“PLEASE NATALIA, STOP PRETENDING,” Malamig ang tonong sabi nito sa kanya saka mabilis siyang itinulak palayo, “Huwag tayong makunwari na magkakampi tayo. Sa ngayon, alam mo kung anong papel mo sa bahay na ito. Inasawa kita para maramdaman ng father mo kung gaano kasakit ang ginawa niyang panggagamit kay Auntie Nena. No more, no less,” pagkasabi niyon ay mabilis na siya nitong tinalikuran. Ako ang kabayaran sa lahat ng atraso ni Papang. Huh, ano bang klaseng kapalaran meron ako? Siguro nuong past life ko ay pagkasama-sama kong tao kaya ako nagdurusa ng ganito ngayon. Ang saklap. Muli ay naalala niya si Choi. Ang matabang si Choi na iyakin at mahilig mapag-isa. Naalala niyang madalas niya itong alaskahin. Naiinis kasi siya na hindi oto marunong lumaban. May paniwala kasi siyang walang mararating sa buhay ang taong hindi marunong lumaban kaya gusto niya itong turuan. Palagi niya itong inaasar para labanan siya. Pero iiyak lang si Choi sa isa
GUSTONG humingi muli ng tulong ni Timothy kay Elena upang mabawi niya si Natalia ngunit natatakot siyang baka magalit lamang ito sa kanya sa napakalaking halaga na hihingiin niya. One hundred fifty million dollars. Sino naman kayang baliw ang maglalabas ng ganuon kalaking halaga ng pera? Hindi na kailangang umamin pa sa kanya ni Elena na may gusto ito kay Matt kaya siya nito tinulungan nuon. Hindi naman siya tanga para hindi mahulaan ang espesyal na pagtingin nito sa lalaki. Pero ang maglabas ito ng one hundred fifty million dollars? Ngunit gusto pa rin niyang subukan. Kinuha niya ang calling card nito at tinawagan ito. “Magkita tayo. Magtulungan tayo.” Sabi niya rito. “NABABALIW ka na ba? Kahit mayaman ako, hindi ako magpapakawala ng one hundred fifty million dollars! Kung one hundred fifty million pesos, pwede. Pero one hundred fifty million dollars? Gusto kong ipaalala saiyo na kaya yumayaman ng husto ang mga katulad namin dahil matalino kami pagd
MALAYO pa ay natanawan na ni Matt sina Elena at Timothy kausap si Mr. Teng Lee sa isang restaurant sa loob ng pinakamalaking casino dito sa Pilipinas na pag-aari ng isa sa mga kaibigan niya. Narito siya para tagpuin sana ito. Ngunit nang makita niya si Timothy kasama sina Elena at Mr. Teng Lee ay bigla siyang kinutuban. Matagal na niyang alam ang mga illegal na transactions ng matanda. Napaisip siya. Pakiramdam niya ay ipapahamak ng mga ito ang dating kasintahan ni Natalia. Nagmamadali niyang tinawagan si Natalia. Kung tutuusin ay hindi na niya dapat gawin ito. Ano baa ng pakialam niya sa Timothy na iyon? Ngunit hindi siya makapapayag na may isa na namang buhay ang masisira ng dahil sa matandang iyon. “Kailangan mong makausap ang kaibigan mong si Timothy. Kasama siya ngayon nina Elena at Mr. Teng Lee. Palagay ko, may binabalak silang hindi maganda. Bago pa mapahamak ang kaibigan mo, pigilan mo na siya.” “Anong ibig mong sabihin?
