Kathnisse's POV
Ala una ng hapon ng dumating ako sa bangko para bayaran ang lupang nakasangla dito, mabuti na lamang marami kaming customers noong mga nakaraang gabi kaya malaki-laki rin ang nauwi kong tip, isama pa ang malaking perang ibinayad ni Alejandro nang isang gabi para makasama ako. Agad na nag-init ang pisnge ko kaya napailing ako, hindi ko na dapat iyon iniisip. Kalimutan mo na ang nangyari, Kathnisse! O mas mabuting kalimutan mo na rin si Alejandro! Subalit paano ko iyon magagawa kung siya ang lalaking unang nakakuha ng first kiss ko? Paano ko siya makakalimutan kung tuwing nakikita ko siya ay bumibilis ang tibok ng puso ko? Nakakainis! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Bago ito sa akin at hindi ko rin alam kung mabuting senyales ba ito o masama? "Ms. Kathnisse Garcia, why are you here?" Nakakunot noong tanong ng Manager ng bangkong ito. Sa bangkong ito nakasangla ang lupa namin at ngayong araw ang schedule ng bayad ko, magdadalawang taon ko nang binabayaran ang lupa naming naisangla. Noong una ay nahihirapan ako dahil sa maliit lamang ang sinusweldo ko, pero ngayon ay medyo nakakaluwag na ako. Kilala ko na ang mga empleyado ng bangkong ito dahil buwan-buwan ay pumupunta ako rito para magbayad, minsan ay dalawang beses sa isang buwan kapag nakakaluwag. Ngumiti ako kay Miss Anabelle Santos na siyang Manager ng bangkong ito, nakalimutan niya yatang magbabayad ako ngayon? "Magbabayad po ako ngayon." Sagot ko naman sa kanya na nakangiti. Nakita kong napailing ito sa akin. "One week ng natubos ang lupa niyo kaya hindi mo na kailangang magbayad. Hindi mo ba alam 'yon?" Nagtataka niya akong tiningnan. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman yata ako bingi? "I-imposible ho iyon, Miss. Wala po akong binayaran last week dahil wala naman akong ganoong kalaking halaga para matubos 'yon kaagad. Baka nagkakamali ka lang po?" Naguguluhan na sabi ko. Umiling ito sa akin, "I swear, last week pa natubos ang lupa niyo. Iyong-iyo na ulit ang bahay at lupang naiwan ng mga magulang mo." Sa palagay ko ay nakalutang ako sa hangin habang papauwi ako ng bahay, hindi ako makapaniwala. Lahat ng sinabi sa akin ni Miss Anabelle ay nakumpirma kong totoo, dokyumentado ang lahat. Wala na nga akong babayaran pa. Masaya ako roon, ngunit hindi ko alam kung sino ang nagtubos ng isinangla naming lupa. Walang pangalan at kung mayroon man ay mananatitili itong anonymous dahil ayaw magpakilala ng kung sino man ang nagtubos ng lupa namin. Sana isang araw ay makilala ko siya para personal akong makapagpasalamat sa kanya. Sa wakas ay mababawasan na ang problema ko buwan-buwan at sa wakas ay makakapag-ipon na ako para maipagpatuloy ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Malapit na ako sa bahay ng matanaw ko ang dalawang itim na kotse, ang isa ay iba ang hugis nito sa pangkaraniwang kotseng nakikita ko sa daan at commercials sa TV at pihadong mamahalin iyon. Sa labas ng isang kotse ay may dalawang lalaking nakaitim, sa di kalayuan ay may lalaking nakaitim din, magkatulad sila ng kasuotan. Hindi ko na lamang sila pinansin. Kinuha ko ang susi mula sa bag ko pero bukas na ang gate namin kalakihan dahil hindi naman malaki ang bahay namin. Sigurado akong nailock ko ang lahat ng kailangang i lock sa bahay at kasama na ang gate namin. Bakit ngayon ay nakabukas na ito? Dali-dali akong pumasok sa bahay namin, pati ang main door ay nakabukas na rin at ang ilaw! Ninakawan ba ako? Hala! Pero, ano namang nanakawin niya sa bahay namin? Wala naman kaming gamit na mamahalin, ang TV namin ay iyong lumang TV pa noon, kahoy lamang ang mesa at upuan sa hapag kainan, sa kwarto ko naman ay hindi gaanong kalaking kama, ang sofa ay kawayan, sa