Share

Chapter 66

Yumi’s point of view

Kinaumagahan nang magising ako ay nag-text na sa akin si Paul at nag-hahanda na raw siya sa kaniyang pag-punta dito sa bahay nina Miguel. Doon ay kinabahan ako dahil hindi pa ako nakakabangon nang mabasa ko ang mensahe niya.

Dali-dali kong inayos ang aking kwarto at nang matapos ay agad muna akong naligo bago kumain ng almusal.

Nang matapos ay agad na akong lumabas nang makapili na ng maayos na damit.

Habang pababa ako ng hagdan ay biglang bumungad sa akin si Kim,

“Oh—Yumi, kumain ka na muna. Hindi pa naman yata dadating si Paul,” pahayag nito sa akin,

At nang papalagpas siya ay muli siyang umimik,

“Wait lang—nakaayos ka na? wow ha, ang bilis mo naman makapag-ayos,” saad naman muli sa akin ni Kim.

Napakamot naman ako sa aking ulo nang sabihin niya iyon sa akin,

“Anong magagawa ko? Paano kung dumating siya nang hindi pa ako nakaayos no? baka insultuhin pa ako noon,” saad ko naman sa kaniya.

Nang bigla akong nakita ni mama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status