Kabanata 16.1IBINABA ni Helios ang salaming bintana ng sasakyan nang lumapit si Derick.Nasa loob sila ngayon ng isang lugar, hindi subdibisyon pero maayos naman ang environment. Maayos ang daan, maluwag at organisado ang mga pagkakatayo ng bahay. He can't say that it's a squatter's area.Derick asked for directions, and he was just waiting inside his car.“Pang-limang bahay, boss mula rito, nasa kanan, may gate na pula.”“Okay,” he replied and glanced at his gift.May dala siyang isang lavender na stuffed toy. Ang sabi kanina sa binilhan niya na shop, iyon daw ay si Kaori. Tapos ay bumili siya ng mga pagkain na naka-basket na. May biscuits dun, chocolates, and nutritional drinks.Nagmaneho siyang muli at dumiretso sa sinasabing pang-limang bahay. Nakita niya ang isang pulang gate, maliit at luma na. May tricycle sa may gilid, tapos ay may matandang lumabas sa pintuan. Agad siyang bumaba sa sasakyan nang tumingin iyon sa kotse niya.The old man looked at him and was mesmerized.“Maga
Kabanata 17PAGKATAPOS ng basic lecture at review sa mga napag-aralan nila at dapat na gawin, pakiramdam ni Odette ay handa na naman siya kahit paano na mabasa sa tubig. Ang ganda sana kung ito ay normal na picnic, swimming kaya lang ay hindi. This is a graded training. This is 20% from all survival tests that they must pass. Sa dagat ay mas mataas ang porsyento. kanya-kanya siguro talagang style, pero lahat ay pinagdadaanan ang ganito.They already did this kind of training as part of their finals before. Kasama dun ang swimming lessons nila. Hindi naman siya marunong lumangoy noong bata pa siya. Sa totoo ay takot siya sa tubig pero hindi niya rin maunawaan kung paano siyang bumagsak sa kursong ito na tubig ang trabaho. Uulitin lang nila ngayon ang mga natutunan nila sa mas malawak na swimming pool, mas malalim at mas maalon. Ang susunod nila ay nasa dagat na ang raft.Suot niya ang kanyang long sleeves one piece suit. Hindi iyong kita ang singit dahil kapag bumuka-bukaka siya ay ib
Kabanata 18HELIOS parked his car in front of the gate. Wala siyang kangiti-ngiti sa pagbaba sa sasakyan.Hindi siya lumipad pabalik para makipag-ayos dahil lang nagrerebelde ang ex niya. Naroon siya para linawin ang estado nila, at harapin ang ama ni Avva, dahil parang lumalabas na siya ang may kasalanan sa nangyari. Tahimik na nga lang siyang nakipag-break, ngayon ay hindi pala tahimik si Avva at ang pamilya. Kahit si Liza ay nakisali na.Pumasok siya sa loob ng bakuran nang agad siyang ipagbukas ng kasambahay ng gate.Natanaw niya kaagad si Judge Frederick, hawak ang pipa nito. Nakatingin sa kanya ang lalaki, at hindi niya pinansin ang inis na nakita niya sa mukha ng matanda.“Good afternoon, Tito Fred,” he still greeted the old man but he never greeted him back.“What did you do to my daughter, Helios? I don't feel glad about it. Sinasayang niya ang buhay niya. Sinasabi ko sa iyo na mananagot ka sa oras na may masamang mangyari kay Avva.”“Pardon me, Tito Fred. Ano naman ang kasala
