"Tama na. Kung may nakain kang masama, pumunta ka na lang sa ospital mag-isa.Huwag mo nang gawin ‘yan sa harapan ko.Wala namang ibang tao rito. Walang silbi ang pag-iyak mo. Parang ako pa ang nang-aapi sa’yo!""Lola, hindi po iyon ang ibig kong sabihin," ani Chona habang napapakagat labi sa hiya.Hindi niya akalain na hindi siya iintindihin ng matandang ginang.Ang plano niya ay magpakita ng pagiging mabait at bumati nang maayos para mag-iwan ng magandang impresyon.Bukod pa riyan, hindi ba’t ang matatandang mayayaman ay mataas ang pagpapahalaga sa mga apo?Hindi na magkakaroon ng anak si Beatrice, at ngayon siya mismo ang dumating sa pintuan nila. Hindi ba dapat matuwa pa ang matanda?Bakit ganito ang reaksyon nito?!Tumayo si Norberta Villamor na madilim ang mukha, kinuha ang chestnut cake na bigay ni Chona, at itinapon ito sa sahig."Marcuw, ipakalat mo na mula ngayon, ayoko na ng chestnut cake!"Pagkatapos, lumakad palabas ng silid ang Matandang Ginang na naka-low heels, at patu
Sa lakas ng tunog, parehong nagulat sina Lucy at Ian.Nataranta si Lucy, habang si Ian naman ay halatang nahiya."Mukhang nadismaya ko kayo. Hindi na matutuloy ang hapunang ito."Pilit na ngumiti si Lucy nang alanganin: "Albert, ano… maling pagkaunawa lang ito."Habang sinasabi niya ito, tinangka niyang hawakan si Albert.Ngunit umatras ito ng dalawang hakbang at umiiling, puno ng pagkadismaya: "Paano nagkaroon ng isang ina na kasinsama mo? At paano nagkaroon ng isang kapatid na kasingwalanghiya mo?""Albert, ginagawa lang namin ito para sa ikabubuti mo. Hindi maganda ang bituin ni Beatrice, maaari kang mapahamak! Pero iba si Abby..."Hindi pa natatapos si Lucy sa pagsasalita nang biglang sumabog ang sigaw ni Albert."Hindi ako naniniwala sa mga ‘yan! Naniniwala ako sa siyensiya! At gusto kong makasama si Beatrice habang buhay!"Nanikip ang labi ni Lucy sa pagkadismaya: "Kahit na hindi na siya birhen, ayos lang sa'yo?""Tama na! Hindi ko papayagang alipustain n’yo pa si Beatrice! Pina
Si Carlos ay humahangos na tumakbo, ang tawa niya ay mas pangit pa kaysa sa pag-iyak."Senyorito, mali… mali ang nakuha mong paputok."Si Marcus, na kalmadong nakaupo sa wheelchair, ay bahagyang tumingin kay Carlos at sinabing, "Hindi ako bulag."Carlos: …"Ano'ng gagawin natin ngayon?"Dahil sa labis na kaba, nais ni Carlos na maghukay na lamang ng butas at duoy magtago na lamang.Tahimik na hinarap ni Marcus ang mga usisero, bahagyang tinaas ang kanyang baba, at sinabing, "Pumasok tayo at magpapaliwanag sa lahat."Sa wakas ay natauhan si Albert, mabilis na lumapit, hinawakan si Marcus sa kwelyo, at ibinuka nang malaki ang mga mata."Pagbalik ko, ang daming nagsabi sa akin ng mga tsismis tungkol sa'yo at kay Beatrice, pero hindi ako naniwala! Sinabi ko pang hindi interesado sa mga babae ang aking tiyuhin! Lahat 'yun kasinungalingan! Kasinungalingan!""Pero ano ‘yang pinakita mo kanina? Nagpapahayag ka ba ng pag-ibig kay Beatrice?"Galit na galit si Albert, nanginginig ang buong katawa
