Stella
"AYOKONG ikasal, Stella," mahinang sambit ng Ate habang inaayos ko ang wedding gown niya. Pinatigil ako sa ginagawa ko at malakas na bumuntong hininga. Nang tingnan ko siya ay parang maiiyak ito at gusto ng tumakas sa mahalagang araw ngayon.
"Pero Ate, kailangan na kailangan natin ng malaking share ng kumpanya ngayon. Malapit na tayong malubog sa utang. Bakit ngayon ka pa aatras?" Naguguluhan tanong ko pero imbis na sagutin niya ako ay nagulat ako sa sunod na ginawa niya. Bigla na lamang siyang napahawak sa tiyan niya at humagulgol ng iyak.
"Ate," pagtawag ko dahil nag-aalala na ako sa kinikilos niya. "Masakit ba ang tiyan mo?" Pagtatanong kong muli pero umiling siya at inangat ang mukha niya dahilan para magtama ang mata naming dalawa.
"Stella, buntis ako." Pag-amin niya at parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabi niya. Napailing na lamang ako at mahinang natawa. Bakit ngayon pa mismo? Bakit sa mismong kasal pa nila ng nag-iisang anak ng mga Buenaventura.
Napailing na lamang ako at mahinang natawa. Bakit ngayon pa mismo? Bakit sa mismong kasal pa nila ng nag-iisang anak ng mga Buenaventura.
Paano na ang kumpaniya namin? Alam kong lubog na kami sa utang dahil sa pagkakalulong sa bisyo ni Papa pero bakit ngayon pa kung kailanga na kailangan na namin siya?
Alangan naman ako ang papalit? Paano na ang modeling career ko? Ang tagal ko ng pinangarap na matupad ang isa sa mga pangarap tapos bigla na lang maglalaho na parang isang bula kapag ako ang ipinalit.
"Ate, bakit ngayon mo lang sinabi? Anong gagawin natin?" Natataranta na ako dahil naririnig ko na ang boses ng mga magulang namin na papasok sa kwarto.
Kaya ang ginawa ni Ate ay hinubad niya ang wedding veil niya at isinuot sa akin. At dahil sa ginawa niyang 'yon ay nanlamig naman ako dahil alam ko ang ipinapahiwatig niya.
"Stella, nagmamakaawa ako. Ikaw na lang ang pag-asa ko. Kahit ngayon lang, please…" Pagmamakaawa niya at lumuhod sa harapan ko at sa puntong 'yon bumukas ang pinto ng kuwarto at naabutan kami sa ganoong sitwasyon ng mga magulang namin.
"Ariela! What is happening? Bakit kayo nag-iiyakan ng kapatid mo?" Bakas sa boses ni Mama ang pag-aalala at pagkabahala sa nakita. Habang ang Papa naman ay seryoso lamang ang hitsura at naghihintay sa susunod na mangyayari.
Habang ako naman ay malakas na binaklas ang pagkakahawak niya sa kamay ko at umiling ng marahas.
"Ayoko! Hindi ko gagawin ang gusto mo! Ayoko, ayokong pumalit sa'yo." Nanghihina kong saad at napaupo sa kama.
Dahil sa sinabi kong 'yon ay nagulat ang Papa at marahas akong hinawakan sa braso para patayuin at magpaliwanag.
"Anong pinagsasabi mo, Stella? Anong ikaw ang papalit?" Bakas sa boses ni Papa ang iritasyon dahil sa narinig niya.
Ako naman ay nakatitig sa kaniya at tinatantiya ang magiging reaksyon niya sa oras na marinig niya ang sikreto ni Ate. Napatingin kaming lahat sa kapatid ko na ngayon ay mas lalong lumakas ang paghagulgol kaya pinapakalma siya ni Mama.
"Buntis po ako," pag-amin niya at kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Papa at hindi sinasadyang masampal si Ate ng pagkalakas-lakas. Lahat kami ay napasigaw at hinawakan ko na si Papa sa braso dahil muli niyang susugurin ang Ate.
"Isang malaking kahihiyan ang ginawa mo sa pamilya natin, Ariela! Ikaw ang panganay pero bakit ganito ang ginawa mo?!" Galit na saad ng Papa at napahawak sa noo niya.
