Amelia's Point Of View."I still fucking love you, Amelia. I didn't stop na mahalin ka," dagdag ni Mike."H-how about Chelsey? She loves you, Mike!" inis kong sabi dahil hindi ako makapaniwalang mahal niya pa ako pag katapos niyang gawin iyon, halata namang mahal siya ni Chelsey, ngunit bakit si Mike ay,"At isa pa, ikakasal na kayong dalawa, ano na ba 'yang sinasabi mo?" dagdag ko, nakakunot na rin ang noo."Your dad forced me to marry her! Kaya lang naman ako pumayag ay dahil masyadong importante sa akin nag dad mo, Amelia." Paliwanag ni Mike. "But I didn't love her, wala akong nararamdaman na kahit ano para kay Chelsey dahil mahal parin kita," dagdag niya."But I don't love you anymore, naka move on na ako, Mike." Tinignan ko siya sa mga mata. "Kinalimutan na kita dahil sa kababuyang ginawa niyo, kaya sana ay kalimutan mo na rin 'yang nararamdaman mo para sa akin at mag focus ka kay Chelsey dahil kahit malaki ang galit ko sa kaniya, hindi ko hahayaan na pakasalan niya ang isang lal
Amelia's Point Of View.Noong sumapit ang tuesday ay nag umpisa na ang aking trabaho, sabay sabay kaming pumasok nila Caleb."Mommy! I'm so excited to see you at school!" narinig kong sabi ni Aria habang nasa sasakyan kami at papuntang school.Ngumiti ako. "Hindi ko naman kayo matuturuan, mga higher level ang tuturuan ko," wika ko."Kahit na po, at least sabay sabay tayong papasok," sagot niya at ngumiti na lamang ako.Wala parin akong balita tungkol kay dad, hindi parin niya ako tinatawagan hanggang ngayon, siguro'y galit parin talaga siya. Siya na nga lang ang natira sa akin, hindi pa kami mag kasundo.Pag kadating sa school ay mabilis kong hinatid si Aria at Caleb sa kanilang classroom, mabilis silang nilapitan ng mga kaibigan nila. Napangiti ako habang nakatingin sakanila, mabuti naman ay mayroon na silang mga kaibigan.Pag katapos kong mag paalam sakanila ay dumiretso ako sa school faculty, sinabi sa akin ng principal's secretary na sa dulo ang aking lamesa."Oh! You're the new p
Amelia's Point Of View.Tinuro ko sakanilang lahat ang parts ng piano katulad ng lid, fallboard, top support, upper panel, music stand, key block, lower panel, damper pedal, muffler pedal at soft pedal.Gusto ko munang ma-familiarize muna sila sa mga parts ng piano bago ko sila turuan kung paano ito gamitin.Natapos ang oras namin ng maayos at sigurado naman ako na mayroon silang natutunan, tahimik silang lahat, alam ko naman kung bakit dahil bago pa lang akong teacher.Ganoon naman palagi, kapag alam nilang bago ang teacher ay mabait sila at tahimik sa umpisa ngunit kapag isang linggo na ang lumipas ay sigurado akong mag kukulit na 'yan silang lahat.Nang matapos ang klase ay nag paalam na akong lahat sakanila at umalis na para pumunta ng faculty, ang alam ko ay ang section lang nila ang tuturuan ko ngayong araw.Hindi na rin masama ang naging unang araw ng pag babalik ko sa trabaho dahil nararamdaman ko sa sarili kong nag e-enjoy ako habang nasa unahan nilang lahat.Pero iba parin t
Chase's Point Of View. "Liam Chen? Naririnig ko ang pangalan niya," sabi ni Ryan habang nakakunot ang kaniyang noo. "Pero bakit naman matindi ang galit niya sa'yo?" dagdag niya. "Kay dad talaga matindi ang galit niya, nadadamay lang ako," wika ko at sinandal ang likod sa inuupuan. "All I know is that dad was funding his casino, but when dad stopped Liam Chen threatened dad's life, of course nadamay pati kami," dagdag ko. Napaawang naman ang labi ni Ryan. "Don't tell me si Liam Chen ang dahilan kung bakit—" "I don't know," pag putol ko sa sasabihin niya. Napakuyom ang aking kamao sa galit na nararamdaman. "But there is a chance that he is the reason why Camila died," dagdag ko. Camila is my sister, siya ang pangatlong anak ni mom and dad, si Calix ang panganay na anak at ako ang pangalawa, habang si Celine ang bunso. I was only 14 years old when Camila died, and she was only 10 years old that time. Sa tuwing na alala ko iyon ay matinding galit ang nararamdaman ng aking puso