“HINDI ba masyadong revealing ang suot ko, Miss Alysson?” Tanong ni Natalia sa dalaga habang sinisipat ang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng peek a boo off shoulder gown na kulay green at halos lumuwa na ang cleavage niya pagkatapos ay napakataas rin ng slit nito, kaunti na lang ay makikita na ang suot niyang underwear. Ngunit aaminin niyang very flattering iyon lalo pa. Isang jade choker lang ang suot niya. Sabi sa kanya ni Alysson, pakaingatan niya ang choker na suot niya dahil nagkakahalaga iyon ng three million dollars. Bahagya nga siyang nataranta nang inconvert niya ang halaga niyon sa peso. Ilang bahay na ang maipapagawa niya sa suot niyang kwintas. Magmula sa suot niyang sapatos hanggang sa suot niyang gown ay nagsusumigaw ang karangyaan. Ni hindi niya hinagap na may ganito kamamahal na bagay. Napahinga siya ng malalim. Kahit siguro maging kasingyaman pa siya ni Matt ay hindi siya siya mag-aaksaya ng pera sa ganito kamamahal na ga
“BAKIT ISINAMA mo dito ang babaeng ‘yan? Alam mo namang para sa. . .” Iyon kaagad ang bungad na tanong ni Irine, ang ina ni Matt nang salubungin nito ang anak. Wala itong pakialam kasehodang marinig pa ni Natalia ang masakit na salitang iyon. “Ma,” sabi ni Matt na hinapit sa baywang si Natalia, “Nat is my wife now. Sorry, biglaan ang pagpapakasal namin.” Hindi niya malaman ang gagawin, lalo na nang tingnan siya ng masama ng ina nito, “What? Nagpakasal ka nang hindi man lang kami inaabisuhan?” Kung nakamamatay lang ang tingin, marahil ay kanina pa siya namatay sa bagsik ng mga matang ipinukol nito sa kanya, tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa, “Sa isang babaeng ni hindi ko alam kung saan mo pinulot?” Gusto na niyang sumagot. Ngunit naisip niyang kaarawan nito kaya kahit na may pagkabastos ang matanda ay dapat pa rin niya itong igalang. Besides, may katwiran naman itong magalit kay Matt. Alam niyang nag-aalala lamang ito para sa anak.
“PINAYAGAN mong ipagtanggol ni Matt ang babaeng iyon?” Nangigigil sa inis si Irine nang maikwento ni Elena ang nangyari. Syempre pa ay dinagdagan na niya ang istorya para mas mukha siyang kaawa-awa sa paningin ng ina ni Matt. Gusto niyang makuha ang simpatya ng buong pamilya ni Matt. “Sana tinawag mo ako para pinagtulungan natin ang babaeng iyon.” “Ayoko namang guluhin ang party ninyo, Tita Irine,” Sinabi niya ito sa mababang boses. Palagi na ay mababa at punong-puno ng paggalang ang pakikipag-usap niya sa pamilya ni Matt kahit na kung minsan ay naalinsangan siya sa sarili. Syempre pa ay hindi naman ganito ang totoong ugali niya. Sa ibang tao ay hindi naman siya ganito kagalang lalo na sa kanyang mga maids. Ngunit sa harapan ng pamilya ni Matt, never siyang nagtaas ng boses sa kanyang mga katulong kahit kung minsan ay hindi na siya makapagtimpi. Kailangan niyang mapaniwala ang pamilya ng lalaki na isa siyang ideal woman para kay Matt. Gustong
NAGULAT SI NATALIA nang bigla na lamang dumating ang ina ni Matt at kinaladkad siya palabas ng kuwarto. “Napakalandi mo talagang babae ka! Sa palagay mo ba seseryoshin ka ng anak ko, ha?” Sabi nitong hinila ang buhok niya, “Lumayas ka rito.” Nanlaban siya. At dahil mas malakas siya, nakawala siya sa mga kamay nito, tiningnan niya ito, “Akala nyo ba gusto kong tumira sa bahay na ito? Hindi na ako nagtataka kung saan nagmana ang anak ninyo ng pagkabastos! Kitang-kita naman sa pag-uugali ninyo!” “Aba’t. . .” sinampal siya nito saka kinalmot. Mabuti na lamang at naiiwas niya ang kanyang mukha kung kaya’t ang braso niya ang napagkalmot nito, “M*****a kang basura ka! Hampas lupa!!!! Lumayas ka sa pamamahay ng anak ko!!!! Layas!” Sigaw nito sa kanya saka nilingon si Aida na nakatingin lang sa kanila, “Aida, samahan mo siya palabas ng gate.” Nagproprotesta ang anyo ni Aida nang magsalita, “Ako po ang mapapagalitan ni Sir kapag nalaman niyang. . .”
