Share

Chapter 18

last update Last Updated: 2025-04-09 13:50:52

ARIANA POV

Hinawakan ko ang kamay ni Emanuel habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa study room. Katatapos lang naming mag-agahan, at gaya ng dati, tutor time na naman.

“Let’s finish your reading today, okay?” masiglang sabi ko sa kanya.

“Opo, Ate Ariana. Tapos maglaro tayo,” sagot niya, sabay tawa.

Ngunit bago pa man kami makarating sa study room, biglang bumukas ang malalaking pintuan ng sala. Isang babae ang dumating—nakasuot ng mamahaling bestida, may malalaking hikaw, perlas sa leeg, at mataas ang kilay. May kasamang katulong na may dalang maleta ng mamahaling brand. Agad kong napansin ang awra—classy, intimidating, at may kaunting pagmamataas sa bawat kilos niya.

Hindi ko siya kilala.

“Lola!” sigaw ni Emanuel, sabay takbo papunta sa babae.

Lola? Siya ang ina ni Ma’am Noime?

Napaatras ako nang bahagya, hindi ko alam kung lalapit ako o mananatili sa kinatatayuan ko.

Niyakap ni Emanuel ang matanda. “Lola! Miss na miss kita!”

“Hijo, my baby boy!” anito, saka niyakap
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 19

    ARIANA POV Katatapos lang ng tutor class ni Emanuel, kaya agad ko siyang nilapitan para yayain magmeryenda. Pero napansin ko agad ang kakaibang lungkot sa mga mata niya. Nakatitig lang siya sa sahig, nakaikot ang maliit niyang mga kamay sa mga tuhod niya habang nakaupo sa sofa. "Ano ‘yan, mukhang may bumunggo sa buwan, ah?" biro ko, sabay upo sa tabi niya. Hindi siya ngumiti. Imbes, dumungaw lang siya sa akin at mahinang sinabi, “Ate Ariana…” “Hmm?” tanong ko, agad akong nag-alala. “Bakit po kasi… hindi kami buo?” Napakagat ako sa labi. Hindi ko agad alam ang isasagot. “Lagi pong wala si Mommy. Si Daddy naman, lagi pong busy sa trabaho. Puro work, work, work.” Napabuntong-hininga siya. “Gusto ko rin po ma-experience ‘yung… ‘yung namamasyal kami. Yung may picnic, o pumupunta sa mall. Tapos kakain kami sa labas, tapos magpapa-picture kami… gaya ng ibang pamilya.” Mas lalong bumigat ang dibdib ko habang pinapakinggan siya. Nakikita ko kung gaano niya hinahangad ‘yung simp

    Last Updated : 2025-04-09
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 20

    ZEHPYR POV Isang normal at nakakapagod na araw lang sana ito sa opisina. Nakatutok ako sa laptop, may hawak pang report na kailangang ipasa bago maghapon. Panay ang sunod-sunod na tawag at meeting—wala akong panahon para sa kahit anong drama o surprise. Kaya nang biglang bumungad ang malakas na sigaw ni Emanuel sa loob ng opisina ko... "Daddy!!!" …napatayo ako mula sa kinauupuan ko, muntik ko pang mabitawan ang hawak kong ballpen. Akala ko na-imagine ko lang. Pero hindi—ando’n nga siya. Tumatakbo papunta sa akin, may bitbit na paper bag at nakangiting parang may ginawang kalokohan. At sa likuran niya—mas lalo akong natigilan—ando’n si Ariana. Nakasuot siya ng simpleng blouse at jeans, pero hindi ko alam kung bakit tila biglang lumiwanag ang opisina ko. May hawak siyang isa pang paper bag at kita sa mukha niyang hindi siya sanay sa ganitong eksena. “Surprise daw po!” masiglang sigaw ni Emanuel habang hinatak ang braso ko. “Pinagluto po kayo ni Ate Ariana!” “Ha?” napakam

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 21

    ARIANA POV Tuwang-tuwa si Emanuel habang tumatakbo sa playground, pawisan na ang noo niya pero hindi pa rin nauubos ang sigla. Ako naman ay nakaupo sa isang bench, nakasunod ang tingin sa bawat hakbang niya, handang tumakbo kung sakaling matisod o madapa. Pero imbes na matisod, bigla siyang bumalik sa tabi ko at umupo saglit, hingal na hingal pero may ngiti pa rin sa mukha. “Ate Ariana,” bulalas niya habang pinupunasan ko ng tissue ang pawis sa noo niya, “totoong malikot po talaga ako. Sabi po ni Daddy minsan daw hindi niya ako matigil kapag hyper na ako.” Napangiti ako. “Oo nga, napansin ko rin. Para kang may limang battery sa katawan.” Tumawa siya nang malakas, tapos bigla siyang sumeryoso, pero may kinang pa rin sa mga mata. “Pwede po ba, mamasyal tayo uli sa inyo? Sa probinsiya n’yo?” Napatingin ako sa kanya. “Bakit mo naman gustong mamasyal doon?” “Kasi po sabi n’yo may tanim kayo at may mga alaga kayong manok at pato, ‘di ba?” Tumayo siya bigla, sabay turo sa malay