"Pa, ayokong gawin ang pinapagawa niyo! Nandyan naman si Stella para pumalit sa akin, ayokong ikasal!" Pagsagot niya kaya marahas naman akong napailing.
"Stella, anak. Malapit ng magsimula ang kasal. Pakiusap gawin mo ito para sa pamilya at kumpanya natin. Ayaw mo naman sigurong mawala bigla ang career mo, 'diba?" Nakangiti ngunit mariing pagtatanong ni Papa sa bandang huli kaya hindi ko na maiwasang ang umiyak.
Miski si Mama ay umiiyak na rin dahil sa kaguluhang nagaganap ngayon. Alam kong tutol ako pero pinagbantaan ako ni Papa kaya wala siyang magawa para pigilan ito. Hindi ko alam pero nagkaroon ako ng sama ng loob dahil ako na lang lagi ang magsasakripisyo para sa pamilya ko.
Gusto ko tuloy itanong sa kanila kung pinanganak ba nila ako para magsakripisyo at hindi gawin ang gusto kong gawin sa buhay. Pero ayoko naman dahil anak lang nila ako at sila pa rin ang magulang ko. Siguro, mahabang pasensya lang talaga ang kailangan ko para maunawaan ko pa sila.
"Stella." Muling pagtawag ng Papa kaya napatingin ako sa kanya at kay Ate na ngayon ay punong-puno ng pagmamakaawa ang mga mata niya. Kaya umiwas ako ng tingin at tumango na lamang.
I hate them. I hate you all.
Nang makita nila ang isinagot ko ay dali-dali nilang pinagpalit ng damit si Ate, habang ako naman ay pinipigilan ang sarili kong umiyak dahil sa sama ng loob. Kung hindi lang masisira ang career ko ay hindi ako papayag.
"Salamat Stella. Isang taon, isang taon lang ang titiisin mo sa kasal na ito. Pagkatapos no'n ay makakalaya ka na," saad ng Mama at niyakap ako.
Dahil sa ginawa niyang 'yon ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong humagulgol. Hinaplos naman ng Mama ang buhok ko at pilit akong inaalo dahil masisira raw ang make up ko.
"Ma, natatakot ako. Paano kung hindi kami magkasundo ng lalaking 'yon?" Kinakabahan pagtatanong ko kaya ngumiti si Mama at hinaplos ang pisngi ko para pakalmahin ako.
"Cassiopeia, kilala ko ang anak ng mag-asawang Buenaventura. Hindi ka pababayaan lalo't pribado naman ang kasalang magaganap ngayon," sagot niya dahilan para maguluhan ako.
"What do you mean, Ma? Private ang kasal? Parang Arrange marriage?" Paninigurado ko kaya marahang tumango si Mama at ako naman ay napakagat-labi sa narinig.
Maganda naman ang ideyang naisip nila pero sa kabilang banda ay mahihirapan kami dahil magtatago kami sa mga media. Kilala ako bilang isang sikat na model sa bansa pero ang lalaking makakasama ko ay isa pang bilyonaryo na grabe ang pagiging pribado sa buhay kaya marami ang gustong alamin ang buhay na tinatamasa niya.
Pero nawala lahat ng alalahanin ko ng marinig ko ang mahinang pagkatok ng kung sino. Nang abangan ko kung sino ito ay isa pa lang wedding organizer na ngayon ay nakangiti na sa amin.
"Ma'am, hinihintay na po ang bride sa baba. Naiinip na po ang pamilyang Buenaventura," saad niya kaya napahigpit ang pagkakakapit ko kay Mama at muling tumingin sa kaniya.
"Ma." Pagtawag ko kaya ngumiti siya at sinabayan na ako sa paglabas ng kwarto.
Habang bumababa kami ay grabeng nerbiyos ang nararamdaman ko ngayong araw. Nang mapatingin ako sa disenyo ay tipid akong napangiti.
Garden wedding pala ang theme at natuwa ako dahil ito talaga ang pangarap kong wedding ceremony. Pero muling namuo ang luha ko dahil hindi naman ako sa lalaking mahal ako magpapakasal.
