Posturang-postura na pumasok si Gavin sa opisina ng kaniyang Lolo Gilberto. “Good morning, lolo!” Naroon rin sa loob si Maya kaya binati niya rin ito. “Magandang umaga, Maya!” Hindi nagsalita si Maya. Walang emosyon siyang tumango kay Gavin saka ibinaling ang tingin sa kahit anong bagay sa opisina
Nang matapos mag-usap ang mag-lolo, nilisan na rin ni Gavin ang opisina nito. Kinuha niya ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang coat upang tawagan si Brandon. Biglang sumulpot si Maya sa kaniyang harapan. "M-Maya, muntik na kitang mabangga!” ani Gavin. Ilang metro na lamang ang layo nila
Labis na ikinagulat ni Maya ang sinabi ni Gavin kanina. Hindi niya akalaing ipagpapaalam siya nito para mag-half day! Napakamot siya sa kaniyang ulo bago tutulan ang sinabi nito. “Sir Gavin, huwag na po. Kaya naman pong maghintay ni Hope. Hindi ba, Hope?” Hindi sumagot si Hope. Para bang sang-ayon
“Kumusta ang pakiramdam mo, Maya? Ayos ka na ba?” tanong ni Gavin. Kapwa sila nakatutok ni Hope sa kagigising lang na si Maya. “A-anong nangyari?” Sapo-sapo ni Maya ang kaniyang ulo habang tinatanong iyon. Hinihilot pa niya ang magkabila niyang sintido habang dahan-dahang ibinabangon ang sarili. “
Nang marinig ang boses ni Hope ay agad na bumangon si Maya. Inayos niya ang suot niyang damit at pinandilatan si Hope. “Ikaw talagang bata ka! Puro ka kalokohan. Halika nga rito. Kumain ka muna.” Halos gustuhin niyang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi siya makatingin nang diretso
“Brandon, kahapon pa hindi nagpapakita si Gavin dito sa villa. Talaga bang wala siyang balak puntahan kami ng mga anak niya?” tanong ni Avva. Kumunot ang noo niya nang hindi siya pinansin nito. Nasa labas noon si Brandon. Sinusubukan niyang contact-in si Gavin upang ipagbigay alam ang ginawa ni Avv
Kararating lamang ni Gavin mula sa condo niya. Pababa pa lamang siya mula sa kaniyang big bike ng salubungin siya si Brandon. “Sir Gavin, mabuti naman po at umuwi na kayo. Si Miss Avva po—” "Anong meron kay Avva?” tanong ni Gavin habang hinuhubad ang helmet niya. “Pinapagalitan na naman po niy
“Bwisit na Gavin ‘yon! I hate him to the bone. Hindi ba naman ako papasukin sa sarili kong kuwarto! Ughhh!” Ikinuyom ni Avva ang kaniyang kamao. “I hate you, Gavin! I hate you!" Inis na naglakad si Avva patungo sa kuwarto ni Bia. Itinulog na lamang niya ang galit na nararamdaman niya kay Gavin. Ki
Naiwan sina Maya at Hannah sa kusina. Tulala si Hannah habang hawak-hawak ang pisnging sinampal ni Maya. Hindi niya akalain na masasampal siya ng anak ng kinakasama niya! “Isusumbong kita sa daddy mo! How dare you slap me?!” nanginginig na wika ni Hannah. “Ni minsan hindi ako sinaktan ng daddy mo
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look
“Oil?” Pinakita ni Hivo ang mantika. “Tubig at ang panghuli ay ang vanilla?” Magkapanabay na tinuro nina Hivo at Bia ang sumunod na ingredients. Pumalakpak si Hope. Nakasuot na ang tatlong bata ng apron. Kahit pa mas malaki pa ang apron sa kanila ay pinilit nila iyong gamitin. Mabilis nilang
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah. “Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah. “Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh p
Tumukhim si Maya. “Love…” “Love!” anas ni Gavin sa kabilang linya. Halata sa boses niya ang pagod pero hindi maitatanggi ang saya sa boses niya. Nananabik siyang marinig ang boses ni Maya. “Love, how are you and the kids?” dagdag pa niya. “Ayos naman kami ng mga bata. Umalis sina lolo, lola, at
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. A
Bumuntong hininga si Garret at saka bumaling kay Maya. “Paano kung sabihin kong oo? Ano ang magiging reaksyon mo?” Napalunok si Avva sa sinabi ni Garret. Ito na ba ang oras na aamin itong anak niya ito? Na ito ang anak nilang dalawa? Nanginginig ang mga binti niya sa kaba. Pinisil niya ang sariling
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagk
“Sorry po, mommy…” magkapanabay pang wika ng mga bata habang nakayuko. Kinarga ni Maya isa-isa ang mga bata, paalis sa parte kung saan nagkalat ang mga bubog. Isa-isa rin niyang sinuri kung may sugat ba ang mga ito. Nang wala siyang nakitang sugat ay nakahinga siya ng maluwag. “Mag sorry kayo s