Hindi lang si Albert ang nagulat, kundi pati na rin sina Matandang Ginang at Robert Villamor.Nataranta si Minda at nanlamig ang buong katawan. "Hindi… Hindi, nagsisinungaling siya! Wala namang masama sa gatas na pinainom ko sa kanya!"Matalim na tumingin si Marcus Kay Minda, ang bigat ng tingin niya na parang bumabaon sa kaluluwa. "Kung gano’n, paano mo ipapaliwanag na may naglagay ng gamot sa pagkain ko sa parehong araw?Alam mong hindi ako basta-basta umiinom ng alak mula sa iba kapag nasa labas.Palagi akong may dalang sarili kong alak sa mga sosyal na pagtitipon, pero paano mo nagawang lagyan ng gamot mismo ang chopsticks at mangkok ko?"Pak!Galit na itinapon ni Matandang Ginang ang mangkok ng tsaa at sumigaw, "Kasuklam-suklam! Hindi ka lang nanloko ng iba, pati pamilya mo mismo ay siniraan mo!"Nayanig ang kaluluwa ni Robert Villamor, hindi makapaniwala. "Minda? Bakit mo ginawa ito?"Namumutla si Minda.Akala niya, pagkatapos ng selebrasyon ng kaarawan, matatakpan na ang lahat
"Hindi lang ang mga kamay ko!" Matinding galit ang makikita sa mga mata ni Erica habang nakatitig kay Minda."Wala nang matinong bahagi ng katawan ko!Pinunit ang balat ko, itinali ako sa kama, hinagupit nang paulit-ulit!Tinawag niya akong puta, malandi, isang babaeng walang kahihiyan!At lahat ng ito, regalo sa akin ng minamahal kong ina!Natakot siya na magiging kami ni Bryan Montenegro, na susuportahan ko si tito Marcus. Kaya ginawa niya ang lahat para ipilit akong ipakasal kay Reinier Martinez!Pinangako niyang hihingi siya ng tawad kay Ate Beatrice at kay Daddy, pero sa halip, naisipan niyang gamitin si Ate Beatrice para lagyan ng gamot ang inumin ko at itulak ako sa kama ni Reinier Martinez.Sa ganoong paraan, matatawag niyang kriminal si Ate Beatrice, maipapakulong siya, at sabay nito, mapipilitan akong pakasalan si Reinier Martinez!"Tumawa si Erica habang tumutulo ang kanyang luha."Pero hindi niya inaasahan na may karelasyon si Reinier Martinez—at isa siyang demonyo.""Hinu
Yumuko si Erica at bumulong, "Kuya, sa totoo lang... hindi pa talaga kasal sina Beatrice at Tito Marcus .""Ano?!" Agad na hinawakan ni Albert ang braso ni Erica sa sobrang pagkabigla.Napangiwi si Erica sa sakit. "Mukhang ito ay isang palabas na inayos ni Mommy para linlangin si Lolo. Kahit si Lucy, hindi niya kailanman nakita ang marriage certificate nila.""Bukod pa diyan, tumira ako sandali sa Forbes, at hindi naman sila magkasama sa isang kwarto. Si Ate Beatrice nasa master bedroom, si tito Marcus ay nasa guest room.""Totoo ba 'yan?" Niyugyog ni Albert ang braso ni Erica, mas lalong umaasa.Napakagat-labi si Erica sa sakit, pero tumango. "Pero may isa pang posibilidad… Baka napilitan lang si Ate Beatrice na maging kasintahan ni tito Marcus.""Pero alam mo namang hindi mahilig sa babae si tito Marcus. Malamang, nagkukunwari lang silang dalawa para kay Lolo.""Dahil si Mommy ang pumilit kay tito Marcus na mangako sa harap ni Lolo na pananagutan niya si Ate Beatrice."Kumikislap an
Hindi ko pa napagpapasyahan yan.Paminsan-minsan, sumasakit ang sentido ni Robert Villamor, kaya ibinaba niya ang kanyang tingin habang nakakaramdam ng kirot.Nang marinig ito ni Minda, bahagya siyang napabuntong-hininga sa ginhawa.Ang hindi pa pagpapasya ay hindi nangangahulugang ayaw niyang makipagdiborsyo.Ngunit sa sumunod na sandali, tumingin si Robert kay Marcus:"Marcus kapatid ko, imbitahin mo ang ama ng iaking asawa. Hayaan mong kunin niya ang anak nya. Magpapasya ako pagkatapos kong pag-isipan ito nang mabuti."Pagkatapos niyang magsalita, agad na hinawakan ni Minda ang kamay ni Robert, halatang balisa, at napasigaw nang matinis:"Hindi—hindi mo ito maaaring gawin!Kung pababalikin mo ako sa bahay ng aking mga magulang, paano pa ako makakahanap ng lugar doon sa hinaharap?Robert, hindi ka maaaring maging ganito kalupit!""Malupit?"Bahagyang itinaas ni Robert ang kanyang kilay, may matalim na awtoridad sa kanyang mahinhin na kilos."Ikaw ang nagplano laban sa pamilya ko, ik
