Diana's POVNgayong araw ang nakatakdang schedule ng assessment ni Freslin sa Northfield’s Genius Class.Nagkataon naman na ngayon din ang panahon ng pagbisita ni Ryan sa eskwelahan para obserbahan ang proseso ng assessment ng Genius Class program.Sinama ko na si Freslin sa lakad namin kasi nga iisa lang naman ang destinasyon namin.Habang nasa loob ng sasakyan ay matindi ang agam-agam ko dahil magkakasama kaming tatlo sa iisang lugar- ako, si Ryan, at ang aming anak, though hindi nito alam na anak nga nya si Freslin.Wala akong balak na ipaalam ito sa kanya. Ayokong gawing kumplikado na naman ang buhay ko. Hindi ko na kakayanin pa. Sobra na akong naghirap noon, at kahit pa sabihing may karapatan ang ama ng anak ko na malaman ang totoo, hindi-hindi ko isusugal ang kapakanan naming mag-ina.Ang ikinakatakot ko ay pag nalaman nyang anak nya si Freslin, baka kunin ito ng pamilya nya sa akin. Dahil galing ako sa isang mayamang angkan, I know for a fact how the rich do things.They would
Diana's POVTatlong araw pa ang lumipas bago muling bumalik sa opisina si Brody. Sa wakas, nakahinga na rin ako nang maluwag.Sobrang mentally and emotionally draining na sa buong maghapon, kami lang dalawa ni Ryan ang magkasama.Ang maganda, dahil sa impressive performance ko these past few days, binigyan ako ng break ni Ryan today.“Don’t be thankful. It’s for your kid.” Sabi nyang diretso. “Napapansin kong medyo mahaba ang buhok nya for a six-year-old kid. You can visit a hairdresser, get him a glow up, or you can buy him new clothes. Whatever you think is good for him. It’s on me.”Pagkatapos, bigla nyang iniabot sa akin ang isang black card.Mabilis ko itong tinanggihan dahil nag-aalangan ako.“Don’t be distressed,” He urged me to accept his offer. “As I said, it’s for Freslin. I like your son a lot.”Dahil magiging awkward lang kong tatanggi pa rin ako, tinanggap ko na lang ang kanyang card.“The password is 032117.” I heard his voice as he walked back to his office.I stared at
Diana's POVI have never felt this uneasy in my entire life. Brody must have seen something in Freslin for him to act this way.Mabuti na lang at mukhang nagsisimula pa lang itong maghinala. Kung hindi ay baka talagang diretsong tinanong ako nito kung si Ryan ba ang ama ng anak ko.Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko kung sakali mang dumating na ang araw na iyon.I tried my best to hold my composure in, acting as natural as I could since Freslin was looking my way.“Mommy, what do you think?” He gave me a sweet smile, his cute dimples on full display for everyone to see.For a moment, I forgot my predicament. My heart melted seeing how adorable my little angel was.“Ang gwapo talaga ng baby ko!” gigil kong sabi sabay yakap sa kanya.Then I heard footsteps approaching us, and as I looked around, I saw that the rest of the staff were now at the lounge area.“Wow, what a cute child.”“Ang gwapong bata. Daig pa nito ang mga child stars sa telebisyon.”“Ma’am,” diretsong tanong noong is
Diana's POVMatagal bago nag-rehistro sa utak ko ang nangyayari. Nang mapagtanto ko na si Troy ang yumayakap sa akin, lubos na tuwa ang aking nadama.“Troy…?” ang mahina kong tanong. Ang mga mata ko ay unti-unti nang namumula dahil sa namumuong mga luha.Kung hindi kasi sa tulong ni Jade at ng pinsan nitong si Troy noon, siguradong natuloy ang balak ng mga magulang ko na ipalaglag ang aking anak.I would have lost my son, Freslin. Ang laki ng utang na loob ko sa kanya at kay Jade.Wala akong ideya kong ano pa ang mga nangyari pagkatapos naming tumakas ni Jade. Sana naman ay hindi nasangkot si Troy sa sigalot dahil nga malapit sya sa amin at madali syang paghinalaan nina papa at mama.Not to mention the cruel Brandon Colton. If he knew what Troy did, he would have made Troy’s life difficult. I’m sure of that.“Why… How come you’re here?” I asked after letting go of his hug.Troy smiled and answered, “Jade told me you’re back. So I’m here.”He then glanced at Ryan and Brody na nakatayo
