Malakas at magkakasunod na katok sa pinto ang bumulabog kay Gavin. Hihintayin sana ni Gavin na huminto ang katok sa pinto pero hindi iyon huminto, sa halip ay lalong sa palakas at parami. Nagmulat siya ng mata at sumulyap sa digital clock sa kaniyang bedside drawer. Mabilis siyang napabalikwas mula
Nagkukumahog tuloy ang kawawang kasambahay. Wala siyang nagawa kung hindi ang tanggapin ang mga below the belt na mga sinabi ni Ylonah dahil sa sobrang init ng ulo nito! Sa loob naman ng silid ni Gavin... Nakasandal lang si Gavin sa pinto hanggang sa makaalis nang tuluyan si Ylonah. Marahas siyan
Laking tuwa ni Avva nang sunggaban agad siya ni Gavin ng halik kaya agad rin siyang humalik pabalik dito. Kung gaano kapusok at kainit ang mga halik nito ay ganoon rin na intensidad ang binabalik niya. In fact, mas hinigitan pa niya hanggang sa maglapat na ang kanilang mga katawan! Ang mga kamay niy
Bumaba si Gavin sa kotse niya at nagtungo sa trunk upang kunin ang binili niyang bulaklak at kandila para sa anak na si Matthan. Nang makuha ang bulaklak ay nag-umpisa na siyang maglakad patungo sa direksyon kung saan nakalibing ang kaniyang anak. Mabigat ang bawat hakbang niya. Ang daming sana na s
Umupo si Gavin sa tabi ng puntod ng anak niya. Hinimas niya ang lapida nito, tila minimemorya ang pangalan ng anak niya. Malungkot siyang napangiti nang makita ang apelyido ng anak niya. Kung hindi lang sa kasakiman ni Avva ay sana hindi Hernandez ang nakalagay na apelyido ng anak niya kundi apeliyi
Sinipat ni Maya ang repleksyon niya sa salamin. Nakasuot siya ng itom na pencil skirt na tenernohan ng puting longsleeve top. Naglagay rin siya ng kaunting kolorete sa mukha para mas magmukha siyang presentable. Nang ma-satisfied na siya sa sariling ayos ay umalis na siya sa harap ng salamin at inay
Kinausap muna ni Maya ang magbabantay sa mga bata. Binilan ni Maya na hangga’t maaari ay h’wag basta papalabasin ang bata hangga’t wala pa siya. Matapos noon ay si Hope naman ang kinausap ni Maya. Nasa tabi niya ito at hindi na mapakali. Nais na nitong makipagsalamuha sa mga batang naroon. Marahang
“Nag-enjoy ka ba kanina sa daycare center, Hope?” Paglalambing ni Maya kay Hope, nakahilata silang pareho sa sofa habang nanunuod ng palabas. Bumungisngis si Hope, “Opo, Mama! Nag-aral kami dun! Tinuruan kami magsulat, magcolor, magpaint din po!” Kumukislap ang mga mata ni Hope sa tuwa. “Nag-play
“Aalis muna kami ng lola mo, hija,” paunang wika ni Don Gilberto. “Ano pong ibig niyong sabihin?” Hindi makapagpigil si Maya sa pagtanong. “Nagkaroon kasi ng aberya sa Pilipinas–” “Po? May nangyari po ba kay Gavin?” Nanlamig ang buong katawan ni Maya. Hindi niya kakayanin kung may nangyari kay
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang g
Naiwan sina Maya at Hannah sa kusina. Tulala si Hannah habang hawak-hawak ang pisnging sinampal ni Maya. Hindi niya akalain na masasampal siya ng anak ng kinakasama niya! “Isusumbong kita sa daddy mo! How dare you slap me?!” nanginginig na wika ni Hannah. “Ni minsan hindi ako sinaktan ng daddy mo
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look
“Oil?” Pinakita ni Hivo ang mantika. “Tubig at ang panghuli ay ang vanilla?” Magkapanabay na tinuro nina Hivo at Bia ang sumunod na ingredients. Pumalakpak si Hope. Nakasuot na ang tatlong bata ng apron. Kahit pa mas malaki pa ang apron sa kanila ay pinilit nila iyong gamitin. Mabilis nilang
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah. “Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah. “Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh p
Tumukhim si Maya. “Love…” “Love!” anas ni Gavin sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang pagod pero hindi maitatanggi ang saya sa boses niya. Nananabik siyang marinig ang boses ni Maya. “Love, how are you and the kids?” dagdag pa niya. “Ayos naman kami ng mga bata. Umalis sina lolo, lola, at
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. A
Bumuntong hininga si Garret at saka bumaling kay Maya. “Paano kung sabihin kong oo? Ano ang magiging reaksyon mo?” Napalunok si Avva sa sinabi ni Garret. Ito na ba ang oras na aamin itong anak niya ito? Na ito ang anak nilang dalawa? Nanginginig ang mga binti niya sa kaba. Pinisil niya ang sariling