TheaNanatili akong tahimik habang pinapanuod ko ang bagong dating na ginang na nakikipag-usap kay Mommy Jane. Lumapit din ito kay Daddy at yumakap dito habang nanatili namang nakaupo lang si Daddy Tony.“Kuya! Na-miss kita!” Timapik naman ni Daddy ang kamay ng ginang saka ito nagtanong.“Nasaan ang asawa mo?” “Susunod na siya Kuya. Nag-restroom lang.” sagot naman nitoHindi naman nagtagal ay pumasok sa dining area ang sinasabi nitong asawa. Nakita kong bumeso ito kay Mommy Jane at alam ng Diyos kung paano ako nagpigil na hindi sugurin ang mga taong ito.“Hon, restroom lang ako!” paalam ko kay Lucian dahil gusto kong umiwas sa kanilaAyoko ng gulo dahil iginagalang ko ang magulang ni Lucian. “Samahan kita?” tanong pa nito pero umiling ako as I grabbed my bagNagtama ang paningin namin ni Itay at nakita ko kung paano siya nagulat. Mabilis akong umalis doon at tinungo ang restroom. Luminga muna ako sa paligid at nang wala namang makakapansin sa akin ay tuluyan akong lumabas sa man
Thea Pag gising ko ng umaga ay sinilip ko ang telepono ko na naiwan ko pala sa bag ko. Agad ko yung binuksan dahil gusto ko sanang makausap si Arvie and the moment I opened it, nagpasukan lahat ng mga text messages ni Lucian sa akin. Natutop ko ang bibig ko ng basahin ko ang mga messages ni Lucian. Nag-unahan ang mga luha ko as ge was begging for me to come back. ‘ Hon please pag-usapan natin ito’ ‘Hon kailangan kita, please come back’ ‘Don’t do this to me Hon! Kaya natin itong pag-usapan’ ‘I love you so much, please tell me kung nasaan kita, susunduin kita’ ‘I’m about to loose it Hon! Hindi ko kaya!’ Napahagulgol ako sa mga nabasa ko. Alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko si Lucian. At masakit sa akin na ganito ang sitwasyon namin pero ano ang magagawa ko? Nakita ko ang text ni Arvie at agad ko naman siyang sinagot. ‘ okay lang si Ate! Hayaan mo muna akong mag-isip. Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko.’ Agad ko iyong sinend at muli kong pinatay ang telepono.
Lucian It’s been a week at hanggang ngayon wala pa akong balita kung saan nagpunta si Thea. Kahit kay Arvie ay wala akong mapigang information at hindi ko mapigilang magdamdam. It’s not that I invalidate their feelings pero sana inisip din nila ako. How would I feel if the woman that I was about to marry three weeks from now is gone. Bakit kailangan ako ang magbayad sa kasalanang hindi ko naman ginawa? Sapat na bang rason na dahil tita ko si Tita Mildred ay iiwanan na lang niya ako basta-basta? Nasa garden kami ni Daddy at pati siya ay nag-aalala din para kay Thea. “I’m about to loose it Dad!” naiiyak kong sabi kay Daddy at hindi ko ikinakahiya na magpakita ako sa kanya ng kahinaan ngayon “Mahahanap din natin siya! For now, just be strong! Baka gusto lang niyang mag-isip!” tinapik ni Daddy ang balikat ko habang sapo ng dalawang kamay ko ang ulo ko. It has been hurting the past days dahil siguro sa pag-iisip. Idagdag pa ang walang matinong kain o tulog. “She can do that w
TheaTatlong linggo na ang lumipas at habang tumatagal ay nararamdaman ko ang labis na pangungulila ko kay Lucian. Nasasaktan ako para sa kanya at alam ko na hindi niya ito deserve lalo pa at wala siyang ginawa kung hindi ang ipakita sa akin kung gaano niya ako kamahal. Hindi lang ako pero pati narin ang pamilya ko.Naramdmaan ko ang pagpatak ng mga luha at siguro ay dala na din ito ng paglilihi ko. Sabi nila, emosyonal daw talaga ang mga buntis at sensitibo at yun ang nararamdaman ko araw-araw sa twing maiisip ko si Lucian.Nakausap ko si Arvie kamakailan lang at sinabihan ko siya na huwag ng mag-alala pa dahil okay naman ako.Binanggit pa niya na palagi daw siyang kinakausap ni Lucian at wala naman daw siyang maisagot dahil hindi din talaga niya alam kung nasaan ako.“Naawa na ako kay Kuya, Ate! Halatang ininda niya ang pag-alis mo. Medyo pumayat na siya at mukhang kulang sa tulog. Ate bumalik ka na! Wala namang kasalanan si Kuya.” pakiusap sa akin ng kapatid ko at talaga namang n
