss ko rin."Aniya na sinundan pa ng pagbuntonghininga. "Pero wala akong magagawa kung mas gusto niyang kasama ang pera namin kaysa sa'kin na anak niya."Tumayo si Kiera at nilapitan ako. Pagkatapos ay mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran. "Salamat dahil ako pa rin ang pinili mo kahit alam mong mahirap para sa'yo ang gan'tong buhay.""Baby, walang mahirap
NAPABALIKWAS ako sa higaan dahil sa naramdaman kong may sunud-sunod na yumuyugyog sa aking balikat. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at naiinis na nagreklamo ako nang makita kong si Kiera pala iyon."Ano ba 'yon? Natutulog pa ako eh.""Bumangon ka na nga diyan! Ang dami niyong kalat sa sala!" aniya habang pilit na hinihila ang aking kumot."Mamaya na 'yon!" reklamo ko at muli kong ipinikit ang aking mga mata."Ano ba, Wesley? Babangon ka ba diyan o ibabato ko sa'yo 'yong mga bote ng beer na nagkalat do'n?""Oo na! Babangon na! Ba't ba kasi ang aga mo naman yatan'g nagising!''"Palagi naman akong maaga gumising ah. May nakakapagtaka ba do'n?'' pabalang na sagot niya saakin.'' Tss...ito naman kay aga-aga highblood agad. Kumalma ka nga! Alam mo bang nakakapangit ng mukha kapag palaging galit?" natatawang sambit ko dahilan upang mas lalo lamang siyang magalit saakin."Naku, ang dami mong satsat, Wesley. Bumangon ka na nga diyan!''asik ko sa kanya.''Bab
TILA wala ako sa aking sarili habang tinatahak ko ang pasilyo papasok sa aming mansiyon.Magulo ang isipan ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko lubos maisip na niloloko lang pala ako ni Kiera. "Parang may mali eh!" Hindi maiwasan'g maisigaw ko 'yon. Kaya naman napalingon sa'kin si 'Nay Bebang na abala sa pagwawalis ng paligid."Wesley!" Bulalas ng matanda at patakbo akong nilapitan. ''Diyos ko po, mabuti naman at bumalik kana! Na-miss na kita anak!" Maluha-luhang sambit ng matanda at bigla akong niyakap. Ginantihan ko rin ito ng yakap lalo pa't kahit pasaway ako ay hindi ito nagsasawang unawain ako. Mabuti pa nga ito at nakakausap ko ng matino kumpara saaking ina... kahit pa nga palagi rin niya akong pinapagsasabihan sa mga mali kong desisyon sa buhay."Na-miss rin kita 'nay. Nariyan ba si mommy?""Wala siya dito iho. Pero baka bumalik rin kaagad 'yon. Dinig ko kanina na may kausap siya sa telepono at parang may bisita siyang darating ngayon'g araw na it
MADALING araw na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko mawari kung naninibago lang ba ako sa mansiyon o sadyang magulo lang ang aking isipan. Kanina pa akong pabiling-biling sa kama, kaya't naisip kong lumabas na lang ng silid at sa may terrace na lang ako magmumuni-muni.Maingat akong bumaba ng hagdan. Hindi na rin binuksan ang ilaw dahil naaaninag ko naman ang tamang daanan. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa may sala ay may naririnig na akong ungol at paghalinghing ng isang babae."Oh...Ah! Sige pa!'' Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang couch na naroon sa sala. Buong akala ko ay nagkakamali lamang ako ng pandinig. Subalit nang tuluyan na akong makalapit ay gayo'n na lamang ang aking pagkamangha saaking nakita. '' Ah...ang sarap no'n Alfred! Please...do it again honey!''Kahit madilim ang paligid ay hinding-hindi ako maaaring magkamali sa aking nakikita. Siguradong-sigurado ako na ang aking ina at ang ama ni Mara na si Alfred ang naroon at nagtatalik. At sa bawat
GABI na nang bumalik ako sa mansiyon. Nagulat pa ako nang maabutan ko ang aking ina na naroon sa sala, nakaupo sa couch at tila hinihintay ang pagdating ko."Where have you been?" kaagad na tanong niya saakin."Hindi mo na kailangan pang malaman mom." Pabalang na sagot ko."Wesley, ayoko na gan'to na lang tayo araw-araw. Gusto kong ibalik 'yong dating samahan natin bilang mag-ina." Puno ng pagsusumamo sa kanyang tinig."Huwag ka ng umasang mangyayari pa 'yon mom! Aakyat na ako, kailangan ko ng magpahinga!" naiiritang sambit ko."Sandali! Ano bang puwede kong gawin para mapatawad mo ako, anak?" muli ay tanong niya."Tanggapin mo si Kiera at hayaan mo siyang manirahan dito sa mansiyon!" seryoso kong tugon."What? Wa-wala bang ibang paraan, huh Wesley?""That's the only way mom! Kapag nangyari 'yan, kakalimutan ko na ang lahat ng kasalanan at panloloko mo saamin'g lahat." Puno ng penalidad sa aking tinig bago ko pa iniwan ang aking ina.Nakasimangot na tinungo ko ang aking silid at basta