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 22

    ARIANA POV Tahimik akong nakatayo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan ko si Emanuel na hanggang ngayon ay ayaw pa ring magsalita. Hawak-hawak niya ang paborito niyang laruan, pero kahit iyon ay hindi na niya nilalaro. Nakaupo lang siya sa isang sulok, nakasimangot, at kitang-kita ko sa mga mata niya ang tampo at lungkot. “Emanuel…” marahan kong tawag, pero hindi siya tumingin sa akin. Maya-maya pa, lumapit si Zephyr sa akin. May bigat sa kanyang kilos, parang may bumabagabag sa kanya. “Ariana,” malumanay niyang sabi. “Ako na ang kakausap kay Noime tungkol dito.” Napatitig ako sa kanya. Sa tono ng boses niya, ramdam ko ang pagod—hindi lang pisikal kundi emosyonal. Hindi ko alam kung anong eksaktong pakiramdam ang umusbong sa dibdib ko, pero parang may kirot. Laging ganoon—si Noime ang laging nasa dulo ng bawat desisyon niya. Laging may pahintulot. Laging kailangang may basbas bago pa man siya makagalaw. Hindi ko mapigilan ang mapailing nang bahagya. Hindi dahil sa galit a

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 23

    ARIANA POV Gabi kami umalis. Tahimik ang biyahe, tanging ingay ng makina ang naririnig sa loob ng sasakyan. Sa likod, nakahiga si Emanuel sa kandungan ko—mahimbing ang tulog, yakap-yakap ang paborito niyang plush toy. Sa gilid ng mata ko, napansin ko ang sulyap ni Zephyr mula sa harapan. Hindi kami masyadong nag-usap habang nasa daan, pero sapat na ang mga tahimik na sandaling iyon para maramdaman ko ang kakaibang katahimikan sa pagitan namin—hindi tensyon, kundi... kapanatagan. Madaling araw na nang makarating kami sa probinsiya. Lumang bahay pa rin namin ang sasalubong sa amin—may kahoy na gate, malawak na bakuran, at amoy ng lupa at damo na agad kong kinagiliwan. Para akong bumalik sa pagkabata. May kaunting lamig sa hangin, may huni ng mga kuliglig, at may katahimikang kay tagal ko nang hinanap sa lungsod. Agad akong lumabas ng sasakyan habang buhat ni Zephyr si Emanuel. Nilingon ko ang paligid at bahagyang napangiti. Ibang-iba talaga ang pakiramdam kapag nasa sariling tah

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 24

    NOIME POV Sunod-sunod ang pag-dial ko ng numero ni Zephyr, pero hindi pa rin sumasagot. Ilang beses na akong nag-ring, ilang voicemail na rin ang narinig ko, pero wala pa ring sagot mula sa asawa ko. Nakakainis. Bakit hindi siya sumasagot? Hindi ba niya alam kung gaano ako nag-aalala? Napabuntong-hininga ako, at sa huli, minabuti kong tawagan na lang ang mansyon. Baka naroon lang siya, o kahit papaano’y may makapagbigay sa akin ng sagot. Ring... ring... “Hello, Madrigal Residence, Adelfa speaking,” bungad ng boses mula sa kabilang linya. Agad akong nagsalita, halatang inis ang tono ko. “Adelfa, si Zephyr ba nandiyan?” “Ma’am Noime, wala po siya rito. Umalis po kahapon pa kasama si Emanuel...” Napakunot ang noo ko. “Kasama si Emanuel? Saan sila nagpunta?” “Sa... sa probinsya po ni Yaya Ariana.” Napakagat ako sa labi. So totoo nga... kasama nila ang babaeng iyon? “Pakilinaw nga, Adelfa. Bakit mo sinabing probinsya ni Ariana? Bakit siya kasama? At kailan pa naging karapat-dapat

