" What?! But why??! Sinapak ako nung Amelia na 'to at sinira pa nung isang babae na 'yan 'yung cellphone nung isang estudyante kanina! Pagkatapos ay hindi niyo man lang siya paparusahan?! " galit na galit na sigaw ni Spin kay Mrs. Flores; siya ang guidance counselor ng school.
Haha. Hindi niya siguro alam na malakas ang kapit namin sa mga 'to. Kami kaya ang pumoprotekta da school na 'to kapag may sumusugod na gangster o kaya kapag may nangyayaring masama rito." I'm so sorry, Spin. Pero isa sila sa pinakamatalino at importanteng estudyante rito sa school na ito. Hindi namin sila pwedeng parusahan. "" Ano?! May bias ba kayo rito??! Hindi 'yon dahilan para hindi mo sila parusahan! Ano pa ang silbi ng pagiging guidance counselor mo kung hindi mo gagawin 'yung mga trabaho mo!! "" Spin. Alam kong malaki rin agad ang naitulong mo sa school na ito kahit bago ka pa lang. Pero sana naman ay matuto kang rumespeto sa matatanda. "" Sana ay matuto rin 'PO' kayong gawin nang tama 'yung trabaho niyo! " tumayo si Spin at galit na lumabas sa Guidance office." Woah. Mukhang tapos na ang palabas dito, ah Mabuti naman at makakakain na ako ng masarap na french fries! " sigaw ni Denice 'tsaka tumayo!Tumayo na rin ako tsaka sina Denice at Jillian para lumabas na ng Guidance office; ngunit nagsalita bigla si Mrs. Flores." Kailangan ko na maki-cooperate kayo sa akin. Kailangan ko na maintindihan niyo ang bawat salitang sasabihin ko. " napalingon kami nina Jillian at Denice. " Si Spin ay isang mayaman na binata at Malaki ang maitutulong at maiaambag niya sa paaralan na ito kung magkataon. "" Ano naman kung mayaman siya? Ano ang gagawin namin? Magmakaawa sa kaniya at sabihin na pahingi ng pera? " taas kilay na tanong ni Jillian." Teka nga…..Inuutusan mo ba kaming maging mabait sa kaniya?? Hindi mo ba alam na— "" Babayaran naman namin kayo buwan-buwan ng sampung libo. " putol ni Mrs. Flores sa akin.So, ano naman?? Magpakabait kami sa kaniya para sa 'pera' Ayoko nga! Hinding-hindi ko gagawin 'yon at alam ko ring hindi papayag sina Denice at Jillian sa sinasabi ni Mrs. Flores." Basta ang gagawin niyo lang ay napakasimple. Magpapakabait kayo sa kaniya at huwag na huwag niyo siyang sasaktan para hindi siya magdesisyong umalis sa school na 'to. Ano? Deal or No Deal? "" Deal! " mabilis na sagot ni Denice kay Mrs. Flores." Ano?! " takang tanong ko kay Denice.Akala ko pa naman ay hindi siya papayag! Pagkatapos ay nakarinig lang siya ng 'pera' ay pumayag na agad siya??! Bwiset!" Matapos niya akong sapakin at matapos naming mag-away ay para tayong tangang magpapakabait sa kaniya??! Nang dahil lang sa pera?? "" Deal, " sabi rin ni Jillian.Taka rin akong napatingin kay Jillian dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila." Kailangan natin ng pera, Amelia. Kaya pwede ba na kahit konti lang ay ibaba mo muna 'yang pride mo? Simple lang naman ang gagawin natin sa kanya, eh. Magiging mabait lang naman tayo sa kaniya, eh. Napakasimple lang. "Hays. Nakakaasar. Napaisip ako sa mga sinabi ni Jillian. Tama nga siya. Kailangan namin ng pera kaya mas maganda kung gagawin ko na lang 'yung pinapagawa sa amin." Oo nga naman! " sang-ayon naman ni Denice kay Jillian. " 'tsaka, palagi na akong pupunta sa Jolibee at palaging bibili ng masarap na french fries doon kung palagi akong may pera, 'no! Pagkatapos ay mas safe pa 'to! Ay!! Shhhh!!!" At tungkol nga pala roon sa mga gusto niyong kainin sa canteen, libre na ang lahat ng gusto niyong kainin doon; kami na ang magbabayad. Basta siguraduhin niyo lang na hindi na kayo manghihingi ng pera sa mga kapwa niyo estudyante. Maliwanag? "" AAAAA! Yes!!! " tumalon-talon si Denice na parang bata. " uubusin ko lahat ng french friesnila!!Tsk. Parang bata. Wala na akong nagawa. Napailing na lang ako at sumimangot. Kapag kasi si Jillian na ang nagsalita ay wala na talaga kaming magagawa ni Denice. Madali lang siyang magalit pero mas mature talaga siya mag-isip kaysa sa amin. 