Amelia's Point Of View."Oh my god, Sandy! Bakit ka nag reply sa demonyong lalaking iyon!?" inis kong sabi habang tinitignan ko ang reply niyang "Okay." kay Chase."Bakit hindi ka kasi nag re-reply? Baka akalain niyang hindi mo na re-receive ang texts niya!" saad ni Sandy at nang aasar na ngumisi sa akin."Baka akalain niyang gusto ko siya dahil nag reply ako! Ayoko ngang kausap ang lakaking iyon!" inis kong wika at pinatay ang cellphone ko bago ko sinamaan ng tingin si Sandy.Siya kasi ang may hawak ng cellphone ko noong nag text si Chase at saka niya lang sinabi sa akin na may text ang lalaking iyon noong nakapag reply na siya ng "Okay.""Eh gusto mo ba talaga?" nakangising tanong niya dahilan para batuhin ko siya ng unan sa mukha."Pwede ba, Sandy! Matindi ang galit ko sa lalaking iyon, impossible ang sinasabi mo!" inis kong sabi. "At saka wala na akong panahon para sa ganyang mga pambatang pag mamahal, mas kailangan kong mag focus sa dalawa kong anak."Ngumuso si Sandy. "Hindi mo
Amelia's Point Of View.Noong sabado ay napag desisyunan kong pumunta kami sa mall para bumili ng susuotin nila bukas, nasa sasakyan kami papuntang mall ng marinig kong mag salita si Aria."Mom, why didn't we meet your mom?" tanong nito habang nilalaro ang teddy bear na hawak niya.Napahigpit naman ang kapit ko sa manibela dahil sa narinig, inaasahan ko ng tatanungin nila ito dahil ang dad ko lang ang kanilang nakilala."Dahil wala na siya, Aria," matagal bago ako nakasagot."Huh?" mukhang hindi na naintindihan ni Aria ang sinabi ko.Nilingon siya ni Caleb. "Mom said it's because her mom is dead," paliwanag niya at mukhang nagulat si Aria sa narinig."That's so sad, do you miss her, mom?" malungkot na tumingin sa akin si Aria kaya natawa ako."I always missed her, anak," wika ko. "Sana nga nandito siya at kasama natin, alam kong matutuwa siya kung makikilala niya ako," dagdag ko at mukhang natakot si Aria."Mom, I don't like ghosts," natatakot na sabi ni Aria.Malakas akong tumawa hab
Amelia's Point Of View.Kinabukasan ay maaga ako nagising ng hindi ko alam ang dahilan, saka pa lang kasi ang sink-in sa akin na pupunta kami sa mansyon ng demonyong lalaki na iyon.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan."Kinakabahan ka ba dahil baka alukin ka ng kasal ni Chase?" natatawang sabi ni Sandy, at siyempre, nandito na naman siya sa bahay ko kahit na hindi ko siya sinasabihang pumunta.Ang sabi niya ay dapat nandito siya dahil importante raw ang araw na ito, ano namang importante sa pag punta namin sa bahay ng lalaking iyon?"Mas kinakabahan ako na baka sabihin nila kami ng masasakit na salita roon," inis kong sabi habang nag pla-plansiya ng mga susuotin namin mamayang gabi."Mabait naman siguro ang pamilya niya," sagot ni Sandy at kumagat sa sandwich na ginawa niya."Tsk. Bakit naman ganoon ang ugali ng anak nila kung ganoon?" inis kong tanong at tinuuon ang pansin sa dress na susuotin ko mamaya. "Ang judgmental mo talaga!" natatawang sabi ni Sandy."Masama naman kasi t
