TILA wala ako sa aking sarili habang tinatahak ko ang pasilyo papasok sa aming mansiyon.Magulo ang isipan ko nang mga sandaling iyon. Hindi ko lubos maisip na niloloko lang pala ako ni Kiera. "Parang may mali eh!" Hindi maiwasan'g maisigaw ko 'yon. Kaya naman napalingon sa'kin si 'Nay Bebang na abala sa pagwawalis ng paligid."Wesley!" Bulalas ng matanda at patakbo akong nilapitan. ''Diyos ko po, mabuti naman at bumalik kana! Na-miss na kita anak!" Maluha-luhang sambit ng matanda at bigla akong niyakap. Ginantihan ko rin ito ng yakap lalo pa't kahit pasaway ako ay hindi ito nagsasawang unawain ako. Mabuti pa nga ito at nakakausap ko ng matino kumpara saaking ina... kahit pa nga palagi rin niya akong pinapagsasabihan sa mga mali kong desisyon sa buhay."Na-miss rin kita 'nay. Nariyan ba si mommy?""Wala siya dito iho. Pero baka bumalik rin kaagad 'yon. Dinig ko kanina na may kausap siya sa telepono at parang may bisita siyang darating ngayon'g araw na it
MADALING araw na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko mawari kung naninibago lang ba ako sa mansiyon o sadyang magulo lang ang aking isipan. Kanina pa akong pabiling-biling sa kama, kaya't naisip kong lumabas na lang ng silid at sa may terrace na lang ako magmumuni-muni.Maingat akong bumaba ng hagdan. Hindi na rin binuksan ang ilaw dahil naaaninag ko naman ang tamang daanan. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa may sala ay may naririnig na akong ungol at paghalinghing ng isang babae."Oh...Ah! Sige pa!'' Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang couch na naroon sa sala. Buong akala ko ay nagkakamali lamang ako ng pandinig. Subalit nang tuluyan na akong makalapit ay gayo'n na lamang ang aking pagkamangha saaking nakita. '' Ah...ang sarap no'n Alfred! Please...do it again honey!''Kahit madilim ang paligid ay hinding-hindi ako maaaring magkamali sa aking nakikita. Siguradong-sigurado ako na ang aking ina at ang ama ni Mara na si Alfred ang naroon at nagtatalik. At sa bawat
GABI na nang bumalik ako sa mansiyon. Nagulat pa ako nang maabutan ko ang aking ina na naroon sa sala, nakaupo sa couch at tila hinihintay ang pagdating ko."Where have you been?" kaagad na tanong niya saakin."Hindi mo na kailangan pang malaman mom." Pabalang na sagot ko."Wesley, ayoko na gan'to na lang tayo araw-araw. Gusto kong ibalik 'yong dating samahan natin bilang mag-ina." Puno ng pagsusumamo sa kanyang tinig."Huwag ka ng umasang mangyayari pa 'yon mom! Aakyat na ako, kailangan ko ng magpahinga!" naiiritang sambit ko."Sandali! Ano bang puwede kong gawin para mapatawad mo ako, anak?" muli ay tanong niya."Tanggapin mo si Kiera at hayaan mo siyang manirahan dito sa mansiyon!" seryoso kong tugon."What? Wa-wala bang ibang paraan, huh Wesley?""That's the only way mom! Kapag nangyari 'yan, kakalimutan ko na ang lahat ng kasalanan at panloloko mo saamin'g lahat." Puno ng penalidad sa aking tinig bago ko pa iniwan ang aking ina.Nakasimangot na tinungo ko ang aking silid at basta
