Chase's Point Of View."Really, Chase?! I'm a grandfather now?!" nakangiting sigaw ni dad dahil sa sinabi kong isa na akong ama.My lips twisted. "Yeah," sagot ko. "I have twins, they're five years old now.""What?!" sigaw ni mom. "Bakit ngayon mo lang sinabi iyan sa amin, Chase?!" galit niyang sabi, nakakunot ang noo at masamang nakatingin sa akin kaya natawa ako."Ngayon niya lang din nalaman 'yan, mommy," sagot ni Celine, nasa pintuan siya at naka cross arms habang nakatingin sa amin. "Maybe that's his karma for being a womanizer all his life, tinaguan siya ng anak sa loob ng limang taon," dagdag niya dahilan para tignan ko siya ng masama."Paano nangyari iyon?" tanong ni dad, nakakunot na rin ang noo."She's a prostitute," simpleng sabi ko. "Nasa kaniya ngayon ang mga anak ko.""What?! A prostitute?! What the hell, Chase! Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?!" galit na sigaw ni mom, alam kong galit na talaga siya dahil base sa uri ng pag tingin niya ay parang gusto niya nang ibato an
Amelia's Point Of View."Mahirap ba talagag maging isang single mom? At pati bahay at sasakyan ay iaasa mo sa iyong dad?"Malakas akong bumuntong hininga bago mag salita, kahit kailan ang matandang ito ay walang pag babago."For your information, hindi ko sinabihan si dad na bilhan ako at ang mga anak ko ng bahay at sasakyan. Stop spreading false information," seryosong wika ko ngunit tunog naiinis.Sabagay, kung lilipat kami ng mga anak ko sa condo ay hindi ko na makikita ang mukha ng babaeng ito. Mabuti na lang din pala at bumili si dad ng condo."Dahil wala kang asawa para bumili noon para sa'yo," sarkastikong saad ni Cecelia.Naku! Kung malaman mo lang kung sino ang ama ng mga anak ko, baka'y mahimatay ka sa gulat!Gusto ko sanang sabihin iyon sa kaniyang harapan ngunit pinigilan ko ang sarili, matindi parin ang galit ko sa lalaking iyon."Shouldn't you be happy? Dahil kapag lumipat na kami sa condo ay magiging isang pamilya na kayo rito. Wala ng sampid!" inis kong sabi dahilan pa
Chase's Point Of View.Name : Amelia Raine SalvadorAge : 29 years old turning 30 years oldMother : Adina Salvador, died because of a car accidentFather : Fernando SalvadorHer father works : Owner of a famous perfume company Her work : Retired piano teacherStepmother : Cecelia SalvadorStepsister : Chelsey SalvadorHer ex-fiancé : Mike Velez, currently engaged to Chelsey Salvador"I found out she has twins, Caleb and Aria and it looks like you already know who the father is," Ryan smirked.Humigpit ang kapit ko sa envelope dahil hindi ko mahanap ang salitang dapat ay nandito sa papel. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na isa ka ng ama? Hindi mo ba ako tinuturing na kaibigan mo?" tanong niya ngunit hinid ko siya pinansin."She was once a piano teacher?" tanong ko habang nakakunot ang noo na nakatingin dito sa papel."Yeah, I found that the kindergarten school your children attend offered her as a piano teacher, I just don't know if she accepts it or not," wika niya."She's not a pro
Amelia's Point Of View."Amelia! Where are you?!"Nasa kusina ako ng marinig ko ang pag sigaw ni dad, mabilis akong lumabas at tinignan siya. Nakita kong nakakunot ang noo niya at masamang nakatingin sa akin."You slapped your stepmother?!" galit niyang sigaw sa akin, at napabuntong hininga na lang ako dahil sanay na ako sa ganito."Tinawag niyang palamunin ang mga anak ko, dad! Sa tingin mo ba ay hindi ako magagalit sa sinabi niya?" pinipilit kong maging kalmado ngunit sa tuwing naalala ko ang mukha ni Cecelia ay parang gusto kong sumabog sa galit."Pero sana pinakitaan mo naman ng pag galang!" malakas na sigaw ni dad, parang kulog sa buong mansyon ang kaniyang pag sigaw. Ang maid na dadaan sana sa amin ay tumalikod na lang at hindi na nag patuloy pa sa pag lalakad."Siguro ay may sama ka ng loob kay Cecelia kaya mo siya sinampal," dagdag ni dad dahilan para kumulo ang dugo ko."Yes, dad! I don't like her ever since dinala mo siya rito sa bahay! Ni katiting na pag kagusto sa babaeng