'Tsaka, tama nga naman sila. Mas mapapadali na rin ang buhay namin dahil hindi na namin masyadong kailangan pang maghanap ng pera. Magnanakaw lang kasi kami dati kung saan-saan. Kaya ma-swerte dahil hindi kami nahuhuli." Oh, sige. Thank you. Pwede na kayong lumabas at kumain sa canteen. Kahit huwag muna kayong pumasok sa mga subjects niyo para makapagpahinga kayo. "" Yehey!! " sigaw ni Denice at nagmamadali na lumabas sa guidance office.Wala rin naman akong balak na pumasok ngayon dahil sa inis ko sa kanila, eh.Tumayo na rin ako 'tsaka si Jillian at sabay kami na lumabas ng guidance office. Ngunit pagkalabas namin ay bumungad sa harapan namin si Denice na nakikipag-sagutan sa grupo ng kaibigan ni Caitlyn.Hays. Andito nanaman 'yung mga malalanding pabida.Spin's POVNandito ako ngayon sa Principal's office. Nagrereklamo ako sa aming Principal na si Beth Custudio. Hindi kasi nila ginagawa nang maayos 'yung mga trabaho nila kaya nagrereklamo Ako Ngayon.Akalain niyo 'yo!?? Matapos akong sapakin Nung bwiset na Amelia na 'yon ay hindi man lang nila paparusahan??Kaya nga ako lumipat dito sa public school dahil akala ko ay magiging masaya ang magiging trato nila sa akin, eh. Kaya nga ako nagbigay ng sampung milyon sa school na ito para mas maging maganda na ang experience ko rito. Pero mukhang masama ata ang kakalabasan, eh." Pasensya na po, huh? Pero kasi, matapos ko po kasi kayong bigyan ng ilang milyong piso para maging maganda ang school ito ay ganito lang pala ang itatrato niyo sa akin??! Simple lang naman po kasi ang hiling ko, eh. Sana po ay maparusahan niyo sila kaso nga lang ay hindi niyo iyon magawa?? I'm so sorry, but if you can't handle their attitude, aalis na ako sa school na ito at babalik na lang ulit ako sa private school na pinapasukan ko noon. "" Calm down, Mr Brint. Huwag ka agad-agad magdesisyon. Ipinapaayos ko na kay Mrs. Flores ang lahat at alam kong magiging mabait na sila sa 'yo simula bukas. "" Paano niyo po maaayos?? Eh, kanina ngang pumunta ako sa guidance office ay sinabi niya lang sa akin na hindi niya kayang parusahan 'yubg nga babae na 'yon. At 'tsaka, bakit nga pala kayo nagpapapasok ng mga parang gangster dito sa school na ito?? Pagkatapos kababaeng tao ay gano'n pang manamit. "" Oh, magandang balita, Mr. Brint. Nagtext sa akin si Mrs. Flores at itp ang sinabi niya; tignan mo. " iniabot sa akin ni Principal Custudio 'yubg cellphone niya at binasa ko ang text. " Ano nabasa mo na ba? Na-handle na raw ni Mrs. Flores sina Amelia, Jillian at Denice. Kaya huwag ka nang mag-alala. Hindi ka na nila sasaktan pa at aawayin." Sigurado na po ba 'yan?? Gusto ko na po kasing makapag-aral nang maayos at hindi na ginugulo pa ng tatlong 'yan. Lalo na 'yung si Amelia. "" Sigurado ako, Mr. Brint. And I need you to calm down, so, I think you should rest na muna. Kaya umuei ka muna sa inyo. "" Sige po…... I'm so sorry po sa mga inasal ko. "" It's okay. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo. So, you can go now. Mag-iingat ka. "Tumango ako at nagpasalamat. Sa wakas at hindi ko na po-problemahin pa 'yung tatlong 'yon. Napakaworst ng experience ko sa kanila. Nung una ay nagkagusto Ako roon Kay Amelia pero simula nung sinugod niya ako at simula rin nung kinwento sa akin ni Machete ang lahat ng tungkol sa kanila ay na-turn off na ako sa kaniya.Agad akong tumayo at naglakad palabas ng guidance office; pagkalabas ko ay agad akong pumunta sa lugar kung saan naka-park 'yung kotse ko.Nakakapag-drive na ako kahit 15 years old pa lamang ako at alam kong walang huhuli sa akin dahil binayaran ko sila. Tama nga si Manang Isay, maraming nagagawa ang pera.Pumasok na ako sa kotse ko at 'tsaka binuksan ito gamit 'yung susi.Bago ako mag-drive ay kinuha ko muna sa bulsa ko 'yung cellphone at tinignan ko muna kung ano'ng oras na. Hindi pa kasi ako nakakabili ng relo ko.Teka…..ano 'to?? Bakit may text si Manang Isay sa akin?Napataas ang kilay ko at binuksan agad 'yung laman ng message na 'yon." Spin, nandito na sila. Mag-iingat ka. Pumunta ka sa kwarto mo sa apartment na tinutuluyan natin at kunin mo sa ilalim ng kama mo 'yung letter na isinulat ko para sa 'yo. Andoon lahat ng sagot sa katanungan mo ngayon.Kinabahan ako sa ti-next ni Manang sa akin. Parang may mali…..ano ba ang nangyayari??? 