Nakaupo si Eros at pinapanood si Ali na pumulot ng mga shells. At sa tuwing may makikita ito na maganda ay lalarawan sa mata nito ang tuwa. Pagkatapos ay kakaway ito at ipapakita ang kabibe sa kanya. Para talaga itong batang paslit na nakahanap ng bagay na magpapasaya rito.Idagdag pa na papalubog na ang araw at animo nagkulay orange ang buong paligid. Kung isa lamang siyang pintor ay ipipinta niya ang scenery na ito kabilang na ang pigura ni Ali. Ang suot nitong shawl na nakatali sa may baywang nito ay nililipad ng hangin pati na ang buhok nito. It was magnificent and breathtaking scene.Kinuha niya ang cellphone niya na nakalapag sa mesa at kinunan ito ng larawan. Lahat ng anggulo na nakita niyang maganda ay pinipindot niya ang camera. Pero natigil siya sa pagkuha ng larawan nang tumunog ang hawak niyang cellphone. Kumunot ang noo niya at tinignan ito.Pero nang makitang hindi pamilyar ang nagpadala ng email ay hindi na niya ito binigyan ng pansin at inignora lamang. Ipinatong na ni
Alas diyes na ng gabi nang pumasok sila sa vacation house. Hindi na nagpumilit ngayon si Ali na sa tent uli sila matulog. Dahil ito na ang huling gabi nila rito sa isla ay kinausap ng binata ang dalaga na agad namang sumang-ayon. Maliban na lamang kasi nang maligo at kailangan nitong pumunta sa banyo ay hindi ito nanatili sa loob. Mas gusto ni Ali ang maupo sa ilalim ng niyog o ng tent para panoorin ang alon.Ang rason ng dalaga ay hindi nito alam kung kailan uli ito pupunta sa beach. At pagkatapos nitong sabihin ito ay naging unhappy ang mukha nito. Dumaan din ang sabik at lumbay sa mata nito. Ganun ang emosyon na parang ayaw nitong umalis ng isla. But he didn't ask. Kahit hindi niya tanungin ay alam niyang dahil ito sa dagat.Nahiga si Ali sa kama at tumingin sa kanya. “Tinatamad akong mag-shower.”Hinaplos niya ang ulo nito. “Mauuna akong mag-shower kung ganun?”Tumango si Ali. Kinuha ni Eros ang tuwalya at pumasok sa banyo samantalang ang dalaga ay bumuntong hininga at pumikit. Tu
Nababagot na humilata si Ali sa sofa at panay ang buntong hininga. Inihatid muna siya rito ni Eros bago ito agad na umalis para bumiyahe papunta sa Laguna. Pinigil pa niya ang sariling pigilan itong pumunta. Habang pinapanood niya ang sasakyan papalayo hanggang sa mawala ito sa paningin niya at nanikip ang dibdib niya. Pasimple pa na pinunasan niya kanina ang luhang nalaglag sa kanyang mata bago tuluyang pumasok ng bahay.Iyong saya na kanyang naranasan habang nasa isla ay hindi ito mapapalitan ng ano mang material na bagay. She will treasure every moment they shared on that island. She will keep in her heart and reminisce if she wants to. Ito kasi ang unang pagkakataon na sumaya siya nang wala siyang iniintinding problema.Nagpakawala siya ng animo pagod na hininga at bored na umungol. Noon ay kapag ganitong wala siyang pasok ay nasa trabaho siya. At nagrereklamo ang katawan niya dahil sa pagod. Pero ngayon naman ay nagrereklamo ang isip niya dahil wala siyang ginagawa.“I miss him a
Pinagpapawisan ng malapot si Ali habang nakaupo sa silya sa harap ni Senior Faustino, ang ama ni Eros. Kagigising lamang nila ni Penny kanina nang makatanggap ng tawag ang babae. Ang utos ng senior ay ang dalhin siya sa Heritage Ville at sa bahay ng magulang ng binata.Noong marinig niya ang utos ng senior at ang makapangyarihang boses ng matanda ay hindi niya maiwasang kabahan. Bigla siyang natakot ng hindi niya maintindihan kung bakit. Ang utos pa ng senior ay dapat trienta'y minutos ay naroon na sila.Dahil sa tono ng matanda ay biglang bumalik sa isipan niya ang nangyari kahapon. May hinala siya na baka may inutusan itong sundan siya at narinig lahat ng mga sinabi niya. Tapos sinumbong sa ama ni Eros kaya ito at pinatawag siya.Pagdating nila rito ay sa study room sila pumunta ni Penny ngunit naiwan ito sa labas at tanging siya lamang ang pumasok. Hindi lamang si senior ang nandito kundi pati na ang ina ni Eros na si senyora Camila.Their piercing gaze was like a sharp razor penet
