Serenity's Point of ViewHindi ko inakala na muling babalik sa buhay ko si Gabrielle. Matagal na rin kaming hindi nagkikita, at marami na ring nangyari sa pagitan namin. Pero ngayon, parang unti-unti siyang gumagawa ng paraan para bumalik sa buhay ko, kahit na hindi kami magkasama sa iisang bubong.Nagsimula ang lahat sa mga simpleng bagay. Minsan, bigla na lang akong makakatanggap ng mensahe mula sa kanya. Walang masyadong sinasabi, kundi simpleng tanong lang tulad ng, "Kamusta si Justine?" o "Huwag kang masyadong magtrabaho, kailangan mo rin ng pahinga." Simple lang ang mga mensaheng ito, pero hindi ko maiwasang maramdaman ang kakaibang init sa dibdib ko tuwing nababasa ko sila. Hindi ko inaasahan na makakatanggap pa ako ng mga ganitong klaseng mensahe mula kay Gabrielle, lalo na't matagal na kaming hindi magkasama.Si Justine naman, madalas ding nagtatanong tungkol kay Gabrielle. Alam kong nahihirapan ang bata na maunawaan ang sitwasyon namin, kaya't sinasabi ko na lang sa kanya, "
Gabrielle's Point of ViewHindi ko alam kung paano ko nagawang iwan ang lahat. Minsan, parang panaginip lang ang lahat ng ito—ang buhay na iniwan ko, ang pamilya na sinira ko. Pero ito ang realidad na ginawa ko sa sarili ko, at sa bawat araw na lumilipas, mas nagiging malinaw sa akin kung gaano kalaking pagkakamali ang nagawa ko.Si Kristine, ang babaeng nakasama ko ng maraming taon, ang ina ng anak kong si Kimberly. Bumuo kami ng pamilya, isang pamilya na minsan kong pinangarap na magiging masaya at buo hanggang sa huli. Pero ngayon, wala na iyon. At ako ang may kasalanan. Nagsimula ang lahat nang bumalik si Eumerriah sa buhay ko. Hindi ko inasahan na makikita ko pa siya muli, na mararamdaman ko ulit ang mga damdamin na matagal ko nang inilibing. Akala ko, tapos na ang lahat sa amin ni Eumerriah. Akala ko, kaya ko na siyang kalimutan, kaya kong magpatuloy sa buhay kasama si Kristine at si Kimberly. Pero nang makita ko si Eumerriah, biglang bumalik ang lahat ng damdamin na iyon—mga d
Eumerriah's Point of ViewNakarecover na si Justine mula sa kanyang karamdaman, at sa kabila ng lahat ng nangyari, malaki ang pasasalamat ko kay Gabrielle. Ang kanyang suporta sa amin ay hindi ko malilimutan. Ngunit pagkatapos ng aming pagkikita at nang malaman kong ang matalik niyang kaibigan na si Paul ang tunay na ama ni Kimberly, parang isang matinding tinik ang naalis mula sa kaniya, ngunit hindi ko pa rin maipaliwanag ang tunay na nararamdaman niyang nararamdamanDalawang linggo na ang nakalipas mula nang matuklasan ko ang katotohanan, ngunit wala na akong balita mula kay Gabrielle. Nawawala siya, at kahit anong gawin ko, hindi ko siya matagpuan. Ang kanyang pagkawala ay tila isang bagong pahirap na dumagdag sa aking mga pagsubok.Sa gitna ng lahat ng ito, napapadalas ang pagbisita ni Jayson sa aming bahay. Ayaw ni Justine na magpaligo sa ibang tao, kaya't mas pinili naming huwag mag-hire ng personal nurse. Minsan, nakikita ko siyang nag-aalala at nagtatago ng kanyang tunay na n
Eumerriah's Point of View Tatlong buwan na ang lumipas simula nang biglaang pagkawala ni Gabrielle, at walang sinuman ang nakarinig ng balita mula sa kanya. Lahat sila'y nag-aalala—pati sina Kristine at Kimberly ay naguguluhan na rin sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na pati ako’y wala ring ideya kung nasaan siya o kung kailan siya babalik.Sa kabila ng lahat ng ito, ang buhay namin ni Shaira ay unti-unting bumalik sa dati. Ako ang patuloy na nagtatrabaho para sa aming pamilya, habang si Shaira naman ang naiiwan sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at si Justine. Naging maayos ang daloy ng mga araw, ngunit ang bigat ng mga tanong na walang kasagutan ay laging naroon."Hanggang ngayon ba, wala pa ring paramdam si Gabrielle?" tanong ni Shaira, habang iniayos ang mga laruan ni Dustine sa sahig.Umiling ako, naramdaman ko ang lungkot sa aking dibdib. "Kahit si Kristine ay nagtatanong na rin sa akin. Nagkakagulo na daw sa kumpanya nila dahil sa biglaan niyang