Amelia's Point Of View."Are you okay, Amelia?"Napaangat ang aking ulo dahil sa narinig, nag tama ang paningin namin ni Mike. Mabilis akong umiwas ng tingin at tumayo mula sa pag kakaupo, aalis na sana ako ng bigla siyang mag salita."Why are you not answering me?" dagdag niya.Malakas akong bumuntong hininga bago siya tignan. "May dapat pa ba tayong pag usapan, Mike?" masungit kong tanong, alam ko sa aking sarili na may sama parin ako ng loob sa ginawa nila sa akin noon ni Chelsey.Ni-hindi man lang sila nag sorry sa akin."I know you still mad at me—" mabilis ko siyang pinutol."Mabuti naman at alam mo! At hindi lang sa'yo, pati na rin sa kabit mo!" inis kong wika dahilan para umawang ang labi niya at hindi makapag salita. "Ni-hindi man lang ba kayo nakakaramdam ng kaunting hiya para sa akin dahil sa kababuyang ginawa niyo?!""Hindi ba dapat din akong magaling sa'yo dahil nabuntis ka?!" galit niyang saad dahilan para tignan ko siya ng masama dahil muling nanumbalik sa isip ko ang g
Amelia's Point Of View.Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa inis na nararamdaman. Ang kapal talaga ng mukha ng demonyong lalaking iyon!Nagawa niya pa talagang padala ng ganito?! Akala niya ba ay wala akong pera para bumili ng ganito para sa mga anak ko?! Wala siyang karapatan para maliitin ako!Nalukot ang papel sa loob ng aking kamay bago tignan ng seryoso ang maid dahilan para makita ko ang takot sa mata niya. "Itapon mo ang lahat ng 'yan, ayokong makikita ang lahat ng iyan dito sa loob ng mansyon," seryosong saad ko habang nakatingin sa kaniya.Nagulat naman ang maid. "Ay naku, ma'am! Siguro po ba kayo? Ang mahal po ng mga laruang ito, siguro po'y galing itong abroad. Sayang naman kung itatapong lang," wika ng maid.Kumunot ang noo ko. "Wala akong pakialam! Itapon mo ang lahat ng iyan! Walang kwenta lang 'yan at kayang kaya ko namang palitan ang mga 'yan—" naputol ang sasabihin ko ng dumating ang kambal."Mom! What's that big box?!"Malakas akong napabuntong hininga ng marinig
Chase's Point Of View.Muntikan ko na sanang kalabitin ang baril na hawak ko ngunit mabilis niyang kinuha iyon sa aking kamay at natatakot akong tinignan."Bro! Huwag mo 'kong patayin!" sigaw niya. "It's just a note! Mukhang wala rin namang pakialam ang babae mo sa note na iyon!" dagdag niya at mas lalong kumunot ang noo ko."Baka isipin niyang type ko siya o gusto!" galit kong sigaw at napahalakhak naman si Ryan."I stalked her socials at masasabi ko namang maganda siya, Santiago! Sigurado akong ang mga katulad niya ang tipo mo!""You stalked her?! For what?!""You asked me for her informations! Malamang ay ganoon ang gagawin ko," paliwanag niya at malakas na lang akong nag buntong hininga bago siya muling tinignan ng masama."Kapag inisip ng babaeng iyon na gusto ko siya ay simula mo nang mag tago, Ryan," seryosong sabi ko at tinawanan niya lang ako."Bakit hindi mo na lang kasi kalimutan si Anika?" Mabilis ko siyang tinignan ng masama."Para sa akin ay mas better pa si Amelia kays