Ryan / Matthew's POV“Bro, okay ka lang?“ Narinig kong sabi ni Brody habang pinaparada nya ang kotse sa harap ng villa.Malalim kasi ang iniisip ko simula nang umalis kami sa condo ni Diana. Nakakainis isipin na mas pinanigan ni Diana ang Troy na iyon kaysa sa akin.Seven years ago, sumama siya sa lalaking iyon at hiniwalayan ako. Ngayon naman, pinaalis nya ako sa bahay nya nang hindi pa malinaw sa akin ang lahat.“I’m fine.” Sagot ko sabay labas ng kotse.Pagpasok ko ng bahay, nakaabang na si Manang Flor sa may baba. Siya yung dating kumupkop sa akin at nagbigay ng trabaho when I first came to Dumaran seven years ago, noong walang-wala ako.Her restaurant business is flourishing. Bilang pagtanaw ng utang na loob, I helped her business become a popular dining destination in the city.Even when I didn’t ask her to, ngayong bumalik ako sa Dumaran, Manang Flor volunteered na maging taga-luto sa bahay.“Ryan,” ang nakangiting bati nito. Manang Flor was one of the few people who still call
Ryan / Matthew’s POVNang mabuo ang ideya sa utak ko na ako ang ama ni Freslin, nagsanga-sanga na ito ng iba’t-ibang spekulasyon.Ano ang nangyari sa aking mag-iina? Ayon sa imbestigasyon ni Brody, hindi natuloy ang pag-iisang dibdib ni Diana duon sa mayamang binata sa lugar nila.Dahil ba lumabas na nagdadalang-tao na ito?Marami akong tanong sa aking isipan, pero ang mas prayoridad ay ang makumpirma ko ang aking hinala.Agad kong tinawagan si Mr. Carlson, ang personal butler ng aking ama. Kasalukuyang nasa Italya ito kung saan naroon ang Collins manor.“Hello, Young Master Collins.” Ang magalang na pagbati nito sa akin.“Mr. Carlson,” walang patumpik-tumpik na sabi ko, “may ipapagawa ako sa iyo.”“Please do tell, Young Master. I’m here at your disposal.”“Pakihanap ng iilang litrato ko noong bata pa ako. Alam ko tinapon na yung marami, pero sigurado ako na may itinabi pa si mama, somewhere.”“Iyan lang po ba ang ipag-uutos nyo, Young Master?”“Yes. And don’t tell my father about wha
Diana's POVKagabi, nakatulugan ko ang pag-iyak habang nasa kama. Sobrang napagod ang puso at isip ko.Kahit nag-usap kami ni Jade, ang nagawa lamang ng kanyang mga salita ay ang pagaanin ang loob ko. At nang ako na lang mag-isa ay hindi ko maiwasang maluha na naman.Kaya naman nagising ako na parang binibiyak ang aking ulo. May konting sipon din ako at namumugto ang aking mga mata.“Are you okay, mommy?” Nag-aalalang tanong ni Freslin sa akin, pagpasok nito sa kwarto. Nakasanayan na kasi nito na nauuna akong magising para maghanda ng kanyang agahan at isusuot.Supposedly, ngayong umaga ay ihahatid ko si Freslin sa school dahil may mangyayaring pictorial para sa Genius class.“Hindi lang maganda ang gising ni Mommy, sweetie.” Pinilit kong ngumiti upang mabawasan ang pag-aalala nito. Magpagayunpaman ay nahihirapan pa rin akong bumangon.“Sis, ako na ang maghahatid kay Freslin sa school. Magpahinga ka muna. It’s best if you called in sick sa work today.” Ang sabi ni Jade.“Don’t worry.
Diana's POV Matagal akong nakahilata sa bisig ni Ryan, ninanamnam ang ligaya ng nangyari kani-kanina lang. Nakaramdam ako ng biglaang pagkailang dahil sa magkayapos naming hubad na katawan. Tinangka kong bumangon, pero pinigilan ako ni Ryan. “Let me hug you longer, please. I just can’t believe I am here with you.” Sabi nya, sabay hawak sa aking kamay nang marahan. Hindi na ako tumanggi. Sa gitna ng mabilis na pintig ng aking puso ay pinili ko na lang na ikubli ang namumula kong pisngi sa matipunong bisig ni Ryan. For once in my life, nakaramdam ako ng lubos na kapayapaan. Panatag ang loob ko. Naisip ko na sana’y hindi na matapos ang ganitong tagpo sa buhay namin. Pero nagulantang kaming pareho ni Ryan nang may narinig kaming ingay sa may pintuan. Senyales na may taong papasok na sa loob ng bahay. Dali-dali kaming napabalikwas, sabay hablot ng mga damit namin sa sahig. Tapos ay nagkukumahog kaming pumasok ng kwarto ko. Habol ang hininga ay agad kaming nagsuot ng damit. Ang siste
Ryan / Matthew's POVThe National Computer Conference? Hmm… Kung hindi ako nagkakamali ay para itong business expo ng mga bagong invention ng mga kilalang computer hardware and software manufacturers.Tampok din dito ang mga freelance designers na balak i-promote sa madla ang gawa nila.Kada dalawang taon ay may nagaganap na pagtitipon para ipahayag sa buong mundo ang mga innovations na may kinalaman sa mga computers.Bukod pa dito, mayroon ding nagaganap na mga paligsahan sa huling araw ng conference. Tatlong araw ang buong event at ang talagang dinudumog ay ang huling gabi kung saan nagtitipon-tipon ang mga magagaling sa computer hacking.May paligsahan sa pabilisan ng pag-decode ng isang computer system. Ang nakataya ay hindi lang ang karangalang maitanghal na pinakamagaling na hacker sa bansa, kung hindi pati na rin ang malaking premyo para sa kalahok na mananalo.Noong huling conference, ang pot money ay nasa P20 million na nilahukan ng mahigit isandaang hackers mula sa iba’t-iba