“SIR, WALA PO sa bahay si Natalia, wala rin sa tinutuluyan ni Timothy,” balita ni Rigor kay Matt. “Hanapin nyo!” Sigaw ni Matt dito saka yamot na ibinato ang telepono at tumayo. Iniisip pa lamang niyang kasama ni Natalia ang lalaking iyon ay nangangatal na siya sa galit. Nagmamadali niyang pinuntahan si Elena. Alam niyang kasabwat ito ng Mama niya. Hindi makikilala ng mother niya si Timothy kung hindi dahil kay Elena. Hindi ba at ito ang nagbigay nuon dito ng 70 million pesos para mabawi ni Timothy nuon si Natalia? Talagang sinusubukan siya ng babaeng iyon. Hindi talaga niya maintindihan kung bakit gustong-gusto nitong nakikialam sa buhay niya. Ilang beses na niyang sinabi dito na hindi niya ito gusto and yet ayaw pa rin siya nitong tigilan. Hindi niya gusto si Elena sa napakaraming mga kadahilanan. Nakikita pa lamang niya ito ay nasusuka na siya. Pinaharurot niya ang kanyang Ferarri. Inabutan niya si Elena sa opisina nito. Hin
HABANG HINUHUBAD ni Matt ang suot niyang wedding gown ay titig na titig siya rito. Hindi pa rin niya mapaniwalaan na asawa na niya ito ngayong gabing ito. Asawang tunay hindi kagaya nang nauna nilang kasal na parehong hindi pa nila tiyak ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa. This time ay siguradong-sigurado na sila. Napapikit siya nang bumagsak ang suot niyang wedding gown sa sahig at titigan nito ng buong pagnanasa ang magandang hubog ng kanyang katawan. Saka nagmamadali nitong kinalas ang suot niyang bra at parang batang sinupsup ang kaliwang dibdib niya, habang ang isang kamay nito ay abala sa paghuhubad ng suot niyang panty. “Matt. . .” tawag niya ng buong pagmamahal sa pangalan nito, ang kanyang kamay ay malayang ginagalugad ang likuran nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya saka hinubad ang lahat nitong suot. Mas lalong nag-init ang kanyang buong katawan nang malantad ang waring hinulma na katawan ng asawa. Nangigil na napakagat labi siya ha
HABANG NAGLALAKAD patungo sa altar si Natalia ay hindi na naman niya mapigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha habang naiisip ang mga pinagdaanan niya para lamang makamit ang pag-ibig na pinakahahangad niya. Alam niyang hindi siya ganuon kadaling matatanggap ng buong pamilya ni Matt ngunit nangako sa kanya ang lalaki na kahit na anong mangyari ay ipaglalaban nito ang pag-ibig nito para sa kanya. Besides, wala naman na itong pakialam kahit itakwil pa ito ng pamilya, ang mahalaga ay magkasama silang dalawa. Kaya nga kahit si Dean lamang ang pamilya ni Matt na dumalo sa kasal nito ay itinuloy pa rin nila ang pag-iisang dibdib. This time ay wala ng hahadlang pa sa pagmamahalan nila, harangan man sila ng sibat. Nakapagpaalam na rin si Matt sa lahat nitong mga empleyado. Ang lahat ng negosyo nito ay ibinenta na nito. Ang pamamahala sa negosyo ng pamilya ay tinanggihan na rin nito. Nakapagpasya na silang pagkatapos ng kanilang kasal ay sa isang isla sa Palawan