Arrange marriage ito dahilan para maisalba lang ang kumpanya namin. Palihim akong lumanghap ng hangin para mabawasan ang bigat na nadarama ko. Isang taon, isang taon lang naman ang titiisin ko. Babalik ulit sa dati ang buhay mo, Stella.
"Anak nasa harapan na tayo ng mapapangasawa mo." Bulong ni Mama kaya nabigla ako at hindi mapigilan tumitig sa taong kaharap ko ngayon.
Hindi ko maiwasang suminghap ng makita ko ang mukha niya. Those dark eyes that you want to stare forever, his perfect lips, everything about him is perfect.
So, he is Jaxon Azrael Buenaventura? The handsome billionaire.
Stella I FOUND MYSELF facing the man that I will marry. Hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa kabuuan ng mukha niya. Tama nga ang naririnig kong balita, sobrang gwapo nga ng taong kaharap ko ngayon. His black round eyes that you want to stare, his pointed nose, his pinkish lips that suits his face. Sa isang salita he look like a Greek God. Also, matatakot kang hawakan ang kutis niya dahil sa puti at kinis nito. Pero nawala ang atensyon ko ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko alam pero matagal na pala ang pagkakatitig ko sa kanya. Kaya iniwas ko ang paningin ko at pinagmasdan na lamang si Father na ngayon ay binabasbasan na lamang kami. "You may now kiss the bride." Nabingi ako sa narinig at mabilisang nilingon ang mapapangasawa ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng pagkataranta dahil siya ang kauna-unahang lalaking makakakuha n
Stella "Hi, good morning!" Bungad ko kay Jaxon ng makita ko ang pagbaba niya sa hagdan namin kaya sinalubong ko siya ng matamis na ngiti dahilan para matulala siya. Gusto ko kasing maging komportable kami sa isa't-isa. Ayoko namang mag-iwasan dahil lalong maging awkward kaya ako na mismo na ang nag-adjust. Baka kasi mahirapan si Jaxon kapag siya pa ang gumawa niyon. "Ahm… papasok ka na ba?" Pagtatanong ko dahil nakita kong nakabihis opisina na siya, kaya tumango siya at umiwas ng tingin. Kaya napatango na lamang ako at walang pag-aalinlangan hinawakan ang dalawang balikat niya at hinigit siya sa lamesa para sabay kaming kumain. Nasanay na kasi akong kakain sa umaga kaya nagtataka ako dahil parang gulat na gulat si Jaxon sa nakikita niya ngayon. Lahat kasi ng nakahanda sa harapan niya ay paborito niya. "How did you know?" Pagtukoy niya sa mga pagkaing nakahain sa harap niya ngayo
Stella WHAT IF one day nabunyag ang kasal namin ni Jaxon, ano kayang mangyayari? Anong gagawin ko? Aamin ako o magtatago? Siyempre, joke lang 'ang magtatago ako. Bilang isang asawa ng pribadong tao na katulad ni Jaxon ay maging maingat na lang ako sa magiging kilos ko lalo na at kapag lalabas kami sa publiko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sa oras na mabunyag ang sikreto naming dalawa ni Jaxon. Siguro sa ngayon ay maging alerto na lang talaga ako. "How's your day?" Napasigaw na lang ako sa gulat ng makita ko ang mukha ni Jaxon pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin. Nagkagulatan pa nga kami dahilan para hawakan niya ang braso ko dahil matutumba pa ako. "I'm sorry if I startled you." Mahinahong saad niya at marahang binitawan ang braso ko kaya tumawa na lang ako at diretsong pumasok. &nbs
StellaI AM AN EXCEPTION TO HIM? But why? I didn't get it. Kaya muli akong umayos sa pagkakaupo at tinignan ulit siya ng seryoso. Gusto kong alamin. Gusto kong marinig ang paliwanag niya."Why?" Maikling sagot ko at halos mapugto ang hininga ko ng lumapit siya sa akin. Kaunting espasyo na lamang ang natira ay magkadikit na ang labi naming dalawa."Jaxon, I'm asking you. Why am I the only exception?" Muli kong pagtatanong pero mariin lang siyang tumitig sa akin at lumipat naman ito sa labi ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga titig na binigay niya sa akin."Can I kiss you, Wife?"Halos lumipad ang utak ko sa naging tanong niya. Umawang ang labi ko sa gulat at hindi makapaniwala na nakatitig sa kanya.Gosh, what are you saying Jaxon? Imbis na sagutin niya ako ay ito pa ang ginawa niya."Anong-" Naputol na lamang ang sinasa