'tsaka, sino ba ang tinutukoy niyang nandito na??Agad ko siyang ti-next at sinabing: 'Manang, nasaan po kayo ngayon? Ano po ba ang ibig niyong sabihin? 'Pagkatapos ko siyang i-text at agad kong inilapag 'yubg cellphone ko sa shotgun seat at nagmamadaling ipinaandar ang kotse ko para makapunta agad sa apartment.Nang makarating na ako sa apartment ko ay agad kong hinanap si Manag sa buong bahay.Pumunta ako sa kusina, kwarto niya at sa sala. Ngunit hindi ko siya nakita roon kaya napagdesisyunan kong pumunta sa CR. Kinukutuban kasi ako na baka may nangyaring masama kay Manang…...Pagkalapit ko sa car ay may nakita akong dugo sa door knob kaya sobrang kinabahan ako." M-manang? " nanginginig kong tawag sa kaniya ngunit wala akong narinig na kahit isang sagotHalos paliguan na ako ng mga pawis ko dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Ilang beses kong nilunok 'yung laway ko.Agad akong tumakbo sa kusina para maghanap ng basahan upang punasan ang dugo na nasa door knob ng CR.Nang makakita ako ay nagmamadali ko itong kinuha at tumakbo nang mabilis papunta sa harap ng pintuan ng CR.Sobrang lakas nang kabog ng aking dibdib. Dahan-dahan kong hinawakan 'yung door knob gamit 'yung basahan at unti-unti ko itong binuksan." H-hindi….. M-manang " tanging salitang nabigkas ko nang tuluyan ko nang mabuksan 'yung pintuan ng CR.Hindi ito…..totoo!Nanginginig akong naglakad papunta sa katawan ni Manang na nalulunod na sa sarili niyang dugo." S-sino ang gumawa nito?! " nanginginig na sagi ko at dahan-dahang umupo upang hawakan ang patay na katawan ni Manang.Napuno ang mga kamay ko ng kaniyang dugo pati na rin ang mga damit ko." M-manang!! Gumising ka riyan! H-huwag ka namang ganiyan, oh! Manang naman, eh! Hindi ba?! Sabi mo ay hindi mo ako iiwan mag-isa??! Eh, bakit naman iniwan mo ako kaagad??! " naiiyak na paggising ko kay Manang na para bang natutulog lang ito.Hindi ito pwede! Nawala na ang lahat sa akin! Ang mga magulang ko…..ang kuya ko…... pagkatapos ngayon…..pati ang isang taong nag-aalaga at palaging nakikinig sa mga problema ko simula nung nawala sina Mama at Papa??!Sino ba ang gumawa ng krimen na 'to?! Sino ba ang hayop na gumawa nito! Sisiguraduhin kong magbabayad siya!" Humanda siya sa akin. Kung sino man siya. Sisiguraduhin kong mamamatay rin siya! Hinding-hindi ko siya mapapatawad! " galit na galit na bulong ko sa aking sarili.Tinignan ko ang buong CR para tignan kung may naiwang evidence ang bwiset na pumatay kay Manang; Ngunit kahit isang gamit isang matulis na bagay para gamitin na panaksak kay Manang ay wala akong nakita.Naisipan ko na baka nasa ibang parte ng aming apartment ay may makikita ako kaya naman nagsimula akong maghanap. Pumunta ako sa kusina, ngunit wala; pati na rin malapit sa aming pintuan at kahit pa sa basurahan ngunit wala pa rin akong nakita.Napaupo na lamang ako dahil sa inis at dahil sa pagod kaiyak habang naghahanap. Umiyak pa ako nang tahimik sa sahigPagbabayarin ko talaga ang taong pumatay kay Manang, at sisiguraduhin kong makukulong siya habang buhay!!!!!Tumayo na ako at agad na bumaba papunta sa kotse ko para kunin ang cellphone ko at para tumawag sa pulis; wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa paligid ko dahil sa mga dugong nakalagay sa kamay at damit ko. Basta ang gusto ko lang ay matawagan ko ang mga Pulis para ma-ireport ko ang nangyari kay Manang.Nang matapos