Kabanata 18.1MAKAMATAY na duro ang inabot ni Helios nang dumating sa ospital si Frederick.“I will sue you for this! My daughter is on the brink of death because of you!”Halos mamutok ang mga litid ng matanda dahil sa galit. Hindi siya umimik pero hindi naman siya natatakot. Wala naman siyang kasalanan.“Balikan mo siya para itigil niya ito.”Uminit ang ulo niya. Doon na siya hindi nakapagtimpi. Damn. He was once a lord, a bad one. Siya ang nag-uutos at hindi siya ang inuutusan. Presidente siya ngayon ng bilyong halaga ng kumpanya, at hindi siya ang inutusan. Bakit ngayon ay oobligahin siya ni Frederick na balikan si Avva, dahil lang suicidal ang babae?“What Avva must do is to accept that everything is over, Tito Fred,” malumanay na sagot niya, na parang lalong nagpainit sa ulo ng matandang lalaki.“Over? Sa puntong ito ay ganyan pa ang naisasagot mo sa akin, Helios? Anong mahirap sa pagbalik sa anak ko kapalit ng buhay niya?”“Everything,” he replied.Nakita niyang tila pulang-pul
Kabanata 19“TRY to change your plan, Ate Avva,” iyon ang payo na lumabas sa bibig ni Liza nang lumabas si Frederick sa kwarto ng ospital.Kaka-lock lang nito ng pinto.Parang tanga si Avva na nakaupo at paismid-ismid. Walang epekto ang lahat. Halos kunwari ay mamamatayin na siya, wala pa ring pakialam si Helios sa kanya. Lalo tuloy tumitindi ang pagtataka niya sa inaakto nun. Alam niyang may iba na ang boyfriend niya. Kailangan niyang malaman kung sino.“What do you want me to do now?” paasik na tanong niya sa nakababatang kapatid.“Why not try to be kind to him and please him. Nag-boyfriend ka ba naman ng billionaire, plus super pogi, tapos araw-araw kang galit.”“I have reasons and those were valid. He just didn't understand.”“O, di ano na ang gagawin mo?”“I'm out of plan. Pag-iisipan ko pa.”“You better, Ate. Baka si Dad ang mamatay sa ginagawa mong pagpapanggap na ganito. He was so freakin’ worried about you. I feel so guilty.”Inirapan ni Avva si Liza, “Dad will understand if
Kabanata 20NAPATIGIL si Helios sa pagkusot ng kanyang buhok nang marinig ang sinasabi ni Lex sa kanya.Now he stood up.He just woke up. Maghahanda siya para sa pagpunta sa opisina at manood na lang sa live ng survival. Gusto sana niya ay personal kaya lang hindi naman pwedeng lumipad na naman siya papuntang Cagayan, na para bang ang byahe ay sampung minuto lang.“What?” Kunot noo siya.Tila nabingi siya sa sinabi ng pinsan niya.“I said, your apple of the eye wanted to go back to Manila now.”“Si Odette?”“Sino pa ba, insan? Wala ka nama ibang nilalapitan sa mga bata kung hindi yun lang.“And why is that, Kuya Lex?”Hindi naman susuko si Odette na basta ganun lang. Alam niyang may matinding rason kung bakit.“She said her daughter was hospitalized? May anak na pala siya. Napakabata pa niya.”“It's a long story and it's quite private,” iling niya, “Where is she?”“I think in her cabin. I told her to wait. Wala ng balikan kapag umalis siya sa internship. Kulang na ang kanyang requir
Kabanata 21NAKANGITING lumapit si Ely sa binatang nakaupo sa may kama ni Ammiry. Nakakuha siya ng pribadong kwarto, preferably the most expensive one, six thousand pesos per day but its was okay. Mas mainam na solo si Ammiry sa kwarto.He also got a Pedia for her. Pedia naman ang doktor na nag-swero rito kanina kaya iyon na rin ang kinuha niya. “Helios,” anito sa kanya kaya mula sa pagkakatitig niya sa smartphone ay napatingin siya sa matanda.“Parang napakalaki naman ng kwarto na ito para kay apo,” parang nahihiya na sabi nito, “Saka napakamahal.”“Wala po kayong intindihin sa bayad. Ako na po ang bahala. Hindi po utang, bigay ko lang po.”“Yun nga ang mas nakakahiya.”“Napapasaya po ako ni Ammiry. Hayaan niyo po ako na tumulong. Isa pa ho, gusto kong tumigil si Odette sa pag-iisip na umuwi.”“Umuwi?” gulat na tanong nito at parang di makapaniwala sa sinabi niya.“Opo. Kanina ay nakausap ko po ang pinsan ko. Siya po ang trainor sa barko. Gusto na raw pong umuwi ni Odette dahil may
