Valeen“What are you doing here?” malakas ang boses ni Drake ng mabungaran niya ako sa pinto after he opened it.Nakaramdam ako ng takot dahil na rin sa lakas ng boses niya pero pinakalma ko lang ang sarili ko.“Inutusan po ako ni Sir Marcus na dalhan kayo ng gamot.” maiksing sabi ko at saka ko iniabot at dala ko“Where is he?” nagtataka namang tanong nito“Umalis po siya, kasama ung tatlong kaibigan niyo at si Sir Jonas.” nakayuko lang ako at hindi tumitingin kay Drake dahil nakakatakot salubungin ang mata niya“May dala ka bang pagkain?” bigla ay tanong niya saka siya pumasok sa unit.Hindi naman ako gumalaw at nanatili lang ako sa labas“Ah opo sir. May pinabili po si Sir.” sagot ko naman. Lumingon si Drake sa akin at nakita niya na nasa labas pa rin ako.“ Are you just gonna stand there? Pumasok ka!” bulyaw niya sa akin kaya napapitlag naman ako at napilitang pumasok.Pagpasok ko naman ay nakahiga na si Drake sa sofa. May mga kumot na nagkalat doon pati na mga damit na parang h
ValeenMatagal bago ako nakasagot kay Hendrix dahil nabigla ako ng marinig ko ang boses niya. Hindi naman kasi siya tumatawag sa line na ito.“Good morning sir, hold on po I’ll transfer you to Mr. Thompson’s line.” magalang kong sagot dito kahit pa pakiramdam ko buhol buhol ang dila ko.“No Valeen. Ikaw talaga ang gusto kong makausap.” sabi nito “B-bakit po?” tanong ko while I tried to hide my stammering“ Thank you for last night! Actually you don’t have to go through the trouble but still I’m thankful.” sabi niya sa akin“It’s okay, sir. Utos po iyon ng boss ko so kailangan ko pong sundin.” “Well kahit pa. That’s not part of your job but anyways, thank you.” ulit niya sa akinNapatulala na lang ako kahit pa wala na akong kausap.Is that true? The high and mighty Anton Drake Samaniego, thanked me?Wow! Bago yun ah!Kahit papano naman ay nabawasan ang takot ko sa taong yun. Marunong din naman pa lang magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya.Naisipan ko siyang kamustahin bilang
ValeenLiteral na tulala ako kinabukasan pagpasok ko sa opisina dahil muntik ko ng maibigay ang sarili ko kay Drake! I admit that I was scared. Paano kung maging kagaya lang ako ng mga babaeng ikinakama niya? Na pagkatapos niyang makuha, goodbye Philippines na?Hindi ko kayang tanggapin yun kaya naman nagpapasalamat ako at nakinig naman sa akin si Drake.Dala ko ang kape ni Sir Marcus at ng mga kaibigan niya kaya pinilit kong mag focus. Mahirap na, baka maibuhos ko pa ang kape sa isa sa kanila at tuluyan na akong mapalayas sa kumpanya.As usual maingay sa loob ng makapasok ako. Itong opisina na nga yata ni Sir Marcus ang nagsisilbing hideout ng mga ito. Pero pag nasa meeting naman ay makikita mong seryoso at talagang mahusay na negosyante ang mga ito.“Thank you!” nabato ako sa narinig ko‘Did I hear it right?’Nilingon ko pa ito at nakita ko na ngumiti si Drake.Namaligno ba ang isang ito?“Wow! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig! Bumabait ang walanghiya!” I heard Sir Lucian’s com