ko na itong ma-ireport ay agad ulit akong bumalik papuntang apartment ko at pinuntahan ulit si Manang at muli uling nag-iiyak.Tinignan ko mabuti ang buong katawan niya at sa pagkakataon na ito ay may nakita akong parang kulay na itim na parang balahibo ng agila ngunit bakal ito sa likod ni Manang.Agad mo itong kinuha at tinignan nang buong-buo.Parang pamilyar...Teka….Parang ito 'yung bagay na ibinigay sa akin ni Manang nung araw inilibing Sina Mama, Papa, at ang kapatid ko.Agad akong tumakbo papuntang kwarto ko at agad na kinuha 'yung box na kulay itim at agad ko itong binuksan. Nakita ko ang dalawang itim na bakal na hugis balahibo ng isang agila at sobrang kaparehas nung nakuha ko sa likod ni Manang.Hindi kaya….. Hindi. Napaka-imposible no'n……Naalala ko ang itinext sa akin ni Manang na may letter daw sa ilalim ng aking kama. Kaya naman dali-dali akong pumunta malapit sa kama ko at agad na binuhat pababa 'yung foam. Nang maibaba ko na ito ay may nakita akong isang papel na nakadikit sa kahoy ng kama at agad ko itong kinuha.Binuklat ko ito at agad na binasa." Spin. Hindi ko alam kung paano ko ito sisimulan. Pero, sa tingin ko ay kailangan mo nang malaman ang totoong nangyari sa mga magulang mo at kung ano ang totoong dahilan kung bakit sila namatay bago pa mahuli ang lahat. "Totoong pagkamatay??! I-ibig sabihin…..hindi sila totoong naaksidente??! So, i-ibig sabihin ay maaaring totoo ang naiisip ko kanina??! Na konektado ang mga bakal na ito sa totoong pagkamatay nila??!Itinuloy ko pa ang pagbabasa kahit na nanginginig na ako sa galit, takot, at kaba." Nakokonsensya na kasi ako na hindi ko pa sinasabi sa 'yo ang tungkol dito. Nangako kasi ako sa mga magulang mo na hindi ko sasabihin sa 'yo ang tungkol doon kahit ano man ang mangyari. Pero….sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para suwayin ko sila. Dahil na rin ramdam ko na may mga taong sumusunod sa akin para patayin ako. Kaya kahit ano mang araw ay pwede na akong matagpuan na patay kung saan. Kaya sigurado ako na kapag nabasa mo ito ngayon ay patay na ako. "Lalo akong naiyak dahil sa mga sinabi niya. Alam na pala niya na may sumusunod sa kaniya pero bakit hindi niya sinabi sa akin para man lang matulungan ko siya????" Ang nangyari kasi noon ay napagdesisyunan namin ng mga magulang mo na umalis na sa 'Black Feathers' dahil nga lumalaki ka na at ayaw nilang madawit ka pa sa mga nangyayari sa organization. Akala namin ay okay na ang lahat matapos naming umalis pero ilang taon ang lumipas ay pinatay nila ang mga magulang at kapatid mo. Pero magiging honest ako sa 'yo. Sa tingin ko ay hindi pa patay ang kapatid mo. Sa tingin ko ay buhay pa siya dahil nung nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-imbestiga ay dalawang 'black feather' lang ang nakuha ko. Ang black feather kasi ang iniiiwan ng nga pumapatay sa kanilang mga target. Kaya nung dalawa lang ang nakalagay sa tabi ng mga bangkay ng mga magulang mo ay nagtaka ako kung totoo bang bangkay ng kapatid mo 'yung nakita ko ito. Tandaan mo rin na maaari mong magamit ang black feather sa paghahanap ng totoong mga pumatay sa mga magulang mo. Mag-iingat ka. Ayun lamang ang tanging masasabi ko sa 'yo. Mahal na mahal kita, Spin. "Nang matapos ko nang mabasa ang lahat ng mga sinabi niya ay napahiga ako sa sahig dahil sa sobrang pag-iiyak ko. All this time?? Hindi pala naaksidente ang mga magulang ko?! Pinatay pala sila?! Pinatay?!!Iniwanan nga nila ako ng ilang bilyong piso pero wala naman sila sa tabi ko……Kaya gagamitin ko lahat ng pera na ito para lang makuha ang hustisya na kailangan nila!Inilagay ko lahat ng Black Feather sa itim na box at nagmamadaling inilagay ito sa loob ng kotse ko para hindi maisama sa iimbestigahan ng mga Pulis.Nag-iiyak pa ako nang nag-iiyak hanggang sa dumating na ang mga pulis.Inimbestigahan nila ang buong apartment at 'tsaka kinuha ang