Diana's POVNagising ako na medyo masakit ang aking ulo. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga nangyari at the end of the event.Pagkatapos kasi akong maisayaw ni Ryan ay may binulong ito sa akin. Sa labis na gulat ko ay hindi ako naka-react kaagad. Ayun, naisuot na naman pala ulit ni Ryan ang jade bracelet sa kamay ko.Huli na nang mapansin ko at nakalayo na ito, bitbit ang nanggagalaiti na si Lisa. Literally, hinatak ito ni Ryan paalis ng venue, dahil kung hindi ay baka sinugod na ako nito sa stage dahil nag-aapoy na naman ang mga mata nito sa selos at galit.Sa totoo lang ay wala akong pakialam sa anumang isipin ni Lisa nang mga oras na iyon. Mas interesado ako sa sinabi ni Ryan bago siya umalis. Ano kaya ang ibig nyang sabihin?Habang nakahiga ako ay itinaas ko ang aking braso at pinagmasdan ang berdeng bracelet na nakasabit sa aking kamay. Kumikinang ito sa ganda at totoong bagay ang kulay nito sa aking balat.Ang sabi nya ay bigay ito ng kanyang ina bago ito n
Diana's POVClarissa was mildly surprised at Ryan’s request to dance with the person who donated the jade bracelet. Perhaps she was thinking that Ryan was so captivated by the jewelry and wanted to thank the person by offering to dance with her.But, I know for a fact that Ryan does not only know who owned the bracelet, he was also the one who actually gave it to me.The last thing I want is to dance with him! I nervously looked at Clarissa and prayed that she would refuse Ryan.Clarissa’s gaze went my way for a second. It might just be my imagination but I could swear she mouthed ‘I’m sorry’ to me before smiling mischievously at Ryan.“That can be arranged, Mr. Collins. That is, if you manage to win this last auctioned piece.”Napangiti si Ryan na puno ng kumpyansa. Kung pera lang ang usapan, may tatalo ba sa kanya sa Dumaran? Sumandal ito sa upuan nya at sumenyas na ipagpatuloy na ang naudlot na auction dahil sa anunsyo niya.Nakuha naman agad ni Clarissa ang ibig ipahiwatig ni Ryan
Diana's POVAnim na tao ang kasya sa bawat lamesa. Bukod sa aming apat nina Stephan, Ryan, at Lisa, nandoon din ang mag-asawang sina Dumas at Carol Klein. May-ari sila ng pinakamalaking sardine factory sa Pilipinas, ang kanilang pabrika, andito mismo sa Dumaran.Ang mga huling sariwang isda sa mayamang karagatan ng Palawan at West Philippine Sea ay agad pino-proseso dito at pagkatapos ay inililipad sa iba’t-ibang parte ng bansa. Bukod sa kanilang canning business ay may stake din ang mga Kleins sa paggawa ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng toyo, suka, ketchup, oyster sauce, at marami pang iba.Nang maupo kami ay siniguro ni Stephan na mailayo ako sa side ni Ryan kaya naman katabi ko sa pag-upo si ginang Carol. Sa edad na halos singkwenta-anyos ay parang nasa late 30s lang ang hitsura nito. Siguradong maalaga ito sa katawan dahil healthy-looking, makinis, at animo’y kumikinang ang balat nito.Mabait din ito at palangiti. Kaya naman mabilis kaming nagkapalagayan ng loob. Naisip ko tulo
Ryan / Matthew's POVAs the CEO of Collins Holdings, kasama talaga sa responsibilidad ko ang dumalo sa mga importanteng social functions. Tulad ng charity auction ng House Ritz sa Century Hotel ngayong gabi.I would have preferred to go alone pero palaging nakabuntot sa akin si Lisa. Nang tinanggihan ko ito ay agad itong nag-drama sa harap ng aking ama.My father is still muddle-headed, akala pa rin nya na si Lisa ang perfect daughter-in-law nya. He has no recollection that I already have a son with Diana. And it’s difficult to go against his wishes lalo na’t mahina pa rin ang katawan nito.So, I had no choice but to bring Lisa to the auction as my date. But I had no intention of being seen interacting with her intimately.Kaya naman nang dumating na kami sa venue ay agad akong naghanap ng paraan to ditch her. I found some familiar business partners and approached them, then I told Lisa to find our table and wait for me there because I would be discussing confidential matters with som