TheaTinitigan ko si Lucian habang seryoso siya sa pagbabalat ng mangga na nakuha niya mula sa puno. Hindi talaga siya tumigil hanggat hindi siya nakakuha ng ilang piraso and that warmed my heart. Ilang beses pa nga siyang muntik mahulog dahil nakasilip ako sa bintana habang umaakyat siya ng puno. Mabuti nalang nakakapit siya dahil talagang may kataasan ang puno at nag-aalala naman ako sa kanya.“Here you go!” sabi niya saka niya inabot sa akin ang plato kung saan nakalagay ay nahiwa niyang manggaKumuha ako at agad kong sinawsaw iyon sa asin. Pagkagat ko ay napapikit pa ako at halos maluha ako dahil sa wakas ay natikman ko din ang gusto ko.Pagdilat ng mata ko ay nakatitig sa akin ang mga mata niya. I can say that he is happy lalo ng malaman niya na buntis na ako. Para siyang baliw na naghihiyaw and I admit that I was happy with his reaction.“We need to go to the doctor pagbalik natin sa Manila. You need to be checked.” wala naman aking tutol doon and I guess it’s just right para
LucianPanay ang tungga ko ng alak kahit pa inaawat na ako ng mga kaibigan ko. I want to get wasted. Gusto kong mamanhid! Gusto kong mawala ang sakit kahit sandali lang pero kahit yata ang pesteng alak na ito ay hindi kayang alisin ang sakit na nararamdaman ko.“Segovia, tama na yan! Hindi naman solusyon ang alak!” pigil sa akin ni Marcus pero tinignan ko lang siya saka ako umilingPara namang hindi niya ito dinanas noong panahon na namatay si Blanca, ang babaeng mahal na mahal niya.“Thompson, sabihin mo nga sa akin!” medyo bulol na yata ang salita ko pero malinaw na malinaw pa rin naman ang isip ko“Hindi ba ako karapat-dapat na ipaglaban? Kahit konti lang, hmmm?”“Segovia take it easy, tara na!” sabi naman ni Drake sa akin pero hinawi ko ang kamay niya“Ikaw Samaniego? Ano sa palagay mo? Naging gago ba ako sa kanya para gawin niya sa akin to ha?” kinuha ko ang baso ng alak at inubos ang laman noon“Magkaka-anak na kami mga bro! Pero siya? Wala na! Ayaw na akong pakasalan!”“Segovi
Lucian(Three days before the wedding)I immediately knocked as soon as I arrived at Thea’s door. Hindi ko mapigilan ang sayang bumalot sa akin nang tawagan niya ako at pabalikin.When the door opened nakita ko ang mata ni Thea na puno ng luha kaya agad ko siyang ikinulong sa mga bisig ko. “Shhh..tahan na! Nandito na ako!” sinubsob ni Thea ang mukha niya sa leeg ko “Sorry Lucian. Hindi ko mapigilan! Hindi talaga ako makatulog!” bulong niya kaya inaya ko na siyang pumasok sa kwarto niya“Matulog ka na. Dito lang ako.” sabi ko and she immediately lied down to bedTinanggal ko ang sapatos ko at saka ako nahiga sa tabi niya matapos kong ipatong sa side table ang susi ng kotse at phone ko.Umunan siya agad sa braso ko at niyakap ako habang ramdam ko kung paano niya amuyin ang dibdib ko kaya napapangiti na lang ako.Suddenly I had this hope in my heart that we can work this out. Na pwede pa naming ayusin ang lahat. Kailangan ko lang sigurong magtiyaga at maghintay.Hinalikan ko ang ulo n
Thea(One day before the wedding)Hindi ko mapigilang umiyak the moment I saw the wedding gown that Sophia Conti has designed for me. Dumating ito kahapon kasama ng gown ni Karen at ang amerikana ni Arvie. Naninikip ang dibdib ko habang inaalala ang nakaraan namin ni Lucian. Kung paano namin inayos ang mga detalye ng kasal. Kung gaano kami kasaya habang pinaghahandaan ang araw na ito.We already made plans para sa pamilyang bubuuin namin. Our honeymoon too is already set at hindi ko alam kung pati yon ay hindi kinansel ni Lucian.Alam ko na nasaktan ko si Lucian and I’m at fault kung nagkakagulo man ang mga tao sa paligid namin ngayon. Lalo pa at sinabi niya ang plano niya para bukas.Maghihintay siya sa harap ng altar kahit pa alam niyang hindi ako darating dahil yun lang daw ang nakikita niyang paraan para matanggap niya ang katotohanang hindi na kami mabubuo.Ano kaya ang reaksyon ng magulang ni Lucian? Will they hate me? Maari, lalo na ang Daddy ni Lucian.Si Mommy Jane kaya? G