Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa sinang-ayunan kong ito. Nandito na kaming ni Yumi ngayon sa loob ng dressing room at dalawang oras na lang ay magsisimula na ang fashion show.
“Beh…”“Kaya mo ‘yan, beh!” anito sabay kuha ng kaniyang cellphone. “Nasa’n na ba si…ay ayon, sa wakas. Migs!”Napasulyap ako sa bandang pinto at nakita si Miguel na naglalakad palapit sa kinaroroonan namin. “Kim! Yumi! So, how was it?”“Uh…wala raw kasi ang isang model natin, Migs. Nagkaroon ng dysmenorrhea,” pahayag ko pa sabay hawak sa batok ko. “At ako raw ang papalit.”“Well, is it okay with you?”Napatingin naman na ako kay Yumi habang naka-pout ito sa akin. Pasalamat talaga siya at nagkaroon ako ng mga free workshops noong college kaming dalawa dahil sa perang pinapadala sa kaniya ng kaniyang sugar daddy. “Uh, oo naman, ayos lang naman. Pero, hindi kaya bumaba ang ratings ng team natin kapag isang buntis ang rumampa?”“Ito naWe're already on the third week of the competition of the collaboration of two brands. Ito rin ang huling linggo namin dito sa kompanya ni Miguel at doon na kami kayla Alex magtatrabaho. Habang iniisip ko pa lang iyon ay ang dami naming memorya sa lugar na iyon lalo na’t doon din nabuo ang pagmamahalan naming dalawa.“We should double the efforts in doing this third theme. Masyado nang nangunguna ang kabilang team and I’m afraid that there won’t be any design made by our team will be included in the Bangkok list.”Habang nakikinig ako sa pag-uusap nila ay hindi ko mapigilang malungkot. Sa buong team naman kasi talaga ay ako ang bumubuhat sa kanilang lahat para manalo ang mga designs namin pero simula noong unang theme ay wala pang masyadong nag-stand out sa ginawa ko. “Hindi ko nga rin alam kung good or bad thing na nagkaroon ng switch sa theme,” pahayag pa ni Nika.“Well, they’re planning to have the winter collection as wedding collections kaya iyon yata ang magig
Kanina pa ako nakatayo dito sa gilid ng wall dito sa parking lot. Kanina rin ako ditong nakatayo habang hinihintay ang driver na sinasabi ni Miguel sar akin na ipapadala nya raw para maka uwi ako agad but I've been here almost half of hour na ako rito na nag sisimula nang sumakit ang balakang ko habang nag hihintay sa driver na iyun.I shouldn't be here for so long baka pagalitan na naman ako ni Miguel and I know na dapat hindi ako mapagod dito at malaki laki na ang aking tyan, hindi ito pwede para sa baby ko.I need a car this instance. Gusto ko nang umuwi.Gusto ko nang magpahinga at matulog, as in kanina pa talaga ako dito at hindi talaga 'to mabuti sa akin since dinadala ko ang anak ko sa sinapupunan.Napa tingin naman ako sa wrist watch ko at napagtantong mag iisang oras na akong nag hihintay. Agad ko naman kinuha ang cellphone ko sa shoulder bag na hawak hawak ko kanina upang tumawag ng uber driver.Pag hindi ako kumilos agad dito
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang babae ang magiging anak ko. God has granted my prayers and I couldn’t thank him enough sa lahat ng mga blessings na binibigay niya pa rin sa akn ngayon kahit na ang daming nangyari sa buong buhay ko.“Congrats, Miss Kim!” “Congrats po, Miss Kim! We’re happy for you!”“Sana sunod naman po ang kasal ninyo ni Sir Miguel. Gustong-gusto ko pong dumalo!” Napangiti na lang ako dahil sa naging bungad ng mga ka-team ko sa akin. Kahit papaano naman ay hindi na ako ganoon kalungot ngayon dahil sa paglimot sa akin ni Alex. Unti-unti na akong nagiging ayos at iyon naman ang ipinagpapasalamat ko.“Soon, we’ll get there,” nakangiting tugon sa kanila ni Miguel na nasa likuran ko lang habang nakaalalay sa akin.Simula noong gabing iyon ay mas lalo pa siyang naging malapit at maalaga sa akin na sobranv appreciated ko naman. Masyadong matagal na panahon na noong naramdaman ko ang pag-aalaga sa ak