bangkay ni Manang.Tinanong din nila ako sa mga nangyari dito at sinabi ko na pagkarating ko rito sa apartment ay nakita ko ang katawan ni Manang na punong-puno ng dugo. Hindi ko sinabi ang tungkol sa Black Feather dahil sa sinabi sa akin ni Manang na huwag na huwag kong pagkakatiwalaan ang mga Pulis.TIME CHECK: 1:05 P.MNandito ako ngayon sa isang cafeteria at dala-dala ko ngayon 'yung Laptop ko. Hinahanap ko sa internet ang mga impormasyon tungkol sa Black Feather ngunit wala akong makita. Pero naghanap pa rin ako nang naghanap hanggang sa may isang website akong nakita tungkol sa Black Feather.Mabilis ko itong pinindot at binasa gamit ang aking isip." Ang Black Feathers at isang mataas at malakas na organization na pinapatakbo ng isang mayayaman na tao. Maraming mga bagay silang ginagawa at karamihan dito ay krimen at pag-uungkat ng droga. Hindi sila ginagalaw ng kahit sinong mga Pulis dahil sa kanilang malakas na kapangyarihan. Kaya mag-iingat ka.Nabitin ako sa mga nakalagay. Gusto ko pa ng napakaraming impormasyon tungkol sa Black Feather dahil gusto kong maibigay ang hustisya sa mga mahal ko sa buhay.AMELIA'S POVMalapit na kami ngayon sa bahay na aming nirerentahan. Nakakatawa ang nangyari kanina dahil pinagtripan namin sina Caitlyn at ang apat na kaibigan niya.**FLASHBACK**" oh,ano?! Na-guidance kayo, 'no?! Mabuti nga sa inyo! " pang-aasar sa amin ni Caitlyn. " Mabuti na lang at hindi tayo na-guidance mga sis! " nagtawanan silang magkakaibigan." Yes, sis! Hinding-hindi kasi tayo ma-gaguidance dahil magaganda at mababait tayo! " natatawang sabi ni Rin." True! Mga Sis! Alam niyo rin ba na 'yang si Denice ay napakalandi?! Kaya nga ang arte-arte gumalaw niyan, eh! " pabebeng sabi ni Zoey.Tinititigan lang namin sila habang inaasar kami kahit wala namang nakakaasar sa mga sinasabi nila." Ay, totoo! Sabi nga nila ay nakipag-sex raw siya sa dati niyang jowa! Kabata-bata niya pa lang ay may jowa na siya!! " kunyaring nandidiring banggit ni Grachelle." Talaga! " kunyaring gulat na tanong nina Zoey, Caitlyn, at Rin habang nakatakip ang mga kamay nila sa kanilang mga bibig." Oo! Totoo 'yon! Sabi pa nga ni— "Biglang sinampal ni Denice si Gin.Deserve,hahahahaha!" Aray! Ano ba ang problema mo?! Gusto mo bang— "Sinampal ulit ni Denice si Gin nang napakalakas.Napakagandang palabas nito." Ano?! Daldal pa kayo?! Ha?! " sinampal naman ni Denice si Rin. " Ito naman ang sa 'yo! " si Grachelle naman ang sinampal ni Denice. " Ikaw rin!!!! " si Zoey naman ang sinampal niya. " At ito naman para sa 'yong, gago ka! " sinampal niya rin si Caitlyn ngunit mas malakas ang pagkakasampal ni Denice rito." Oh, ano?! Daldal pa kayo??! Oh, gusto niyong pamagain ko 'yang mga malalaking bibig ninyo! Alis! "" Bwiset! " umalis na ang mga ito at tumakbo na parang bata**END OF FLASHBACK**Nang malapit na kami sa harapan ng inuupahan naming bahay ay nakalabas lahat ng aming mga gamit na siyang aming ikinagulat." Ano ang nangyayari dito?! " malakas na tanong ni Denice dahil sa gulat.Nang makita ko si Bumper na nakaupo sa gilid ng pintuan ay agad akong lumapit sa kaniya para tanungin siya kung ano ba ang nangyayari. Nagulat ako dahil napansin kong may pasa si Bumper sa bandang gilid ng kaniyang kailwang mata. May nangyari ba??!" Bump, ano ang nangyari diyan sa mata mo? Bakit may pasa?? Parang bago pa, oh? " tanong ko kay Bumper." mm…..hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa 'yo ito pero….Ang Don ng Black Feathers…... Inutusan sina Lucas at Dave para balaan tayo na malapit na nila tayong patayin." Ano?? "" Kaya nga pinapaalis na tayo rito dahil tinakot nila kanina si Aling Kuring, eh. " ." Ano'ng sinabi ni Lucas at ni Dave sa 'yo kanina?! Mga siraulo 'yon, ah! Humanda sila sa akin kapag nakita ko sila! "" Mag hinay-hinay ka lang, Amelia. Mataas na ang posisyon nila ngayon. Dumoble na rin ang lakas nila; at ibang-iba na sila. Kayang-kaya ka na nilang patayin kahit nagkasama pa kayo nang matagal noon. "" Hindi ito maaari. Hindi dapat Tayo matakot sa kanila! Magbabayad sila sa mga ginagawa nila sa atin ngayon! "" Bump! Totoo ba?? Totoo ba 'yung sinabi ni Aling Koring?? Na may pumunta ritong dalawang lalaki at tinakot kayo?! Sino sa kanila?? 