Jokos MontreosNakatanaw ako sa ibaba ng veranda habang inaalala ang nangyari kanina.''Kamukhang kamukha niya si Wency.'' naibulong ko bago ko kinuha ang cellphone ko at nag-dial.''Mr. Rod, may ipapagawa ako sa iyo. 'yung kamukha ni Wency na nakita natin sa lobby ng hotel paki kuha mo ang lahat ng files niya.'' sabi ko dito bago ko mabilis na ibinaba ang cellphone ko at tumingin naman sa madilim na kalangitan._____________ Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko habang nakatingin ako sa babaeng nasa harap ko at nakayuko.Napatingin ako kay Mr. Rod na halata rin sa mukha ang pagtataka at pagkagulat gaya ko. Marahil hindi ito makapaniwala ng makita ang kamukha ni Wency. Nasa gano'n silang sitwasyon ng dumating ang isang lalaki at lumapit sa kinaroroonan ng babae. ''Mika pagkatapos mo d'yan pumunta ka sa opisina ko.'' wika ng lalaki saka humarap sa akin at inilahad ang kamay.''Mr. Montreos, ako si Mike Fuejo, ang presidente ng hotel.'' ''Nice to meet you, Mr. Fuejo.'' ganti ko dito
Kanina pa ako naguguluhan sa mga nararamdaman ko, mula ng makita at makausap ko si Mr. Montreos ay nalito na ang damdamin ko, sa totoo lang may ilang mumunting ala-ala akong nakita sa aking nakaraan matapos akong halikan ni Mr. Montreos. Ang halik na iyon parang kabisado ko ang bawat paglapat sa labi ko. Napahawak ako sa labi ko na tila nakadikit pa rin ang malambot na labi ng mapangahas na lalaking 'yon. Napapikit ako ng mariin sa naiisip ko. ''Tumigil ka sa ganyang pag-iisip tandaan mo may nobyo ka.'' mahinang saway ko sa sarili ko Kaya naman pilit kong iwinaksi ito sa isip ko. Napatingin ako sa relo ko habang naghihintay kay Jhon dahil sabi nito ay susunduin niya ako ng maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. At ng tignan ko ang nobyo kong si Jhon.''Nand'yan kana pala ginulat mo ako.'' Mahinang sabi ko dito saka ko ito tinignan. Medyo napahiya ako sa sarili ko dahil ibang lalake ang nasa isip ko kaysa sa nobyo ko.'''Masyadong naman yatang malalim ang iniisip mo? Kaya ayo
Jokos Point of View''Sino ka? Hindi ikaw ang ini-request kong house keeper ko. Nasaan si Wency.'' tanong ko sa magandang dalaga na nag-sisilbi din sa akin. Nakita ko na kumunot ang noo nito kaya naisip ko agad na hindi nga pala Wency ang pagkakakilala nila rito. Kaya naman pina-alis ko nalamang ito at mag-hapon akong nag-hintay kay Wency sa aking kwarto dahil ito ang aking private maid ngunit hindi talaga ito sumipot kahit na anino nito, kaya pinatawag ko ang manager ng resort. Ilang minuto lang ay naroon na ang manager upang ipaalam na hindi pumasok si Wency dahil masama daw ang pakiramdam nito. Alam kong palusot lamang lang iyon ni Wency dahil ayaw ako nito makita kaya naman hiningi ko nalamang ang address nito dito. At ng makaalis na ang manager kinuha ko agad ang jacket ko at agad na lumabas. Pasunod na sana si Mr.Rod ngunit pinigilan ko ito.'' 'Wag ka ng sumama sa akin gusto kong kami lang munang dalawa ni Wency ang magkausap ng sarilinan.'' sabi ko dito na agad nitong ikina hi
Dahan-dahan na umahon sa pool si Jokos habang hinahawi nito ang buhok. Napakagwapo nitong titigan at halos maglaway na ang mga kababaihan na nakatingin dito"Sir!" tawag ng dalaga habang ibinabalabal nito ang robe sa binatang amo. Bago itong sekretarya at halos pangalawang araw pa lang nito sa trabaho."Umuwi ka na,” utos ni Jokos saka inabot ang maliit na sobre."Para saan po ito Sir?" tanong ng dalaga habang nakangiti."Para kagabi,” sagot ni jokos dito."Pero Sir hindi n'yo po ako kailangan bayaran nag-enjoy po ako kagabi. Kung gusto po ninyo ulitin po ulit natin," sabi nito saka lakas loob na kumapit sa balikat nito at pinagapang pababa sa braso ng binata."Stop it! And you're fired!" may awtoridad na sabi ni Jokos saka lumapit sa kanang kamay nito. Lalapit pa sana ang babae pero agad itong hinarang ng dalawang lalaki. Kaya naman wala itong nagawa kundi ang lumayo na lang at tingnan ang likod ng dating amo."Kunin mo ang address ng babaeng nasa litrato at alamin mo hanggang kaliit