madaling salita, hindi kanakaw-nakaw ang kagamitan sa bahay namin. May nakita akong tubo sa gilid ng pintuan kaya kinuha ko iyon at mahigpit na hinawakan, mariin akong napalunok. Kinakabahan ako! Maingat akong naglalakad papasok ng bahay para kung may tao man sa loob ay hindi niya kaagad ako mapapansin, nang makapasok na ako sa loob ay napakunot ang noo ko. Wala namang nanakaw sa mga kagamitan, kung paano ko iyon iniwan kanina ay ganoon pa rin ang ayos. "Aaaah!" Malakas na tili ko nang may lumabas mula sa kusina namin. Nanlaki ang mga mata ko at nabitawan ko ang tubong hawak ko, "ikaw?!" Malakas na sigaw ko na gulat na gulat ang reaksyon, at sino naman ang hindi magugulat? Hindi naman ito sumagot, tinitigan lang ako nito mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong nakonsyus sa itsura ko kahit maayos naman ang pananamit ko. Naka blusang itim, tattered jeans at sapatos. Hindi naman yata haggard ang itsura ko? Pero, ang malaking katanungan ko ay. "Anong ginagawa mo rito? At bakit m-mo alam kung saan ako n-nakatira?" Nauutal na tanong ko. Hindi kaya totoong kilala niya talaga ako? Ngunit paano? Unti-unti siyang naglalakad papalapit sa akin, napahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko. Napakaseryoso ng itsura niya, mariin akong napalunok ng laway ko at unti-unting napaatras. Nakatitig siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. "A-ano ang ginagawa mo rito?" Pag-uulit ko ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad patungo sa akin hanggang sa napahinto ako dahil nasandal ako sa maliit na tukador kung saan nakadisplay ang mga litrato namin ng mga magulang ko, aalis na sana ako sa pagkakasandal doon subalit nahinto ako nang maagap akong nahapit sa aking bewang ng tila bakal sa tigas na mga braso. "A-alejandro." Nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at mabilis ko namang iniwas ang mukha ko sa kanya. "Is that how you say thank you to the one who paid all your debts?" Bulong nito sa akin. Kulang ang salitang pagkagulat sa reaksyon ko ngayon, nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya, "i-ikaw ang tumubos ng lupa namin sa bangko?" Hindi siya sumagot, ang titig niyang kanina ay nasa mga mata ko ay bumaba papunta sa mga labi ko. Mabilis namang bumalik ang pangyayaring hinalikan niya ako sa loob ng VVIP room, kaya hindi ko napigilan ang pamumula ng pisnge ko. "B-bitawan mo ako." Naiilang na utos ko pero nakatitig lang ito sa akin. Biglang magring ang telepono ko na nasa loob ng bag ko. Bahagyang nabawasan ang pagkakahigpit ng pagkakahapit niya sa bewang ko. Isang boring na tingin ang ibinigay niya sa akin bago tumango, hindi ko man naintindihan kung bakit tumango ito ay kinuha ko ang telepono ko at sinagot ang tawag mula kay Kuya Arnel na siya pinagkakautangan ng Tatay ko ng maospital ang Nanay. "H-hello? Kuya Arnel?" "Hija! I just want to say thank you at nabayaran mo na ang lahat ng utang mo, mag-ingat ka palagi!" Masayang wika nito mula sa kabilang linya at pinatay ang tawag. Napaawang mga labi ko, pati sa kanya ay bayad na rin ako? Two hundred thousand plus interest ang utang ng Tatay ko sa kanya at kalahati palang ang nababayaran ko. Unti-unti kong ibinaba ang telepono mula sa tenga ko. "H-hindi pa ako nagbabayad." Mahinang usal ko. Ano ba ang nangyayari ngayon? "I told you, I paid all your debts. Lahat." Dumapo ang mga palad ko sa malapad niyang dibdib ng mahigpit niyang hinapit ulit ang bewang ko at napatitig sa mga mata niya. "B-bakit?" Tanging tanong ko. "Because I want something from you." Gulong-gulo pa rin ang utak ko sa lahat ng nangyayari, hindi ako makapagsalita ng maayos at hindi rin ako makapag-isip ng tama! "But for now, let me do this." Nagulat ako sa kanyang ginawa, inangkin niya ang mga labi ko. Noong una ay nanlalaki ang mga mata ko, ngunit ng banayad na gumalaw ang mga labi niya sa akin ay napapikit ang mga mata ko at tumugon sa mga halik niya. Mahigpit akong napakapit sa batok niya at siya naman ay mas hinigpitan ang pagkayakap sa bewang ko. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay napatitig ito sa mga mata ko, nag-iwas ako ng tingin at mabilis ko siyang tinulak at napahawak sa dibdib ko. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. "I will give to you the title once it is ready." Aniya kaya napatingin ako sa kanya. "A-anong kailangan mo sa akin?" "I already bought you from The Shire and you will be living with me." "A-ano? P-paanong---" "I paid all your debts, right? You will be working with me." Seryosong sabi nito. "A-ayoko! H-hindi pwede." Naiiling na wika ko. Lumapit siya akin, "be ready before 9 in the morning tomorrow, susunduin kita. Pack all your things early because I hate waiting." Bukas na kaagad? Wala naman akong tawag na natanggap galing kay Michelle o sa management ng Club. "Ayaw ko ngang sumama sa'yo!" "Have you forgotten what I said last time?" Tanong nito. "W-wala kang sinabi!" Napaatras ako ng sobrang lapit na nito ulit sa akin, yumukod ito at nagkalevel ang mukha namin. "Sooner or later I will have you and you can't say no." He smirked. "A-anong---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko sana nang maalala kong ang mga katagang 'yon ang sinabi niya sa akin sa VVIP room ng club. Umayos siya ng tayo. "See you tomorrow." Aniya at umalis na. Sumunod ang mga mata ko sa papalayong si Alejandro. Bago ito sumakay ng kotse niya ay tumingin muna ito sa akin.Kanina pa ako pagulong-gulong sa kama ko ngunit hindi ako makatulog, pabalik-balik pa rin kasi sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Alejandro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, binili niya ako sa The Shire at hindi ko alam kung bakit! Ayaw ko mang sumama sa kanya ay wala naman yata akong magagawa dahil binayaran niya ang lahat ng mga utang ko at binili niya ako sa The Shire.Tinawagan ako kanina ni Michelle at sinabi niya mismo sa akin na hindi na ako magtatrabaho mula ngayon sa club dahil may bumili na sa akin sa halagang hindi mahihindian ng may-ari ng club. Ang sabi raw sa kanya ay VVIP ang nakabili sa akin at kaibigan daw ng may-ari ng The Shire.Kung kilala lang siguro ni Michelle kung sino ang nakabili sa akin ay baka magtitili iyon sa kilig at saya.Napabuga ako ng malalim na hangin, simula bukas ay sa kanya na ako magtatrabaho at hindi ko alam kung anong klaseng trabaho ang ibibigay niya sa akin.Mariin kung ipinikit ang mga mata ko, napakunot ang noo ko nang
Pagkatapos naming mag-usap ni Alejandro ay sinamahan ako ni Audrey sa magiging kwarto ko. Maganda ang kwarto, parang kwarto ng isang prinsesa. Umupo ako sa malaki at malambot na kama, napabuntong-hininga ako at napatitig sa hawak-hawak kong folder. Napahigpit ang pagkakahawak ko doon. "Nagustuhan mo ba ng kwarto mo?" Napatango na lamang ako kay Audrey, ni hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Naayos nga lahat ng problema ko sa pinansyal ngunit magiging baby maker naman ako ni Alejandro. Napabuga na naman ako ng hangin. "You know what? Ang swerte mo." Ani Audrey. Napataas naman ang mukha kong kanina pa nakayuko at nakatitig lamang sa folder. Paanong naging maswerte ako? Nagbibiro ba siya? Nagtataka ko siyang tiningnan. Ngumiti siya sa akin. "Basta, you're lucky. Siguro ay para sa'yo ay hindi, pero, para sa akin ay swerte ka." Aniya. Kumindat ito sa akin at naglakad patungo sa isang pintuan na pa slide ang pagbukas, binuksan niya ito at sumenyas na sumunod ako sa kanya. Ano k
