Kabanata 21NAKANGITING lumapit si Ely sa binatang nakaupo sa may kama ni Ammiry. Nakakuha siya ng pribadong kwarto, preferably the most expensive one, six thousand pesos per day but its was okay. Mas mainam na solo si Ammiry sa kwarto.He also got a Pedia for her. Pedia naman ang doktor na nag-swero rito kanina kaya iyon na rin ang kinuha niya. “Helios,” anito sa kanya kaya mula sa pagkakatitig niya sa smartphone ay napatingin siya sa matanda.“Parang napakalaki naman ng kwarto na ito para kay apo,” parang nahihiya na sabi nito, “Saka napakamahal.”“Wala po kayong intindihin sa bayad. Ako na po ang bahala. Hindi po utang, bigay ko lang po.”“Yun nga ang mas nakakahiya.”“Napapasaya po ako ni Ammiry. Hayaan niyo po ako na tumulong. Isa pa ho, gusto kong tumigil si Odette sa pag-iisip na umuwi.”“Umuwi?” gulat na tanong nito at parang di makapaniwala sa sinabi niya.“Opo. Kanina ay nakausap ko po ang pinsan ko. Siya po ang trainor sa barko. Gusto na raw pong umuwi ni Odette dahil may
Kabanata 22ODETTE smiled when she saw that her message was already delivered, meaning it was seen by Helios.Maya-maya ay bigla na iyong tumawag. Agad siyang nataranta dahil nasa isang mahabang mesa sila, kumakain.Pinatay niya ang video call saka pasimpleng tumingin sa lahat. Busy ang mga iyon sa pagkain habang siya ay pasimpleng ngumuya.“Don't you have wifi?”Tanong ni Helios sa chat.“Meron po, kaya lang ay marami pong tao rito.”May wifi naman sa pinagkakainan nila kaya naki-konek siya.“Answer the video call.”Hindi pa man lang siya nakakapag-isip kung sasagutin niya ay tumatawag na ito ulit. She automatically answered it.Lumitaw ang gwapo nitong mukha sa screen ng aparato.Ulam. Iyon ang tingin niya dito lalo na nang ngumiti ito nang kaunti sa kanya.Why so gwapo?Tumikhim siya para ipormal ang sarili. Kirengkeng. Sita niya sa sarili. “S-Sir,” Odette greeted with a smile.“Hi,” anaman nito at peste dahil para siyang kinilig sa pa-hi nito sa kanya.Hindi niya alam pero nakapa
Kabanata 23“I AM expecting to hear good news,” Avva said over the phone.She tossed the blanket and jumped off the hospital bed. Tama si Liza, ang hirap magpanggap na nag-suicide siya kaya nagkaroon kaagad siya ng ideya nang malaman niyang pwede niyang isabotahe ang training ng pabidang iskolar ng gurang na si Feliciano.Naiinis siya dahil patay na ang matanda pero ang kapangyarihan ay buhay na buhay pa rin lalo kay Helios. Talagang naiinis siya sa Odette na iyon. Hindi niya alam pero kumukulo ang dugo niya, lalo na nang bawiin ni Helios ang kanyang desisyon na huwag iyong ipasa sa interview. Doon nagsimula ang lahat.Malas ang babae na iyon.“Well, sorry, Avva but this isn't. Hindi naman kinampihan ng trainor ang mga binayaran kong estudyante para sirain yung kaklase nilang babae.Napatigil siya sa pagmartsa, “What hindi? I said, ruin the training para maapektuhan ang grade. And you, you are one of the spectators. For sure you can do something about it. Drop her.”Iyon ang mabalasik