Valeen Maaga akong sinundo ni Drake kinabukasan para sa outing ng pamilya niya sa Subic. Pinilit niya akong sumama since wala naman daw akong gagawin. Pumayag na ako dahil na rin sa kakulitan niya at dahil gusto ko naman din mamasyal kahit papano. Isang bag ang dala ko at agad namang kinuha iyon ni Drake pagkalabas ko ng elevator. Ang sabi niya susunod na lang kami doon since nauna na ang mga kasama namin. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang kabahan. Haharap ako sa pamilya ni Drake at hindi ko alam kung magugustuhan ba nila ako o hindi. Well of course, hindi ko pa naman boyfriend si Drake, officially. Pero hindi ko alam kung paano niya ako ipapakilala sa mga tao doon. “Are you okay?” tanong niya sa akin kaya tipid naman akong ngumiti “Okay lang ako. Kinakabahan lang ako, Drake.” “Bakit ka naman kakabahan?” he even laughed shortly ng dahil sa sinabi ko “ Hindi naman nangangagat ang angkan ko, Babe!” “ Don’t call me Babe infront of them.” pigil ko sa kanya kaya naman kum
Valeen“Yago?” gulat na tanong ko ng maabutan ko siya sa harap ng villa na ginagamit ko. Napatuwid naman siya ng tayo saka ako nilapitan at hinila palayo doon“Yago! Ano bang nangyayari?” tanong ko dito pero hindi naman ito nagsasalita at patuloy lang sa paghila sa akinDinala niya ako sa dalampasigan, sa parteng malayo na sa mga kasama namin saka niya ako binitiwan.Napahalukipkip ako while my eyes are questioning him because of his actions.“What’s with you and Kuya Drake? Boyfriend mo ba talaga siya?” Medyo mataas ang boses ni Yago at hindi ko din maintindihan bakit ganito siya“Yago, ano ba to? Bakit ka ba nagkakaganyan?” “Just answer me, dammit!” Sigaw niya kaya napaatras ako “No! Wala pa kaming relasyon pero nanliligaw ang kuya mo!” sagot ko sa kanya while keeping my voice whole kahit pa natatakot ako sa itsura ni Yago ngayonPara siyang galit na galit at hindi ko alam kung bakit?“Sasaktan ka lang niya! Kilala ko ang kuya ko, hindi yan nagseseryoso sa babae! Magagaya ka lang
ValeenNatuloy naman ang swimming namin ni Drake at kahit pa may bumabagabag sa isip ko ay pinilit kong mag-enjoy dahil ayaw ko naman makita ni Hendrix that something is bothering me.Umahon lang kami ng bandang alas diyes na dahil medyo mainit na ang sikat ng araw. Hinatid niya muna ako sa villa para makapagbihis ng damit at makapag shower.After changing my clothes ay lumabas na ako and Hendrix is already standing outside. Inilahad niya ang kamay niya which I gladly accepted. Lumapit kami sa kinaroroonan ng pamilya niya. I can see na ang Mommy ni Drake at ang mga tita niya ay busy sa paghahanda ng tanghalian. “Can I help po?” magalang kong tanong sa kanila“Ay wag na iha! Bisita ka namin kaya maupo ka lang diyan.” saway naman ng Mommy Glenda ni Drake ng makita niya akong humawak ng kutsilyoNakita ko kasi na naghihiwa ng mangga si Tita Julie. May kamatis at sibuyas din sa tabi niya kaya palagay ko gagawa ito ng sawsawan. “Okay lang po! Wala naman po akong gagawin.” pagpupumilit
ValeenPagdating ng gabi ay napagkasunduan ng magpipinsan na magbonfire sa tabing dagat. May dumating na dalawang babae na sa palagay ko ay halos mga ka edad ko lang din.Sumunod sila dito sa resort at doon ko nalaman na girlfriend pala ni Hayes at Sean ang mga ito. Humabol sila dito sa resort dahil may mga trabaho pa daw sila kanina.Masaya naman silang kausap at mababait din sila. Tingin ko matagal na silang nakakasama sa gaitong event ng pamilya dahil close na sila sa mga matatandang Samaniego. Mukhang ako lang ang newbie dito.Paglapit ko sa grupo ay nakaset-up na ang bonfire. Sinalubong naman ako agad ni Drake at pinaupo sa tabi niya. May mga mababang upuan na nakapalibot sa apoy at masaya ng nagk kwentuhan ang lahat.May beer and chips as well as barbecue na nakahain sa harap namin at ng makaupo ako ay agad naman akong inabutan ni Sean ng beer.“Hindi siya iinom!” pigil naman ni Drake sa pinsan niya pero siniko ko ito at inabot ang beer dahil nakakahiya naman kung tatanggihan k
