Kathnisse's POV Pabalik-balik akong naglalakad sa kwarto ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Tanungin si Aled tungkol sa asawa niya? Or magtanong kay Audrey tungkol sa asawa ni Aled? Napabuntong hininga ako. Hindi ako pwedeng magtanong. Subukan ko kayang e search? Tama! Try ko lang naman. Kinuha ko ang telepono ko. Clarice Vautier.. Kinagat ko ang kuko ko habang nag-aantay kung anong makikita ko na lalabas. Nagscroll up ako pero wala akong makitang litrato niya katulad doon sa painting na nakadisplay sa kwarto ni Aled. Ibang mukha ang nakikita ko. Hanggang sa may nakita akong isang article, matagal na ito. 3 years ago pa. Clarice Vautier, the wife of Alejandro Vautier is dead. Nanlaki ang mga mata ko. Dead? Patay na ang asawa ni Alejandro? May kumurot sa puso ko pero at the same time ay may naramdaman akong konteng pag-asa. Ang nakalagay lang sa article ay namatay ito sa isang car accident at doon may picture ang napakagandang si Clarice Vautier. Ibinaba ko ang tele
Kathnisse's POV Sabado na ngayon at maagang pumasok si Aled sa opisina niya at nagbilin siya na hindi ito makakauwi mamayang dinner. Sila Manang Selya at Ate Letty naman ay day off bukas until Monday pero sinabihan ko na sila na pwede na silang umalis ngayon para ma enjoy naman nila ang day off nila. Nagtext ako kay Aled kung pwede ko ba siyang puntahan sa office niya at dalhan ng lunch, sumagot naman ito ng simpleng okay. "Mag-ingat po kayo." Nakangiting wika sa kanila ni Manang Selya at Ate Letty bago ako bumaba ng kotse. Nauna akong hinatid at sila naman ay ihahatid sa terminal ng bus. Tuesday ng umaga pa ang balik nila. Pagkaalis ng kotse ay pumasok na ako sa building at binati naman ako kaagad ng guard. Pagkarating ko sa mismong floor ng opisina ni Aled ay naglakad na ako patungo sa opisina niya. Nakita ko si Ms. Janna na nakatayo at may kausap sa landline. Ngumiti ako sa kanya ng napatingin ito sa akin "hello, Ms. Janna." Bati ko sa kanya. Ibinaba nito ang landline
Kathnisse's POV MAYA-MAYA pa ay nakarating na ako sa Mall. Pumasok ako sa Supermarket at kumuha ng maliit na cart. Inuna kong kunin ang mga prutas at sinunod kong puntahan ang baking section. Naalala kong may mga overripe na palang saging sa bahay kaya gagawa ako ng banana cake, sayang naman ang mga 'yon kung itatapon lang. Gagawa rin ako ng pancit bukas para sa meryienda namin ni Aled. Pagkatapos kong mabili ang mga kailangan ko ay lumabas na ako ng supermarket. Tinawagan ko na ang driver ni Aled na sa harap nalang niya ako ng mall sunduin. Malapit na akong makalabas ng mall ng may nakabangga sa akin at natapunan ako ng mainit na kape. Hindi ko alam kung saan siya nanggaling. Napahawak ako sa dress ko para ilayo ito sa legs ko dahil sobrang init ng kape, para itong bagong kulo. Ang braso ko naman ay basang-basa ng natapon na kape. "I'm sorry! Hindi kita nakita." Ani ng lalaki. Pinunasan nito ang braso ko at napangiwi ako ng makita kong namumula ang braso ko at mukhang na