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 25

    ARIANA POV Napailing na lamang ako habang nakatanaw sa mag-ama. Diyos ko, ang pasaway nilang dalawa ay hindi ko na kinaya. Parang mga batang ngayon lang nakalabas sa hawla—naghahabulan, nagtatawanan, at kung anu-anong kalokohan ang ginagawa sa bakuran. Pero kahit ganito, may ngiti pa rin sa mga labi ko. Hinayaan ko na lang silang mag-enjoy. Minsan lang 'to, at ramdam ko kung gaano kasaya si Emanuel sa ganitong simpleng buhay sa probinsya. Si Zephyr? Diyos ko, hindi ko akalaing marunong siyang magkatay ng manok. Sa una'y parang nag-aalangan pa siya—parang hindi tiyak ang ginagawa—pero kalaunan ay parang sanay na rin. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. Wala na ang pormal at seryosong boss na kilala ko. Ang nasa harapan ko ngayon ay isang simpleng ama na gustong mapaligaya ang anak niya. Lumapit na rin ako upang tumulong sa pagtanggal ng balahibo ng manok. Mainit pa, at medyo dumidikit sa balat, pero sanay na rin ako. Dito ako lumaki, sa ganitong gawain. Na

    Last Updated : 2025-04-12
  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 26

    ARIANA POV “Ready ka na, baby?” tanong ko kay Emanuel habang inaayos ko ang sumbrero niya. Tanghali na, at kahit may hangin pa rin, alam kong malakas na ang init ng araw. Hindi puwedeng mainitan ang anak ng amo ko—lalo pa’t ganito siya kasigla ngayon. Gusto kong manatili sa ganda ng mood niya. “Opo, ate Ariana!” Masigla siyang tumalon sa tabi ko habang hawak ang maliit niyang backpack na may lamang biskwit at laruan. Nilingon ko si Zephyr. Nakaupo siya sa may lilim ng puno, hawak ang tasa ng kape, at abalang pinagmamasdan ang paligid na tila ba hindi napansin ang balak naming umalis. Parang… ayaw niyang sumama. O baka nagpapaiwan lang talaga. Nag-alangan ako. Gusto ko sanang yayain siya—hindi lang para mas makasama pa siya ni Emanuel, kundi dahil... gusto ko rin siyang makasama. Pero nahihiya ako. Baka isipin niya, ako pa ang atat. Kaya tumahimik na lang ako at naglakad na papunta sa gate. “Daddy!” sigaw bigla ni Emanuel, dahilan para mapalingon kami ni Zephyr. Napahin

    Last Updated : 2025-04-14

Latest chapter

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 54

    Ariana POV “Sigurado ka na talaga?” tanong ni Beth habang tinutupi ang ilang damit ko at inilalagay sa lumang backpack. “Aalis ka na kahit hindi mo pa alam kung anong naghihintay sa 'yo roon?” Tumango ako, kahit may bahid ng kaba sa dibdib ko. “Oo. Kailangan kong subukan, Beth. Mas okay na ‘to kaysa manatili rito at puro sakit ng ulo lang ang hatid.” Tahimik kaming dalawa habang patuloy sa pagsisinop ng mga gamit. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Sayang 'yung sampung milyon no?” diretsong tanong niya, pero may halong biro. “Kung ako ‘yan, baka tinanggap ko na. Pambayad ng utang, puhunan, future. Pero ikaw... ni hindi mo tinanong kung paano mo makukuha ‘yon.” Napahinto ako sa pagtupi ng blouse at napatitig sa sahig. Mabilis na sumagi sa isip ko ang eksenang hawak ko ‘yung sobre. Yung sandaling kaya kong baguhin ang kapalaran ko, ang pamilya ko… pero hindi ko ginawa. “May dahilan ba kung bakit hindi mo kinuha ‘yung pera?” tanong ulit ni Beth, ngayon ay mas seryoso na ang

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 53

    Zephyr POV Patungo na sana kami ni Drake sa probinsiya. Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana habang iniikot ng isip ko ang mga posibleng senaryo kapag nakita ko na si Ariana. Paano ko siya haharapin? Anong sasabihin ko? Pero bago pa man kami makalampas ng highway, biglang tumunog ang phone ko. Noime. "Put—" napamura ako sa inis, pero sinagot ko pa rin. "Zephyr! Bumalik ka na rito. Umalis 'yung yaya!" sigaw ni Noime sa kabilang linya, halatang hysterical. "Kakagawan na naman ni Emanuel, nagwala siya at tinakot ang yaya, kaya umalis! Wala na akong matakbuhan kundi ikaw!" Napatingin ako kay Drake, kita sa mukha niya ang disappointment. “Balik tayo,” maikling utos ko, at agad niyang pinaikot ang sasakyan pabalik ng mansyon. Pagdating namin sa mansyon, sinalubong agad ako ni Noime. Nakapamewang siya at halatang inis na inis. Si Emanuel naman, nasa sala at umiiyak, hinahanap pa rin si Ariana. Lalo akong nadurog sa eksenang 'yon. "Ano ba 'to, Noime? Akala ko ba ayos n