Amelia's Point Of View.Tapos ko ng bihisan sina Caleb at Aria at ngayon ay ang sarili ko naman ang inaayusan ko, kanina ko pa tinitignan ang sarili ko sa salamin at pakiramdam ko ay may kulang parin sa itsura ko."Grabe ang tagal mo mag ayos ah," narinig kong sabi ni Sandy. Tinignan ko siya. "Ayos lang ba ang itsura ko?" tanong ko sa kaniya, nakalugay ang hanggang baba ng dibdib kong buhok at nag lagay din ako ng light make up.Nginisihan naman ako ni Sandy. "Kahit naman wala kang make up ay maganda ka, at saka bakit ba parang conscious na conscious ka sa mukha mo ngayon?" nang-aasar niya akong nginisihan.Umirap ako at binaba ang hawak kong suklay bago siya sagutin. "Hindi naman ito para sa lalaking iyon, gusto ko lang mag mukhang maayos sa harap ng mga magulang niya," wika ko. "Baka nga ang pag papakilala sa akin noon ay isa akong prostitute," inis kong dagdag.Narinig ko ang pag tawa ni Sandy. "Hindi ako makapaniwalang napag kamalan ka niyang isang prostitute," natatawang saad ni
Amelia's Point Of View.Nang makarating ako sa mall ay dumiretso na kaagad ako sa mga bibilhin ko, kaunti pa rin kasi ang mga gamit sa condo kaya gusto kong dagdagan lalo na't sumahod ako kahapon, unang sahod ko bilang teacher pagkatapos kong bumalik.Nakakatuwa sa pakiramdam, noon ay sa sarili kong luha ginagamit ang sahod ko. Ngayon ay para na kila Aria, nakakatuwa dahil hindi ko kailangan humingi sa kahit sino para bilhan sila ng mga bagay na gusto nilang bilhin.Dumiretso ako sa furniture section para bumili ng dalawang single na sofa, kaagad naman akong nakahanap ng gusto kong sofa kaya binayaran ko na ito kaagad at idedeliver na lang daw iyon sa bahay.Pagkatapos ay dumiretso ako sa damit na mga pambata, naglalakad na ako papunta roon ng may isang pamilyar na babae ang humarang sa akin."Anika," bulaslas ko ng makita ang mukha niya, kaagad namang may ngisi na lumabas sa kaniyang labi, ngunit hindi ko nagustuhan iyon."Wow, mabuti naman at natandaan mo ang pangalan ko," nakangisi
Amelia's Point Of View.Noong sumapit ang weekend ay inistorbo ko muna si Sandy na bantayan sina Aria at Caleb dahil mamimili ako sa mall."Sus! Ang sabihin mo ay magdadate lang kayo ni Chase!" bulaslas niya kaagad pagkapasok niya ng condo, tinignan ko siya ng masama."Anong date? Wala na nga akong time na mag-ayos ng sarili ko, sa pagdadate pa kaya?" asar kong saad habang sinusuklay ang aking buhok, naghahanda na ako para umalis."Sus! Para namang matatanggi mo si Chase kapag niyaya kang makipagdate," wika niya habang may ngisi, mabuti na lang at tulog pa sina Aria dahil kung hindi kanina ko pa binato ng suklay si Sandy! Mabuti na lang talaga ay hindi natututunan nila Aria ang kung anong lumalabas sa bibig ng babaeng 'yan."Huwag ka ngang mag-isip ng kung ano riyan, magkaibigan lang kami nung tao," sagot ko. Mas lalo siyang hindi tumigil sa kakaasar, sinabi kasi nila Aria iyong pagpunta nila sa mall noong nakaraan, tapos binilhan pa raw ako ng mga dress na nagustuhan ko naman.Hindi
Chase's Point Of View."May nangyari ba?" tanong ni Norven gamit ang seryosong boses at tumingin sa akin.Malakas akong bumuntong hininga at tumango bago ko sinumulang sabihin sa akin ang mga sinabi ng lalaki sa amin. Nang matapos akong magsalita ay hindi makagalaw si Norven at kita ko ang magkahalong gulat at galit sa mga mata niya.Katulad kasi namin ay sumali rin si Norven sa Neuro Scorpion, doon namin siya nakilala at naging kaibigan. Mas matagal siya sa grupo kaysa sa amin at alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya si Ford."He's joking, he's joking," sunod-sunod na wika ni Norven. "He must be just joking," wika nito at mabilis na naglakad papasok ng The Spot, kahit gusto man namin siyang pigilan ay hindi na namin nagawa dahil nakapasok na siya."Hayaan mo na siya, Ryan," wika ko ng makitang susunod siyang pumasok, huminto naman siya at naupo sa sofa."Baka mapatay niya iyong lalaki," sagot niya sa akin at umilang naman ako."He's a police, alam niya ang ginagawa niya," saad ko."
