TheaSabado nagyon and Lucian decided na pumunta kami sa ancestral house nila sa Antipolo. Taga-doon pala si Tita Jane at gusto niyang mamasyal kami doon at magsimba kinabukasan.As usual ayaw na namang sumama ni Arvie dahil busy daw siya sa school. If I know gaya ng katwiran niya noon, ayaw niyang maging third wheel sa amin ni Lucian.Madaling-araw kaming bumyahe at umaga na nang marating namin ang Antipolo City kung saan nandoon ang bahay nila Tita Jane. “We’re here!” sabi ni Lucian as he parked the car in front of an old house“Ang ganda!” yun ang nasabi ko ng makita ko ang bahay na dinatnan namin. Lumang bahay ito pero sinigurong well-maintained pa rin. Gawa sa bato ang unang palapag ng bahay at magandang klaseng kahoy naman ang itaas. Ang bintana nito ay gawa sa capiz kaya naman lalong gumanda ang bahay mula sa labas. Maluwag din ang bakuran at maraming puno sa paligid kaya naman presko ang paligid. Nakakatuwa dahil marami ng bunga ang mangga at hitik na hitik ito.“Sir Lu
TheaIminulat ko ang mga mata ko and I realized nakatulog pala ako ng dalawang oras. It is already four in the afternoon at wala si Lucian sa tabi ko samantalang kayakap ko siya kanina after we made love twice.Nasasanay na din ako kay Lucian pagdating sa ganung bagay at kung hindi lang siguro ako umiinom ng gamot ay paniguradong matagal na niya akong nabuntis. Hindi naman sa ayaw ko pero hindi lang siguro sa ngayon, at naiintindihan naman niya ako pagdating sa bagay na yan.Nagbanyo muna ako at naghilamos saka ako bumaba sa unang palapag ng bahay para hanapin si Lucian.Naabutan ko naman si Nay Dolor sa kusina at mukhang naghahanda ito ng lulutuin para sa hapunan.“Magandang hapon po Nay Dolor!” bati ko dito “Magandang hapon Thea! Umalis si Lucian sandali at sumama sa Tatay Ben mo. Bibisitahin daw yung taniman ng asawa ko.” sabi ni Nay Dolor saka niya ako inalok ng kapeAko na ang nagtimpla ng kape saka ko tinanong kung ano ang iluluto ni Nay Dolor pero naagaw ang atensyon namin n
TheaKinabukasan pagpasok ko ay tahimik ang mga taong dinatnan ko sa faculty room. Nagtataka ako kasi usually ay panay ang daldalan ng mga ito pero ngayon ay nakakapanibago talaga.“May problema ba?” nakakunot-noong tanong ko sa kanila habang binababa ko ang gamit ko sa mesaNagtinginan lang sila at si Karen ang unang tumayo at lumapit sa akin. “Thea, alam mo bang trending ngayon sa social media ang interview ng socialite na si Bettina Zaragoza kahapon?” “Si Bettina? Yung malditang kababata ni Lucian? Bakit anong nangyari?” nagtatakang tanong ko kay Karen. Napahinga ito ng malalim at saka hinawakan ang kamay ko.“Involved kasi kayo ni Lucian sis. Hindi niyo ba napanood?” Umiling ako kay Karen at sinabing nasa Antipolo kami kahapon at hapon na din kami nakauwi.Alam ko na kabilang si Bettina mga taga alta-sosyedad at kung sinabi ni Karan na involved kami ni Lucian sa ineterview niya, malamang tungkol pa rin ito sa naudlot na kasal nila ni Lucian.Hindi ko lubos maisip kung bakit p
LucianMagaan ang pakiramdam ko pagpasok ko kinabukasan sa opisina. Hinatid ko kanina si Thea sa school at dumaan na din ako sa site para masilip ang trabaho doon.Malapit ng matapos ang mga bahay kaya naman masaya ako at ilang linggo nalang, makakabalik na ang mga taga-looban sa lugar na ito.Although I feel sad, too, dahil ibig sabihin lang non, aalis na din si Thea at Arvie sa poder ko. Babalik na sila dito sa looban at kahit mabigat sa loob ko, kailangan kong tanggapin dahil na din sa kalagayan ni Thea.Nagulat ako pagpasok ko ng office dahil nandito ang parents ko pati na ang apat na kaibigan ko. “Anong meron?” nagtataka kong tanong bago ako maupo sa couch kung saan sila nandun“We have been calling you!” sabi ni Marcus so I realized na naka-silent mode pa pala ang phone ko“Nandito na ako! May problema ba?” tanong ko sa kanila hanggang sa iabot ni Drake ang I-pad sa akinTinignan ko iyon and I was surprised ng masimulan kong panoorin ang interview ni Bettina sa isang TV statio