Diana's POVNakasunod na pala sa likuran ko si Clarissa at narinig nito ang mga pinagsasabi ni Mathilda laban sa akin.“Okay ka lang, Diana?” nag-aalalang tanong nito sa akin.“Don’t worry, Clarissa. Okay lang ako.”Nang masigurong walang naging problema sa akin ay ibinaling ni Clarissa ang atensyon nya sa dalawang babae na sumugod sa akin kani-kanina lang.“House Ritz gave your families invitation, pero kayo ang ipinadala nila dito? Unbelievable! Didn’t your families tell you to behave when you come to my turf?”As expected of a young lady from a first-rate family, may kakaibang aura nga itong si Clarissa kapag nagsasalita. Sa loob ng room kanina ay malumanay ang kilos at pananalita nito. Akala ko ay ganito talaga ang natural demeanor nito sa lahat ng pagkakataon—soft-spoken na akala mo’y hindi makabasag- pinggan.Mali pala ako. Depende pala ito sa kaharap niya.Confronting the two brats, Clarissa displayed the true bearing of an elite member of the society. Standing straight, she ad
Diana's POVThe last person I want to encounter right now is Ryan, but here he is. Despite his frightening expression, I could not help but hold my breath.For a second, my mind blanked out and I didn’t know what to do.Mathilda was holding my right hand, and Ryan was holding the other one.Ang awkward ng situation ko. At bakit parang galit ito kay Lisa? Shouldn’t he be on his fiancée’s side?Also, bakit ang lagkit ng tingin nya sa akin? Hindi ko gustong magkaroon pa ang ibang tao ng idea tungkol sa aming dalawa.I’m certain na alam na ni Lisa ang tunay na ugnayan namin ni Ryan, na may nakaraan kami, considering that she is targeting me this way.I tried to pry my hand away from Ryan’s grasp, pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin.“Lisa, didn’t I warn you not to bother Diana?” Ryan repeated his words, but this time his gaze was fully directed at Lisa.His eyes were cold and full of explosiveness, even I could feel na galit na galit siya. But why?Umiwas ng tingin si Lisa pero nag
Diana's POVI checked House Ritz’s charitable works on their website. They were mainly focused on giving scholarships to poor students and sponsoring talented youths in several artistic and literary fields like music, arts, and literature.Maraming mga iskolar ang House Ritz na napagtapos nito sa pamamagitan ng kanilang scholarships. Ang ilan nga sa mga ito ay nagkamit na ng hindi matatawarang katanyagan sa iba’t-ibang larangan sa buong mundo.Naisip ko na masusing pag-aralan ang kanilang mga pamamaraan para kung sakali mang maisakatuparan ko ang planong pagpapatayo ng sariling foundation para sa mga single moms and abandoned children, may ideya na ako kung paano ito gawin nang maayos.Tiningnan ko rin ang proseso ng mga nakaraang charitable auctions nila. Maaari palang mag-donate ng mamahaling gamit ang mga bisita para i-auction sa event. Ang proceeds na makukuha ay mapupunta sa funding ng House Ritz sa ilalim ng pangalan ng taong nag-donate ng gamit.May mga naitabi akong mga bagay
Diana's POVUmaayon ang lahat sa plano. Ito ang lumabas sa report na ibinigay ni Selena sa akin. Tatlong linggo na magmula nang mailipat sa pangalan ng Lumina ang ilan sa mga lupain na dating pagmamay-ari ng mga Collins.Ayon sa napagkasunduan, nakakuha ang Lumina ng mahigit sa sampung ektaryang lupa sa silangang bahagi ng Dumaran, specifically sa barangay ng Danleg.Pinili namin ang lugar na ito dahil sa malawak na beachfront nito na angkop sa plano naming pagpapatayo ng daungan in the future. Kapag nangyari ito ay didiretso na sa Danleg ang barko ni Mang Danny mula sa biyahe nito sa isla, imbis na dadaan pa sa main port ng Dumaran.Inaasahan namin na kapag tuluyan nang magiging 100% operational ang Lumina dito sa Danleg, dadami ang mga matang tututok sa aming aktibidad. Marami kaming lihim na operasyong gagawin kaya magpapatayo ang Lumina ng sarili nitong port para mapigilan ang mga may masasamang balak.Bukod pa dito, ang pribadong airstrip para sa private jets at helicopters ay ka