StellaANONG ISASAGOT KO SA KANYA? Hanggang ngayon kasi ay nakatulala lang ako at nabigla sa sinabi niya. Isa rin ito sa pinaka-ayoko kay Jaxon. straight to the point kung magsalita, sasabihin niya talaga kung ano ang nasa isip niya.Wala ba talagang preno ang bibig nito? Bigla-bigla na lang manggugulat?"You're not scared? Paano kung isang araw ay malaman ng lahat? Kahit nga itong ginagawa natin ngayon delikado na kahit tayong dalawa lang." Saad ko pero ngumiti lang siya sa akin at muling hinaplos ang pisngi ko."I'm also scared, Stella. Pero gusto ko bigyan ng try 'tong relationship natin. Ayokong maging awkward tayo sa isa't-isa."Kaya pumikit ako ng mariin at malakas na bumuntong hininga. Kinagat ko pa ang labi ko bago muling magsalita."Why are you willing to take a risk with me, Jaxon? Kapag ba dumating ang panahon na malaman
Stella NAPAHAWAK AKO SA BIBIG KO at tuluyan ng napahagulgol sa nakita ko. Nakita kong nataranta naman si Jaxon kaya bigla niyang naibaba ang cake sa maliit na lamesa at nilapitan ako. "Bakit ka umiiyak? Did something bad happen, Stella?" Pag-aalala niya kaya umiling ako at sumisinghot bago sumagot. "This is the first time that someone surprised me on my birthday. You're the first man who did this to me. Kaya naging emosyonal ako." Humihikbi kong sagot kaya naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa likod ko para pakalmahin ako. "Thank you, Jaxon. Nakakainis ka, ang haggard ko na nga ngayon tapos paiiyakin mo pa ako. Baka mamaya ay ang panget ko na pala." Pagbibiro ko kaya natawa naman siya at hinalikan ang noo ko. Ako naman ay nabigla na naman sa ginawa niya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Palihim
StellaNAKATULALA akong pumasok sa kumpanya namin. Nagpasalamat na lang ako dahil mamayang hapon pa ang photoshoot para sa ine-endorse kong pabango at bag.Wala pa si Manager, siguro ay late na namang gumising dahil alam niyang mamayang hapon pa ang magiging photoshoot ko. Nang makapasok ako sa opisina ay basta ko na lamang binagsak ang sarili ko sa sofa.Mariin akong pumikit dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Jaxon. Ito ang kauna-unahang beses na hindi talaga ako nakatulog ng ayos ngayon."You're my present and future, Stella.""My Gosh! Self huwag kang masyadong kiligin! Baka mamaya ay iba pala ang ibig sabihin ni Jaxon. Malay mo ikaw pala ang magiging future friend niya. Edi ligwak ka kaagad."Pagalit kong saad sa sarili ko at umikot-ikot pa sa sofa. Mabuti na lamang ay
StellaHE'S JEALOUS? But why? Si Devron lang naman ang kaharap at kausap ko. Hanggang ngayon ay nakatitig lang siya sa akin ngayon kaya hindi ako maka-iwas ng tingin."You don't have to be jealous of him, Jaxon. He's my cousin. Walang aagaw sa akin." Paninigurado ko at doon ay tuluyan ng lumambot ang mukha niya sa narinig.Kinagat niya ang kanyang labi at mahina muling natawa. Ipinikit niya ang mga mata niya na akala mo ay nagtitimpi sa kung ano niyang kayang gawin."I'm sorry, Stella. Pinangunahan lang ako nitong nararamdaman ko. Hindi lang ako sanay na may kasama kang iba bukod sa akin." Masuyong sambit niya at naramdaman ko na lamang na hinigit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.Napapikit Naman ako sa ginawa niya. Gusto kong tanungin kung bakit siya nagseselos? May nararamdaman na ba siya sa akin? O nasanay lang siya ang kasama ko