Kathnisse's POV Makalipas ang apat na araw ay gumaling na ang paso ko sa braso. Nilalagyan ko nalang ito ng cream para hindi ito mag iwan ng scar, mabuti nalang talaga at hindi ito ganoon kalaki. Pupunta ako ngayon kay Aled at doon na ako magla-lunch sa office niya. Napangiti ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng fitted skirt at off shoulder white top na semi croptop, naka 4-inch high heels din ako. Si Audrey ang nagsuggest na ito ang suotin ko, palagi nalang daw kasi akong nakadress. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Pumasok ako sa kusina at kinuha ang paper bag na dadalhin ko. "Tulungan na kita, Ms. Kath," nakangiting alok ni Ate Letty, "ang ganda-ganda niyo po." puri nito sa akin. Napangiti ako, "talaga? Salamat." Magagandahan din kaya si Aled sa akin mamaya? Napailing na lamang ako sa naisip ko. "Kamusta na po ang braso mo, Ma'am?" Pagtatanong ni Mang Edgar ng makalabas na kami ng exclusive subdivision. "Magaling na po ang braso ko." Nak
Kathnisse's POV Nakatayo ako ngayon sa pintuan ng library ni Aled, nagdadalawang isip ako kung kakatukin ko ba ito o hindi. "Baka kasi busy siya.." Mahinang bulong ko. Linggo ngayon at naisip kong magpunta sa park, gusto ko sanang ayain si Aled pero baka busy siya. Napabuntong hininga ako. "Huwag na nga lang." Umiiling na sabi ko. Tumalikod na ako at akmang maglalakad na ng bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko. "What are you doing here?" He said. Hinarap ko siya at nahihiyang ngumiti, "w-wala, Aled. Sige.." Awkward akong napangiti. Tumalikod na ako para bumalik nalang sana sa kwarto ko ng hinila nito ang kamay ko papasok sa library niya at sinarado ang pinto. Seryoso niya akong tinitigan na para bang naghihintay ito ng sasabihin ko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. "Ah.. ano kasi.." "What now?" Kumunot ang noo nito. "B-busy ka ba?" Nahihiyang tanong ko. "Yes." Maiksing sagot nito. "Okay. Balik na ako sa kwarto ko. Sorry sa istorbo." "What is it?" H
Kathnisse's POV Tatlong araw na mula nang umalis si Aled. Wala akong balita sa kanya dahil hindi naman ito nagrereply sa mga texts ko, kahit nga mag good morning ay hindi magawa. Hindi nito kasama si Audrey at wala rin itong balita kay Aled. Nasa bookstore ako ngayon at naghahanap ng librong pwedeng mabasa para malibang naman ako. Habang namimili ako ay aksidente kong nabitawan ang librong hawak ko. Pupulutin ko na sana ito ng may nauna nang kumuha nito. "Hi! We met again." He smiled at me. Bahagya akong nagulat sa kanya. Hindi ko inaasahan na magkikita pa kami ulit nito. "A-ah, hello, Kyle." Bati ko sa kanya. He handed me the book, "natatandaan mo pa pala ako," mahina itong tumawa, "mahilig ka pala magbasa?" Kinuha ko naman ang libro at napatango, "pampalipas oras lang." Ani ko at nagtingin-tingin pa ng ibang libro. Hindi ko na siya kinakausap pero alam kong nasa tabi ko pa siya. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa akin. Weird. Hindi pa ba ito aalis? Naiilang ako
Kathnisse's POV Pagkagising ko ay nasa sahig pa rin ako. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Bumangon ako at napatingin sa kama, walang palatandaan na may humiga rito. Nakaramdam ako ng hilo nang bumangon ako naka napaupo ako kaagad sa kama. Mariin akong napapikit at minasahe ang sintido ko. Hindi ako nakakain kagabi. Nang medyo nawala na ang hilo ko ay tumayo na ako at kumuha ng t-shirt at shorts para magbihis. Napatingin ako sa braso ko. Nagkulay ube na ito. Malungkot akong napangiti. I deserved it. Ako ang gumawa ng sarili kong problema. Napatingin ako sa salamin, magang-maga ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi, siguro ay nakatulugan ko na ang pag-iyak. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para kumain. As usual ay napakatahimik ng bahay. May nakahanda ng agahan sa mesa. Hinanap ko sila Manang Selya para sana sabay na kaming kumain pero tumanggi sila at halata sa kanila na umiiwas sila sa akin. Hindi ko na sila pinilit at kumain akong ma