Nagkulong sa kuwarto si Ali pagka-uwi nila. Kahit na anong tawag ni Penny sa kanya ay parang bingi siya at walang naririnig. Gusto kasi niyang mag-isa muna.She felt heavy-hearted and stuffy inside. Pero ayaw niyang mag-hyperventilate siya kaya kahit na umiiyak siya ay paulit-ulit siyang humuhot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Pero hindi pa rin nabawasan ang kirot na nararamdaman niya. The extreme pain was insufferable.Umalingawngaw sa utak niya ang sinabi nilang layuan niya si Eros. And when she thought of not seeing him she felt very unsettled. It's unbearable!Pero ano ang gagawin niya kung pinapalayo na siya ng magulang nito? Saan naman siya pupunta? At paano ang pag-aaral niya. Ngayon pa na mahal na niya ang lalaki saka naman matuklasan ng pamilya nito ang trabaho niya?At sino ba kasi ang nag-record ng usapan nila ni Penny kahapon? Wala naman siyang kaaway upang atakihin siya ng ganito. Wala siyang binangga na alam niyang magagalit sa kanya. O kaya ay sino ba an
Sa araw din na ito ay palihim na lumabas ng bahay si Ali bitbit ang mga gamit niya sa eskwela. Nakasuot siya ng sunglasses para itago ang namumugtong mata niya. Itinaon niyang naliligo si Penny at mabilis siyang kumilos para hindi siya maabutan ng babae. Naisip niya kasi na ngayong tumawag si Eros ay paniguradong pabalik na ito.Pagkatapos niyang sabihin ang gusto niyang iparating sa lalaki ay ayaw niyang harapin ito. Baka mapilitan siyang aminin dito ang sinabi ng magulang nito. Isa pa ay kung aaminin niya rito ay siyempre kailangan din niyang sabihin ang tungkol sa litrato kung saan siya hinalikan ni Diego. Alam niyang galit ang binata sa pamangkin nito dahil sa closeness nila. Kaya kapag natuklasan nito ay hindi niya alam kung paano sasabog na naman si Eros.Agad siyang sumakay ng jeep nang masigurong hindi siya sinundan ng dalaga. Huminga pa siya ng malalim at pinunasan ang pawis niya sa noo. Nagpadala na siya ng mensahe kay Bree na pansamantalang makikitira siya sa apartment nito
“Uy! Ali!” tawag ni Bree sa kaibigan na nakahiga sa lapag. Hindi na makatayo ang dalaga dahil sa kalasingan. Namumula ang mukha at leeg nito at umuungol. O kaya naman ay may sinasabi ito pero hindi niya maintindihan.Muli ay niyugyog ni Bree ang dalaga at nang itulak nito ang kamay niya at umungol lang ay namaywang siya. Nilukutan niya ito ng ilong.“Sabi ko na, eh! Uy, hindi pa natin nauubos iyong binili kong alak. Iisa pa lang ang nataob natin!” sabi niya at tinulungan itong maupo. Sumandal ito sa sofa ngunit nakapikit pa rin at hindi man lang nagmulat para tignan siya.“‘Yoko na!” Suminok ito at winagayway ang kamay sa kanya. “N-Nasusuka— ugh…”“Hoy! Teka muna! Huwag dito!” bulalas niya at pilit itong itinayo.“Hmn! I don't want to!” reklamo ni Ali at tinabig ang kamay niya.“Anong sinasabi mo riyan— Ali!!” sigaw niya nang tuluyang sumuka na ito at napunta pa sa paa niya iyong iba.Napahawak siya sa noo at hindi alam kung ano ang gagawin niya. Huminga siya ng napakalalim para kalma