Chase's Point Of View."Answer me, you fucker!" pag-uulit ni Ryan ngunit nanatiling mukhang walang pakialam sa kaniya ang lalaki dahilan upang mas lalo kong makita ang galit sa mga mata ng kaibigan ko.Galit na tumayo si Ryan at mabilis na hinawakan ang kuwelyo ng lalaki at tinaas ito, dahil nakatali ito sa upuan ay pati ang upuan ang napangaat dahil sa lakas ni Ryan."Answer me!" sigaw ni Ryan sa mukha ng lalaki.Malakas akong bumuntong hininga at nagsalita. "Kumalma ka muna, Ryan. Bitawan mo siya at bumalik ka rito sa pwesto mo," mahinanong wika ko at narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong hininga ngunit binitawan niya naman ang lalaki na pabalibag dahilan upang muntikan na ng matumba ang upuan.Bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko ngunit nararamdaman ko pa rin ang galit niya."Anong sinasabi mong kapag may namatay ay may papalit?" seryosong tanong ko sa kaniya at ilang segundo kaming nagtitigan sa mga mata bago ko narinig ang isang malakas niyang buntong hininga."Kaming m
Chase's Point Of View.Wala pa ring malay iyong lalaki pagkadating ko sa The Spot, ang The Spot ay isang lihim na lugar na kaming dalawa lang ni Ryan ang nakakaalam. Ilang taon na rin ang lumipas simula ng magawa namin ang lugar na iyon, noon ay pansin kong palaging may sumusunod sa akin. Alam ko naman na kalaban iyon ni Dad at dahil sa akin namana ang kompanya, hindi na nakakapagtaka na ako na ang ginugulo nila ngayon.At kahit na si Calix pa ang magmana ng kompanya, alam kong mararanasan niya rin ang mga naranasan ko.Binuo namin ang The Spot para doon ipunta lahat ng mga kahinahinalang tao na sumusunod sa akin, hindi naman namin sila kinukulong. Nagtatanong lang ako ng ilang mga tanong at pagkatapos ay si Police Norven na ang bahala sa kanila.Pero nitong mga nakaraan ay napapansin kong wala ng gaanong nanonood sa mga galaw ko. Nakakapagtaka dahil hindi ko alam kung kailan sila aatake, kaya doble rin ang pag-iingat ko lalo na't alam ko kung gaano sila kadelikado, baka madamay sina
Amelia's Point Of View."Naka move on ka na?" halata ang gulat sa aking boses noong magsalita ako at nakita ko namang tumawa siya sa akin.His face softened when he laughed. . . bakit ba hindi na lang siya laging tumawa?"Yeah, I already moved on," sagot niya ngunit hindi pa rin ako kumbinsido."P-Pero ang sabi mo noong pumunta kami sa mansyon niyo ay mahal mo pa siya, nagsinungaling ka lang ba noon?" tanong ko sa kaniya."Totoo na noong mga panahon na iyon ay hindi pa rin ako makapag move on, pero ngayon ay hindi ko na siya mahal. Dahil kung ako pa rin ang dating Chase, ay alam kong sa oras na bumalik siya ng bansa ay ako pa ang kusang magmakaawang balikan niya ako," wika niya. "Pero nagbago na ako, hindi ko na hahayaan pa na sirain niyang muli ang buhay ko," dagdag niya."T-That's good to hear," iyon na lang ang tanging lumabas sa aking bibig, hindi ko alam ang aking sasabihin. "Ikaw ba? Nakapag move on ka na?"Natawa ako sa kaniyang tanong. "Oo naman, matagal na. Kahit wala akong