Kathnisse's POV Napatulala ako habang nakatingin sa sarili ko sa harapan ng salamin. Kaya ko pa ba? Ngumiti ako pero hindi man lang umabot sa mata ko. Pinipilit ko nalang ngumiti para maging masaya pero ang totoo ay hindi ako masaya. Kaya ko pa naman. Kaya ko pang ipilit sa sarili ko na kaya ko pa. Kaya ko pang magtiis. Nagpakawala ako ng malalim na hangin. Bumaba na ako at kinuha ang paper bag. Pupuntahan ko si Aled sa opisina niya para dalhan siya ng lunch. Kahit umalis ako kaagad ay okay lang, gusto ko lang ibigay itong niluto ko para sa kanya. Hindi ko alam kung nandoon siya, gusto ko lang magbakasakali. Habang nakasakay ako sa elevator ay kinakabahan ako. Paano kung wala siya roon? Paano naman kung nandoon nga siya pero hindi niya tanggapin ang niluto kong lunch para sa kanya? Nagbuntong-hininga ako ng makalabas na ako sa elevator. Nandito na ako sa floor ng opisina ni Aled. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit na ako sa mismong opisina niya. Naki
Kathnisse's POV Maganda ang panahon ngayon kaya nasa garden kami ni Aled. Naghahanda ako ng niluto kong meryenda namin sa mesa. Napasulyap ako sa dalawang anak ko na may hawak na yantok. "Kendra, be careful." Sigaw ni Aled sa pangalawang anak niya. "Yes, Daddy!" Sagot naman ni Kendra. "Ate naman!" Reklamo naman ni Kent. Muntik na kasi itong mataman ng yantok sa mukha. "Daddy, close your eyes." Napalingon naman ako kay Ayu na iniipitan ang buhok ni Aled, si Ayin naman ay nilalagyan ng eye shadow ang Daddy niya. "Daddy, you look like a girl now." Hagikhik na sabi ni Ayin. "Am I?" Nakangiting tanong ni Aled. Parehong tumawa ang kambal. Hinila naman sila ni Aled at kiniliti. Panay tawa naman ang kambal. Natawa ako sa itsura ni Aled. May mga nakaipit sa buhok niyang nga pambatang hairclips at may make-up din ang mukha niya. Ginawa na naman siyang model ng kambal namin. "Daddy...aacck! Stop it, Daddy!" Halakhak na sabi ni Ayin. "Mommy, help!" Sigaw naman ni Ayu. N
Kathnisse's POV Ilang buwan na ang nakakalipas ng maikasal kami ni Aled at araw-araw ay mas nagiging sweet at maalaga ang asawa ko sa akin. Lumipat na rin kami sa sarili naming bahay at nagulat ako dahil hindi ito simpleng bahay lamang. Isa itong malaking mansyon! Ang akala ko pa noong una ay bahay ito ng mga magulang niya pero ang sabi ni Aled ay bahay daw namin ito at dito namin palalakihin ang limang anak na napag-usapan namin. He wants to have a big family dahil only child lang siya, mas maganda raw na may kalaro ang magiging anak namin at higit sa lahat, mas maganda raw kapag lumaki na ang mga magiging anak namin ay may matatakbuhan sila kapag kailanganin nila ng tulong kapag tumanda na kami. Nakaupo ako ngayon sa dinning table habang nakangiti. Nakabihis na ako at hinihintay ko nalang na umuwi ang asawa ko. Nagbake ako ng cake kanina at nagluto ng dinner namin. Hindi ako pumasok sa trabaho kanina dahil sumasakit ang ulo ko. Maya-maya pa ay narinig ko ng may pumasok na ko