"Pagpapanggap? Anong pagpapanggap ang ginagawa ko?" Kalamado ang mukha ni Marcus. Nang makita niyang inilabas ng tagapaglingkod ang isang plato ng mga lobster, tinawag niya ito, "Ilagay mo rito. Gustong-gusto ito ni Beatrice."Inilagay ng tagapaglingkod ang napakalaking plato ng mga lobster sa harapan ni Beatrice.Bahagyang hinila ni Beatrice sa manggas si Marcus, medyo nahihiya.Tiningnan siya ni Marcus, marahang itinupi ang kanyang mga manggas, at naghandang balatan ang lobster. Mahinahon niyang sinabi, "Ayos lang, pamilya naman tayo."Habang sinasabi niya ito, direkta siyang tumingin kay Albert, para bang tinatanong, "Ano bang problema mo?"Naramdaman ni Albert ang bigat sa kanyang dibdib at nagsalita sa kakaibang tono."Tito Marcus, siguradong napagod ka kagabi, hindi ba?Sinadya mong gumawa ng ingay buong gabi. Gusto mo bang iparating sa akin na magkasama kayo ni Beatrice?O gusto mong ipaalam sa lahat na kasal na kayo at labis ang pagmamahalan ninyo?"Pinutol ni Marcus ang ulo n
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Pakiramdam ni Beatrice ay wala na siyang maidadahilan."Hindi?" Dumikit si Marcus sa kanyang ilong, hinalikan ang kanyang tainga, "Kung hindi... bakit ka panay ang sulyap sa kama kanina?"Nahuli sa akto, namula ang mga tainga ni Beatrice: "Hindi totoo 'yan, huwag kang mag-imbento.""Sige, ako na ang nag-iimbento. Pero Mrs. Villamor, nandito na lang rin tayo, bakit hindi natin subukan ang kama na 'to? Sayang naman ang bayad."Gumalaw si Marcus, at nagsimulang umalon ang water bed, ikinagulat ito ni Beatrice kaya mahigpit siyang kumapit kay Marcus.Doon lang siya natauhan.Mula pa nang sabihin ni Marcus na kukuha siya ng kwarto para magpaliwanag, ito na pala talaga ang plano niya."Ah, oo nga pala." Sumandal si Beatrice sa balikat ni Marcus, "May itatanong ako sa'yo, may Marian Monteclaro ka ba—"Bago pa niya matapos ang tanong, hinalikan na siya ni Marcus sa labi."Mrs. Villamor, hindi mo ba naiisip na ang pangit naman ng usapan natin sa ganitong ora
"Hindi rin niya alam?"Napailing ng bahagya si Beatrice, na para bang isang munting puting kuneho na hindi pa nasusubukan ang mga bagay sa mundo, halatang halata sa kanyang mukha ang lahat ng emosyon.Nagniningning ang mga mata ni Marcus sa tagumpay habang nagsalita siya na parang nagtatamasa ng green tea: "Oo, labis ang pag-aalala ng pangalawang kuya ko sa paa ko kaya kahit siya ay sinisi nito sa kanyang problema, hindi ko sinabi sa kanya. At hindi rin alam ng panganay kong kuya at ng nanay ko.""Bakit? Kaya't tanging si Papa lang ba ang nakakaalam na ayos lang pala ang paa mo?"Sa sandaling iyon, umupo na si Marcus nang tahimik sa tabi niya."Mas kaunti ang nakakaalam na ayos lang ang paa ko, mas maganda. Kapag hindi nila alam, mas totoo ang magiging reaksyon nila at mas madali nating malinlang ang mga tagalabas. Hindi rin talaga alam ni Papa, nakakita lang siya ng pagkakataong sumailalim ako sa rehabilitasyon."Pagkatapos ng ilang sandali, ipinaliwanag ni Marcus, "Ilang taon na ang
