Tashi’s POV“Tashi, akala ko ba sa bahay ka na ni Sir Spring nakatira?” tanong sa akin ni Bunny. Napakunot ang noo ko roon. Hindi ko alam kung saan nakakalap ni Bunny ang mga impormasiyon tungkol sa akin pero madalas na ginagamit niya lang din ‘yon na pang-insulto. Hindi na siya nagsasawa riyan. “Ano na naman ba ‘yan, Bunny? Masiyado ka namang insecure kay Tashi,” natatawang saad ni Gina kaya agad siyang sinamaan ng tingin ni Bunny. “Shut up, Gina, hindi naman ikaw ang kausap ko,” galit nitong saad na napairap pa kay Gina. Imbes na mainis si Gina ay tinawanan niya lang ito. “Ano na naman ba ‘yang chismis mo? Hindi ka na nagsasawa riyan, ah?” tanong ni Gina na pinagtaasan pa ito ng kilay. “Look at Kristine’s post! She said that she’s going to start living in Sir Spring’s house! Ano ‘yan? Tatlo kayong magbabahay-bahayan?” tanong ni Bunny na nakangisi pa sa akin ngayon. Nahinto naman ako roon. May post nga talaga si Kristine. Hindi naman siguro ito mag-popost ng walang matibay na sup
Tashi’s POV“Mama!” malakas na sigaw ni Sertio nang makita ako. Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya bago nanakbo patungo sa akin. Iniwan ang mga kasama niya roon. Napatayo rin si Kristine Diaz at unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang makita ako pero unti-unti ring kumurba ang ngisi sa kaniya na para bang nang-aasar.“You’re done with your work? You’re so pretty!” aniya na hinalikan pa ako sa pisngi. Natatawa ko na lang pinitik ang noo nito. Nang ibinaba ko siya’y agad niya akong hinawakan sa kamay bago hinila palapit sa kaniyang mga kaibigan.“Look at my Mama, she’s so pretty wearing her uniform, right?” tanong nito sa mga kaibigan. “Kahit hindi naman naka-uniform, maganda ang Mama mo, eh!” anang isang batang lalaki kaya natawa na lang ako. “Right. Your mom is always pretty, Sertio,” natatawang saad ni Spring na lumapit sa aming dalawa. Hinawakan niya pa ako sa baywang kaya agad ko siyang pinagkunutan ng noo bago ko inalis ang pagkakahawak niya sa akin. “Aga
Tashi’s POV“Mama, bakit hindi po tayo umuuwi sa bahay?” tanong ni Sertio sa akin nang pasubo na sana ako. Nahinto ako roon. Napatingin din tuloy sa akin si Jade. She even murmured good luck to me kaya hindi ko maiwasan ang irapan siya. “Ninang Jade don’t have someone with her. Wala ang Tito Elias mo,” sambit ko kaya kita ko ang tingin sa akin ni Sertio. Pinanlakihan naman ako ng mata ni Jade dahil siya na naman ang ginamit kong pampalusot sa anak. “But when Tito Elias came back here, we’ll go home na po? Kawawa naman po si Papa, wala siyang kasama sa bahay,” ani Sertio sa akin kaya hindi ko na naman naituloy ang pagkain. “Binibisita ka naman ng Papa mo, Sertio,” ani ko. Alam kong nakatira si Spring ngayon malapit sa amin. Nagrerenta ng apartment dahil ang kabilin-bilinan ko kay Jade na bawal ‘yon matulog dito. Hindi ko alam pero nakakaramdam na rin ako ng awa sa kaniya. I just don’t want to be hurt but I think I’m hurting him now. I can’t help but to feel guilty dahil sa kagustuh
Tashi’s POV“Oh, sa ‘yo pala Spring.” Tumawa pa ang lalaki bago tinapik ang braso ni Spring. Hindi ko mapigilan ang mapakunot ang noo roon. “Ano ako? Bagay? Anong sa ‘yo?” Hindi ko agad napagsabihan ang lalaki kaya kay Spring ko ibinubuntong ang inis. “I didn’t say that…” aniya na napanguso. “Beh, hanap muna akong fafa, huh? Stay with your Daddy,” maharot na saad sa akin ni Gina bago kumindat. Hindi ko maiwasan ang mailing sa kaniya. Nang harapin ko si Spring kita kong nakatingin siya sa akin. “You’ll find a fafa?” Hindi ko alam kung matatawa o maiinis sa paraan ng pagkakasabi niya no'n. Parang nang-iinsulto pa. Hindi ko mapigilan ang mapailing.“I won’t. Si Gina ang maghahanap,” ani ko. Hindi rin maintindihan ang sarili kung bakit ako nagpapaliwanag sa kaniya ngayon. “Good.” Pinagtaasan ko siya ng kilay roon. “I thought we’ll go here together?” ulit niya sa tanong na tinanong naman na kanina sa text. “We didn’t talk about that. And you come with someone else today.” And speak