KINABUKASAN ay tuluyan na nga'ng na-discharge si Kiera. Nagdalawang-isip pa nga ito kung sasama ba sa'kin sa mansiyon o hindi. Bandang huli'y napilitan din itong sumama."Wesley, natatakot ako sa mommy mo!" Aniya nang tuluyan na kaming makarating sa mansiyon."Relax, okay? Nandito naman ako hindi kita pababayaan. At saka napag-usapan na namin ni mom ang tungkol dito.""Kahit na. Iba pa rin ang-""Oh, nandito na pala kayo iho! Tamang-tama nagpaluto ako kay Bebang ng maraming pagkain." Nakangiting wika ng aking ina. Medyo nagulat rin ako dahil hindi ko inaasahan'g ito ang magbubukas sa amin ng pintuan at napansin kong ang tamis ng pagkakangiti nito kay Kiera."Ma-magandang u-umaga po Mrs. Cordova." Naiilang na bati ni Kiera sa aking ina.Kapagkuwa'y nakipagbeso pa sa kanya si mommy na siyang mas lalong ikinagulat ko pa. "By the way, gaya nga ng sinabi ko sa'yo...dito na nga maninirahan si Kiera." Pag-uulit ko sa napagkasunduan namin ni mommy.."Yeah, sure. No pr
Kiera's POV ISANG linggo na ang nakalipas mula ng manirahan ako sa mansiyon ng mga Cordova. Sa mga naunang araw ay kay gaan pa sa pakiramdam lalo pa't naroon si Wesley sa tabi ko nakaalalay palagi. Subalit ngayon ay talaga'ng nanibago ako dahil bumalik na ulit siya sa pag-aasikaso ng kanilang kompanya.Buong maghapon ay hindi ko na mabilang kung ilang beses akong sumulyap sa aking cellphone. Simula kasi kaninang umaga ay hindi man lang ako naalala ni Wesley. Wala man lng ni kapirasong mensahe mula sa kanya. Ilang beses na rin akong napabuntonghiniga. At hindi nga iyon nakaligtas kay Aling Bebang.""Uy, Kiera ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan bumubuntonghininga. May problema ba?""Uhm, wa-wala naman po 'nay. Hi-hinihintay ko lang po si Wesley na mag-message.""Naku! Kaya naman pala eh. Marahil ay na'busy iyon sa opisina lalo pa't hindi pumuta do'n ang kanyang ina."Hmm...siguro nga po.""Sige na, maiwan muna kita dito huh. Magahhain na ako ng ating hapun
ILANG araw na akong balisa. Maging si Wesley ay napapansin na rin ang biglaan kong pagbabago."Hey, are you okay?'' untag niya sa'kin isang umaga habang nag-aalmusal si Wesley. Nauuna itong mag-almusal kaya't madalas ay si Aling Bebang ang kasabay kong kumain sa umaga.Kung hindi pa nga ito kumaway-kaway sa mismong pagmumukha ko ay hindi ko ito mapapansin."Huh? Ah...oo, okay lang ako.'' pagsisinungaling ko.''Kanina pa kita kinakausap pero hindi mo 'ko sinasagot.'' Dagdag pa ni Wealey na tila ba may pagmamaktol sa tinig. ''Ang aga pa eh ang lalim na ng iniisip mo. May problema ba?'' pangungulit pa niya.''Wa-wala. Na-naisip ko lang sina nanay at tatay.'' Palusot ko na agad naman'g pinaniwalaan ni Wesley.''Tss...huwag mo na silang masyadong isipin. Pinadalhan ko sila ng pera kahapon. Kaya nga ginabi na ako ng uwi dahil nakipagkita ako sa kapatid mo para iabot ko 'yong pera.''''Sa-salamat Wesley.'' Garalgal ang tinig na sambit ko.''Wala 'yon. Payakap nga ako sa baby ko na masy
TANGHALI na nang magising ako kinabukasan. Kaya naman dali-dali akong bumangon nang maalala ko si Wesley. Bigla akong nakaramdam ng lungkot matapos kong maalala na hindi man lang niya ako ginising bago siya umalis. Nakasimangot na lumabas ako ng silid. Subalit nang maamoy ko ang mabango'ng niluluto ni 'Nay Bebang ay nagmadali akong magtungo sa kusina. Kaya lang ay laking gulat ko ng si Wesley ang naabutan ko roon na nagluluto.Napatakip ako saakin'g bibig. Kapagkuwa'y balak ko sana'ng umalis at bumalik na lang aming silid ngunit nakita niya na pala ako. Kaya naman naudlot ang paghakbang ko nang bigla niya akong tawagin."Hey, baby! Wala man lang ba diyan kahit good morning kiss? Para naman mas ganahan akong magluto rito." Nanunudyong sambit ni Wesley."We-Wesley, a-akala ko kasi ay umalis ka na.""Huh? Saan naman ako pupunta? Linggo ngayon di'ba?" Aniya."Sorry, nakalimutan ko ang araw. Akala ko kasi ay nasa office ka na kaya't-"Hindi niya na ako pinatapos sa pag