*Kathnisse's POVPagkagising ko kinaumagahan ay laking gulat ko na nasa loob na ng kwarto ko si Audrey, prente itong nakaupo at nagbabasa ng isang magazine."Good morning, Kathnisse. Go get yourself ready, may pupuntahan tayo after mo magbreakfast." Aniya na ikinakunot ng noo ko."Magandang umaga rin, Audrey. Saan tayo pupunta?"Sumulyap lang ito sa akin at napalabi, "ang ganda mo.""Audrey naman!" Hindi makapaniwalang bulalas ko."Basta! Bilis na! I don't want to wait again.""Para kang si Aled." Nakangusong turan ko.Nilingon ako nito, "Aled, huh?" Tumaas ang gilid ng labi niya.Hindi ko na siya pinansin pa at bumangon na ako para makapag-ayos na. Nakakahiya namang maghihintay na naman ito sa akin, baka sungitan at maging istrikto na naman ito sa akin na para bang si Alejandro.Pagkababa ko ay nakita ko si Audrey na may kausap sa telepono niya, itinuro niya ang daan papuntang dining."Eat." Sabi niya sa akin, agad ko naman siyang sinunod."Good morning po, Ma'am." Bati ni Ate Letty
*Kathnisse''s POVAng akala ko lang ay ngayong araw siya uuwi, 'yon lang. Hindi ko naman alam kung anong oras, sa gabi ba o sa hapon? Pero, kagabi ay narito na siya at napagkamalan ko pang magnanakaw. Mag-isa at tahimik akong nakaupo at hinihintay na bumaba si Aled para sabay na kaming kumain, pero mag-aalas otso na ng umaga ay hindi pa rin ito nakababa.Hindi naman sa excited ako or ano, ang sabi kasi ni Ate Letty sa akin nang nakaraan ay 7:00 A.M. daw ay nag-uumagahan na si Aled kahit pa wala itong pasok sa opisina kaya ng magising ako kanina ng alas singko ay dali-dali akong bumaba para kumilos para magluto ng agahan namin, wala kasi ang mga kawaksi buong linggo dahil sa pinag-off daw sila ni Aled.Tumunog na ang rice cooker, ibig sabihin ay luto na ang sinaing ko. Kumuha ako ng lalagyan ng kanin at doon nilagay ang kanin na luto na, matapos ko iyong lagyan ng kanin ay nilagay ko naman iyon sa mesa.Nakahanda na ang agahan namin, si Aled nalang ang kulang.Maya-maya pa ay may narin
*Kathnisse's POV Matapos kong maligo ay tinuyo ko ang sarili ko gamit ang tuwalya. Lumabas ako ng banyo at akmang kukunin ko na ang lotion ng magring ang telepono ko. Audrey's calling Gabi na, ah? Bakit pa kaya tumatawag si Audrey? "Hello?" "Hi, Kath" bati nito sa akin, "kailangan mong suotin ang pinamili nating nighties, ha? I like the color red and you should wear it tonight." Aniya. Naalala ko ang mga 'yon. Ang akala ko ay mga damit lang ang bibilhin namin noong nakaraang araw pero, may binili siyang mga nighties at lingerie. "Kailangan ba talaga 'yon?" Nahihiya kong sagot sa kanya. "Of course! Just wear it." Aniya sa kabilang linya. "Pero..." Napatingin ako sa cell phone ko, binabaan niya na ako. Inilapag ko ang cellphone ko at naglakad sa malaking closet at binuksan kung saan nakahanger ang sampong nighties na binili ni Audrey para sa akin. Kinuha ko ang kulay pula at tinitigan ito. Ang ganda nga pero ang sexy masyado. Matutulog lang naman ako bakit kailangan ko pang m
*Kathnisse's POVNagising akong masakit ang katawan lalo na ang nasa gitna ng hita ko, wala na si Aled sa tabi ko. Siguro ay pumasok na ito.Napangiwi ako ng hindi ako makagalaw ng maayos. Para akong nabalian ng buto. May suot na akong damit, isang malaking sky blue na shirt. May underwear pero walang bra.Siya ang nagbihis sa akin?Napailing ako. Nakita na niya ang lahat-lahat sa akin, ngayon pa ba ako mahihiya? Napahawak ako sa mukha ko, sobrang init nito dahil sa pamumula ko at idagdag mo pa na parang nilalagnat ako. Sinipat ko ang leeg ko. Mainit nga talaga ako.Okay naman ako kahapon, ah? Bakit naman ako nilagnat?Unti-unti akong bumangon at kumuha ng bra na maisusuot ko, naghilamos na rin ako at nagmumog. Pinilit kong inayos ang paglalakad ko kahit na masakit ang nasa gitna ko. Napakagat ako sa labi ko.Nandito pa kaya siya?Napakatahimik ng bahay, wala pa rin sila ni si Ate Letty. Next week pa ang balik nila.Dumiretso ako sa kusina para kumain dahil kumakalam na ang sikmura ko