Amelia's Point Of View."Mom! Our new house is so big and beautiful!" narinig kong sigaw ni Aria habang nililibot ang kaniyang tingin sa condo na binili ni dad. Mukhang nagustuhan ni Aria ang bago naming bahay.Tinignan ko si Caleb at nginitian. "How about you, Caleb? How's our new house?" "It's fine, mom. For sure here you will have peace of mind," sagot niya.Napalabi ako dahil sa narinig, mukha namang walang narinig si Aria dahil patuloy siya sa pag tingin tingin sa paligid.Sasagot na sana ako ngunit pumasok ang aming driver dala dala ang aming mga gamit. Sasadyain ko sanang iwan na sa mansyon ang laruan na pinadala ng demonyong lalaking iyon, at ipatapon na ngunit si Aria ang naunang nag sabi kay manong driver na ilagay na sa likod ng van ang laruan na iyon.Dahil sa laki ay may mga naiwan pa sa mansyon ngunit babalikan naman iyon at dadalhin dito.Malakas akong bumuntong hininga at nilibot ang paningin sa bago naming bahay, malaki ang condo na ito at mayroong tatlong kwarto. No
Amelia's Point Of View.Nang makarating ako sa mall ay dumiretso na kaagad ako sa mga bibilhin ko, kaunti pa rin kasi ang mga gamit sa condo kaya gusto kong dagdagan lalo na't sumahod ako kahapon, unang sahod ko bilang teacher pagkatapos kong bumalik.Nakakatuwa sa pakiramdam, noon ay sa sarili kong luha ginagamit ang sahod ko. Ngayon ay para na kila Aria, nakakatuwa dahil hindi ko kailangan humingi sa kahit sino para bilhan sila ng mga bagay na gusto nilang bilhin.Dumiretso ako sa furniture section para bumili ng dalawang single na sofa, kaagad naman akong nakahanap ng gusto kong sofa kaya binayaran ko na ito kaagad at idedeliver na lang daw iyon sa bahay.Pagkatapos ay dumiretso ako sa damit na mga pambata, naglalakad na ako papunta roon ng may isang pamilyar na babae ang humarang sa akin."Anika," bulaslas ko ng makita ang mukha niya, kaagad namang may ngisi na lumabas sa kaniyang labi, ngunit hindi ko nagustuhan iyon."Wow, mabuti naman at natandaan mo ang pangalan ko," nakangisi
Amelia's Point Of View.Noong sumapit ang weekend ay inistorbo ko muna si Sandy na bantayan sina Aria at Caleb dahil mamimili ako sa mall."Sus! Ang sabihin mo ay magdadate lang kayo ni Chase!" bulaslas niya kaagad pagkapasok niya ng condo, tinignan ko siya ng masama."Anong date? Wala na nga akong time na mag-ayos ng sarili ko, sa pagdadate pa kaya?" asar kong saad habang sinusuklay ang aking buhok, naghahanda na ako para umalis."Sus! Para namang matatanggi mo si Chase kapag niyaya kang makipagdate," wika niya habang may ngisi, mabuti na lang at tulog pa sina Aria dahil kung hindi kanina ko pa binato ng suklay si Sandy! Mabuti na lang talaga ay hindi natututunan nila Aria ang kung anong lumalabas sa bibig ng babaeng 'yan."Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano riyan, magkaibigan lang kami nung tao," sagot ko. Mas lalo siyang hindi tumigil sa kakaasar, sinabi kasi nila Aria iyong pagpunta nila sa mall noong nakaraan, tapos binilhan pa raw ako ng mga dress na nagustuhan ko naman.Hindi
Chase's Point Of View."May nangyari ba?" tanong ni Norven gamit ang seryosong boses at tumingin sa akin.Malakas akong bumuntong hininga at tumango bago ko sinumulang sabihin sa akin ang mga sinabi ng lalaki sa amin. Nang matapos akong magsalita ay hindi makagalaw si Norven at kita ko ang magkahalong gulat at galit sa mga mata niya.Katulad kasi namin ay sumali rin si Norven sa Neuro Scorpion, doon namin siya nakilala at naging kaibigan. Mas matagal siya sa grupo kaysa sa amin at alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya si Ford."He's joking, he's joking," sunod-sunod na wika ni Norven. "He must be just joking," wika nito at mabilis na naglakad papasok ng The Spot, kahit gusto man namin siyang pigilan ay hindi na namin nagawa dahil nakapasok na siya."Hayaan mo na siya, Ryan," wika ko ng makitang susunod siyang pumasok, huminto naman siya at naupo sa sofa."Baka mapatay niya iyong lalaki," sagot niya sa akin at umilang naman ako."He's a police, alam niya ang ginagawa niya," saad ko."