HINDI ko maiwasan ang mapangiti habang sumisimsim ako ng kape sa may veranda. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang aking anak na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan habang nakikipaglaro sa mga bata.Umaalingawngaw din sa buong paligid ang malutong nitong halakhak na wari'y nagpapaalala saakin kay Kiera. I missed her so much! Pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na kailanma'y hindi na siya namin maaaring mayakap pa at mahagkan. Tanging ang mga magagandang ala-ala niya na lamang ang magsisilbing lakas at pag-asa namin sa bawat hamon ng buhay na aming haharapin.Akmang sisimsim akong muli ng kape nang may biglang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon ng makita kong si Nay Bebang iyon."Batid kong masayang-masaya na ngayon si Kiera kung saan man siya naroroon." Anang matanda.Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Tama ka 'nay at batid ko rin na palagi niya kaming babantayan at gagabayan sa lahat ng oras.""You deserve this kind of happ
NANG ma-discharge ang anak ko ay agad kaming nag-usap ni Kiana. Gusto kong makumpirma mula sa kanya ang totoong mga nangyari lalo na kay Kiera."Saan ba talaga tayo pupunta? Palabas na 'to ng Manila eh." reklamo ko habang patuloy na nagmamaneho."Magmaneho ka lang. Mag-uusap tayo kapag nakarating na tayo sa probinsiya." Ani Kiana na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone."What? Bakit hindi mo sinabi na sa probinsiya pala tayo pupunta? At saka, kailangan ba talaga na doon tayo mag-usap at-""Huwag ka ng magreklamo. May sariling kotse ka naman kaya mabilis lang tayong makakarating sa'min." Giit pa niya na naroon pa rin ang atensiyon sa kanyang cellphone."Tss, wala naman problema sa'kin kahit saan pa tayo pumunta. Ang inaalala ko ay si Wynona. Baka ma-""Don't mind her. Sanay 'yan sa pagod at hirap."Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y nilingon ko siya sa backseat na kanina pang nahihimbing ng tulog habang yakap ang kanyang lumang unan.Halos kalahating araw kami na
TATLONG araw na ang nakalipas simula ng masalinan ng dugo ang anak ko. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Tatlong araw na rin akong nagbabantay dito sa hospital ngunit hindi man lang pumupunta si Kiera. Gustong-gusto ko ng makausap si Kiana ngunit makikipag-usap lamang daw siya saakin kapag na-discharge na si Wynona."Anak, please lang...gumising ka na. Marami pa tayong kailangan'g gawin at pag-usapan. Gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit." Malungkot na pagkausap ko sa kanya habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Pangako, aayusin ko ang pamilya natin kapag-"Naudlot ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Aling Bebang ang rumihestro sa screen.Kaagad ko iyon na sinagot at nagulat ako nang mapansin kong tila natataranta ang tinig nito. "Nay, what's going on?""Kailan ka ba uuwi? Kailangan natin'g mag-usap." Aniya sa kabilang linya."Tss, nay alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pa
DALAWANG beses sa isang araw kong pinupuntahan ang coffee shop na iyon, baka sakaling bumalik ang batang babae at makausap kong muli. Subalit mag-iisang linggo na akong pabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tila nawalan na naman tuloy ako ng pag-asa. Kaya naman ay bagsak ang balikat na nagmaneho ako pabalik ng opisina. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng coffee shop ay naipit na agada ko ng matinding trapik. Naiinis na napamura ako at napasandal na lamang sa upuan ng aking kotse. Kaya lang ay biglang nakaagaw ng pansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa labas. Na-curious ako at naisipan kong ibaba ang salamin'g bintana ng aking kotse."Excuse me, Miss...what's going on here?""Uhm, sir may batang babae na nasagasaan kaya nagkakagulo ang mga tao at kaya rin biglang nagkatrapik." Anang ginang na nagmamadali rin'g makiusyuso.Sa narinig ko ay tila may sariling isip ang aking mga paa. Mabilis rin akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ko ang mga nagku