Kabanata 24GABI na nang lumabas si Helios sa kwarto ni Ammiry. It's time for him to go home. Nagpaalam siya sa bata para hindi iyon malungkot.Naglalakad siya kasama ang mga tauhan niya nang makita niya ang isang naka-uniform na babae, si Liza.Tumigil iyon sa pagkalkal sa bag nang tila makilala siya.“Helios,” anang babae, “What are you doing here?”Dito nga pala ito nagtatrabaho.“I just…visited a young lord,” he lied.Ayaw niyang mag-usisa pa ito ng kung ano pa. Nagsabi na siya sa doktor na gusto niya na maging confidential ang record ni Ammiry dahil nga konektado siya sa bata. Mahirap na pag-pyestahan siya na may binibisita at binabantayan na batang di naman niya kaanu-ano.Mahirap ipaliwanag ang attachment niya kay Ammiry. Mukhang parehas na mahika ang dumapo sa kanilang mag-ama kaya sila parehas na napalapit sa mag-ina.“Ang galing naman,” ani Liza saka umiling, “Nabibisita mo ang young lord pero ang Ate ko ay hindi.”“Who are you to talk to me that way, Liza?” Naiinis na tanon
Kabanata 25SALUBONG ang mga kilay ni Helios matapos na mabasa ang chat sa kanya ni Lex. It was all about the confession of Leon and Mateo. Ipinasasabotahe ni Ayesha ang internship ni Odette.Why?Hindi raw umamin ang babae kung may nag-utos dun, at galit pa raw. For sure, Leon and Mateo wouldn't involve a spectator if it was really nothing. There was really something going on. Mas lalo tuloy siyang naaawa kay Odette dahil dun. Mabuti na lang at likas daw na magaling yun, sabi ni Lex.Nasa may pintuan lang siya ng bahay nina lola Ely. Nakatunganga siya sa aparato at nag-iisip, hanggang sa hawakan siya ni Ammiry sa panga.Ngumiti siyang pilit sa bata.“Galit po kayo?”“Ha?” Tanong niya saka siya umiling agad, “hindi, bibi. May binasa lang si Tito Helios na nakakainis.”“Sino po nag-chat?”“Yung pinsan kong pangit.”Humagikhik ito kaya natawa siya. Pumasok sila sa loob ng bahay at pilit na niyang hindi pinagtuunan ng pansin ang chat ni Lex. Naiinis siya kay Ayesha.“Saan ang kwarto mo?
Kabanata 26NAPATANGA si Odette kay Ammiry. Ano raw sinabi ng anak niya? Sabi raw ni Helios ay maganda siya?Okay.Malamang sinabi lang yun nun dahil makulit ang anak niya.“Nakakahiya naman, ‘Nak. Parang lagi mong kinukulit si Sir Helios,” sabi niya rito.“Hindi po siya gagalit, Mama. Bukas susundo niya raw po ako sa school.”“Naku po!” Napatutop siya sa noo pero pinagtawanan lang siya nito, “Kakahiya na yun, bibi. Maraming ginagawa si Sir Helios. Busy siya. Pwede naman si lolo Agosto na lang ang magsundo sa iyo, kasama si lola.”“Siya po may gusto, Mama.” Giit naman nito pero sumimangot siya.“Huss,” aniya naman dito pero tawa lang ito nang tawa, “Matulog ka nga. Mamaya ipapaasawa na kita kay Sir Helios.”“Ikaw po aasawa kay Tito Heyos kasi tanda na po siya.”Natawa siya na sobra sa sinabi nito, at kahit lola niya ay narinig niya ang pagtawa.“La, iniiwan niyo po yata si bibi mag-isa kay Sir Helios,” nag-aalala na sabi niya sa matanda.“Mabait si Helios, apo. Nandito naman ako parat
Kabanata 26.1“DITO ka,” Helios said when Odette tried hopping in but at the backseat of the car.Nakabukas ang pinto ng passenger's side, hawak ni Helios.“Ahm,” she hummed and just looked at it.“Sure you will not make me look like a driver, unless you find me one.”“Susko, hindi po. Nahihiya lang po akong tumabi.”“Nahihiya o natatakot,” anito at hindi siya nakaimik.She looked at Ammiry. Her child was now comfortably sitting, smiling at her. Kahit na pagkabit ng seatbelt ay marunong na ito.Tumikhim siya at walang imik na sumakay sa harapan ng kotse. She also fastened her seatbelt. Sumakay naman si Helios sa driver's side kaya napatikhim lang siya. It was fake.Sumulyap ito sa kanya at ngumiti nang kaunti, tapos ay kay Ammiry.“Ready to go, baby?” Tanong nito sa anak niya.Nag-two thumbs up ang bata at tumango. Kung hindi lang alam ni Odette kung sino si Helios ay aakalain niyang mag-ama ang dalawa. Ang closeness ng mga ito ay hindi paghahalataan na hindi ito magkaanu-ano.“Sana p