Chase's Point Of View."Answer me, you fucker!" pag-uulit ni Ryan ngunit nanatiling mukhang walang pakialam sa kaniya ang lalaki dahilan upang mas lalo kong makita ang galit sa mga mata ng kaibigan ko.Galit na tumayo si Ryan at mabilis na hinawakan ang kuwelyo ng lalaki at tinaas ito, dahil nakatali ito sa upuan ay pati ang upuan ang napangaat dahil sa lakas ni Ryan."Answer me!" sigaw ni Ryan sa mukha ng lalaki.Malakas akong bumuntong hininga at nagsalita. "Kumalma ka muna, Ryan. Bitawan mo siya at bumalik ka rito sa pwesto mo," mahinanong wika ko at narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga ngunit binitawan niya naman ang lalaki na pabalibag dahilan upang muntikan na ng matumba ang upuan.Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko ngunit nararamdaman ko pa rin ang galit niya."Anong sinasabi mong kapag may namatay ay may papalit?" seryosong tanong ko sa kaniya at ilang segundo kaming nagtitigan sa mga mata bago ko narinig ang isang malakas niyang buntong hininga."Kaming m
Chase's Point Of View.Wala pa ring malay iyong lalaki pagkadating ko sa The Spot, ang The Spot ay isang lihim na lugar na kaming dalawa lang ni Ryan ang nakakaalam. Ilang taon na rin ang lumipas simula ng magawa namin ang lugar na iyon, noon ay pansin kong palaging may sumusunod sa akin. Alam ko naman na kalaban iyon ni Dad at dahil sa akin namana ang kompanya, hindi na nakakapagtaka na ako na ang ginugulo nila ngayon.At kahit na si Calix pa ang magmana ng kompanya, alam kong mararanasan niya rin ang mga naranasan ko.Binuo namin ang The Spot para doon ipunta lahat ng mga kahinahinalang tao na sumusunod sa akin, hindi naman namin sila kinukulong. Nagtatanong lang ako ng ilang mga tanong at pagkatapos ay si Police Norven na ang bahala sa kanila.Pero nitong mga nakaraan ay napapansin kong wala ng gaanong nanonood sa mga galaw ko. Nakakapagtaka dahil hindi ko alam kung kailan sila aatake, kaya doble rin ang pag-iingat ko lalo na't alam ko kung gaano sila kadelikado, baka madamay sina
Amelia's Point Of View."Naka move on ka na?" halata ang gulat sa aking boses noong magsalita ako at nakita ko namang tumawa siya sa akin.His face softened when he laughed. . . bakit ba hindi na lang siya laging tumawa?"Yeah, I already moved on," sagot niya ngunit hindi pa rin ako kumbinsido."P-Pero ang sabi mo noong pumunta kami sa mansyon niyo ay mahal mo pa siya, nagsinungaling ka lang ba noon?" tanong ko sa kaniya."Totoo na noong mga panahon na iyon ay hindi pa rin ako makapag move on, pero ngayon ay hindi ko na siya mahal. Dahil kung ako pa rin ang dating Chase, ay alam kong sa oras na bumalik siya ng bansa ay ako pa ang kusang magmakaawang balikan niya ako," wika niya. "Pero nagbago na ako, hindi ko na hahayaan pa na sirain niyang muli ang buhay ko," dagdag niya."T-That's good to hear," iyon na lang ang tanging lumabas sa aking bibig, hindi ko alam ang aking sasabihin. "Ikaw ba? Nakapag move on ka na?"Natawa ako sa kaniyang tanong. "Oo naman, matagal na. Kahit wala akong