Amelia's Point Of View."Do you think he will come back here?"Napalingon ako kay Chase sa kaniyang tinanong, kaming dalawa na lang ang kumakain ngayon dahil masyadong excited sina Aria at Caleb na buksan ang mga pinamili nila sa mall kanina."Huh? Sino?" takang tanong ko at muling binalik ang tingin kila Caleb na tuwang-tuwa sa pagbubukas ng mga paper bags."Your ex. . .""Ah si Mike," sagot ko."I don't care about his name," wika niya at malakas na bumuntong hininga kaya napakunot ang aking noo at tumingin sa kaniya. Nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin. "Ayoko sanang marinig ng mga bata iyong kanina, mabuti na lang pinapunta ko kaagad sila sa kabilang condo noong naintindihan ko iyong nangyayari rito."Malakas naman akong napabuntong hininga, naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. "Kahit ako man ay ayokong marinig nila iyong mga sinabi ni Mike kanina, kaya salamat dahil pinapunta mo sila kaagad sa condo ng kaibigan mo," seryosong wika ko. "At kung babalik man si Mike
Amelia's Point Of View."Amelia! Bumalik ka na kasi sa akin, handa naman akong maging tatay ng mga anak mo. . ."Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa narinig, hindi ko alam kung bakit hindi siya nakikinig sa akin. Sana pala ay hindi ko na lang siya pinapasok dito sa loob.Magsasalita na sana ako ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses."Hindi naghahanap ng magiging Ama ang mga anak ko, dahil sa mata nila ako lang ang kikilalanin nilang kanilang Dad," seryosong saad ni Chase habang nakatingin kay Mike na gulat na napalingon sa kaniya.Hindi ko namayalan na nandito na pala siya, pero nasaan sina Caleb at Aria?"C-Chase Santiago?" gulat na saad ni Mike, hindi ko alam na kilala niya pala ang lalaking 'to.Nakita ko ang pagngisi ni Chase ngunit halata sa kaniyang mukha na naiirita siya. "Kilala mo pala ako, ganoon ba talaga kasikat ang surname namin?" wika niya.Napalingon naman sa akin si Mike dahilan upang taasan ko siya ng kilay. Anong tini-tingin tingin nito?"Siya ang ama ng mga
Chase's Point Of View.Plinano ko na talagang lumabas kami ngayong araw, kinakabahan pa nga akong magsabi kay Amelia dahil may parte sa akin na naniniwalang hindi siya papayag. Natutuwa naman ako na pumayag siya pero nanghihinayang lang ako dahil hindi siya makakasama."Sayang, dapat kasama ang Mom niyo," wika ko sa kanila habang nagmamaneho ako, parehas silang nasa back seat. Si Aria ay abala asa pagtingin sa labas habang si Caleb ay nagbabasa ng libro, pansin kong mahilig siya sa pagbabasa dahil may nakita rin akong mga libro sa condo nila."Gusto mong makasama si Mom, Dad?" nakangiting tanong ni Aria dahilan upang matawa ako, dahil parang binibigyan niya ng meaning iyon."Of course, gusto ko ring makasama natin siya dahil ito ang unang beses na lalabas tayo, right?" sagot ko habang nakangiti."Mom's busy right now, pero sigurado akong sa susunod ay makakasama na siya," wika ni Caleb, ang tingin niya ay nasa libro pa rin."Yeah, of course. Makakasama na siya sa susunod," sagot ko a