*Kathnisse's POV* "ANG BANGO NAMAN NG NILULUTO MO." Napangiti ako kay Ate Letty. Lumapit ito sa akin at ngumiti habang nakatingin sa niluluto ko. "Special yata?" Nanunuksong tanong nito, "para kay Boss yan, ano?" "H-hindi naman, Ate." Nahihiyang sagot ko, "tsaka oo, para kay Aled 'to." Naisipan ko kasing magluto ng lunch para kay Aled bilang pasasalamat. Maayos na ang pakiramdam ko at dahil iyon sa kanya, siya ang nag-alaga at nagbantay sa akin. Hindi na nga siya pumasok sa trabaho kasi wala akong kasama rito. Maya-maya pa ay natapos na akong magluto. Sasabay ako kay Audrey papunta sa opisina ni Aled. "Tara na, Baby Girl?" Tumango ako kay Audrey at binitbit na ang paper bag kung saan nakalagay ang lunch ni Aled. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse niya at pumasok ako doon. "Ang swerti naman ng Boss ko, may pa lunch mula kay Baby Girl." "Simpleng pasasalamat ko lang naman ito sa kanya," ngumiti ako kay Audrey. "Sigurado ka bang nando'n lang siya sa opisina niya?" "Yes,
*Kathnisse's POVSa halos dalawang buwang paninirahan ko rito sa bahay ni Aled kasama siya ay unti-unti ko na siyang nakikilala, nasanay na rin ako sa ugali niya at higit sa lahat, nasanay na rin akong palagi siyang wala. Palagi itong umaalis ng bansa or palaging out of town. Sila Ate Letty lang ang kasama ko sa bahay, si Audrey naman ay pinupuntahan ako rito sa bahay. Palagi akong chinecheck at pinapaalalahanan sa mga bagay na dapat kung gawin at hindi dapat gawin. Iyon daw kasi ang utos ni Aled, napagsasabihan pa sila minsan ni Ate Letty kapag nalamang tumutulong ako sa gawain bahay. Eh, wala naman akong magagawa rito kaya mas mabuti ng tumulong ako sana, pero dahil sa nahihiya na rin ako sa kanila kaya hindi nalang ako tumutulong para hindi na mapagsabihan sila Ate Letty."What do you want on your birthday, Baby Girl?"Napalingon ako kay Audrey ng magtanong ito sa akin habang nagbra-browse ito sa tablet niya."Wala naman po. Kahit magdinner nalang tayo rito nila Ate Letty, okay na
Kathnisse's POV Maganda ang panahon ngayon kaya nasa garden kami ni Aled. Naghahanda ako ng niluto kong meryenda namin sa mesa. Napasulyap ako sa dalawang anak ko na may hawak na yantok. "Kendra, be careful." Sigaw ni Aled sa pangalawang anak niya. "Yes, Daddy!" Sagot naman ni Kendra. "Ate naman!" Reklamo naman ni Kent. Muntik na kasi itong mataman ng yantok sa mukha. "Daddy, close your eyes." Napalingon naman ako kay Ayu na iniipitan ang buhok ni Aled, si Ayin naman ay nilalagyan ng eye shadow ang Daddy niya. "Daddy, you look like a girl now." Hagikhik na sabi ni Ayin. "Am I?" Nakangiting tanong ni Aled. Parehong tumawa ang kambal. Hinila naman sila ni Aled at kiniliti. Panay tawa naman ang kambal. Natawa ako sa itsura ni Aled. May mga nakaipit sa buhok niyang nga pambatang hairclips at may make-up din ang mukha niya. Ginawa na naman siyang model ng kambal namin. "Daddy...aacck! Stop it, Daddy!" Halakhak na sabi ni Ayin. "Mommy, help!" Sigaw naman ni Ayu. N