'ying sunrise ba??! O 'yung— "" Black Feathers, " gulat na sabi ni Jillian." Pero, imposible….. dahil nung nakipag-usap tayo sa kanila na aalis na tayo ay wala namang naging problema, 'di ba??! " nagtatakang sabi ni Denice.Mukhang hindi maganda ang nangyayari….. mukhang pinagtataksilan nila kami….." Sinasabi ko na nga ba, eh. " inis na naglakad si Jillian papunta sa isang box na nakalagay sa harap ng labas ng aming inuupahang bahay at nagmamadaling kinuha roon 'yung baseball bat na ginagamit niya na panlaban noon. " Sinasabi ko na, na dapat hindi na tayo pumasok sa organization na 'yon dahil hindi tayo makakaalis diyan nang hindi nila tayo mapapatay kahit ano mang oras. Pero, ano?? Hindi kayo nakinig sa akin. Mas inuna niyo pang isipin 'yang kagustuhan niyong makapasok sa 'Black Feathers' na 'yan, " hindi gaanong malakas na sabi sa amin ni Jillian ngunit alam kong naiinis ito.Tama naman si Jillian…...bakit ba kasi kami nag-pumilit noon na sumali riyan sa bwiset na organization na 'yan??! Pero kung hindi naman kami sumali ay walang mga taong matatakot sa amin….." Eh, bwiset pala sila, eh! Dapat ay pinagbubogbog na lang nila tayo noon bago tayo pinaalis! Eh, hindi nila ginawa, eh! Plinastic lang nila tayo at hinayaang mag-leave na parang walang nangyari at parang wala silang g
Hindi ko alam ang mga binabalak ni Lucas ngayon pero…...alam kong may inutos sa kaniyang masama kaya alam kong nasa panganib ang buhay namin ngayon." Ano ba ang kailangan mo sa amin? Bakit niyo ba kami pinapunta rito, ah? " seryosong tanong ni Jillian kay Lucas." Ammm…..Alam niyo kasi….. " nakangiting naglakad-lakad si Lucas sa pwesto niya. " May maganda kaming sasabihin sa inyo na TIYAK na magugustuhan niyo! " " At bakit naman namin magugustuhan 'yang sasabihin mo?! Yayaman ba kami riyan?! 'Tsaka, hinding-hindi namin magugustuhan ang isang bagay kapag galing sa isang tulad mo , 'no! " " mataray na sabi ni Denice kay Lucas.Ano nga ba ang sasabihin nila?? Oh, baka naman may masama silang binabalak pero dinadaan lang nila sa kwento. Tinignan ko ang buong paligid dahil pakiramdam ko ay may kakaiba rito. Feeling ko ay may nakatingin sa amin; may nagmamasid; at nagtatago." Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Denice. Alam mo, simple lang naman ang sagot para magustuhan niyo talaga 'to.
**BENG**Sobrang nagulat Ako dahil sa sobrang lakas ng putok ng baril na narinig ko.Halos matumba pa ata ako nung narinig ko 'yon at halod sumakit 'yung dalawa kong tainga dahil do'n.Mukhang sa loob Mansyon na ito nanggagaling ang sobrang lakas na putok ng baril.Ajo ba ang nangyayari? Kinakabahan ako dahil baka binaril 'yung taong nagsabi sa akin na dito ka raw makikita ang taong pumatay sa akin. Hindi ito pwede.Mabilis akong napatakbo papunta sa loob ng malaking mansyon para makita at tignan kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa loob ngunit nang makarating ako ay sobra akong nagulat dahil sa mga nadatnan ko.Denice??!! Bakit siya nandito??! At b-bakit may katabi siyang isang lalaki na nakahandusay sa sahig??! H-hindi Kaya…..Sinubukan ko pa ulit lumapit upang makita ko kung ano ba talaga ang nangyayari at nagulat ako dahil nakita ko Jillian na nandito rin ngunit nakikipaglaban siya sa isang lalaki na hindi ko pa kilala." Spin! " nanginginig na tawag sa akin ni Denice.Ano ba
AMELIA'S POV**RING**Naputol ang usapan namin ni Spin dahil biglang tumunog 'yung cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung sino ba ang tumatawag.Galing ito sa unknown number kaya iniisip ko na baka ang Black