KINABUKASAN ay magkapanabay kami ni Wesley na lumabas ng silid. Kaya naman kunot noong napatingin sa'min si Mrs. Cordova."Wow! Mukhang may lakad yata kayong dalawa ah!" sita niya sa'min kaya naman si Wesley na mismo ang sumagot sa kanyang ina."Uhm...mom, schedule kasi ngayon ng check up ni Kiera kaya, naisip kong samahan muna siya.""So, hindi ka papasok ngayon sa opisina? Eh, how about your meeting with Mr. Takashi? Bawal ire-schedule 'yon dahil kailangan niyang bumalik agad sa Japan.""Uhm, mom baka naman puwedeng ikaw na lang muna ang makipag-usap kay Mr. Takashi.""Hmm...gan'to na lang Wesley, tutal eh magpapa-check up lang naman si Kiera...mabuti pa siguro ay ako na lang ang sasama sa kanya para naman makapamasyal pa kami at mas makapag-bonding kami. Suhestiyon ng hilaw kong biyenan na agad naman'g sinang-ayunan ni Wesley."Well, that's a good idea mom!" nakangiting gilalas niya. Kapagkuwa'y binalingan niya ako. ''Hmm..what do you think baby?" "Huh? Ah, oo.
HINDI ko maiwasan ang mapangiti habang sumisimsim ako ng kape sa may veranda. Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang aking anak na bakas sa mukha ang labis na kasiyahan habang nakikipaglaro sa mga bata.Umaalingawngaw din sa buong paligid ang malutong nitong halakhak na wari'y nagpapaalala saakin kay Kiera. I missed her so much! Pero wala akong magagawa kundi tanggapin na lamang ang katotohanan na kailanma'y hindi na siya namin maaaring mayakap pa at mahagkan. Tanging ang mga magagandang ala-ala niya na lamang ang magsisilbing lakas at pag-asa namin sa bawat hamon ng buhay na aming haharapin.Akmang sisimsim akong muli ng kape nang may biglang tumapik sa aking balikat. Dahan-dahan akong napalingon ng makita kong si Nay Bebang iyon."Batid kong masayang-masaya na ngayon si Kiera kung saan man siya naroroon." Anang matanda.Napangiti ako sa kanyang tinuran. "Tama ka 'nay at batid ko rin na palagi niya kaming babantayan at gagabayan sa lahat ng oras.""You deserve this kind of happ
NANG ma-discharge ang anak ko ay agad kaming nag-usap ni Kiana. Gusto kong makumpirma mula sa kanya ang totoong mga nangyari lalo na kay Kiera."Saan ba talaga tayo pupunta? Palabas na 'to ng Manila eh." reklamo ko habang patuloy na nagmamaneho."Magmaneho ka lang. Mag-uusap tayo kapag nakarating na tayo sa probinsiya." Ani Kiana na abala sa pagtipa sa kanyang cellphone."What? Bakit hindi mo sinabi na sa probinsiya pala tayo pupunta? At saka, kailangan ba talaga na doon tayo mag-usap at-""Huwag ka ng magreklamo. May sariling kotse ka naman kaya mabilis lang tayong makakarating sa'min." Giit pa niya na naroon pa rin ang atensiyon sa kanyang cellphone."Tss, wala naman problema sa'kin kahit saan pa tayo pumunta. Ang inaalala ko ay si Wynona. Baka ma-""Don't mind her. Sanay 'yan sa pagod at hirap."Napabuntonghininga na lamang ako. Kapagkuwa'y nilingon ko siya sa backseat na kanina pang nahihimbing ng tulog habang yakap ang kanyang lumang unan.Halos kalahating araw kami na