*Read at your own risk* Kathnisse's POV Alas dyes na ng gabi nang makaakyat kami ni Aled sa kwarto namin. Dito na muna kami nagstay sa isang hotel para mas malapit sa airport dahil babyahe pa kami bukas ng hapon papuntang Italy para sa honeymoon namin. Regalo iyon ng parents ni Aled sa amin. Nandito na rin ang mga gamit namin dahil maaga kaming nag-empake ng mga kailangan naming dalhin. Pagod man kami ni Aled ngayon pero pareho naman kaming masaya sa araw ng kasal namin. It was beyond perfect. Hindi ko ni-expect na ganoon ka ganda ang venue namin. Ang sabi ko lang kay Audrey ay okay na ako sa simple lang, ang mahalaga lang sa akin ay maikasal kami ni Aled at ma-accomodate ng maayos ang mga bisita. "Baby?" Tawag sa akin ni Aled na kakagaling lang sa banyo. Wala na itong pang-itaas na damit. Pagod akong ngumiti sa kanya. "Okay na ba?" "Yes. Let me carry you." Malambing na wika nito. Naka bathrobe ako ngayon habang nakaupo sa paanan ng kama. Ni ready ni Aled ang warm bath
Kathnisse's POV Ito na ang pinakahihintay naming araw ni Aled. Ilang minuto nalang ang hihintayin ko at sa wakas ay ikakasal na kami ni Aled. Sobrang saya ko ngayon na kinakabahan. Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang tinitingnan ko ang sarili ko. Suot-suot ko na ang puting wedding gown ko. "Oh, my gosh! You're perfect!" Ani Audrey na nasa likod ko. Nakasuot ito ng kulay asul na long gown at nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Malaki ang pasasalamat ko kay Audrey dahil siya ang tumulong sa amin ni Aled sa preparations ng kasal namin. Sobrang excited nito dahil si Aled daw ang unang ikakasal sa kanilang magkakaibigan. "Excited ka na ba?" Pagtatanong nito. Tumango ako sa kanya, "oo, kagabi pa nga ako excited. Hindi ako nakatulog ng maayos." Sagot ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko habang nakaharap sa kanya. "Finally, ikakasal na kayo." Naiiyak na wika nito, "oh no! Bawal umiyak!" Aniya at tumingala para hindi t
Kathnisse's POV Nasa loob ako ngayon ng opisina ni Aled para lang sana ipaalam sa kanya ang schedule niya ngayong araw pero heto ako at nakaupo sa couch niya habang siya ay nakahiga sa kandungan ko. Ayaw niya akong palabasin! Nagbabasa ito ng nga papeles habang nakahiga sa lap ko. "Aled, doon na ako sa labas." "No." "May gagawin pa ako!" Reklamo ko. "Wala kang gagawin doon. Just stay here." Aniya habang nagbabasa ng papeles. Napairap nalang ako at nagcrossed arms. "By the way," bumangon ito at umupo sa tabi ko, "I will move to your condo." "My condo?" Nagrerent lang naman ako roon sa condo niya paano naging akin 'yon? "Magiging sa 'yo rin naman 'yon." Nakangiting wika nito, "so...can I move in?" "Okay." Sagot ko sa kanya. Pareho kaming napatingin ni Aled sa pinto dahil bigla itong bumukas. Pumasok ang isang matangkad at matipunong lalaki. Napatitig ako sa kanya. May hawig ito kay Aled. Tumayo si Aled sa tabi ko, "Kuya Adam!" Tawag nito. Mabilis na lumapi
Kathnisse's POV Tinulak ni Aled ang pinto at pumasok. "Why are you here? Aka----" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inangkin nito ang labi ko. Narinig kong nagsara ang pinto at sinandal niya ako roon. Napahawak ako sa braso niya. Agresibo ako nitong hinahalikan. Bumaba ang halik nito sa leeg ko. "A-aled.." Mahinang tawag ko sa kanya. Binuhat ako nito kaya pinulupot ko ang legs ko sa bewang niya at ang braso ko sa leeg niya. Mahigpit nitong niyakap ang bewang ko. "Baby...I want you." Bulong nito bago inangkin ulit ang labi ko. Naglakad ito habang buhat-buhat ako. "Hmm." Mahinang ungol ko. Pinaglaruan nito ang dila ko gamit ang dila niya. Naramdaman ko nalang na naihiga na niya ako sa kama. Ang kamay nito ay nag-umpisa ng gumapang sa legs ko. Humiwalay ito sa akin at hinubad ang satin night dress ko. Napatitig ito sa katawan ko ng tuluyan na niyang nahubad ang suot ko. "You're not wearing undies." He stated. "Uhm. Wala naman akong kasama rito." Sagot ko sa ka