“FUCK NO!!!!” NAPABALIKWAS SI ELENA nang magising kinabukasan katabi ni Bamboo na hubot hubad, “Fuck no!” Pinangingilabutang sigaw niya habang unti-unting naalala ang namagitan sa kanila ng kanyang alalay nang nagdaang gabi. Parang siyang masusuka na di niya mawari. Paano nangyaring ibinigay niya ang kanyang sarili sa lalaking ito. “Ma’m?” Bumangon ito at tangkang lalapitan siya ngunit nandidiring tumakbo siya sa loob ng banyo at kinandado iyon, “Go away,” sigaw niya rito, “Lumayas ka na at ayokong makita pa ang pagmumukha mo.” “Ma’m mahal kita!” Dinig niyang sigaw ni Bamboo sa kanya. Tuluyan na siyang napasuka sa narinig. Iniisip pa lamang niyang makikipagrelasyon siya sa isang mababang uring gaya ni Bamboo ay pinangingilabutan na siya. Ano na lamang ang sasabihin ng mga kaibigan niya sa kanya? Tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito kapag pumatol siya sa isang gaya ng lalaking ito? “Ma’m okay lang ho ba kayo?” Nag-aalalang tanong nit
“IKAW BA TALAGA ANG PINSAN KO NA SI MATT?” Natatawang tanong ni Dean sa lalaki habang pinapanuod itong waring gutom na gutom na nilalantakan ang dala nitong mga pagkain. Napapangiti lang si Natalia habang pinood ito. Nuon lamang niya nakitang kumain ng ganito karami si Matt. Napagod marahil ng husto sa paglilinis kaya napaparami ang kain. “And what about you? Ikaw ba talaga yan?” sagot ni Matt kay Dean, “Look at you, never ka pang nagging ganito sa ibang babae.” Napangisi si Dean, saka nagkibit ng balikat. Maya-maya ay sabay na nagkatawanan ang mga ito na waring nagkaunawaan na ang kanilang mga mata sa kung ano ang nagawa ng pag-ibig sa kanila. Kung nuon ay pareho sila ng paniniwalang isang kalokohan ang pag-ibig, ngayon ay pareho rin silang nagkakaganito ngayon nang dahil sa pag-ibig. “Pero tanggapin natin ang katotohanang ngayon lang tayo nagging ganito kasaya, hindi ba?” Sabi ni Dean. “I know,” masayang sagot naman ni
HINDI makapaniwala si Natalia habang tinititigan niya si Matt, kusang pumapatak ang kanyang mga luha sa mga naririnig mula sa lalaki. “Mahal mo rin ako? K-kailan mo pa naramdaman ‘yan?”Tanong niya rito. “I don’t know. Baka matagal na. . .hindi ko alam, pero kailangan pa bang malaman kung kelan? Ang mahalaga, mahal kita.”” Napakurap-kurap siya walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya mapaniwalaan na isang araw ay darating ang sandaling ito na napakatagal rin niyang hinintay. “I love you, Natalia.” “I love you too, Matt.” Punong-puno ng kaligayahang sabi niya rito. Wala na siguro siyang mahihiling pa ng mga sandaling yon. Wala talagang imposible sa taimtaim na nanalangin at nanampalataya. Ibinigay ng Diyos ang kanyang panalangin. Kailangan lang niyang maghintay ngunit worth it naman ang paghihintay niyang ito. Nang muling angkinin ni Matt ang kanyang mga labi ay buong pagmamahal niya iyong
RAMDAM NI MATT ANG matinding galit ni Natalia at hindi niya ito masisisi. Kahit naman sinong matinong babae ay magagalit sa mga ginawa niya rito and yet ramdam niya at nakikita niya sa mga mata nito na mahal pa rin siya nito kaya kahit ipinagtatabuyan siya nitong palayo ay nagpilit siyang yakapin ito. “Please get off me, ayaw na kitang makita pa!” sigaw nito sa kanya ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang yakap rito saka siniil ito ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay nanlalaban pa ito ngunit unti-unti ay bumigay na rin ito at nagpaubaya na sa kanyang mga labi na buong pagmamahal na inaangkin ang mga labi nito. Ramdam niyang tinugon na rin nito ng mainit at buong puso ang kanyang mga halik. Damn, si Natalia lamang ang babaeng kailangan niya at ito lamang ang makakapagpapuno sa emptiness na nararamdaman niya. Dinukot niya ang engagement ring at inilabas iyon, saka humiwalay rito para lumuhod sa harapan nito, “Will you marry me, Natalia?”