TATLONG araw na ang nakalipas simula ng masalinan ng dugo ang anak ko. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising. Tatlong araw na rin akong nagbabantay dito sa hospital ngunit hindi man lang pumupunta si Kiera. Gustong-gusto ko ng makausap si Kiana ngunit makikipag-usap lamang daw siya saakin kapag na-discharge na si Wynona."Anak, please lang...gumising ka na. Marami pa tayong kailangan'g gawin at pag-usapan. Gustong-gusto na kitang mayakap ng mahigpit." Malungkot na pagkausap ko sa kanya habang magkasalikop ang aming mga kamay. "Pangako, aayusin ko ang pamilya natin kapag-"Naudlot ang pagsasalita ko nang biglang tumunog ang aking cellphone at pangalan ni Aling Bebang ang rumihestro sa screen.Kaagad ko iyon na sinagot at nagulat ako nang mapansin kong tila natataranta ang tinig nito. "Nay, what's going on?""Kailan ka ba uuwi? Kailangan natin'g mag-usap." Aniya sa kabilang linya."Tss, nay alam mo naman ang dahilan kung bakit hindi pa
DALAWANG beses sa isang araw kong pinupuntahan ang coffee shop na iyon, baka sakaling bumalik ang batang babae at makausap kong muli. Subalit mag-iisang linggo na akong pabalik-balik doon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tila nawalan na naman tuloy ako ng pag-asa. Kaya naman ay bagsak ang balikat na nagmaneho ako pabalik ng opisina. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ng coffee shop ay naipit na agada ko ng matinding trapik. Naiinis na napamura ako at napasandal na lamang sa upuan ng aking kotse. Kaya lang ay biglang nakaagaw ng pansin ko ang mga taong nagtatakbuhan sa labas. Na-curious ako at naisipan kong ibaba ang salamin'g bintana ng aking kotse."Excuse me, Miss...what's going on here?""Uhm, sir may batang babae na nasagasaan kaya nagkakagulo ang mga tao at kaya rin biglang nagkatrapik." Anang ginang na nagmamadali rin'g makiusyuso.Sa narinig ko ay tila may sariling isip ang aking mga paa. Mabilis rin akong lumabas ng kotse at patakbong tinungo ko ang mga nagku
six years later...Wesley's POV TAHIMIK akong sumisimsim ng kape nang may isang batang babae na bigla na lang kumalabit saakin. Kaya't malakas akong napamura dahil muntik ko na sana'ng mabitawan ang tasa na kasalukuyan ko'ng tangan."Hala! Sabi po ng mama ko bad raw ang magmura!" Anang bata na sa tantiya ko ay anim na taon'g gulang pa lamang. Kahit madungis ito ay hindi maipagkakailang may taglay itong kagandahan. Makinis at maputi rin ang balat nito kahit pa mukhang basahan ang kanyang kasuotan."What the hell are you doing here poor li'l girl?" Singhal ko sa kanya."Bad nga sabi ang magmura eh!" giit pa nito habang nakatingala saakin.Gustong gusto ko ng tumayo at kausapin ang may-ari ng coffee shop na 'yon dahil pinapayagan nilang may makapasok na batang lansangan sa loob ng kanilang shop.Akmang tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin sa braso ng batang babae."Sandali lang po! Matagal na po kasi kitang hinahanap!" Aniya.Napamaang ako sa kanyang tinuran kay
UMUWI akong masama ang loob. Inumaga na ako sa paghihintay kay Isabel pero hindi man lang ito nagpakita saakin. Ngunit nang buksan ko na ang pintuan ng bahay ay mas lalo pa nga'ng nadagdagan ang sama ng loob ko.Ipinagdasal ko pa naman na sana ay wala sa sala si mommy. Ngunit hindi ko naman inaasahan na si Mara pala ang mabubungaran ko. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit saakin."Hey! Kanina pa kitang hinihintay! Pinag-alala mo 'ko Wesley. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo!" Aniya na binalewala ko lamang.Dumiretso ako sa couch. Umupo ako at tinanggal ko ang aking sapatos ngunit agad 'yon na inagaw ni Mara. "Ako na ang gagawa niyan para sa'yo. Hmm...saan ka ba talaga galing at inumaga ka na ng uwi?""Bakit ba ang dami mong tanong?" naiinis na tanong ko rin sa kanya,"Wow! Ba't ka ba nagkakaganyan? Concern lang naman ako sa'yo ah.""Hindi ko kailangan 'yon, Mara. Kaya ko na ang sarili ko. Kaya pwede ba, tigilan mo na 'yan dahil walang mabuting kahihinatnan