Kathnisse's POV Papasok na ako sa building ng kompanya ni Aled ng magring ang phone ko, kinuha ko ito sa bag ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Agad akong napangiti ng makita ko ang pangalan ni Chelsea. "Good morning, Chel." "Good morning, Girl!" Masiglang bati nito sa akin, "uuwi pala ako sa probinsya namin." Pinindot ko ang button ng elevator, "bakit naman?" "Uhmm. M-may emergency kasi. H-hindi ko rin alam kung kailan a-ako b-babalik." Aniya. Kumunot ang noo ko. Pautal-utal ito kung magsalita. Sumakay na ako sa elevator ng bumukas ito. "Kailan ka naman aalis?" "Maybe next week." Mahinang sabi nito. "Okay ka lang ba, Chels?" Nag-aalalang tanong ko. "Oo naman! Ako pa ba?" Natatawang sabi nito, "o siya, pinaalam ko lang sa 'yo. Ingat ka d'yan, Girl!" "Ikaw din, Chels. Tawagan mo lang ako kung may maitutulong ako." Wika ko. Nagpaalam na ito at binaba ang tawag. Napatingin ako sa screen ng phone ko. Parang may kakaiba sa boses ni Chelsea kanina na hindi ko m
Kathnisse's POV Nakaupo ako ngayon sa desk ko at si Aled naman ay nasa loob ng opisina niya. May inaayos akong mga papeles na kailangang pirmahan ni Aled ngayon. Nang matapos ko na itong ayusin ay kumatok ako sa pinto ni Aled at binuksan ito. Nakaharap ito sa laptop niya at nakasuot ng EarPods. Mukhang may kausap ito. "Mom, I told you to stop setting me up with blind dates." Kalmadong sabi ni Aled. Napatingin ito sa akin. Tumaas naman ang kilay ko. Blind dates? Hindi ba alam ng mga magulang niya na girlfriend niya na ako? Kinuha nito ang EarPods na nakasaksak sa tenga niya. "Mom, I have a girlfriend. Bakit ayaw mong maniwala?" Anito habang nakatingin sa akin. Seryoso ko lang siyang tiningnan habang nakatayo. Sumenyas ito na lumapit ako sa kanya. Inirapan ko lang ito. Ka video call niya yata ang Mommy niya. "Stop lying, Alejandro! Kung meron ka ng girlfriend bakit hindi mo pinakilala sa amin ng Daddy mo? You are not getting any younger." Rinig kong sabi ng Mommy ni Aled.
Kathnisse's POV Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa katabi ko. Nakabalandra ang hubad nitong katawan at tulog na tulog pa ito. Hinubad siguro nito kagabi ang damit niya habang tulog na ako. Marahan akong bumangon para hindi ko siya magising. Kinuha ko ang maliit kong towel at phone tsaka lumabas na ng kwarto. Nakita kong nakatupi ang damit na suot kagabi ni Aled kaya kinuha ko ito at nilagay sa washing machine at iniwan na. Magluluto muna ako ng agahan namin. Habang nagpi-prito ako ng scrambled egg ay yumakap sa akin si Aled. Natigilan naman ako sa ginagawa ko at napangiti. "Good morning, Baby." He huskily said and buried his face on my neck. "Good morning. Maupo ka na muna roon. Tapusin ko lang 'to." Sagot ko sa kanya at kinuha ang plato para ilagay ang luto ng scrambled egg. Nang malagay ko na ang scrambled egg sa plato ay pinaharap ako ni Aled sa kanya at hinapit ako sa bewang palapit sa katawan niya. Pinatay nito ang stove. "How's your sleep?"