Nang makabalik ako sa opisina ay hindi ko na lang binaggit kay Yumi ang nangyari at baka marinig na naman ni Calypso at magkaroon pa ng gulo. “Oh, beh, ayos na ba? Naipasa ko na kay Sir Miguel ang mga designs natin, isa na lang ang kulang.”Napatango naman na ako kay Yuni. “Sige, beh. Tatapusin ko na lang ang last design para maipasa na lahat for approval.”Umupo na akong muli sa desk ko para ipagpatuloy ang pagtatrabaho. Medyo nasasanay na ako ngayon na magtrabaho ng ilang designs dahil mukhang nakapag-adjust na rin ang sarili ko. Ilang araw na lang, doon na ako magtatrabaho sa kompanya ni Alex kaya hinahanda ko lang ang sarili ko lalo na’t mas marami ang nakakakilala sa akin doon.“Finally!” Napa-inat na ako ng katawan ko pagkatapos kong gawin ang last design. It is a set of swimwear for men and women kaya naman medyo nahirapan ako rito.Tumayo na ako at kinuha ang sketchpad ko, ibibigay ko na rin kasi ito kay Dave para ma-scan niya at
Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko na nakasuot ng puting damit ay naalala ko ang mga panahong kinasal kaming dalawa ni Alex. It was a small beach wedding na sina Yumi lang ang dumalo at ilang friends ni Alex habang sila ang naging witness sa pagmamahalan naming dalawa.“Ano ba ‘yan, Kim. Ipapanganak mo na maya-maya ang anak mo kaya huwag mo nang isipin si Alex!” sumbat ko sa sarili ko.Napa-iling na lang ako at inayos na ang buhok ko dahil para akong hibang na kinakausap ang sarili ko dito sa kwarto ko. Pagkatapos kong isuot ang bracelet na bigay pa sa akin ni Miguel ay kaagad na rin akong lumabas. Bumaba na rin ako sa hagdan at nadatnan ko silang dalawa na naghihintay na pala sa akin sa baba.“Naks! Parang hindi lang buntis, a. Mas blooming ka pa sa akin, beh, e.”Napa-iling na lang ako sa mga sinasabi na naman ni Yumi dahil siya talaga ang rason kung nakit flattered at tumataas na rin ang confidence ko ngayon. “Nako, ako na naman ang nakita m
"You didn't have to do this, Kim."Abot tainga ang ngiti ni Miguel nang malaman niyang pinaghandaan ko siya ng lunch. It was actually the least I could do for him para sa lahat ng mga efforts nito sa akin.“Nako, hayaan mo na at hindi naman ganoon kalaki ang ginawa ko para sa’yo,” nakangiting tugon ko pa.Marahan na niyang ginulo ang buhok ko sabay ngiti sa akin. “Today is our last day in the company for the project contract and next week, doon na tayo sa kompanya ni Ace. Do you think it’s fine with you?”“Of course, naman. Bakit naman hindi? Besides, kayo na lang ang iniisip ko nila Yumi at nang magiging anak natin kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin.”“I’m happy for your decision, Kim.”“I’m also happy na tinanggap mo pa rin ako kahit na ganito na ang sitwasyon ko. You didn’t hesitate to help me kahit na hindi ako gusto ng mga magulang mo—”“Ssh, don’t say that,” putol niya pa sa akin sabay hawak sa balikat ko. “My