Kathnisse's POV Ilang buwan na ang nakakalipas ng maikasal kami ni Aled at araw-araw ay mas nagiging sweet at maalaga ang asawa ko sa akin. Lumipat na rin kami sa sarili naming bahay at nagulat ako dahil hindi ito simpleng bahay lamang. Isa itong malaking mansyon! Ang akala ko pa noong una ay bahay ito ng mga magulang niya pero ang sabi ni Aled ay bahay daw namin ito at dito namin palalakihin ang limang anak na napag-usapan namin. He wants to have a big family dahil only child lang siya, mas maganda raw na may kalaro ang magiging anak namin at higit sa lahat, mas maganda raw kapag lumaki na ang mga magiging anak namin ay may matatakbuhan sila kapag kailanganin nila ng tulong kapag tumanda na kami. Nakaupo ako ngayon sa dinning table habang nakangiti. Nakabihis na ako at hinihintay ko nalang na umuwi ang asawa ko. Nagbake ako ng cake kanina at nagluto ng dinner namin. Hindi ako pumasok sa trabaho kanina dahil sumasakit ang ulo ko. Maya-maya pa ay narinig ko ng may pumasok na ko
*Read at your own risk* Kathnisse's POV Alas dyes na ng gabi nang makaakyat kami ni Aled sa kwarto namin. Dito na muna kami nagstay sa isang hotel para mas malapit sa airport dahil babyahe pa kami bukas ng hapon papuntang Italy para sa honeymoon namin. Regalo iyon ng parents ni Aled sa amin. Nandito na rin ang mga gamit namin dahil maaga kaming nag-empake ng mga kailangan naming dalhin. Pagod man kami ni Aled ngayon pero pareho naman kaming masaya sa araw ng kasal namin. It was beyond perfect. Hindi ko ni-expect na ganoon ka ganda ang venue namin. Ang sabi ko lang kay Audrey ay okay na ako sa simple lang, ang mahalaga lang sa akin ay maikasal kami ni Aled at ma-accomodate ng maayos ang mga bisita. "Baby?" Tawag sa akin ni Aled na kakagaling lang sa banyo. Wala na itong pang-itaas na damit. Pagod akong ngumiti sa kanya. "Okay na ba?" "Yes. Let me carry you." Malambing na wika nito. Naka bathrobe ako ngayon habang nakaupo sa paanan ng kama. Ni ready ni Aled ang warm bath
Kathnisse's POV Ito na ang pinakahihintay naming araw ni Aled. Ilang minuto nalang ang hihintayin ko at sa wakas ay ikakasal na kami ni Aled. Sobrang saya ko ngayon na kinakabahan. Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang tinitingnan ko ang sarili ko. Suot-suot ko na ang puting wedding gown ko. "Oh, my gosh! You're perfect!" Ani Audrey na nasa likod ko. Nakasuot ito ng kulay asul na long gown at nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko kay Audrey dahil siya ang tumulong sa amin ni Aled sa preparations ng kasal namin. Sobrang excited nito dahil si Aled daw ang unang ikakasal sa kanilang magkakaibigan. "Excited ka na ba?" Pagtatanong nito. Tumango ako sa kanya, "oo, kagabi pa nga ako excited. Hindi ako nakatulog ng maayos." Sagot ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko habang nakaharap sa kanya. "Finally, ikakasal na kayo." Naiiyak na wika nito, "oh no! Bawal umiyak!" Aniya at tumingala para hindi t
Kathnisse's POV Nasa loob ako ngayon ng opisina ni Aled para lang sana ipaalam sa kanya ang schedule niya ngayong araw pero heto ako at nakaupo sa couch niya habang siya ay nakahiga sa kandungan ko. Ayaw niya akong palabasin! Nagbabasa ito ng nga papeles habang nakahiga sa lap ko. "Aled, doon na ako sa labas." "No." "May gagawin pa ako!" Reklamo ko. "Wala kang gagawin doon. Just stay here." Aniya habang nagbabasa ng papeles. Napairap nalang ako at nagcrossed arms. "By the way," bumangon ito at umupo sa tabi ko, "I will move to your condo." "My condo?" Nagrerent lang naman ako roon sa condo niya paano naging akin 'yon? "Magiging sa 'yo rin naman 'yon." Nakangiting wika nito, "so...can I move in?" "Okay." Sagot ko sa kanya. Pareho kaming napatingin ni Aled sa pinto dahil bigla itong bumukas. Pumasok ang isang matangkad at matipunong lalaki. Napatitig ako sa kanya. May hawig ito kay Aled. Tumayo si Aled sa tabi ko, "Kuya Adam!" Tawag nito. Mabilis na lumapi