Kabanata 22ODETTE smiled when she saw that her message was already delivered, meaning it was seen by Helios.Maya-maya ay bigla na iyong tumawag. Agad siyang nataranta dahil nasa isang mahabang mesa sila, kumakain.Pinatay niya ang video call saka pasimpleng tumingin sa lahat. Busy ang mga iyon sa pagkain habang siya ay pasimpleng ngumuya.“Don't you have wifi?”Tanong ni Helios sa chat.“Meron po, kaya lang ay marami pong tao rito.”May wifi naman sa pinagkakainan nila kaya naki-konek siya.“Answer the video call.”Hindi pa man lang siya nakakapag-isip kung sasagutin niya ay tumatawag na ito ulit. She automatically answered it.Lumitaw ang gwapo nitong mukha sa screen ng aparato.Ulam. Iyon ang tingin niya dito lalo na nang ngumiti ito nang kaunti sa kanya.Why so gwapo?Tumikhim siya para ipormal ang sarili. Kirengkeng. Sita niya sa sarili. “S-Sir,” Odette greeted with a smile.“Hi,” anaman nito at peste dahil para siyang kinilig sa pa-hi nito sa kanya.Hindi niya alam pero nakapa
Epilogue“WELCOME HOME!”Iyon ang malakas na bati kay Odette ng mga tao sa bahay, nang dumating sila mula sa ospital.It's been nine months.Kakauwi lang nila galing sa pribadong ospital kung saan siya nanganak. Yes, nanganak siya sa pangalawa nilang anak ni Helios.It's a baby boy.“Thank you,” aniya sa mga iyon.“Hindi na ito kamukha ni Mommy. This is so me!” Proud na sabi naman ni Helios habang karga ang baby, at si Ammiry ay nakasabit naman sa isa nitong braso, karga rin ang panganay na anak.Sa laki ni Helios, hindi na siya nagtataka na kaya nitong pagsabayin ang dalawa.Nakakalungkot dahil kung gaano naman ito kabilis na magkaroon ng anak, ang kapatid nito ay hindi nabibiyayaan. Nakunan ang surrogate mother na kinuha ng mga iyon, at hindi na umilit pa.“Tingnan ko nga ang apo namin,” sabi ng Tiya niyang madre, na nasa bakasyon ngayon.Lumapit iyon at kinuha ang apo, saka dinala sa karamihan. She smiled. Naroon ang kanyang Papa and lola niya, si Lucas, ang mga kaibigan n'ya, si Le
Special Chapter“ANAK!” malakas na tawag ni Odette kay Ammiry nang magising ito.Eksakto na kalalabas naman niya ng banyo, nakatapis ng twalya.“Morning, babe,” nakangiti niyang sabi rito.Pangatlong araw nila sa mansyon ngayon. Tahimik sila. Tahimik siya. Binisita na sila ni Mang Agosto at natawagan na rin ni Odette ang tiya nito at si lola Ely. Alam ng dalawa na nasa poder niya ang kanyang mag-ina.“Chillax, babe,” aniya saka lumapit dito at hinalikan ito sa labi.“Natatakot ako,” mukhang kinakabahan na sabi nito sa kanya.“You don't have to. Everything is under control. Our baby is just downstairs. She's with a visitor.”“Visitor?”Nagsuot siya ng short at polo, tapos ay nagsuot siya ng sapatos. Panatag na panatag ang kalooban ni Helios kahit na may mga problema siyang nireresolba. Masaya siya na natutulog na katabi ang mag-ina niya. Sa mga susunod, bibigyan na nila ng sariling kwarto si Ammiry. He hired bodyguards for her daughter.Wala siyang pakialam sa kapatid niyang tanong daw