Kahit na wala akong trabaho ngayong araw ay maaga pa rin akong nagising. Simula kahapon ay wala akong ginagawa rito sa bahay kaya naman ay nakapagpahinga ako nang maayos."Kim!"Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Miguel. Akala ko kasi ay umalis na siya kanina pabalik sa kompanya. "Migs, nandito ka pa pala?""Uh, oo. Mom wants to meet you kasi so kakausapun muna kita before I leave work.""Ha? S-sigurado ka ba riyan? Bakit naman daw makikipagkita ang mommy mo sa akin?" Hindi ako makapaniwala na yayayain ako ng mommy ni Miguel. Alam ko kasi na kagaya ni Tita Melody ay hindi niya rin ako gusto. Idagdag mo pa iyong desisyon namin ni Miguel na nabuntis kaagad ako ng anak niya pagkatapos naming maghiwalay ni Alex dahil hindi talaga iyon kaaya-aya.“Don’t worry, Mom doesn’t bite, okay? I think she just wants to have time with you for now lalo na at malapit ka nang manganak,” sambit pa nito sa akin sabay ngiti. “Huwag ka nang
Ilang araw na rin simula noong nakipagkita sa akin si Tita Lucy ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Noong sinabi ko rin iyon kay Miguel ay halos hindi rin siya makapaniwala pero at the same time ay sobrang natutuwa rin ito.“Tapos ayon na nga, beh, sinabihan niya ako kung pwede raw ba siyang bumisita sa workplace ko if ever. Like, oh may gash! I kennat!”Natatawa na lang ako dahil sa kwento ni Yumi habang nasa byahe kami ngayon papunta sa kompanya nila Ace. “Nako, papuntahin mo talaga dapat iyan dito nang makita naman namin ni Miguel at mahusgahan. Char!”“Aba, sure. Maghintay-hintay lang kayong dalawa diyan.”Nagtawanan na lang kaming tatlo pati na rin si Miguel na katabi ko lang dito sa sasakyan. Simula kasi noong nagkita si Yumi at iyong lalaki na si Marco ay hindi na ito nawala sa bibig niya. Good thing naman dahil mukhang mabuting tao naman itong si Marco lalo na’t alam kong hindi pipili si Yumi ng hindi matinong lalaki. “What
Pag-pasok ng Agosto ay isang malaking pag-diriwang ang nasimulan,Alex’s point of viewNasa altar na ako—nang biglang itinuro na sa akin ni Paul si Kim na nasa pintuan na ng simbahan, at mag-sisimula ng mag-lakad papalapit sa akin. Habang nakikita ko siyang papalapit sa akin ay doon na nag-simula ang pag-tulo ng aking luha, at nang makita ako ni Paul ay tinapik-tapik niya ako sa akin likod,“Talagang ipinaubaya parin sayo ni Kuya Miguel sa Ate Kim, at doon palang nakikita ko ng napaka-swerte mo,” pahayag niya sa akin,Agad naman akong napatingin sa kaniya, at ngumiti sa kaniya.Nang nasa harapan ko na si Kim, ay agad akong nag-mano kayna Tita Alejandro at Tita Lucy ngunit nang pag-mano ko kay Tita ay agad niya akong niyakap at binulungan niya ako,“Si Kim na yan—alagaan mo siya ha,” pahayag naman niya sa akin,At agad naman akong tumango sa kaniya, nang umimik din naman si Tito“Ito na ang kamay niya,” pahayag nito habang iniaabot na sa akin ang kamay ni Kim,Nang kunin ko ang kamay n
Alex’s point of viewHabang nag-iisa ako sa kwarto sa ospital at hinihintay sina Yumi at Paul na makabalik, ay biglang may pumasok sa aking kwarto na isang lalaki na hindi ko kilala kaya’t agad naman akong kinabahan at natakot na baka kung anong gawin niya sa akin,“Who are you?! what are you doing here?!” sigaw kong patanong sa kaniya,Ngunit nananatili siyang nakangiti at naupo siya sa upuan na katabi sa akin,“Alam mo—wag kang matakot sa akin, dahil wala naman akong gagawin sayong masama. Gusto lang kitang dalawin para sa mom mo, dahil gusto niyang malaman kung kamusta ka na, lalo na at nalaman niya kay Calypso na nabaril ka niya,” tugon naman niya sa akin,At nang marinig ko na binanggit niya ang aking ina, ay agad naman akong nawala sa aking mood.“You know what, umalis ka na dito dahil wala akong kailangan sayo at wala din akong kailangang malaman tungkol kay mom dahil tapos na kung anong meron sa amin okay? So you better leave,” saad ko naman sa kaniya,Napailing naman siya at