JaxonI'M hella tired. Pagparada ko ng kotse ay napadukdok ako sa manibela at napahilot sa batok ko. Sa dami ng papeles na pinirmahan ko ay ilang oras din akong walang pahinga. Half-day lamang ang pinasok ko sa opisina dahil pupunta pa kami ng asawa ko ob-gyne para malaman ang gender ng baby namin. Ayoko naman na magpunta siya mag-isa dahil natatakot ako na may mangyaring masama sa kanila ng baby ko.Nang isipin ko 'yon ay automatic na nawala ang pagod ko at medyo gumaan ang nararamdaman ko. Pagbaba ko ng sasakyan ay nilock ko na ito at pumasok na sa loob ng bahay namin. At doon ay naabutan ko si Stella na nakaupo sa sofa at nanonood ng movie, nang marinig niya siguro ang pagsara ng pinto ay mabilis siyang lumingon at excited na tumakbo papalapit sa akin kaya nagulat naman ako. "Hubby!" Excitement evident in her voice at napapikit na lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit sa bewang at hinalikan ako sa pisngi na ikinangiti ko naman. I'm finally home. Kung kanina ay grabe ang pag
StellaI can't still believe that Jaxon and I are now free. Malaya na kaming nakakakilos, malaya na naming nagagawa ang mga bagay na gusto naming dalawa. Simula nang i-announce ni Jaxon na mag-asawa kami ay nagulat at nagalit. Ang mga nagulat ay ang mga fans namin ni Jaxon, may iba pa nga na hindi makapaniwala at ang iba ay nagkaroon pa ng celebration. Pero sa kabila ng masayang pangyayari na 'yon ay may kaakibat na galit na kailangan namin harapin mula sa mga fans ni Coleen. Maraming nagsasabi na sineduce ko raw si Jaxon, minsan ay naririnig ko pa na baka inagaw ko raw si Jaxon kay Coleen kaya ako ang pinakasalan. Masakit man ang mga natatanggap ko ay hinahayaan ko ito lalo na at buntis ako sa magiging unang anak namin ni Jaxon. Ayokong pati ang bata ay madamay sa kaguluhan na nangyayari ngayon. Nawala na lamang ako sa iniisip ko ng maramdaman kong parang maiihi na ako, kaya tinanggal ko muna ang pagkakayakap sa akin ni Jaxon na ngayon ay tulog na tulog sa tabi ko. Apat na buwa
Jaxon“Good job, Jaxon.” Napalingon ako sa pinanggalingan ko ng boses at nagdilim ang paningin ko ng makita ko si Coleen na ngayon ay nakangisi sa akin kaya mabilis akong lumapit sa kanya dahil ‘di ako makapag-timpi na saktan siya.“You crazy bitch!”Pero napatigil na lang ako sa paglapit sa kanya ng maglabas siya ng baril at tinutok sa akin. Kitang-kita ko kung paano mamula ang mukha dahil sa galit na bumabalot sa mga mata niya.“Jaxon, ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo rin ako pero bakit? Bakit hindi pa rin ako?”“Because you’re not, Stella. Coleen, hindi ikaw ang asawa ko, kaya hindi kita kayang mahalin. Dahil bago ka pa dumating sa buhay ko ay may mahal na akong iba. Please&he
JaxonCassiopeia Stella Montecillo.What a beautiful name and a beautiful lady. Just like her name, it means she’s the star of the whole world. She became the star of my world and gave me a reason to believe in love again. She’s the reason why I believe in love at first sight.Because when I saw her, wearing her beautiful smile. Her hazel brown eyes that are shining when you look at it. I knew to myself that I fell with her. Cassiopeia Stella got my heart. She got me and she didn’t know it.Every man has his first love and mine was Stella. The women that I want to marry in the near future.Nalaman ko rin na gusto niyang maging modelo. Kaya kapag may pupuntahan siyang mga fashion show ay palihim ko siyang pinapanood sa malay
Stella"YOU'RE GOING TO TELL EVERYONE?" Paninigurado ko kaya mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko."Hmm, yes my wife. I want them to know that you're my secret. You're the billionaire's secret.""Gusto kong malaman nila na magiging Ama na rin ako. Kahit alam kong ako ang pinaka-pribadong tao, pagdating sayo ay ipapaaalam ko sa kanila kung gaano kita kamahal."Dahil sa narinig ko ay napahigpit ang pagkakayakap ko sa batok niya at mas lalo pang idinikit ang mukha ko sa dibdib niya para amuyin ang pabango niya.His scent is addictive. Si Jaxon kaya ang pinaglilihian ko? Kung siya man ay maganda 'yon paniguradong siya ang magiging kamukha ng anak namin.