Kabanata 58.2LULAN ng sasakyan papunta sa mansyon ng mga Cervantes, hindi magawa ni Odette na bumitaw sa mga braso ni Helios.Yakap niya ito.Anong klaseng trauma na naman ba ang tumama sa kanya? Kakaaksidente pa lang ng anak niya. Halos hindi pa nga ito nakakapag-umpisa ng therapy nito sa doktor, tapos ay nasunugan na naman sila. Kahit na si Aling Tasya na napakabait naman ay nadamay pa, at ang ibang boarders na isang pamilya rin sa kabilang paupahan. Wala pa naman anak ang mag-asawa roon pero nakaka-trauma pa rin.Hindi mawala sa isip niya ang eksena kanina kung saan nasarhan ng kahoy si Helios sa loob ng bahay. Akala niya ay hindi na ito makakalabas. She was so terrified. Lalo niyang niyakap ang braso nito. Mahal na mahal sila ni Helios. Lahat ng kumot ay ibinalot nito sa kanila ni Ammiry at hindi nito inisip ang sarili.“Hey,” anito sa kanya nang humikbi siya.“Sorry kung hindi kita napatawad kaagad,” umiiyak na sabi niya rito, saka niya ito tiningala.Helios looked at her with s
Kabanata 58.1“PAPA!” pumalahaw ng iyak si Ammiry kaya agad na napatingin si Helios sa anak. Palinga-linga iyon sa paligid at takot na takot.“HELIOS!” umiiyak na sigaw ni Odette sa banyo kaya lumingon ulit siya.Fuck.“Helios! Di ako makalabas!” Odette cried and coughed, “Tulong! Sunog!”Napupuno ng usok ang buong kabahayan. Agad niyang tinakbo ang pintuan bago pa iyon matupok ng apoy. He immediately opened it. Nagimbal siya sa kanyang nakita. Ang palibot ng bahay at maliit na bakuran papalabas ng gate ay umaapoy. Wala silang dadaanan.May mga tao na sa labas na nagsipaglabasan. Ang karatig bahay ay nasusunog na rin.Agad niyang tinakbo ang anak niya at saka niya ito kinarga. Dala niya ang mga kumot para ipang balot niya rito tapos ay tumakbo siya sa may banyo.“Heli…” nasundan ang sigaw na iyon ng pag-ubo.The door won't budge. It was damn locked. Plastik ang pinto ng banyo, at talagang nagla-lock mag-isa ang ganung pinto. Nangyayari iyon madalas sa hotel nila sa San Jose kaya pin
Kabanata 58LAMAN ng isip ni Liza ang kapatid na si Avva habang naka-duty siya sa ospital kinagabihan. Parang iba na ang kilos ng kapatid niya mula nang sabihin niya na inunahan na niya si Helios na magsabi kay Odette ng totoo. That was just the other day.She thought it was the best way to make Odette and Helios fight. Syempre, galit na galit si Odette. She wanted to help her sister and make herself belong. Gusto niya ng isang daang porsyento Ng suporta sa kapatid niya para tuluyan siyang maging ganap na dela Peña sa kanyang pakiramdam. Feeling kasi niya ay may kulang pa. Sa tuwing sinusumbatan siya ng nakatatandang kapatid sa mga naibibigay ng ama nila sa kanya, nag-iisip siya kaagad kung paano siya makakabawi.Akala niya ay tama ang ginawa niya, pero nang malaman ni Avva na patuloy pa rin si Helios sa pagsuyo kay Odette, lalo lang iyong nagalit. Sinisi pa siya ni Avva na kasalanan niya ang lahat at bakit di na raw niya pinatay ang bata.Diyos ko. Hindi naman siya ganun kasama. Nako
Kabanata 57TULALA si Odette sa bubong ng bahay. Ngayon, nag-sink in na lahat sa kanya ang mga nangyari. Sumulyap siya sa orasan.It's been almost four hours since Helios came inside her room, and she just gave herself to him without having second thoughts.Yes, she did.Hindi ito kaagad natapos. Sa una ay masuyo ito pero nang tumagal ay nag-iba. He was wild, and just like the first time, there were marks on her skin again.Ganun siguro talaga si Helios. Nasilip niya ang dibdib niya na puro marka, at dahil maputi siya ay mabilis na magmantsa ang balat niya kahit na kaunting kagat lang.Ang pagkakaiba lang, hindi parausan ang pakiramdam niya ngayon, na parang nilabasan lang ng init ng katawan.Agad na napatakip siya sa mukha. Ano na lang ang sasabihin ni Helios sa kanya? May sasabihin ba ito?“Nakakahiya,” mahinang sambit niya saka marahas na umiling.“There's nothing to be ashamed of, babe.” Anito sa tabi niya kaya tumingin siya.“Normal na maakit ka sa katawan ko at kagwapuhan,” naka