Kathnisse's POV Tinulak ni Aled ang pinto at pumasok. "Why are you here? Aka----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inangkin nito ang labi ko. Narinig kong nagsara ang pinto at sinandal niya ako roon. Napahawak ako sa braso niya. Agresibo ako nitong hinahalikan. Bumaba ang halik nito sa leeg ko. "A-aled.." Mahinang tawag ko sa kanya. Binuhat ako nito kaya pinulupot ko ang legs ko sa bewang niya at ang braso ko sa leeg niya. Mahigpit nitong niyakap ang bewang ko. "Baby...I want you." Bulong nito bago inangkin ulit ang labi ko. Naglakad ito habang buhat-buhat ako. "Hmm." Mahinang ungol ko. Pinaglaruan nito ang dila ko gamit ang dila niya. Naramdaman ko nalang na naihiga na niya ako sa kama. Ang kamay nito ay nag-umpisa ng gumapang sa legs ko. Humiwalay ito sa akin at hinubad ang satin night dress ko. Napatitig ito sa katawan ko ng tuluyan na niyang nahubad ang suot ko. "You're not wearing undies." He stated. "Uhm. Wala naman akong kasama rito." Sagot ko sa ka
Kathnisse's POV Papasok na ako sa building ng kompanya ni Aled ng magring ang phone ko, kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Agad akong napangiti ng makita ko ang pangalan ni Chelsea. "Good morning, Chel." "Good morning, Girl!" Masiglang bati nito sa akin, "uuwi pala ako sa probinsya namin." Pinindot ko ang button ng elevator, "bakit naman?" "Uhmm. M-may emergency kasi. H-hindi ko rin alam kung kailan a-ako b-babalik." Aniya. Kumunot ang noo ko. Pautal-utal ito kung magsalita. Sumakay na ako sa elevator ng bumukas ito. "Kailan ka naman aalis?" "Maybe next week." Mahinang sabi nito. "Okay ka lang ba, Chels?" Nag-aalalang tanong ko. "Oo naman! Ako pa ba?" Natatawang sabi nito, "o siya, pinaalam ko lang sa 'yo. Ingat ka d'yan, Girl!" "Ikaw din, Chels. Tawagan mo lang ako kung may maitutulong ako." Wika ko. Nagpaalam na ito at binaba ang tawag. Napatingin ako sa screen ng phone ko. Parang may kakaiba sa boses ni Chelsea kanina na hindi ko m
Kathnisse's POV Nakaupo ako ngayon sa desk ko at si Aled naman ay nasa loob ng opisina niya. May inaayos akong mga papeles na kailangang pirmahan ni Aled ngayon. Nang matapos ko na itong ayusin ay kumatok ako sa pinto ni Aled at binuksan ito. Nakaharap ito sa laptop niya at nakasuot ng EarPods. Mukhang may kausap ito. "Mom, I told you to stop setting me up with blind dates." Kalmadong sabi ni Aled. Napatingin ito sa akin. Tumaas naman ang kilay ko. Blind dates? Hindi ba alam ng mga magulang niya na girlfriend niya na ako? Kinuha nito ang EarPods na nakasaksak sa tenga niya. "Mom, I have a girlfriend. Bakit ayaw mong maniwala?" Anito habang nakatingin sa akin. Seryoso ko lang siyang tiningnan habang nakatayo. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya. Inirapan ko lang ito. Ka video call niya yata ang Mommy niya. "Stop lying, Alejandro! Kung meron ka ng girlfriend bakit hindi mo pinakilala sa amin ng Daddy mo? You are not getting any younger." Rinig kong sabi ng Mommy ni Aled.
Kathnisse's POV Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa katabi ko. Nakabalandra ang hubad nitong katawan at tulog na tulog pa ito. Hinubad siguro nito kagabi ang damit niya habang tulog na ako. Marahan akong bumangon para hindi ko siya magising. Kinuha ko ang maliit kong towel at phone tsaka lumabas na ng kwarto. Nakita kong nakatupi ang damit na suot kagabi ni Aled kaya kinuha ko ito at nilagay sa washing machine at iniwan na. Magluluto muna ako ng agahan namin. Habang nagpi-prito ako ng scrambled egg ay yumakap sa akin si Aled. Natigilan naman ako sa ginagawa ko at napangiti. "Good morning, Baby." He huskily said and buried his face on my neck. "Good morning. Maupo ka na muna roon. Tapusin ko lang 'to." Sagot ko sa kanya at kinuha ang plato para ilagay ang luto ng scrambled egg. Nang malagay ko na ang scrambled egg sa plato ay pinaharap ako ni Aled sa kanya at hinapit ako sa bewang palapit sa katawan niya. Pinatay nito ang stove. "How's your sleep?"