Feathers ito. Kaya naman agad ko itong sinagot para malaman ko kung sila nga talaga ang tumatawag.Tumalikod muna ako kay Spin bago ko sagutin ang tawag." Hello? " tanong ko sa tumatawag. [ Hello?! Mama mo 'to, Amelia. Pumunta ka rito sa bahay namin ngayon din! ] Sobrang kinabahan ako nang marinig ko ang boses ni Mama na sobrang tagal ko nang hindi naririnig. Hindi pa rin nagbago ang boses niya. Pero pakiramdam ko ay halos manghina ako sa pagtawag niya. Matapos ng ilang taon? Ngayon lang nila ako tatawagan na bumalik sa kanila?? At parang sila pa ang galit…...Pero….. napakakapal naman ng mukha niyang sabihin na 'Mama' ko siya matapos ang ginawa niyang pag-iwan sa akin." Paano niyo nalaman ang number ko??! 'Tsaka, bakit niyo ako pinapapunta riyan sa b
Napapikit ako saglit dahil sa sobrang kaba. Nang tuluyan nang nabumsan ng isang babae ang gate ng bahay nila ay medyo napawi ang kaba ko dahil hindi si Mama ang nagbukas ng gate.Tinignan ko ang babae…..parang pamilyar siya sa akin…...teka…..tama nga ako…... pamilyar nga siya sa akin dahil siya ang Tita ko…..at dito nakatira ang dati kong Mama sa bahay na ito Ngayon…..at katabi lang ng bahay nila ay ang bahay ni Tita Lulu….Nang makita ko si Tita Lulu ay medyo nakaramdaman ako ng pagiging mabait sa puso ko. Kaya naman sinubukan ko siyang ngitian ngunit nagulat ako dahil tinignan lang niya ako nang masama.Hays.Sa tingin ko ay galit na lahat ng tao ngayon sa bahay na 'to sa kin dahil ako ang sinisisi nila sa pagkamatay ng kapatid ko….Ang unfair talaga nitong mga 'to….Lalo akong nagulat at nainis nang bigla akong tinalikuran ng bwiset na BABAE na 'yon at agad siyang pumasok sa loob ng bahay.Bwisit…..Huminga na lang ako nang napakalalim dahil sa ginawa niya. Pero kailangan kong kuma
SPIN' POVNandito ako ngayon sa Pasig dahil sinundan ko si Amelia kanina. Nakita ko siyang umiiyak kanina at hindi ko alam dahil kanina ay kusa na lamang gumalaw ang katawan ko para yakapin siya; at ngayon ay yakap-yakap ko na siya nang napakahigpit…...at pakiramdam ko ay ang sarap nito…..Sinundan ko siya kasi may kakaiba akong nararamdaman at alam kong kailangan niya ng taong makakasama Niya…..at tama nga ako…." A-ayos ka lang ba?? Gusto mo ba na umuwi na tayo? I-uuwi kita gamit ang kotse ko; at iiwan muna natin dito saglit 'yung motor mo, pagkatapos ay balikan ko na lang…..para makapagpahinga ka na…… " Nung sinabi ko 'yon ay pakiramdam ko ay matutulungan ko siya…. pakiramdam ko ay komportable siya sa akin…..at pakiramdam ko ay makikita ko na siya bilang future wife ko—Huh??! Pwede ba na tigil-tigilan mo ang pag-iisip ng mga ganiyan bagay?? Hindi nakakatuwa! Walang malisya 'tong ginagawa mo, Spin! Gusto mo lang talaga siyang matulungan kaya mo siya sinundan at niyayakap…..Pero h
" A-ay, sorry. " napakamot ako ng ulo ko; kunyari ay lutang lang. Ayokong mahalata niya na kung ano-ano ang iniisip ko ngayon…...lalo na at siya ang laman ng isip ko……" Hays….. " bulong niya at biglang huminga nang malalim. " Gusto mo?? " iniabot niya sa akin 'yung pagkain na kinakain niya.Huh?? Hindi ako gutom. Nagtatampo ako sa 'yo……Huh??? Ano ba ang ginagawa mo?? Bakit mo ba sinasabi 'yan??Kung hindi ko kayang sabihin sa kaniya sa personal dahil baka magalit siya…..Edi, sa utak ko na lang sasabihin! Mindset ba mindset." Sure ka ba?? Baka kasi nagugutom ka riyan dahil parang hindi ka pa kumakain at nakakahiya naman na kumakain ako rito sa harapan mo ng masarap na manok. 'Tsaka, mukhang gutom lang 'yang nararamdaman mo kasi bigla-bigla ka na lang nang hahampas ng manibela….. " May kakaiba nanaman akong nang sabihin niya 'yon…..Talaga ba na sinabi niya na masarap ang chicken na binili ko sa kaniya?? Ibig sabihin ay nasarapan siya?? Ibig sabihin ay na-appreciate niya?!! Tska, t