Tashi’s POVNahinto naman ang ilang nandito sa table. Agad silang napatikhim at agad na nagsikuhan bago nagsi-alis. Hindi ko naman na magawang ibigay pa ang atensiyon sa kanila dahil na kay Spring na ang tingin. Bahala na. “Aba, gusto mo atang maagang mamatay,” ani ko nang kunin ang alak sa kaniyang mga kamay. And for the first time for the night, he smiled. Damn it. Bakit ang pogi pa rin ng hinayupak kahit pulang-pula na ang mukha sa kalasingan. Parang sira, kainis.“So I’ll only get your attention if I died, huh?” wala sa sariling saad niya. I don’t know if he still knows me or whatever. “Let’s go, uuwi na kita sa bahay mo,” ani ko. Hinawakan ko pa ang palapulsuhan nito subalit bago ko pa siya mahila, nahila na niya ako. Napatikhim naman ako nang mapaupo sa tabi niya.“Damn, I miss you, Tala Shiobel…” bulong niya na tinitigan pa ako. “Ano ba? Tigilan mo nga ‘yan, Spring. Uuwi na tayo,” ani ko. I know na hindi naman kami tinitignan ng mga taong nandito but some are looking. Alam n
Tashi’s POV“I’m already in love with you. Quits lang,” he said. Buong gabi sa Canada ay nakipag-usap lang ako sa kaniya. Ni hindi ko alam kung paanong nagtapos ang araw ko na nakikipagharutan lang dito. Nang magising ako kinaumagahan, may text pa galing kay Spring saying that he’ll going to sleep na. Nag-send lang ako ng litrato ko wearing my comfy clothes bago lumabas. I’m going with Captain De Guzman today. “As usual, you still look good, Tashi,” nakangiti niyang saad sa akin. “Thank you, Captain,” ani ko na nginitian din siya pabalik. “Tara?” tanong niya sa akin. Tumango lang naman ako rito.Nauna kaming nagtungo sa Ripley’s Aquarium dito sa Toronoto. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi habang kumukuha ng mga litrato. “If Sertio’s with us, he’s probably going to be happy!” ani Captain De Guzman sa akin kaya natawa ako. “Hay nako, baka iyakan lang ako niyon dito!” natatawa kong saad. Avengers lang naman ang gusto ng batang ‘yon. Paniguradong kung dadalhin dito’y
Tashi’s POV“I already talk to them. No need to face them again. I don’t like it when they disrespect you,” he said to me kaya napangiti na lang din ako. “Thank you, Spring, but no need to protect me dahil hindi naman kailangan,” sambit ko sa kaniya kaya mas lalo niya akong tinitigan. “And try to understand where they are coming from too. Ayos na ayos kayo ni Kristine as a couple if ever—” Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ay napapasimangot na ito. Natawa naman ako nang mahina roon. That’s the truth, hindi ko naman maalis ‘yon. “I mean goods na ang future niyo. Okay rin if mag-merge ang companies niyong dalawa. Kasala na lang talaga ang kulang but we barg in your life at nagkanda-letse letse na rin—”“What?” Parang ayaw niya nang ipatuloy pa ang sasabihin ko kaya hindi ko maiwasan ang matawa.“I mean their lives…” ani ko. “Sertio and you are the best thing that happened to my life so don’t even think of thinking things like that,” inis niyang saad sa akin kaya natawa na lang ako
Tashi’s POV“Go, Anak!” malakas kong sigaw nang maka-shoot si Sertio. Napatawa pa sa akin ni Spring nang mapatalon ako. “Savellano for three! Aba’t napakagaling talaga ng batang ‘to. Mukhang MVP na naman katulad nang nakaraang taon.” Mukhang hangang-hanga kay Sertio ang announcer kaya hindi ko maiwasan ang matawa. Intrams nina Sertio ngayon. Grade 1 na siya this year. Tuwang-tuwa ang ilang guro sa kaniya last year at ngayon din. Nang matapos ang laro ay agad na nanakbo patungo sa gawi namin si Sertio. Agad niya akong niyakap kaya agad ko ring ginulo ang buhok niya. “Napakagaling naman ng anak kong ‘yan!” ani ko na pinanggigilan pa ang kaniyang pisngi. “You’re so unfair, Tashi. You don’t like to touch me when I’m sweaty,” ani Spring na napanguso pa. Hindi ko naman maiwasan ang natawa bago pinitik ang kaniyang noo. Napakaarte talaga ng isang ‘to. “Let’s go home. I already miss you cooking us food,” ani Spring na malapad ang ngiti sa akin. Napatawa naman ako nang mahina roon. I jus