ValeenAfter lunch ay tumulak na kami ni Drake pabalik ng Maynila. Mahabang paalaman ang nangyari and his parents wanted to see me again daw when we get back.Hindi naman ako makasagot dahil buo na ang loob ko na iwasan na ng tuluyan si Drake. I can do that dahil hanggat ako si Valeen, tuluyan ng mawawala ni Alie.“Are you alright?” naramdaman ko ang paghawak ni Drake sa kamay ko habang bumibyahe kami and that stirred my deep thoughts“Huh?”“Mukhang malalim ang iniisip mo, Babe. May problema ba?” concerned na tanong sa akin ni DrakeI smiled at him and shook my head. I felt him squeeze my hands kaya lalo tuloy akong nahihirapan.“You can tell me, Babe. What’s bothering you? Simula nung mag-usap kayo ni Mia and Veronica tahimik ka na?” he asked me once again “Wala naman. Okay lang ako!” I faked a smile para mapanatag si Drake dahil nakikita ko na nag-aalala siyaAm I really ready to loose him?Pagdating namin sa Manila ay inaya muna ako ni Drake sa condo unit niya. He promised to co
Valeen It’s Sunday today at and it is Family day. It has been a habit for us na twing Sunday ay kumpleto kami at sabay-sabay kaming kakain ng lunch ng buong pamilya. Pagkatapos naming magsimba kanina ay dumiretso na ako sa kusina para ayusin ang tanghalian namin. Tatlo na ang anak namin ni Drake and we both agreed na tama na iyon as soon as maipanganak ko ang bunso ko. They are all boys at hindi madaling maging nanay sa tatlong batang lalaki na ubod ng pilyo at kulit. Idagdag pa ang tatay nilang nakikisabay sa mga kalokohan nila. Ang panganay ko na si Dylan Glenn is already twenty-four and he is now working in his Dad’s company. Hindi naman ito pilit sa part niya dahil kahit nung bata pa siya ay nakitaan na siya ni Drake ng interes sa negosyo ng mga Samaniego. His Dad is training him dahil wala naman talagang ibang magmamana ng business kung hindi sila ding magkakapatid. Ang pangalawang anak ko na si Dwight Carlos naman ay walang hilig sa negosyo. Siya ang pinakamalok
DrakeVal is already in her ninth month of pregnancy and we are both excited sa pagdating ng panganay na anak namin. Even our families and friends are excited too. Lahat sila nakaabang sa paglabas ni Dylan Glenn. My son is lucky. I mean lahat ng mga anak at magiging anak namin ay maswerte dahil maraming taong nagmamahal sa kanila.At tulad noon, I chose to work from home this month dahil gusto ko na nasa tabi ako ni Val. I don’t like the idea na manganganak siya tapos nasa trabaho ako. Gusto ko katabi ako ng asawa ko. Gusto ko, ako ang magdadala sa kanya sa ospital at gusto ko, ako ang unang makikita niya when she wakes up kapag nakapanganak na siya.“Eh bakit hindi ka sumama sa loob para nandun ka habang nanganganak si Val. I think they allow that nowadays.” suggestion iyon ni Lucian nung huling magkita-kita kami.“I don’t know bro! Siguro tatanungin ko kung gusto ni Val na nandun ako.” but I think it’s really a good idea naman“Pass ako sa ganyan!” sabi ni Hendrix habang umiinom n