Amelia's Point Of View."Do you think he will come back here?"Napalingon ako kay Chase sa kaniyang tinanong, kaming dalawa na lang ang kumakain ngayon dahil masyadong excited sina Aria at Caleb na buksan ang mga pinamili nila sa mall kanina."Huh? Sino?" takang tanong ko at muling binalik ang tingin kila Caleb na tuwang-tuwa sa pagbubukas ng mga paper bags."Your ex. . .""Ah si Mike," sagot ko."I don't care about his name," wika niya at malakas na bumuntong hininga kaya napakunot ang aking noo at tumingin sa kaniya. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. "Ayoko sanang marinig ng mga bata iyong kanina, mabuti na lang pinapunta ko kaagad sila sa kabilang condo noong naintindihan ko iyong nangyayari rito."Malakas naman akong napabuntong hininga, naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. "Kahit ako man ay ayokong marinig nila iyong mga sinabi ni Mike kanina, kaya salamat dahil pinapunta mo sila kaagad sa condo ng kaibigan mo," seryosong wika ko. "At kung babalik man si Mike
Amelia's Point Of View."Amelia! Bumalik ka na kasi sa akin, handa naman akong maging tatay ng mga anak mo. . ."Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa narinig, hindi ko alam kung bakit hindi siya nakikinig sa akin. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinapasok dito sa loob.Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses."Hindi naghahanap ng magiging Ama ang mga anak ko, dahil sa mata nila ako lang ang kikilalanin nilang kanilang Dad," seryosong saad ni Chase habang nakatingin kay Mike na gulat na napalingon sa kaniya.Hindi ko namayalan na nandito na pala siya, pero nasaan sina Caleb at Aria?"C-Chase Santiago?" gulat na saad ni Mike, hindi ko alam na kilala niya pala ang lalaking 'to.Nakita ko ang pagngisi ni Chase ngunit halata sa kaniyang mukha na naiirita siya. "Kilala mo pala ako, ganoon ba talaga kasikat ang surname namin?" wika niya.Napalingon naman sa akin si Mike dahilan upang taasan ko siya ng kilay. Anong tini-tingin tingin nito?"Siya ang ama ng mga
Chase's Point Of View.Plinano ko na talagang lumabas kami ngayong araw, kinakabahan pa nga akong magsabi kay Amelia dahil may parte sa akin na naniniwalang hindi siya papayag. Natutuwa naman ako na pumayag siya pero nanghihinayang lang ako dahil hindi siya makakasama."Sayang, dapat kasama ang Mom niyo," wika ko sa kanila habang nagmamaneho ako, parehas silang nasa back seat. Si Aria ay abala asa pagtingin sa labas habang si Caleb ay nagbabasa ng libro, pansin kong mahilig siya sa pagbabasa dahil may nakita rin akong mga libro sa condo nila."Gusto mong makasama si Mom, Dad?" nakangiting tanong ni Aria dahilan upang matawa ako, dahil parang binibigyan niya ng meaning iyon."Of course, gusto ko ring makasama natin siya dahil ito ang unang beses na lalabas tayo, right?" sagot ko habang nakangiti."Mom's busy right now, pero sigurado akong sa susunod ay makakasama na siya," wika ni Caleb, ang tingin niya ay nasa libro pa rin."Yeah, of course. Makakasama na siya sa susunod," sagot ko a