NANG MAGMULAT ng mga mata si Matt ay nasa loob siya ng ospital. Si Natalia kaagad ang kanyang hinanap. Nang di niya ito makita ay nagmamadali siyang tumayo. “Matt, saan ka pupunta?” Nag-aalalang tanong ni Elena sa kanya ngunit parang walang naririnig na tinawagan niya si Rigor para ipaalam ditto na pupuntahan nila si Natalia. “Natalia? Hindi mo na ba talaga makakalimutan ang babaeng iyon?” Yamot na sigaw ni Elena sa kanya ngunit di na lamang niya ito pinansin. Natatandaan na niya ang lahat. Mahal niya si Natalia. Hindi lamang katawan nito ang kailangan niya kundi ang kabuuan nito at ang lahat-lahat ditto. Naalala na niyang bago maganap ang aksidente ay nakapagdesisyon na siyang ibenta ang lahat ng kanyang mga negosyo. Nasabi na rin niya sa ama na hindi niya tatanggapin ang alok nitong pamahalaan ang kanilang negosyo at ipagkatiwala na lamang nito iyon sa iba. He was about to propose at nakapagplano na siyang pakasalang muli si Nata
“WHAT IS WITH HER, RIGOR?” Halos paanas lamang na tanong niya sa lalaki nang tanggapin niya mula rito ang iniabot nitong whisky sa kanya, “Bakit hindi sya mawala sa isipan ko?” “Sir, nang gabing mangyari ang aksidente, nanggaling ka sa bahay nila. Actually masayang-masaya ka ng araw na iyon. Nakapagpasya ka ng ibenta ang lahat ninyong mga negosyo at magretire sa isa sa mga isla na nabili ninyo. Hula ko, kung hindi nagkaroon ng emergency, nakatakda ka ng magpropose k-kay Natalia. May binili na kayong engagement ring para sa kanya, Sir.” Natigilan siya. “Sabi nyo pa nga, gusto ninyo siyang pakasalang muli sa simbahan.” Napakunot nuo siya. Wala siyang matandaan ni isa sa mga sinasabi nito. Siya, magreretire? Wala sa bukabularyo niya ang magretire lalo na ng ganito kaaga. Napangisi siya, “I guess masyado kang nagpapanood ng mga pelikula kaya kung anu-anong naiisip mo,” natatawang sabi niya kay Rigor. “May ambush interview
“MINSAN MAHIRAP basahin kung anong tumatakbo sa utak ng pinsan kong iyon kaya nga napakagaling nya pagdating sa pagnenegosyo,” sagot ni Dean kay Girlie, “Kaya di natin alam kung nagpapanggap na lang syang wala syang naalala ngayon.” “Kung anuman nasa utak nya, bahala sya basta sana tupdin ni Ate iyong pangako nya sa kanyang sarili na talagang kakalimutan na nya ang lalaking iyon,” sabi ni Girlie. “Madaling sabihin, mahirap gawin. Ilang beses kong sinubukang kalimutan ka pero di ko nagawa.” Napairap si Girlie kay Dean, “Iba naman iyong satin dahil pareho nating love ang isa’t-isa. But in Ate’s case, sya lang ang nagmamahal.” “I don’t think so. Palagay ko, nuong nagdesisyon si Matt na iwanan na ang lahat, gusto nan yang lumagay sa tahimik. And then the accident happened. At may palagay akong mahal nya si Natalia kaya gusto na nya ng tahimik ma buhay.” Natawa si Girlie, “Iyong lalaking iyon, magmamahal? Ewan ko lang pero kah