Ano?? Bakit nakatingin ka nanaman sa akin? " taas kilay na tanong niya sa akin pagkatapos uminom ng tubig.Hays! Bakit nga ba kasi ako nakatingin sa kaniya?! Hindi ba ako nasasawa sa pagmumukha niya??!" Wala…...napansin ko lang na inaantok ka na…..dapat kasi ay hindi ka na nagpumilit na sumama sa akin, eh…...oh, ano? Matutulog ka na ba?? Kapag matutulog ka na ay doon ka na lang sa kwarto ko matulog…..doon na lang ako matutulog sa sahig…. " suggest ko sa kaniya…….Wala namang masama sa mga sinabi ko, hindi ba?? Kasi, nakakahiya naman na natutulog ako sa kwarto ko na may malambot na kama pagkatapos ay sila ay nasa sofa lang natutulog. Parang walang kwenta naman akong tao kung hindi ko tinatrato nang maayos 'yung mga bisita ko….." Ahh….Hindi na, doon na lang ako matutulog sa sahig malapit kina Jillian at Denice…..hindi mo na kailangan pang gawin 'yan dahil nakakahiya naman na sa 'yo, tsaka, parang nagmumukha naman na makapal ang mukha namin dahil sa dami ng ibinibigay mo sa min…. " tan
" Hoy! Amelia! Oh, 'di ba? Sabi ko sa 'yo, eh! May gusto nga kasi talaga si Spin sa 'yo! Ayaw mo kasing maniwala sa akin kanina, eh! Kung ayaw mong maniwala sa akin manhid at bulag ka na! " pasigaw na bulong sa akin ni Denice.Masama ko siyang tinignan. Kailangan pa ba kasing ulit-ulitin? Hindi siya magsasawa? Naiirita na nga ako, eh. Ayaw ko na gusto niya ako pero feel ko naman na kapag hindi niya ako gusto ay ma-didissapoint ako.Hays. Naasar na talaga ako sa mga nangyayari ngayon." Sa tingin ko, Amelia, totoo ang mga sinasabi sa 'yo ni Denice. Hindi mo ba napapansin o sinasadya mong hindi pansinin? Nakikita naman natin sa mga ikinikilos niya, eh. Kung iniisip mo na imposible 'yon ay nagkakamali ka. Lahat nang mga bagay na imposible ay pwedeng maging posible dahil sa love. Kaya lahat nang naiisip ni Denice tungkol kay Spin ay maaaring totoo, " singit naman ni Jillian.Nahahalata ko rin naman pero ayaw kong paniwalaan na gusto niya ako kasi nga ang awkward kung gano'n. Ano 'yon? Par
Nang matapos na akong umihi sa banyo ay agad kong isinuot ang short ko at agad na ipi-nlush 'yung inidoro.Ang sosyal, ah. Iniisip ko tuloy kung Isa rin ba akong mayaman katulad niya…..siguro ay maaari ko nang magawa ang mga gusto kong gawin at maaari ko nang mabilis ang mga bagay na gusto ko…..pero siguro kahit yumaman ako…..sa tingin ko ay hindi pa rin nila ako mapapatawad…..kahit ano mang gawin kong bagay para sa kanila….Haha.... Ano ba itong mga naiisip ko? Tsaka, bakit ko ba sinisisi ang sarili ko? Eh, alam ko namang sila ang may kasalanan at hindi ako? Haha….may kasalanan ka rin dahil pinabayaan mo ang sarili mo…..Ano'ng ako?? Pero—Tama na, Amelia. Tumigil ka na dahil alam kong ano mang oras ngayon ay maaari kang mabaliw…..dumagdag pa ang mga kakaibang nararamdaman mo kay Spin…..Muntik nang tumulo ang mga luha ko ngunit napigilan ko agad ito dahil pilit kong pinakakalma ang sarili ko sa pag-hinga nang malalim. Agad ko ring inayos ang buong katawan ko bago ako lumabas dahil
" Tapos na…...Pwede ka na ngayong makahiga at makatulog…. " tumayo ako.Sana ay talagang maging komportable siya sa pagtulog niya rito sa ginawa ko. 'yung kapag natulog siya ay maghapon na siya matutulog dahil sa sobrang sarap ng higa niya dahil sa ginawa ko. Hihi." Salamat." agad siyang lumapit sa kobre kamang ginawa kong sapin at pasimpleng umupo" Walang anuman…. " bigla siyang humiga sa kobre kama.Dahil sa ginawa niya ay pakiramdam ko ay unti-unting bumagal ang buong paligid ko. Nakita ko nang napakabagal kung paano niya hinawi ang buhok niya patalikod at kung paano ito gumalaw patalikod. Nakita ko rin nang mabagal kung paano siya humiga sa kobre kama at kung paano tumalbog ang buong katawan niya…..pati na rin ang paggalaw ng mga pilikmata at pagkurap ng mga mata niya…..Parang may malakas na kuryente akong naramdaman dahil sa ginawa niyang 'yon. Pakiramdam ko ay gusto ko siyang tabihan sa paghinga niya para mahalikan ko siya….at—" Hoy. Hoy. Nataranta ako bigla nang tawagin ak