Calypso’s point of viewHabang nasa presinto kami, at wala pa si mom ay kinausap ako ni dad nang kami lang—Tila balisa ako sa nangyari, kaya’t hindi ako ganoon kadali makausap,“Wala ka na sa tamang pag-iisip Calypso, dapat alam mo kung saan ka lulugar hindi yung ganito—tingnan mo ang ginawa mo, pinaputukan mo si Alex and now he’s in hospital,” pahayag niya sa akin habang napapailing siya dahil sa aking ginawan,Ngunit habang nasa kalagitnaan ako ng sermon ng aking ama, ay biglang pumasok ang aking in at agad-agad na ibinaba ang kaniyang dala-dalang bag. Laking gulat ko noon na bigla niya akong sinampal ng malakas,“What the hell Calypso! Ano itong pinasok mo! Hindi mo ba alam na ikakasama mo ito?! Ngayon! Paano ka namin pyapyansahan ha? Sa tingin mo hahayaan ka namin makalaya ngayon nang dahil sa ginawa mong kalokohan? At saan galing ang baril mo!? Saan!” sigaw naman sa akin ni mom,Hindi ako nakaimik at derederetsong tumulo ang luha ko,Nang bigla siyang kinausap ni dad, “Anong sin
Alex’s point of viewNang maihatid ko na si Kim sa kanilang kompanya, ay tumungo na ako sa aking opisina ngunit nang makarating ako sa opisina ay bigla akong sinalubong ng aking assistant at agad akong kinausap.“Good morning, sir, mabuti po at nakarating na kayo—kanina pa po kasi tumatawag si Mr. Jordan, at may appointment po kayo ngayon sa restaurant niya kung saan doon gaganapin ang kanilang event, ano pong sasabihin ko sa kaniya?” pag-bati niya sa akin nang may kasunod na pag-tatanong.Nang sasagot sana ako sa kaniyang tanong, ay biglang nag-ring ang aking cellphone. Kaya’t agad ko naman itong sinagot,“Hello?” tugon ko naman,“Good Morning Mr., Alex, sorry kung naabala kita—nabanggit ko kasi sa assistant mo na mag-meet tayo in person?” saad naman niya sa akin,Nang agad naman akong umimik sa kaniya,“Ahm—Yes sir, Good morning. Yes po, nabanggit ng assistant ko ang about sa meeting natin, and I guess makakapunta ako diyan right now. Just wait me their sir,” tugon ko naman sa kaniy
Kim’s point of viewHabang masaya kaming kumakain nina mama at nag-kekwentuha, ay biglang may narinig kaming nasigaw sa labas ng bahay. Laking gulat namin nang biglang pumasok si yaya at tumakbo papalapit sa amin, kaya’t kami ay napatigil sa aming mga ginagawa.“Ya? What’s happening? Sino ang sumisigaw sa labas?” tanong naman ni mama sa kaniya,Tarantang sumagot si yaya dahil sa hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin,“Hindi ko po kilala eh—babae po siya madam, hinahanap po si Sir Alex,” tugon naman niya kay mama,At nang patayo na sina mama at papa ay agad naman akong tumayo at umuna na sa kanila.“Mama, ako na—ako na ang kakausap sa kaniya,” saad ko naman sa kaniya,At doon ay tumungo ako sa labas, at hinarap si Calypso.At nang makita ko siya ay agad siyang nag-salita,“Oh, mabuti naman at naisipan mong lumabas? Ilabas mo si Alex ngayon na!” sigaw niya sa akin,Napangisi naman ako sa kaniyang pag-kakasabi at lumabas pa ako para sa kaniya upang makaharap siya.“Wow, bakit ko