Stella"SOMEONE CAUGHT US." Pag-amin ko ng makausap ako ni Manager. Kaninang umaga lang ay tinawagan niya na agad ako at ipinakita ang headline na kumakalat ngayon sa social media.Some of my fans are shock and happy, lalong-lalo na ang mga sumusuporta kay Jaxon. Ang problema lang namin ngayon ni Manager ay ang mga fans ni Coleen.Some of them are attacking me through harsh words. Ang iba ay nilalagyan pa ng katatawanan ang mga naging photoshoot ko but ang pinakamalala ay may nagse-send na sa akin ng mga death threats.Alam kong sanay na ako sa mga hates dahil sa tagal ko sa industriya pero hindi ngayon ay hindi ko akalain maapektuhan pa rin ako.Nang mabasa ko ang ibang threats at memes sa akin ay umiiyak na agad ako kaya kinuha muna ni Manager ang cellphone ko para kausapin."Do you feel better now, Ste
Stella"YOU BITCH!" Malakas na sigaw ni Coleen at nabigla na lang ako ng higitin niya ang buhok ko ng buong pwersa dahilan para madala ako."How dare you make a story between you and Jaxon! Ang landi mo!" Nanggagalaiti niyang sigaw kaya nanlaban na rin ako."That's all true, Coleen. We make love! Hindi mo lang matanggap dahil hindi ikaw 'yon!" Palaban kong saad kaya mas lalo niya pang hingit ang buhok ko.Dahil sa ginawa niyang 'yon ay nagsimula na akong mahilo. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko pero malakas talaga siya."Stop it, Coleen. Tanggapin mo na lang na wala na talaga sayo si Jaxon. He's happy now!" Nahihirapan kong saad dahilan para mabitawan niya ako at malakas na itinulak.Tumama tuloy ang likod ko sa malamig na pader kaya palihim naman akong napamura. Naramdaman ko na lamang na hawak-hawak ko ang tiyan ko. Pakiramdam ko kasi ay dapat ko lang itong pro
Stella "WHAT ARE YOU PLANNING, JAXON?" Tanong ko ng mahiga kami sa kama. Naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin at niyakap ako. Inilagay niya ang ulo ko sa ibabaw ng dibdib niya kaya rinig na tinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya. Naramdaman ko na rin ang paghaplos sa buhok ko kaya napapikit ako at niyakap rin siya. "I just want to be with you, Wife. Nalaman ko rin na nandoon si Coleen dahil hanggang sa trabaho mo ay sinundan ka niya para panoorin ang kilos mo." Paliwanag niya kaya napasinghap naman ako at kumuyom ang kamao ko. That woman! Kailan niya ba kami titigilan? Kapag nalaman niya na ang totoong namamagitan sa amin ni Jaxon? "Pati ba naman sa trabaho ko ay talagang sinundan niya pa ako. She's really in
StellaI WAS DISORIENTED when I woke up. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pananakit ng balakang ko at ang gitnang bahagi ng hita ko.Napapikit ako ng mariin ng maalala ko ang nangyari kagabi sa pagitan namin ni Jaxon.Oh my gosh! We did it. We make love exactly on our wedding day. Nang tingnan ko kung katabi ko si Jaxon ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala na pala siya.Paggising ko ay nakabihis na ako na nagpangiti sa akin. What a gentleman husband.Kaya kahit masakit ang balakang ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Pero muli na lamang akong napaupo sa kama ng sumidhi ang sakit na nararamdaman ko ng itapak ko ang paa ko sa lapag. Kulang na lamang ay humiga ako dahil masakit pa rin.“Good morning, wife.” Masayang bati niya at naupo ito sa harapan ko.Na