Valeen“Sinasabi ko na ba! Unang kita ko pa lang dyan sa babaeng yan iba na ang kutob ko! Ikaw naman Val, pinagtatanggol mo pa! Papano nalang kung nagtagumpay siya sa pang-aakit sa asawa mo? Edi iiyak-iyak ka sana ngayon? Muntik pang mapahamak yang inaanak ko! Paano na lang kung may nangyari diyan? Naku Valeen pasalamat ka at wala talagang nangyari sa inaanak ko! At pasalamat din ang babaeng higad na yan at wala ako dito dahil hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin! Naku talaga naman! Nakakagigil!” “Ganyan ba talaga yang kaibigan mo? Walang preno ang bibig?” bulong sa akin ni Drake habang pinapakinggan namin ang mahabang sermon ni TrishMaayos naman na ang kalagayan ko at nagulat ako ng sumugod dito si Trish ng umaga ng mabalitaan niya ang nangyari kay Manang Josie.“Sigurado ka bang okay na ang pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Trish “Oo Trish! Okay na ako!” Naupo naman ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.“I’m just glad na okay ka Val!” Niyakap pa ako ni Trish kaya tala
DrakeKanina pa mainit ang ulo ko dahil sa mga nakita kong kapalpakan ng ilang mga tauhan sa site. Idagdag pang mag-isa ako ngayon dito dahil may kanya-kanyang lakad ang apat na itlog kaya ako lang ang nag-handle ng problema.Nadagdagan pa ang inis ko ng tumawag si Rina at sinabing umalis si Val ng hindi siya kasama. Kabilin-bilinan ko kasi kay Rina na kung sakaling aalis ang Ma’am niya ay samahan niya pero kanina daw ay umalis ito kasama si Trish at nagalit pa daw sa kanya ng magpumilit siyang sumama.Alam ko na mali dahil kay Val ko naibunton ang init ng ulo ko kaya naman minabuti ko ng tapusin ang pag-uusap namin at baka may masabi ako na pagsisihan ko bandang huli.Medyo na-late pa ako ng uwi dahil inabot ako ng traffic so I expected na tulog na si Val pagdating ko.Agad naman akong sinalubong ni Rina pagdating ko kaya naman tinanong ko kung kumain na ang Ma’am niya.“Opo sir! Nagpadala po ng pagkain sa kwarto. Pagdating po kasi niya hindi na po lumabas ng kwarto.” Kwento sa ak
ValeenNaging busy padin ako the following days dahil ang pag-aayos naman sa mansion ang inatupag ko. Mas madali naman ngayon kasi marami akong katuwang, idagdag pa si Rina na palaging naka alalay sa akin.“Busy naman masyado ni Buntis!” napalingon ako at nakita ko si Trish na papasok sa pintoTumayo ako at agad akong yumakap dito dahil na-miss ko naman talaga siya dahil ilang araw kaming hindi nagkita.Kasalukuyang sinasabit ni Mang Rene, ang driver namin, ang wedding picture namin ni Drake. Kahapon lang kasi ito dumating at ang asawa ko ang nag-suggest kung saan ilalagay ang life-size na picture namin.Napansin ko na matagal na tinitigan ni Trish ang picture kaya naman siniko ko ito at biniro.“Gandang-ganda ka na naman sa akin!”“Huh?! Ah oo naman! Siyempre!” alanganing sagot ni Trish sabay kamot ng ulo“Problema mo?” tanong ko saka ko siya inayang maupo “Val, yan pala ang asawa mo?” biglang tanong ni Trish kaya kinabahan naman ako sa klase ng pagtatanong niya. Hindi pa rin kasi
ValeenSa mga sumunod na araw ay inasikaso ni Drake ang paglipat namin sa mansion. May dalawang kasambahay na nagpunta dito para alalayan ako sa pag-iimpake ng mga gamit namin. Kapag naka-settle na kami ay susunod naman naming paghahandaan ang house blessing. Madalas dumalaw sa akin si Trish at natutuwa ako kasi kahit tapos na ang trabaho niya sa amin ay hindi pa rin siya nakakalimot. “Kamusta naman ang pagbubuntis mo?” tanong nito sa akin. Nandito kami sa sala ngayon dahil kakatapos lang hakutin ang ilang box na dadalhin ng dalawang kasambahay sa mansionBukas ay babalik uli sila para muling mag-empake ng mga gamit namin.“Okay naman ako Trish. Sobrang excited na ako na maging Mommy!” “I’m sure magiging mabuti kang Mommy!” sagot naman sa akin ni TrishLumabas naman si Rina sa kusina na may dalang juice at sansirival cake para sa amin ni Trish. “Salamat Rina!” sabi ko ng ilapag niya sa mesa ang tray“Walang anuman po Ma’am. Magluluto lang po ako sa kusina. Tawagin niyo nalang po