Eumerriah's Point of View Sa loob ng anim na buwan, nasa maayos ang lahat. Walang gulo, walang away, kahit madalas ko nang katrabaho si Jerome."Siya pa din ba hanggang ngayon?" tanong ni Jerome."Eh, ano naman sa'yo?" Sagot ko, medyo matalim ang tono.Para bang wala siyang pakialam sa mga nangyari noon. Na parang hindi siya ang lalaking minsang kinabaliwan ko."Kung sana pinagpatuloy mo lang ang pagiging baliw sa'kin, baka natutunan ko pa 'yang mahalin ka," biro ko."Sabi mo e," sagot niya, tila walang malasakit."Ang tigas mo na ngayon, ah. Parang hindi ka nabaliw sa'kin noon," patuloy ko."It's been 17 years and still? Hindi ka pa rin ba nakaka-move on? Hindi mo nga nagawang ipaglaban ang bestfriend kong una mong minahal, ako pa kaya na ginamit mo lang?""Eh, hindi ko kasalanan kung hindi siya matanggap ng pamilya ko.""Kasalanan mong pinaasa mo siya at hindi minahal ng totoo.""Anong alam mo sa pagmamahal ng totoo?""Eh, ikaw? Anong alam mo? Hindi na tayo mga bata para dyan! Kung
"Another movie you slay!" bati ni Shaira, habang yakap ako ng mahigpit."Napakagaling talaga ng mommy ko," puri ni Justine na ngayon ay nakaayos na parang ganap na binata na, ang buhok ay maayos, at ang suot na amerikana ay tumatakip sa kanyang buong katawan. Tumingin siya sa akin ng may labis na paghanga, at para bang natutunan niya ang mga bagay na ito mula sa akin."You always pretty, Mommy," sabi ni Dustine, na kahit bata pa, may mga simpleng salita na kayang magpasaya sa puso ko. Nakangiti siya sa akin, ang mga mata ay puno ng kasiyahan at pagmamahal."Ang napakaganda at walang kupas sa galing," papuri naman ni Jayson, na tumayo sa aking tabi, ang mga mata ay puno ng paggalang.Kakatapos lang ng premier night ng isa sa mga pinakamatagumpay naming pelikula ni Jerome. Ang kwento namin sa pelikula ay punong-puno ng emosyon, at hindi ko inisip na magiging ganito ang lahat. Matapos ang ilang linggong hirap at pagod, ang pagkakataon na ito ay nagbigay saya at tagumpay sa amin.Nasa git
"Eumerriah!" Tinawag ako ni Kate, ang boses niya ay puno ng alalahanin.Lumingon ako sa kaniya, at nakita ko ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha."Naiisip mo pa din ba siya?" Tanong niya, ang tinig ay puno ng pag-aalala. "Kung kamusta man lang ba siya?"Tahimik akong tumayo at binugaw ang mga tao sa paligid, tila may nararamdaman akong bigat. Naisip ko si Gabrielle. Sa lahat ng nangyari, siya pa rin ang nagbigay ng damdamin sa aking puso, pero hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon."Ano bang nais mong iparating?" tanong ko, pilit na tinatago ang nararamdaman."I just wanted you to know," sabi ni Kate, ang kanyang boses ay seryoso, "na noon pa lang nahirapan na siyang tanggapin na nawala ka ng ganoon lang. Tapos bigla kang bumalik at inisip na pinabayaan ka niya, na hindi ka man lang hinanap?"Habang binabasa ko ang kanyang mga salita, parang sumabog ang sakit sa aking dibdib. Naramdaman ko ang pighati ni Gabrielle sa mga taon ng pagkawala ko, ngunit hindi ko rin kaya
Eumerriah’s Point of ViewMasakit sa balat ang init ng araw na tumatama sa balat ko nang magising ako. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko sa kama at napansin kong wala akong saplot ni isa dahil sa lamig na direktang tumatama sa aking balat. Kahit medyo masakit ang ulo ko ay pinilit kong idinilat ang nanlalabo ko pa ring mga mata. Sapo-sapo ko ang aking ulo saka ipinilig ito. Hinablot ko ang kumot at ibabalot sana ito sa aking katawan. Pero tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kumot kaya hindi ko to mahablot ng maayos. Halos nakapikit pa ang mga mata ko kaya kinusot-kusot ko ito gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay muling kinapa ang kumot. Ngunit laking gulat ko nang hindi kumot ang nakapa ng isang kamay ko kundi isang matigas na bagay. Biglang nawala ang antok ko at idinilat ng maayos ang mga mata ko para makita ang matigas na bagay na nakapa ko sa aking tabi.“Aaaaaa! Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko ng marealize kong hindi ito ang boyfriend ko. Saka ko