Napakurap-kurap sina Beatrice at Gilbert, natulala sa nangyari.Sa totoo lang, ang eksenang lumuhod ang bakal na loob ng Big boss ng Kamaynilaan ay talagang nakakatakot.Ang pagkatao at reputasyon ni Marcus ay kilala ng lahat, kaya ang bigat ng tagpong ito ay hindi madaling balewalain!Maging si Marcus mismo ay natigilan.Naaksidente lang siya—hindi pa siya sanay maglakad matapos ang mahabang panahong nakaupo sa wheelchair.Nanatili lang silang tatlo sa kanilang kinatatayuan, hindi makagalaw. Hanggang sa huli, si Beatrice ang unang natauhan, hinawakan niya ang kamay ni Marcus at mahina ang tinig na sinabi,"Tumayo ka na.""Hindi." Lumingon si Marcus sa ibang direksyon at sinadyang ipabigat ang katawan.Tutal, nakaluhod na rin lang siya.Hindi pwedeng masayang ito!Nanlaki ang mga mata ni Beatrice, nag-iisip kung sinadya ba ito ni Marcus.Lumuhod siya para humingi ng tawad?Kasunod nito, nagsalita si Marcus na may bahagyang hinanakit, "Kung hindi mo ako patatawarin, hindi ako tatayo. P
"Hi-Hindi, Hindi ito maaari!" Sigaw ni Monica, tila nawalan na ng kontrol sa sarili. "Hindi! Hindi mo maaaring pakasalan ang isang babaeng katulad niya!""Hindi! Ang unang ginang ng Kamaynilaan ay dapat ako lamang, si Monica Cristobal! Ako at wala nang iba!""Hindi, peke ito! Dapat peke ka lang! Niloloko mo ako! Ang Marcus na kilala ko ay hindi isang duwag!""Hindi ito pagiging duwag, ito ay respeto sa asawa." Sagot ni Marcus nang walang pag-aalinlangan.Nang marinig iyon, lalo lang nilamon ng matinding selos si Monica.Hindi ba ito ang relasyon na matagal na niyang pinapangarap?Isang Big boss na may kapangyarihan sa labas ngunit sumusunod sa kanya sa loob ng bahay.Pero bakit lahat ng ito napunta sa malanding si Beatrice?!Sa sobrang galit ni Monica, pakiramdam niya ay parang dudugo na ang kanyang bibig.Samantala, tumango si Beatrice nang may kasiyahan habang pinagmamasdan ang mukhang gustong pumatay na si Monica Cristobal."Bago ako pumunta rito, hindi ko maintindihan kung bakit b
Pagdating naman kay Monica, nang makita niya si Marcus, agad siyang nabighani at nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso.Ang dahilan? Napaka-kaakit akit ni Marcus! Lalo na ngayon—nakatayo siya!Matangkad at tuwid ang tindig, may malakas na presensya. Nakasuot siya ng navy blue na suit na may dark pattern, maayos na plantsado. Isang kamay ang nakasuksok sa bulsa ng pantalon habang nakasandal sa pintuan.Sa ilalim ng malamyang ilaw, lalong lumutang ang kanyang elegante at kaakit-akit na mukha. Ang mahahabang pilik mata sa likod ng kanyang salamin ay punong-puno ng pang-aalipusta.Pero imbes na panghinaan ng loob, lalo pang ninais ni Monica na masakop siya. Gustung-gusto niyang angkinin si Marcus!"Marcus Villamor, nandito ka na." Pinaglaruan ni Monica ang kanyang mahabang buhok at ang boses niya ay puno ng pang-aakit.Lumakad siya paharap nang may kumpiyansa: "Ito ang paborito mong maid outfit. Marcus, sa pagkakataong ito, hindi na ako mahihiya."Habang sinasabi iyon, buong sigas
Nabigla sandali si Beatrice, at ang unang pumasok sa isip niya ay gusto na namang manggulo ni Monica.Talagang bilib siya rito—kahit namaga ang mukha niya noong huli, nakalimutan na agad niya?Kung tungkol lang sa ibang bagay, maaaring magduda siya, pero pagdating sa "pagtataksil" ni Marcus sa ibang babae, siguradong-sigurado siya—hindi ito mangyayari.Nakita ni Monica ang natulala niyang ekspresyon at lalo pang lumapad ang kanyang mapulang ngiti."Ano? Wala kang lakas ng loob na manood?""Manonood! Libre ang palabas, bakit hindi?" sagot ni Beatrice nang kalmado, habang maingat na inoobserbahan ang paligid sa video.Naglalakad pa rin si Monica, hawak ang kanyang cellphone at patuloy na nakikipag-usap habang naglalakad.Nasa isang hotel siya—malinis ang pasilyo, walang ibang tao sa paligid.Pagdating sa dulong silid, sinwipe ni Monica ang room card at binuksan ang pinto.Dahil sa detalyeng ito, nakita ni Beatrice ang logo ng hotel at ang numero ng kwarto.Ipinatong ni Monica ang kanyan