Kabanata 27HELIOS scrutinized himself in front of the mirror. Suot niya ang kanyang itim na pantalon at pulang polo shirt. All black ang attire ng lahat ng miyembro, at siya lang ang bukod tanging pula ang pang-itaas. It's because he's the president. He was the only one allowed to wear red. Ngayon ang kanilang event para sa organisasyon. Gaganapin iyon sa kanyang private resort sa Tagaytay.Ang sasakyan niya papunta roon ay ang kanyang private jet, since it's more than an hour drive from Makati.Kinuha niya ang itim na jacket at isinuot iyon.He went downstairs and saw his men carrying kaing baskets.“Senyorito, padala po ito ng mga taga Davao del Norte. Umani na raw po,” sabi ni Mariposa sa kanya.Ang daming prutas.“Padalhan mo sina kuya. Give me some, too. Put it in a paper bag.”“Alin po rito?”“Lahat.”He sat on the sofa as he waited. Iniabot niya sa isang tauhan ang susi ng limousine.“We'll use the limo. Punta tayo sa private airport. Daan muna tayo kay Ammiry.”Napangiti ang
Epilogue“WELCOME HOME!”Iyon ang malakas na bati kay Odette ng mga tao sa bahay, nang dumating sila mula sa ospital.It's been nine months.Kakauwi lang nila galing sa pribadong ospital kung saan siya nanganak. Yes, nanganak siya sa pangalawa nilang anak ni Helios.It's a baby boy.“Thank you,” aniya sa mga iyon.“Hindi na ito kamukha ni Mommy. This is so me!” Proud na sabi naman ni Helios habang karga ang baby, at si Ammiry ay nakasabit naman sa isa nitong braso, karga rin ang panganay na anak.Sa laki ni Helios, hindi na siya nagtataka na kaya nitong pagsabayin ang dalawa.Nakakalungkot dahil kung gaano naman ito kabilis na magkaroon ng anak, ang kapatid nito ay hindi nabibiyayaan. Nakunan ang surrogate mother na kinuha ng mga iyon, at hindi na umilit pa.“Tingnan ko nga ang apo namin,” sabi ng Tiya niyang madre, na nasa bakasyon ngayon.Lumapit iyon at kinuha ang apo, saka dinala sa karamihan. She smiled. Naroon ang kanyang Papa and lola niya, si Lucas, ang mga kaibigan n'ya, si Le
Special Chapter“ANAK!” malakas na tawag ni Odette kay Ammiry nang magising ito.Eksakto na kalalabas naman niya ng banyo, nakatapis ng twalya.“Morning, babe,” nakangiti niyang sabi rito.Pangatlong araw nila sa mansyon ngayon. Tahimik sila. Tahimik siya. Binisita na sila ni Mang Agosto at natawagan na rin ni Odette ang tiya nito at si lola Ely. Alam ng dalawa na nasa poder niya ang kanyang mag-ina.“Chillax, babe,” aniya saka lumapit dito at hinalikan ito sa labi.“Natatakot ako,” mukhang kinakabahan na sabi nito sa kanya.“You don't have to. Everything is under control. Our baby is just downstairs. She's with a visitor.”“Visitor?”Nagsuot siya ng short at polo, tapos ay nagsuot siya ng sapatos. Panatag na panatag ang kalooban ni Helios kahit na may mga problema siyang nireresolba. Masaya siya na natutulog na katabi ang mag-ina niya. Sa mga susunod, bibigyan na nila ng sariling kwarto si Ammiry. He hired bodyguards for her daughter.Wala siyang pakialam sa kapatid niyang tanong daw