DrakeCheck up namin ni Val ngayon sa OB- gyne niya at sobra akong excited dahil malalaman na namin ang gender ng anak namin.Val is on her fourth month of pregnancy kaya naman ngayon kami magpapa-ultrasound.Buhat ng magbuntis si Val ay nagbawas na ako ng trabaho. There was even a time, when she was on her third month that I stayed and worked from home dahil palagi siyang nahihilo at tumindi ang pagsusuka niya.Maliit na sakripisyo lang yun kumpara sa hirap na pinagdadaanan niya and I witnessed that everyday na halos hilingin ko na nga na sana ako nalang ang nakakaranas ng pinagdadaanan niya.It’s a good thing na nandyan si Yago pati na ang apat na kaibigan ko na palaging naka-alalay sa akin. They are all very supportive sa aming mag-asawa.I remembered one time when Val was crying kasi gusto daw niya ng aratiles. What the hell is that? Ni hindi ko nga alam na may prutas palang ganun.I asked my friends but only Lucian and Hendrix knows what it looks like. Saan ko naman hahanapin yu
ValeenI glanced at the clock and it is already nine in the morning at kung hindi pa ako maiihi ay wala pa talaga akong balak bumangon.Wala si Drake dahil nagpaalam siya kaninang alas-sais ng umaga na may kailangan siyang i-meet na client na hindi pwedeng si Yago ang humarap. He promised to be back as soon as matapos ang meeting niya para masamahan niya ako dahil hindi pa okay ang pakiramdam ko.As soon as I got up, naramdaman ko na parang hinahalukay ang sikmura ko. I rushed inside the bathroom at sumuka ako ng sumuka sa lavatory. Wala naman akong maisuka kung hindi puro laway lang. Naiiyak na ako dahil ang sakit na ng lalamunan ko sa pagsusuka na wala naman inilalabas. Nang medyo kumalma na ang tyan ko ay naghilamos na ako at nagsepilyo.I looked at my phone at may message doon si Drake telling me to have breakfast dahil may hinanda siya. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya lumabas na ako sa dining.Inangat ko ang takip ng pagkain at nalukot ang mukha ko ng maamoy ko ang nakahain
Valeen It’s been a month and plantsado na ang lahat ng kailangan para tuluyang maiayos ang mansion.Hands on ako sa pag-aasikaso and it was fulfilling lalo pa at nasunod lahat ni Trish ang gusto ko. Drake sometimes visits kaya lang hindi sila magkatagpo ni Trish. Gusto ko kasing makilala niya ito pero ewan ko kung bakit hindi sila nagpapang-abot.Ilang furnitures na lang ang inaantay namin para tuluyan ng masabi na tapos na talaga namin ni Trish ang pag-aayos dito.“Kailan niyo ba planong lumipat?” tanong sa akin ni Trish habang nandito kami sa den at nagmemeryenda.“Hindi ko pa alam. Siguro pag talagang kumpleto na ang mga gamit dito. Kailangan ko pang iayos yung mga gamit namin sa condo para madala dito.” sagot ko kay TrishAfter our meryenda ay umalis na kami ni Trish sa mansion dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. “Kaya mo bang mag-drive?” nag-aalalang tanong ni Trish sa akin“I don’t know Trish. Kanina naman okay ako pero ngayon parang bumigat ang pakiramdam ko.” sagot ko sa