Kabanata 56“HI, Swan princess,” a husky voice greeted Odette, and that made her open her eyes wide.Iyon ang totoong nagpagising sa kanya. Hindi si Wolf ang humahawak sa kanya. At first look, he was like Wolf because she felt that she was in danger, and Wolf was the very last person she saw before she fell asleep, scrutinizing the house.Agad siyang napaupo at napaatras.“A-Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?! Ini-lock ko ang pinto, Helios!” Galit na sabi niya kahit na para siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon.“Oh, sure you did, babe,” nakangiti nitong sagot.Hinawakan nito ang kamay niya pero Agad niyang hinila.“Lumabas ka ngayon din! Paano ka nakapasok dito? Isinara ko nga ang pinto! Ang kulit mo!” Ninenerbyos na sabi niya rito pero mukhang hindi naman ito naaalarma sa kanya.Nakatitig lang si Helios sa mukha niya, kaya hindi niya malaman kung anong gagawin. Ang dibdib niya ay parang mabibiyak sa sobrang kaba niya, pero hindi lang purong panganib ang nararamdaman niya
Kabanata 55PINUPOG ni Odette ng halik si Ammiry nang dumating siya sa bahay. Tawa naman ito nang tawa at masayang-masaya. Tinitingnan na naman nito ang album ng lolo at lola, na kagabi pa nito walang sawang iniisa-isa. Tapos, tinitingnan nito ang mga litrato ni Helios noong bata pa.“Mama, look po. Ako po ito,” turo ni Ammiry sa litrato ni Donya Selena.She smiled and nodded, “Yes, anak. Kamukhang-kamukha mo ang lola mo. Parehas kayong sobrang ganda.”“Pero sino po ang Papa ko?” Bigla nitong tanong sa kanya kaya medyo napatanga siya nang kaunti.“Si…Helios talaga ang Papa mo, anak.”“Si Papa po tagala? Siya po si bad guy?”“H-Hindi,” tanggi niya kahit di niya alam kung paano talaga iyon sasagutin.“Sinong nagsabi na bad guy ang Papa mo?”“Kasi po Iiyak ikaw lagi pag-uusap kayo ni ninang. Bad guy po si Papa.”Agad niya itong nakayap, “Hindi, anak. Mahal ka ng Papa mo. Hindi siya bad guy. You see, inalagaan ka niya sa ospital?”“Love mo po si Papa?”Mas lalo siyang nalito sa isasagot.
Kabanata 54ABSENCE makes the heart grow fonder. Iyon ang kasabihan na palagay ni Odette, ngayon ay totoo. It is an old saying but applicable to what she feels right now. Pakiramdam niya ay mawawala siya sa oras na magtagal na magkalayo sila ni Helios at hindi sila nag-uusap. Pero paano? Handa na ba ang puso niya? Kahapon lang niya iyon nalaman at totoong masakit pa rin ang kalooban niya.Tapos na siya sa pag-aasikaso ng kanyang requirement.“Are you okay, Odette?” Dixon asked so she got back to reality. Nasa harap siya ng lalaki at nagsumite ng mga kailangan, dahil siya lang naman ang may hawak ng mga iyon.“Opo. May kailangan pa po ba?” Matabang na tanong niya rito pero nanatili itong nakatitig sa kanya.“Totoo ba ang narinig ko kanina kina Ronnie? Si Helios ang ama ni Ammiry? Hindi naman sa pagiging tsismoso.”She sighed and nodded, “Aalis na po ako, Prof kung wala na pong kailangan. Kailangan ko pa pong bantayan ang anak ko.” Papaiwas na sagot niya dahil ayaw niyang magkwento pa.