"Hindi—Robert, huwag mo ako kayang tratuhin nang ganito kalupit." Tatayo sana si Minda pero pinigilan siya ng bantay sa kulungan."Robert, Robert, maniwala ka sa akin. Sa pagkakataong ito, wala talaga akong kinalaman dito." Lubusang natakot si Minda.Tinalikuran na siya ng kanyang pamilya, at kung hiwalayan pa siya ni Robert, wala na talaga siyang matitira.Ipinatong ni Robert sa mesa ang ilang kasulatan ng pag-amin: "Inamin ng schhold head na ikaw ang nag-utos sa kanya na papuntahin si Beatrice sa Cavite para sa isang educational trip.Inamin din ng pekeng guro sa pagtanggap na ikaw ang nag-ayos nito.Ang teleponong iniwan sa sasakyan ng tumakas na drayber ay may mga record ng tawag mula sa iyo.Paano mo ito itatanggi?"Namutla si Minda at galit na pinukpok ang mesa."Hindi ito maaari! Hindi ko kilala ang drayber! Paano ko siya matatawagan?"Biglang may naisip si Minda, at tila natulala siya."Si monica Cristobal! Noong kumakain kami, sinabi niyang naubos ang battery ng kanyang telep
"Alana Monteverde." Unang beses na narinig ni Beatrice ang pangalang ito at agad siyang nakaramdam ng pag-ayaw.Si Mrs. Salazar, ang asawa ng pangulo, ay hindi mahilig magpaligoy-ligoy at laging nagsasalita nang direkta."Hindi ko alam ang tungkol sa Marian Monteclaro na bagay.Alam mo naman, si Marcus ay isang taong hindi madaling maunawaan, at hindi siya nagpapaliwanag ng kahit ano kaninuman.Noon, dalawa lang ang babaeng napabalitang may kaugnayan kay Marcus sa buong Pilipinas—si Monica Cristobal at si Alana Monteverde.Hindi ko kailanman paniniwalaan ang sinabi ni Monica, at pinatunayan naman iyon ni Marcus kahapon.""Kaya si Alana Monteverde na lang ang natitira. Nasaan siya ngayon?" tanong ni Beatrice na may kaba sa puso."Nasa ibang bansa."Pagkarinig nito, lumakas ang kabog ng dibdib ni Beatrice. Lahat ng piraso ay nagtagpo!"Baka sya nga. Sinabi sa akin ni Albert na may taong nakatago sa puso ni Marcus."Bahagyang kumunot ang noo ni Mrs. Salazar. "Siya naman talaga. Noong nak
Bago pa matapos ni Chona ang kanyang sasabihin, biglang pinutol siya ng kanyang kapatid."Nahuli na ng pulis ang matandang lalaki, at inamin niya ang lahat."Lalong nanghina ang mga binti ni Chona, nanlamig ang kanyang labi habang nanginginig na nagtanong, "Ano ang inamin niya? Na... naitapon ang test tube ni Albert, kaya ibang sample ang nagamit?""Hindi." Matigas ang sagot ng kanyang kapatid. "Wala namang gamit ang matandang iyon para gawin ang artificial insemination.""Kung gano’n... paano ako nabuntis?!" Halos pasigaw na tanong ni Chona.Pagkatapos niyang isigaw iyon, agad siyang napalingon sa paligid. Mabuti na lang at walang ibang tao.Habang pinag-iisipan niya ito, unti-unting lumilinaw ang isang nakakapangilabot na posibilidad.Noon pa man, ayaw niyang gawin ito dahil sa duda niya sa maliit at mukhang ilegal na klinika.Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago muling nagsalita ang kanyang kapatid. "Inamin ng matanda sa pulis na... habang nasa impluwensya ka ng pampamanhid at wa