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 52

    Zephyr POV Mabigat ang bawat buhat, parang kasabay ng pabigat nang pabigat na nararamdaman niya sa dibdib. Basang-basa na ng pawis ang gray niyang sando, halos pumutok na ang ugat sa bisig habang paulit-ulit siyang nagba-barbell, waring gusto niyang idaan lahat ng inis, lungkot, at frustration sa bawat pagbuhat. Pero kahit anong bigat ang isalampak niya sa bar, hindi pa rin iyon kayang pantayan ang bigat ng pagkawala ni Ariana. “Idadaan mo na lang ba sa paggigym ang problema mo kay Ariana?” Isang pamilyar na tinig ang umalingawngaw sa gym. Nilingon niya ang pintuan at nakita roon si Drake—naka-hoodie, may hawak na bottled water at may pilyong ngiti sa labi. "Kung wala kang balak puntahan siya," patuloy nito habang lumapit, "ako na lang ang pupunta sa lugar nila." Tumaas ang kilay ni Zephyr habang iniiwas ang tingin, patuloy lang sa pag-reps ng weights. “Guwapo rin naman ako, ‘di ba?” dagdag ni Drake, mayabang pa rin ang tono. Sumama ang tingin ni Zephyr. Parang sinakal ang

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 51

    Ariana POV Pagdating ko sa bahay, bitbit ang ilang pinamili mula sa palengke—gulay, sabon, at bagong sim card—agad akong sinalubong ng boses ng mama ko na tila masaya habang may kausap sa sala. "Ariana, andito ka na pala!" masiglang bati ni Mama. "Halika rito, may ipakikilala ako sa'yo." Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sofa. Nakaayos siya, halatang may kaya—may malambing na ngiti at magaan ang aura. Bumangon ito at inabot ang kamay sa akin. "Ikaw na pala si Ariana! Ang ganda mo, mana ka sa mama mo noong kabataan namin," nakangiting sabi nito. Ngumiti ako ng bahagya habang nakikipagkamay. "Magandang hapon po." "Si Tita Lorna mo 'yan. Kaibigan ko 'yan mula pa noong kolehiyo. Dito lang siya sa bayan nagtayo ng maliit na travel agency," paliwanag ni Mama. "Actually," sabat ni Tita Lorna, "kaya nga ako napadaan. Nagbubukas ako ngayon ng bagong local tour program para sa mga dayuhan—at kung naghahanap ka pa ng trabaho, Ariana, baka interesado ka. Tourist guide, magaan lan

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 50

    Ariana POV Pagkababa ko ng sasakyan, mabilis akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin sa probinsiya. Tahimik ang paligid, tila ba sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko. Bitbit ko lang ay isang maliit na bag at puso kong basag-basag. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang gulat na mukha ni Mama. “Ariana?” gulat niyang tawag habang mabilis akong nilapitan. “Anong ginagawa mo rito, anak? Bakit hindi mo man lang sinabi na uuwi ka?” Ngunit imbes na makasagot, niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Doon na rin tuluyang bumagsak ang luha ko. Wala akong masabi. Wala akong paliwanag. Gusto ko lang ng yakap. Gusto ko lang ng tahanan. Hinagod ni Mama ang likod ko. “Anak, ano’ng nangyari?” Umiling lang ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento ang sakit, ang pagtanggap ko sa pagkatalo, at ang pamamaalam sa isang batang natutunan kong mahalin na parang anak ko na rin. Pagkaupo namin sa bangkito sa ilalim ng puno, tahimik lang si Mama h