Ali dazedly opened her eyes and stared at the white ceiling dumbly. Animo sasabog ang utak niya at humihilab ang tiyan niya na parang masusuka siya. First time niyang uminom kaya pakiramdam niya ay humiwalay na ang kaluluwa niya sa kanyang katawan dahil sa hangover. Parang lasing pa nga siya hanggang ngayon dahil blurred ang paningin niya.Mariing pumikit siya at napaungol habang sinasabunutan ang kanyang buhok na parang sa paraan na ito ay maiibsan ang kirot sa kanyang ulo. Ngunit useless pa rin kumikirot pa rin ito. Kung alam lang niya na ganito ang magiging kahihinatnan ng paglalasing niya ay hindi siya uminom. Dahil tama nga iyong iba na uminom ka man at pansamantalang makalimutan mo iyong sakit pero ‘pag nahimasmasan ka naman ay bumalik na nga iyong sakit tapos nadagdagan pa ng hangover.“Did you have s*x with him?”Animo nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig nang marinig ang malamig at malagom na pamilyar na tinig ni Eros. Napabalikwas siya ng bangon at namumutlang napatingin sa l
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Pagkaupo ni Eros sa swivel chair ay niluwagan niya ang suot niyang kurbata at marahas na huminga. Pinigilan niya ang mapamura at suntukin ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil natatakot siyang masira ang pinaghirapan niya upang maprotektahan ito ay hinila na niya payakap si Ali. Sabik na siya sa kasintahan pero kailangan niyang magmatigas.Ayaw niyang pati si Ali ay idamay ng makasariling pinsan niya sa galit at selos nito sa kanya. Though, may mga binabayaran naman siyang tao upang sundan si Ali. Mas mainam pa rin na sa mata ni Dylan ay nagkasira na sila ng dalaga para sa kanya lang nakatuon ang galit ng huli. Hindi nito ibabaling sa dalaga ang kung ano mang pagkamuhing nararamdaman ni Dylan.Noong nasa China pa siya at kinausap niya si Mr Wang kung bakit ayaw nitong ilaglag si Dylan ay dahil sa matinding rason nito. Isang asawa at ama si Mr Wang. May anak na isang babae at isang lalaki ito. Na kasalukuyang hawak ni Dylan. Natatakot si Mr Wang na kapag kumanta ito ay ang pamilya
Pagkatapos ng klase ni Ali ng hapon na ‘to ay dumeretso agad siya rito sa gusali ng Ramazzotti. Nagbabasakali siyang umuwi na si Eros ng bansa at makita niya ito. Kahit silip man lang ay kontento na siya. Kahit hindi na muna sila mag-usap habang hindi pa niya napapatunayan na wala siyang kasalanan.Miss na miss na niya ang binata at guato na niyang masilayan ang mukha nito. Nasanay siya na palaging kasama niya ito kaya sa mga araw na wala ito sa kanyang tabi ay nanibago siya. May hungkag sa buong pagkatao niya hindi mapupunan ng kahit anong materyal na bagay. Dahil alam niya sa sarili niyang ang kahungkagan na ito ay si Eros lamang ang makagamot nito.May pag-asam ang matang tinanaw niya ang entrance ng gusali nang mahagip ng kanyang mata ang pulang Maybach na sasakyan. Kumabog ang puso niya dahil nakikilala niya ang sasakyan. Isa ito sa collection ni Eros na nakita niya sa garahe ng bahay nito sa Heritage.Huminto iyon sa harapan ng gusali at bumukas ang pinto ng driver side. Lumabas
Nasa isang cafe ngayon si Ali at hinihintay na dumating si Diego. Nagpadala siya ng mensahe kaninang umaga na may importanteng bagay silang pag-uusapan at pumayag naman ito. Hindi niya sinabi kung ano iyon pero hindi naman ito nagtanong.At habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali. Namamawis ang mga kamay niya at bumubuo na siya ng salitang sasabihin sa binata. Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki kapag malaman nito na pinaghihinalaan din niya ito.Napag-isip isip kasi niya ang sinabi ni Bree. Kaya nilakasan na niya ang loob na kausapin si Diego. Gusto niyang kapag mag-uusap na sila ni Eros ay may pruweba siyang hindi sila nagtal*k ng pamangkin nito.Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ito at nagpalinga-linga sa paligid upang alisin ang nerbiyos niya. Nang mapadako ang mata niya sa entrance ng cafe at makita sa labas si Diego ay animo nagkaroon ng malaking bikig sa kanyang lalamunan. Sa loob-loob niya ay umaatras siya at parang
