Share

4 Who are you?

Sumama ako sa rescue team hanggang pagdala sa lalaki sa pinakamalapit na hospital para agad itong matignan.

Hindi ko kilala ang lalakeng ito, pero handa akong dumamay sa kanya. Para akong asawa na nakahawak pa sa kamay nito habang sakay kami ng ambulance.

I hope makaligtas ka sir! (sambit ko sa aking sarili habang nakatitig sa kanya nang may pag-aalala)

Nakarating na kami ng hospital. Agad akong tinanong ng attending nurse.

Nurse: "Ma'am ka-ano ano niyo po ang patient?"

Mikaela: "uhm... ako yung nakakita sa kanya sa crash site"

Nurse: "Alam po ba nila ang pagkakakilanlan ng pasyente?"

Mikaela: "hi-hindi... pasensya na..."

Nurse: "ma'am please stay here po muna."

habang sinasarado ng nurse ang kurtina sa emergency room.

hindi ako aalis dito hanggat hindi ako nakakasigurado na nasa maayos siyang kalagayan... Hindi ko din alam kung anong meron sa lalaking ito at hindi ko maiwan iwan. Gwapo siya oo at handa ko din naman itong gawin kahit sino pa ang nadatnan ko sa lugar na iyon. Pero may kakaiba talaga akong nararamdaman sa kanya... Gusto ko itong makilala...

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang Bestfriend kong si Anya.

Mikaela: "Hello beks! Hindi muna ako makakauwi ng mga ilang araw huh?"

Anya: "ha?! ano nangyari beks!"

Mikaela: "May tinulungan akong lalaki beks! Bumagsak ang plane na sinasakyan niya kung saan ako nagha-hike!"

Anya: "shocks beks! kamusta ang sakay? patay ba?"

Mikaela: "Hindi beks. Buhay pero mukhang critical... sige na beks usap tayo ulit. Wait byeeee!."

Kinausap ako ng doctor.

Doc: "He is stable now but we need to put him in the ICU. Hindi naman ganoon kalalim ang mga sugat niya and luckily yung tubong tumusok sa kanya ay hindi naman bumaon na pwedeng mag-cause ng matinding damage sa kanyang binti."

"Are you the immediate family?" - tanong ni doc sa akin.

Mikaela: "No po doc, ako po yung nakakita sa kanya sa crash site."

Doc: "I see. hintayin na lang natin ang mga pulis para maimbestigahan ang pangyayari. I have to check my other patients for now. Okay?"

Mikaela: "thanks, doc!"

Nasa labas ako ng ICU. Binabantayan siya at nagaalala pa din.

Chineck ko ang aking bag. Dito na lang siguro ako sa hospital magfrefreshen up at magpapalipas ng magdamag. Wala naman kasi sa plano kong mag-overnight. Plano ko kasi ay pagkatapos ko mag-hike, derecho uwi ako sa Manila.

Buti na lang at pumayag ang nakashift na nurse na mag-paumaga ako dito sa hospital.

Kinaumagahan, chi-neck ko agad yung lalaki... nakadungaw ako sa maliit na glass ng pintuan.

Unconscious pa din ito pero he seems a little bit okay now... Kumpara naman sa itsura niya kahapon. Kailangan ko muna bumalik sa camp site para kunin ang kotse ko.

Bumili muna ako ng makakain sa cafeteria ng hospital dahil nakaramdam na din ako ng gutom. This is my first meal after the incident at dumerecho na akong umalis para kunin ang kotse ko.

pagkakuha ko ng aking sasakyan ay agad naman akong naghanap ng matutuluyan via online booking. Kailangan ko din pala magfile ng LOA sa office. I'm sure hahanapin ako ng boss ko bukas.

After ko makapagcheck-in sa place na tutuluyan ko ay agad akong nagbihis at bumalik sa hospital. Dumaan muna ako sa isang stall ng nagtintinda ng flowers sa gilid ng daan para mailagay sa room ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan. Wala pa din nakakaalam ng pagkakakilanlan ng lalaking ito.

lumipas ang maghapon ay hindi pa din nagigising ang lalaki. Nakausap na din ako ng mga pulis para hingin ang statement ko.

Medyo pagod pa din ako kaya umuwi muna ako sa aking tinutuluyan at babalik na lang ako kinaumagahan para i-check ulit siya.

***kinabukasan

Pagbalik ko ng hospital, sa labas ng room niya ay nakita kong madaming nurse at doctor na pumasok. Nataranta naman akong pumunta at sumilip sa pintuan.

He's awake! This handsome guy is awake now... Nakangiti akong lumabas muna ng room niya while the doctor is checking him.

Pagkalabas ng isang nurse ay agad niya akong kinausap.

Nurse: "Ma'am, his name is Tristan Buenaventura"

(Tristan Buenaventura...)

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status