TheaMakalipas ang isang linggo ay nakatanggap ako ng tawag mula sa school na pinababalik na ako sa pagtuturo. Masaya ako sa natanggap kong balita kaya naman sinabi ni Lucian na mag-dinner daw kami sa labas kaya pumayag naman ako.Naging tahimik naman ang buhay namin matapos ang press conference na ginawa namin ni Lucian. Nagbalik na sa ayos ang operations ng mga negosyo niya at naging maganda uli ang takbo nito.Gusto niyang magsampa ng kaso laban kay Bettina pero nakiusap ako sa kanya na huwag na. Sobra-sobra ng kahihiyan ang natanggap niya nang ilabas ni Lucian ang mga larawan niya and I think sapat na yun. Siguro naman hindi na siya gagawa ng gulo!Nalaman din namin na hindi talaga siya buntis. Gawa-gawa lang niya yun at ang huling balita ni Lucian ay umalis ito ng bansa kasama ang magulang niya dala na din ng kahihiyan.Malungkot ako dahil babae din ako at naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkaganyan. Umasa siya at nasaktan! Hindi siya marunong tumanggap ng pagkatalo ka
TheaNakabalik na ako sa pagtuturo and everything was normal naman. Alam ko na nagawa kong maipagtanggol ang sarili ko at ang reputasyon ko na dinumihan ni Bettina at masaya ako dahil naayos na ang lahat.“Grabe ano, trending din kayo ni Lucian nung nakaraan!” sabi ni Karen habang kumakain kami ng lunch dito sa faculty room“Oo nga! Hindi ka talaga pinabayaan ni Lucian. At buti nga dun sa babae na yun, napakasinungaling!” inis na sabi ni Remy Nabanggit ko din kasi sa kanila na hindi naman totoong buntis si Bettina at gawa-gawa lang niya ito.“Baliw sa pag-ibig! Hay naku kaya ako ayaw kong mainlove! Baka mabaliw din ako!” natatawang sabi ni Alice“Alam mo kasi dapat magpakasal na kayo eh! Para wala ng habol yang mga babaeng yan!” sabi pa ni Karen kaya napangiti ako sa kanya“Hinihintay na lang namin na maka-graduate si Arvie! Saka na kami magpapakasal!” masayang sagot ko sa kanila“Sabagay! Mabilis na lang ang araw ngayon! Excited na ako para dyan!” kulang na lang magtitili itong si
Lucian It’s already midnight and I was looking at Thea habang natutulog siya dahil hindi ako makatulog upon remembering what happened to her a while ago. Kanina pagkatapos ng meeting ko ay nakatanggap ako ng message from Jake regarding the shooting incident kaya naman tinawagan ko siya agad. According to him, he has been calling me for an hour pero hindi daw niya macontact ang phone ko. Nanlamig ang buong katawan ko sa sobrang takot when Jake told me what happened. It’s a good thing na nandoon si Mayor Daniel dahil kung hindi, Thea might be shot in a close range, lalo kung siya talaga ang target ng mga salarin. Masyado daw mabilis ang pangyayari at dinala agad ni Mayor Daniel si Thea sa bahay nila dahil nawalan ito ng malay. Lalo akong nakaramdam ng paghihimagsik upon hearing that. Just thinking of how my Thea got scared is really driving me nuts! And the worse part? Wala ako sa tabi niya! Dammit! Agad akong bumyahe papunta sa bahay ni Mayor Daniel and I saw fear in The
TheaMabilis na lumipas ang mga araw at masasabi ko na nakakasanayan ko na ang bagong mundo ko with Lucian.After resigning from work na agad namang napagbigyan sa kadahilanang may threat sa buhay ko, ay nagsimula naman akong pumasok sa office ni Lucian as his assistant.Madali ko namang nakabisado ang pasikot-sikot dito and very thankful ang secretary ni Lucian dahil kahit papano daw ay nabawasan ang workload niya.Mabait si Cherry at nakasundo ko siya agad. Siya ang nagtuturo sa akin for the past two months ng mga dapat kong gawin at madali ko namang naunawaan ang lahat.Siya rin ang ka-chikahan ko everytime na wala si Lucian. Tulad ngayon, wala si Lucian dahil may pinuntahan silang conference abroad ng mga kaibigan niya.Three days sila doon at katakot-takot na bilin ang inabot ko sa kanya bago siya umalis.Tahimik naman ang buhay namin eversince nangyari ang barilan pero hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mga taong nasa likod nito. Na-identify na ang dalawang riding in tand