Kabanata 58.2LULAN ng sasakyan papunta sa mansyon ng mga Cervantes, hindi magawa ni Odette na bumitaw sa mga braso ni Helios.Yakap niya ito.Anong klaseng trauma na naman ba ang tumama sa kanya? Kakaaksidente pa lang ng anak niya. Halos hindi pa nga ito nakakapag-umpisa ng therapy nito sa doktor, tapos ay nasunugan na naman sila. Kahit na si Aling Tasya na napakabait naman ay nadamay pa, at ang ibang boarders na isang pamilya rin sa kabilang paupahan. Wala pa naman anak ang mag-asawa roon pero nakaka-trauma pa rin.Hindi mawala sa isip niya ang eksena kanina kung saan nasarhan ng kahoy si Helios sa loob ng bahay. Akala niya ay hindi na ito makakalabas. She was so terrified. Lalo niyang niyakap ang braso nito. Mahal na mahal sila ni Helios. Lahat ng kumot ay ibinalot nito sa kanila ni Ammiry at hindi nito inisip ang sarili.“Hey,” anito sa kanya nang humikbi siya.“Sorry kung hindi kita napatawad kaagad,” umiiyak na sabi niya rito, saka niya ito tiningala.Helios looked at her with s
Kabanata 58.1“PAPA!” pumalahaw ng iyak si Ammiry kaya agad na napatingin si Helios sa anak. Palinga-linga iyon sa paligid at takot na takot.“HELIOS!” umiiyak na sigaw ni Odette sa banyo kaya lumingon ulit siya.Fuck.“Helios! Di ako makalabas!” Odette cried and coughed, “Tulong! Sunog!”Napupuno ng usok ang buong kabahayan. Agad niyang tinakbo ang pintuan bago pa iyon matupok ng apoy. He immediately opened it. Nagimbal siya sa kanyang nakita. Ang palibot ng bahay at maliit na bakuran papalabas ng gate ay umaapoy. Wala silang dadaanan.May mga tao na sa labas na nagsipaglabasan. Ang karatig bahay ay nasusunog na rin.Agad niyang tinakbo ang anak niya at saka niya ito kinarga. Dala niya ang mga kumot para ipang balot niya rito tapos ay tumakbo siya sa may banyo.“Heli…” nasundan ang sigaw na iyon ng pag-ubo.The door won't budge. It was damn locked. Plastik ang pinto ng banyo, at talagang nagla-lock mag-isa ang ganung pinto. Nangyayari iyon madalas sa hotel nila sa San Jose kaya pin
Kabanata 58LAMAN ng isip ni Liza ang kapatid na si Avva habang naka-duty siya sa ospital kinagabihan. Parang iba na ang kilos ng kapatid niya mula nang sabihin niya na inunahan na niya si Helios na magsabi kay Odette ng totoo. That was just the other day.She thought it was the best way to make Odette and Helios fight. Syempre, galit na galit si Odette. She wanted to help her sister and make herself belong. Gusto niya ng isang daang porsyento Ng suporta sa kapatid niya para tuluyan siyang maging ganap na dela Peña sa kanyang pakiramdam. Feeling kasi niya ay may kulang pa. Sa tuwing sinusumbatan siya ng nakatatandang kapatid sa mga naibibigay ng ama nila sa kanya, nag-iisip siya kaagad kung paano siya makakabawi.Akala niya ay tama ang ginawa niya, pero nang malaman ni Avva na patuloy pa rin si Helios sa pagsuyo kay Odette, lalo lang iyong nagalit. Sinisi pa siya ni Avva na kasalanan niya ang lahat at bakit di na raw niya pinatay ang bata.Diyos ko. Hindi naman siya ganun kasama. Nako
Kabanata 57TULALA si Odette sa bubong ng bahay. Ngayon, nag-sink in na lahat sa kanya ang mga nangyari. Sumulyap siya sa orasan.It's been almost four hours since Helios came inside her room, and she just gave herself to him without having second thoughts.Yes, she did.Hindi ito kaagad natapos. Sa una ay masuyo ito pero nang tumagal ay nag-iba. He was wild, and just like the first time, there were marks on her skin again.Ganun siguro talaga si Helios. Nasilip niya ang dibdib niya na puro marka, at dahil maputi siya ay mabilis na magmantsa ang balat niya kahit na kaunting kagat lang.Ang pagkakaiba lang, hindi parausan ang pakiramdam niya ngayon, na parang nilabasan lang ng init ng katawan.Agad na napatakip siya sa mukha. Ano na lang ang sasabihin ni Helios sa kanya? May sasabihin ba ito?“Nakakahiya,” mahinang sambit niya saka marahas na umiling.“There's nothing to be ashamed of, babe.” Anito sa tabi niya kaya tumingin siya.“Normal na maakit ka sa katawan ko at kagwapuhan,” naka