Mag-iisang taon ang lumipas ay naging matatag ang relasyon ng dalawa ni Kim at Alex,Alex’s point of viewHabang nag-lalakad kami sa tabing ilog, malapit sa restaurant ni Paul ay naisipan kong kausapin siya,“Ahm—Kim? are you happy? Na kasama na ulit ako?” tanong ko naman sa kaniya,Napatingin naman siya sa akin nang sabihin ko iyon sa kaniya, at agad na ngumiti sa akin.“Bakit Alex? Mukha bang hindi? Do I look creepy para hindi maging masaya? Mag-iisang taon na nga tayo eh, at kahit paikot-ikot diyan ang ex-wfie mong si Calypso, naging matatag parin tayo, at hinangaan kita sa part na yun,” tugon naman niya sa akin,Natahimik naman ako sa sinabi niya, at habang tahimik ako ay bigla naman siyang nag-tanong,“Alam mo madili na dito, pero dito mo pa naisipang pumunta no? pumunta tayo kasi itatanong mo lang yan sa akin Alex?” tanong naman niya,Natawa naman ako nang kaniyang sabihin iyon sa akin,“Ano ka ba, ang sarap kaya sa feeling na nag-tatanong ng ganoong bagay—habang may malakas na
Kim’s point of viewNang makatapos na ang aming pag-uusap ng harapan nina mama at papa ay agad na akong bumalik sa aking kwarto. Nang makaupo ako sa aking kama, ay agad na tumunog ang aking cellphone at laking gulat ko nang makita ang pangalan ni Alex kaya’t agad ko iyong sinagot,“Hi, bakit gising ka pa?” nauna kong pag-tatanong sa kaniya,At nang gawin ko iyon ay natawa siya, “Talagang naunahan mo ako ah—” saad naman niya sa akin,Napangiti naman ako, “Pero bakit nga gising ka pa? hindi ba nag-good night ka na kanina?” tanong ko naman sa kaniya,“Hindi ko rin alam—I just can’t sleep, baka dahil sa hindi ko akalain na sasagutin mo na ako kanina—” pag-tugon naman niya sa akin,Napahinga naman ako ng malalim nang sabihin niya iyon sa akin,“Ano ka ba, hindi mo naman kailangan irason yan eh—pero alam mo ba may sasabihin ako sayo,” pahayag ko naman sa kaniya,Naging interesado naman siya sa aking sasabihin kaya’t agad siyang nag-tanong,“What is it? bad news ba? Or good news?”“Kanina, l
Alex’s point of viewHabang hawak-hawak ko ang kamay ni Kim, ay biglang napatingin sa amin sina Yumi at Paul at tumingin din sila sa aming kamay na tila nag-tataka,“Wait—anong ibig sabihin niyan? Bakit may pa-hawak kamay na ngayon?” tanong naman ni Yumi sa amin,Nang dahan-dahan ko sanang aalisin ang kamay ni Kim sa aking kamay ngunit bigla niyang hinawakan ang braso ko at tumingin sa akin at tumango,“Kami na Yumi—hindi ko na pinatagal,” tugon naman niya sa kaniya,Hindi nakaimik ang dalawa ni Yumi at Paul nang sabihin iyon sa kanila ni Kim,Kaya’t napatango nalamang sila, at nang talikuran nila kami ay bigla silang nag-parinig—“Ah—may love life na pala love, tara na—pwede na natin silang iwanan,” saad naman ni Yumi kay Paul.Nag-katinginan kami ni Kim nang sabihin iyon ni Yumi, at natawa sa sinabi ni Yumi.Habang nag-lalakad-lakad na kami, ay agad niya akong kinausap.“Ahm—balak mo ba kaninang itago sa kanila ang tungkol sa atin?” tanong naman niya,Nagulat naman ako sa tanong niy
Alex’s point of viewNang makabili na kami ng t-shirts at nang makapag-palit na kaagad, ay muli kaming nag-kita-kita sa isang upuan. At nang mag-sidatingan na sina Yumi at Kim,Ay muli ng nag-aya si Yumi, at hinila-hila na naman si Kim papunta sa gusto niyang rides. At nag-aya na siya sa isang bump car kung saan sasakay kami sa isang maliit na sasakyan at makikipag-bungguan sa kahit kanino.At doon ay muli nang umimik si Yumi,“So? Dating gawi, kasama ko si Paul—at ikaw naman Kim, kasama mo si Alex, mas maganda kung may kasama—baka kung mapaano pa ang isa sa atin no, hindi naman tayo pro driver,” pahayag naman ni Yumi,Natawa naman ako nang sabihin niya iyon, at nang makapila na sina Yumi ay pumila narin kami ni Kim.Napansin kong tahimik lang si Kim ngunit nangiti siya pag nag-eenjoy sa rides na pinupuntahan namin, at habang nakapila kami ay agad ko siyang kinausap,“Kim? naiilang ka parin ba sa akin? I noticed na mukhang naiilang ka eh, at napapatahimik ka nalang,” pahayag ko sa kan