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 49

    ZEPHYR’S POV Napuno ng iyakan at hikbi ang buong mansyon. Ang dating masayahing si Emanuel ay ngayon ay nakasalampak sa sahig ng kanyang silid, yakap-yakap ang laruan na dati nilang nilalaro ni Ariana. Paulit-ulit ang tanong ng anak ko, paulit-ulit ang sigaw niya habang tumutulo ang mga luha niya sa pisngi. “Gusto ko si Ate Ariana! Bakit wala na si Ate Ariana?!” Ilang kasambahay na ang sumubok na patahanin siya pero wala ni isa ang napalapit man lang. Pati si Noime—ang ina mismo ng bata—ay napaatras na lang sa isang sulok, mukhang nawawala na rin sa sariling pasensya. “Emanuel, anak—nandito si Mommy, bakit si Ariana pa ang hinahanap mo?” nanggigigil na tanong ni Noime pero walang sagot si Emanuel kundi panibagong iyak. Pinikit ko ang mga mata ko. Iyon ang ayokong makita—ang anak kong tuluyang nawawala sa sarili, naghahanap ng kalingang kay tagal niyang natagpuan sa isang babaeng pinilit nilang paalisin. “Nasaan si Ariana?” tanong ko sa asawang kanina pa tahimik. “Ano’ng gi

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 48

    ARIANA’S POV Kinabukasan, tila mas mabigat pa sa katawan ko ang puso kong pilit kong pinatatag. Ngayon na ang araw ng kaarawan ni Emanuel. Isang espesyal na araw para sa batang minahal ko na parang anak. Mula nang magising ako, hindi ko na mapakali. Naghanda lang ako ng simpleng damit, isang puting blusa at paldang asul—mukhang ordinaryo, pero pinili ko pa rin. Dahil gusto ko, kahit papaano, ay maipakita kong espesyal din sa akin ang araw na ito. Mahigpit kong hawak ang maliit na kahon na nakabalot sa asul at puting laso. Regalo ko para kay Emanuel. Isang simpleng robot toy na ilang linggo ko nang iniipon ang pera para mabili. Kasi alam ko, tuwing napapadaan kami sa department store, palagi niya iyong tinitingnan—ngunit hindi niya hinihingi. Para siyang sanay na hindi makakuha ng gusto niya, at masakit iyon para sa akin. Habang pababa ako sa hagdanan, napansin kong abala na ang mga tao sa mansyon. May mga caterer, may mga dekorador, at mga empleyado na abalang nag-aayos para sa

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 47

    ARIANA’S POV Isang tawag ang bumungad sa akin habang nakaupo ako sa tabi ng bintana, pinagmamasdan ang makulimlim na langit na para bang sumasalamin sa bigat na nasa dibdib ko. Nang tumunog ang cellphone ko at makita ko ang pangalan ni Beth sa screen, parang saglit akong nakahinga. Isa sa iilang tao na alam kong pwedeng makaramay sa nararamdaman ko. Sinagot ko agad ang tawag. "Ariana! Good news! Pupunta kaming lahat sa birthday ni Emanuel!" masiglang bungad ni Beth. Ramdam ko ang excitement niya mula sa kabilang linya. “Sabi ni boss Drake, welcome daw lahat ng empleyado.” Napapikit ako. Gusto kong matuwa. Gusto kong sabihing, ‘Ayos lang ang lahat, Beth.’ Pero hindi ko kinaya. "Beth…" mahina kong sabi. "Hindi ko alam kung aabutan niyo pa ako dito." "Ha? Anong ibig mong sabihin?" At doon ko na hindi napigilan. Tuloy-tuloy kong ikinuwento sa kanya ang lahat. Ang tungkol sa bagong kontrata. Ang pagbabago ni Emanuel. Ang mga titig ni Noime na parang gustong sunugin ako ng buh

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 46

    ARIANA'S POV Tahimik lang ako habang pinagmamasdan si Emanuel na nakaupo sa sofa, nilalaro ang maliit na laruan na hawak niya—hindi man lang lumilingon sa akin. Pumintig ang sentido ko sa lungkot at gulo ng damdamin. Hindi ko na matiis. Kailangan kong malaman ang totoo. Lumuhod ako sa harapan niya, tinapik ko ng marahan ang tuhod niya. “Emanuel…” malambing ang tinig ko. “Pwede bang sabihin mo kay Ate Ariana kung paano ka talaga nadapa?” Hindi siya sumagot. Pinilit kong ngumiti, kahit may kirot sa dibdib. “Alam mo namang matapang ka, ‘di ba? Hindi ka iyakin. Lagi mong sinasabi na kaya mong alagaan ang sarili mo kahit minsan makulit ka. Pero ngayon, iba eh. Masakit daw ‘yung braso mo…" Tumingin ako sa kanyang mga mata, pero agad niya ring iniwas. “Emanuel,” mahinahon pero may pakiusap sa boses ko, “ano ba talaga ang nangyari?” Tahimik. Walang salita. Ni isang tingin, walang binigay. At doon ko naramdaman ang malupit na reyalidad—may pumipigil sa kanya. May tinatago siya.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status