six years later...Wesley's POV TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan."Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan. Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan."What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya."Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae."Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.Napamaang ako sa kanyang tinuran kay
UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin."Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?""Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah.""Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan
KINABUKASAN ay tinatamad akong bumangon sa higaan. Napilitan lamang ako nang bigla na lang pumasok sa aking silid si mommy at nagsimula na naman na magsermon."Wesley, bumangon ka na nga diyan! Huwag mong sirain ang buhay mo nang dahil lang sa Kiera na 'yon!"Nang marinig ko ang pangalan ni Kiera ay padabog akong umalis sa kama."Pwede ba, lumabas ka na nga, mom! Kay aga mo manermon eh! Hindi naman na ako ten years old para gisingin at sermunan mo ng ganyan!" reklamo ko na naroon pa rin ang iritasyon sa akimg tinig."Kung ayaw mong sermunan ka...pwes, magpakatino ka!""Wow! Coming from you, mom! How about this? Matino ba 'yan?" pang-iinsulto ko sa kanya at ibinato ko sa kama ang aking cellphone habang naka-play ang voice record nila ni Tito Alfred."What the hell is this?" pagmaang-maangan niya.Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay walang pasabi na iniwanan ko na lang siya sa loob ng guest room na 'yon."Wesley! Sandali!" pahabol na sigaw pa ng aking ina ngunit sinadya kong
INUMAGA na ako ng uwi sa mansiyon. Gaya ng dati ay nakaabang na naman si mommy sa pagdating ko. Nakahiga ito sa couch na naroon sa sala. Nakapikit ang mata niya kaya't buong akala ko ay mahimbing siyang natutulog. Maingat akong naglakad nang sa gayo'n ay hindi ako makalikha ng ingay. Subalit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay agad na siyang nagsalita."Where have you been?" sita niya saakin dahilan upang mapahinto ako sa paghakbang."Sa bahay ni Iñigo.""Liar! Tinawagan ko kanina ang kaibigan mo at sinabi niya saakin na maaga ka pang umalis sa opisina niya.""Tss! Mom matanda na ako. Hindi mo na kailangan pang alamin ang bawat ikinikilos ko.""How dare you to talk to me like that, Wesley? Look, umaga ka ng umuwi! Alas singko na ng umaga oh! Tapos ano, hindi ka na naman pupunta sa kompanya? Papabayaan mo na naman ang kompanya ntain? Paano pa ang-""Enough, mom! Puro na lang pera ang nasa isip mo. Ang totoo ay wala ka naman talaga'ng pakialam saakin eh. Kompanya at pera l
PAGKAGALING ko sa office ni Iñigo ay dumiretso ako sa night club ni Roxy. Gusto kong magsaya at pansamantalang makalimot. Miss na miss ko na si Kiera at wala akong maisip na paraan ngayon kundi ang aliwin muna ang aking sarili.Dumiretso ako sa counter nang makita kong naroroon ang kaibigan ko."Hey!" bati ko sa kanya ngunit hindi niya man lang ako pinansin. Abala siya sa kanyang cellphone.Kaya naman sinenyasan ko ang bartender na tawagin ang boss niya."F*** you, Cordova! Ano na naman ang ginagawa mo dito? Halos one year ka ng huminto sa panggugulo sa club ko tapos heto at may balak ka na naman yata ah!""Tss, what kind of approach is that? Ang harsh mo naman sa kaibigan mo!" reklamo ko."C'mon! Totoo naman ang sinasabi ko ah. At saka, ba't ka ba nandito? Nasaan na 'yong alaga ko na tinangay at binuntis mo?""Iniwan niya na ako.""Oh, kaya naman pala eh. So, ano naman ang pwede kong-""Bigyan mo 'ko ng bago mo diyan!""Tss, hayan ka na naman. Feeling VIP kung makapag-demand