“Master, we've been tailing her every move for the past few days but we still didn't find anything wrong,” imporma ni Penny mula sa overseas call nila. “Pero hindi ako titigil hangga't siya mismo ang magbibisto sa ginawa niya.”Pinapasundan kasi niya si Bree sa dalaga dahil may kutob siya na binabayaran ito ng pinsan niyang si Dylan. Something is fishy about that woman. Sa katunayan ay kailangan nga niyang maging matigas kay Ali para sa plano niya. Everything is under his control. Kung walang aberyang mangyayari ay within a month, siya na mismo ang susuyo sa dalaga.“I see,” saad ni Eros nang hindi inaalis ang tingin sa dokyumentong kanyang hawak. His eyes were cold and ruthless as he read all the information written in there. Sunod-sunod ang naging problema ng Ramazzotti kaya naging busy siya at kinailangan pa niyang lumipad dito sa china upang ayusin ang problema ng branch ng kanyang negosyo.Nakakatawa mang isipin na dapat sana ay pinagtutuunan niya ng atensyon ang tungkol sa kanil
“Tahan na, beshy! Please, naiiyak na rin ako, eh!” basag ang boses na usal ni Bree at hinagod ang likod niya.Pagkatapos nilang mag-usap ni Carmella kanina ay dito sa apartment ni Bree siya pumunta. Why? She's still not sure yet but maybe deep in her heart she wants to test her friend. Kahit pa sinasabi ng puso niya na walang kinalaman ang kaibigan pero gusto pa rin niyang subukan.“B-Bree, ang sakit talaga! O-Okay pa naman kami noong gabing iyon. P-Pero kinabukasan ay basura na ako sa paningin niya. A-Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon. P-Pakiusap, kung ma naalala ka pa na iba ay sabihin mo na sa akin!” nakikiusap at garalgal na sambit niya. Basag na basag ang boses niya at puno ito ng sakit.Nanginginig ang mga labi niya at kipkip ang kumikirot na dibdib. Why is it that when all she wanted was to be only happy, everything around her is against it? Hindi lang ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi pati na rin ang tadhana. It was as if they're ripping her out of everything
This is the third time!Pangatlong beses na siyang bumalik sa gusali ng Ramazzotti upang kausapin si Eros ngunit pinaalis lamang si ng guard. Hindi rin niya mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik-balik sa Heritage ngunit pinagbabawalan siyang pumasok. Nawawalan na siya ng pag-asang makaharap at makausap si Eros. Dahil pati tawag ay hindi nito inaangat hanggang sa hindi na niya makontak ang numero nito.Minsang pumunta siya sa Heritage at ang ang sadya niya ay ang magulang ng binata para makiusap at hayaan silang magharap ni Eros ay hindi rin siya binigyan ng atensyon ng mag-asawa. Na para bang hindi na sila iyong masayang nag-ayos sa kanya para sa selebrasyon ng birthday niya. They treated her like a stranger.She was really in despair for the past few days. Her heart and mind were in turmoil and always aching. Eros is ignoring her. At labis siyang nasasaktan dahil dito. Para pa ngang nawala na siya sa sarili at hindi masabi kung ano ang left at kung ano ang right. Para siyang zo