Kabanata 56“HI, Swan princess,” a husky voice greeted Odette, and that made her open her eyes wide.Iyon ang totoong nagpagising sa kanya. Hindi si Wolf ang humahawak sa kanya. At first look, he was like Wolf because she felt that she was in danger, and Wolf was the very last person she saw before she fell asleep, scrutinizing the house.Agad siyang napaupo at napaatras.“A-Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?! Ini-lock ko ang pinto, Helios!” Galit na sabi niya kahit na para siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon.“Oh, sure you did, babe,” nakangiti nitong sagot.Hinawakan nito ang kamay niya pero Agad niyang hinila.“Lumabas ka ngayon din! Paano ka nakapasok dito? Isinara ko nga ang pinto! Ang kulit mo!” Ninenerbyos na sabi niya rito pero mukhang hindi naman ito naaalarma sa kanya.Nakatitig lang si Helios sa mukha niya, kaya hindi niya malaman kung anong gagawin. Ang dibdib niya ay parang mabibiyak sa sobrang kaba niya, pero hindi lang purong panganib ang nararamdaman niya
Kabanata 55PINUPOG ni Odette ng halik si Ammiry nang dumating siya sa bahay. Tawa naman ito nang tawa at masayang-masaya. Tinitingnan na naman nito ang album ng lolo at lola, na kagabi pa nito walang sawang iniisa-isa. Tapos, tinitingnan nito ang mga litrato ni Helios noong bata pa.“Mama, look po. Ako po ito,” turo ni Ammiry sa litrato ni Donya Selena.She smiled and nodded, “Yes, anak. Kamukhang-kamukha mo ang lola mo. Parehas kayong sobrang ganda.”“Pero sino po ang Papa ko?” Bigla nitong tanong sa kanya kaya medyo napatanga siya nang kaunti.“Si…Helios talaga ang Papa mo, anak.”“Si Papa po tagala? Siya po si bad guy?”“H-Hindi,” tanggi niya kahit di niya alam kung paano talaga iyon sasagutin.“Sinong nagsabi na bad guy ang Papa mo?”“Kasi po Iiyak ikaw lagi pag-uusap kayo ni ninang. Bad guy po si Papa.”Agad niya itong nakayap, “Hindi, anak. Mahal ka ng Papa mo. Hindi siya bad guy. You see, inalagaan ka niya sa ospital?”“Love mo po si Papa?”Mas lalo siyang nalito sa isasagot.
Kabanata 54ABSENCE makes the heart grow fonder. Iyon ang kasabihan na palagay ni Odette, ngayon ay totoo. It is an old saying but applicable to what she feels right now. Pakiramdam niya ay mawawala siya sa oras na magtagal na magkalayo sila ni Helios at hindi sila nag-uusap. Pero paano? Handa na ba ang puso niya? Kahapon lang niya iyon nalaman at totoong masakit pa rin ang kalooban niya.Tapos na siya sa pag-aasikaso ng kanyang requirement.“Are you okay, Odette?” Dixon asked so she got back to reality. Nasa harap siya ng lalaki at nagsumite ng mga kailangan, dahil siya lang naman ang may hawak ng mga iyon.“Opo. May kailangan pa po ba?” Matabang na tanong niya rito pero nanatili itong nakatitig sa kanya.“Totoo ba ang narinig ko kanina kina Ronnie? Si Helios ang ama ni Ammiry? Hindi naman sa pagiging tsismoso.”She sighed and nodded, “Aalis na po ako, Prof kung wala na pong kailangan. Kailangan ko pa pong bantayan ang anak ko.” Papaiwas na sagot niya dahil ayaw niyang magkwento pa.