KINABUKASAN ay tinatamad akong bumangon sa higaan. Napilitan lamang ako nang bigla na lang pumasok sa aking silid si mommy at nagsimula na naman na magsermon."Wesley, bumangon ka na nga diyan! Huwag mong sirain ang buhay mo nang dahil lang sa Kiera na 'yon!"Nang marinig ko ang pangalan ni Kiera ay padabog akong umalis sa kama."Pwede ba, lumabas ka na nga, mom! Kay aga mo manermon eh! Hindi naman na ako ten years old para gisingin at sermunan mo ng ganyan!" reklamo ko na naroon pa rin ang iritasyon sa akimg tinig."Kung ayaw mong sermunan ka...pwes, magpakatino ka!""Wow! Coming from you, mom! How about this? Matino ba 'yan?" pang-iinsulto ko sa kanya at ibinato ko sa kama ang aking cellphone habang naka-play ang voice record nila ni Tito Alfred."What the hell is this?" pagmaang-maangan niya.Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay walang pasabi na iniwanan ko na lang siya sa loob ng guest room na 'yon."Wesley! Sandali!" pahabol na sigaw pa ng aking ina ngunit sinadya kong
INUMAGA na ako ng uwi sa mansiyon. Gaya ng dati ay nakaabang na naman si mommy sa pagdating ko. Nakahiga ito sa couch na naroon sa sala. Nakapikit ang mata niya kaya't buong akala ko ay mahimbing siyang natutulog. Maingat akong naglakad nang sa gayo'n ay hindi ako makalikha ng ingay. Subalit nakakadalawang hakbang pa lamang ako ay agad na siyang nagsalita."Where have you been?" sita niya saakin dahilan upang mapahinto ako sa paghakbang."Sa bahay ni Iñigo.""Liar! Tinawagan ko kanina ang kaibigan mo at sinabi niya saakin na maaga ka pang umalis sa opisina niya.""Tss! Mom matanda na ako. Hindi mo na kailangan pang alamin ang bawat ikinikilos ko.""How dare you to talk to me like that, Wesley? Look, umaga ka ng umuwi! Alas singko na ng umaga oh! Tapos ano, hindi ka na naman pupunta sa kompanya? Papabayaan mo na naman ang kompanya ntain? Paano pa ang-""Enough, mom! Puro na lang pera ang nasa isip mo. Ang totoo ay wala ka naman talaga'ng pakialam saakin eh. Kompanya at pera l
PAGKAGALING ko sa office ni Iñigo ay dumiretso ako sa night club ni Roxy. Gusto kong magsaya at pansamantalang makalimot. Miss na miss ko na si Kiera at wala akong maisip na paraan ngayon kundi ang aliwin muna ang aking sarili.Dumiretso ako sa counter nang makita kong naroroon ang kaibigan ko."Hey!" bati ko sa kanya ngunit hindi niya man lang ako pinansin. Abala siya sa kanyang cellphone.Kaya naman sinenyasan ko ang bartender na tawagin ang boss niya."F*** you, Cordova! Ano na naman ang ginagawa mo dito? Halos one year ka ng huminto sa panggugulo sa club ko tapos heto at may balak ka na naman yata ah!""Tss, what kind of approach is that? Ang harsh mo naman sa kaibigan mo!" reklamo ko."C'mon! Totoo naman ang sinasabi ko ah. At saka, ba't ka ba nandito? Nasaan na 'yong alaga ko na tinangay at binuntis mo?""Iniwan niya na ako.""Oh, kaya naman pala eh. So, ano naman ang pwede kong-""Bigyan mo 'ko ng bago mo diyan!""Tss, hayan ka na naman. Feeling VIP kung makapag-demand