"Ano po ang ginagawa n'yo Sir?" mahinang anas ni Wency sa papalapit na boss nito."I have an idea," wika nito habang patuloy na lumalapit."Gaya ng ano po Sir?" Tanong naman ng dalaga habang umaatras. Napasandal na ito sa table ng binata."Be my secretary.""Ako po? Anong alam ko sa pag se-secretary Sir? Ang alam ko lang po sukat ng mga paa ng customer," naguguluhan na wika ng dalaga."Edi sukatin mo ang mga paa ng bawat tao na papasok sa opisina ko," nangingiting sabi ng binata at ikinalaki ng mata ng dalaga."Sir naman walang ganyanan. Kung pinagtitripan po ninyo ako pakiusap po 'wag naman ngayon. Kailangan ko po talaga ng trabaho, I mean sideline. At kailangan ko rin po ang bag ko at cellphone ko." "Para naman saan? May binubuhay ka na bang mga anak?""Naku Sir wala po. Dalaga pa po ako pero may nobyo po ako," wika ng dalaga saka tila nalungkot. Napakunot naman ang noo ng binata sa nakitang lungkot sa mga mata ng babae."Ano ba ang nangyari? At kailangan mo ng sideline?" tanong ni
Tahimik na minamasdan niya ang last will ng lola niya. Nakasaad doon na kailangan muna niyang maikasal sa isang dalaga na nagngangalang Wency Cruz. Hindi nito alam kung ano ang koneksyon ni Wency sa kanyang pamilya. Bakit ito ang nais ng lola niya na mapangasawa niya.Tumingin siya sa kanyang wrist watch halos isang oras na ang dalaga sa loob ng shower room. Agad siyang lumapit at kinatok ang pinto. Nang walang sumasagot ay agad siyang lumabas at pinakuha sa tao niya duplicate key. Agad naman tumalima ang mga tao nito at agad nakuha ang susi."Akin na." Agad bumukas ang pinto at nang makita niya ang ayos ni Wency ay agad na humarang si Jokos sa pintuan."Umalis ka na," mahinang utos ni Jokos sa tao niya na agad namang umalis.Dahan dahan siyang lumingon sa dalagang himbing na natutulog sa bathtub. Dahan dahan siyang lumapit sa dalaga."Maganda talaga siya," mahinang usal ni Jokos bago niya hinawakan ang pisngi nito. "Malamang isa sa dahilan kaya napapayag ako na maging asawa ang baba
Nagising si Wency sa matinding lamig na nara-ramdaman nito. Habang dahan-dahan nitong iminumulat ang mga mata. Nayakap rin nito ang sarili sa lamig ng aircon na dumadampi sa buong katawan nito.Habang nililibot nito ang paningin sa labas ng malaking bintanang salamin nakita nitong madilim na ang langit. Habang may nakatayo at nakatingin sa labas ang lalaking ni sa isip nito ay 'di nito akalaing ito ang aangkin sa buong katawan niya at pagka birhen nito. Ilang sandali dahan-dahan itong humarap at tinitigan ako at ngumiti.''Gising kana pala. Anong gusto mong kainin?'' tanong nito sa akin. Umiling ako at saka ko ibinalot ng maigi ang sarili ko. Alam kong masagwa ang itsura ko.''Wala gusto ko na lang umuwi, tiyak na nag aalala na ang lola ko sa akin. Sana ginising mo ako kanina! Para nakauwi pa ako.''''Alam n'yang kasama kita.''''Ano? 'Wag mo akong lokohin.'' sabi ko dito, hindi kasi ako naniniwala na alam ng lola ko na nasa bahay ako ng isang lalaki. T'yak pag nalaman ng lola ko 'yon
Ilang oras ang nakalipas mula ng sunduin ng butler sina Jokos at Wency ay natanaw na ni Wency ang isang napakalaking mansyon. Ito ang unang pagkakataon na makakakita siya ng isang napakalaki at napakagandang masyon. ''Napakaganda dito.'' namamanghang wika ni Wency habang tinitignan ang magandang paligid ng mansyon.Tumingin ito kay Jokos pero may iba itong pinagkakaabalahan. Maya-maya ay tumawag ito at may kinausap.''Busy ako James'' bungad na sabi ni Jokos sa kausap bago mabilis na pinatay ang cellphone. Ganito ba talaga makipag usap ang mga mayayamang tao? Parang masyadong pormal at seryoso? Tanong ni Wency sa sarili niya.''Nasa loob ng mansyon na iyan ang lola ko?'' tanong ni Wency ka Jokos na tinanguan naman nito.''Oo at matagal siyang nanirahan at nagtrabaho sa pamilya ng mga Montreos.'' Wika nito na tinanguan ko lang. Maya-maya ay huminto na ang kotse at bumaba ang driver at pinagbuksan kami ng pinto ni Jokos.''Magandang gabi po sa inyo Senyorita at Senyorito. Nakahanda na
Jokos Point of View''Sino ka? Hindi ikaw ang ini-request kong house keeper ko. Nasaan si Wency.'' tanong ko sa magandang dalaga na nag-sisilbi din sa akin. Nakita ko na kumunot ang noo nito kaya naisip ko agad na hindi nga pala Wency ang pagkakakilala nila rito. Kaya naman pina-alis ko nalamang ito at mag-hapon akong nag-hintay kay Wency sa aking kwarto dahil ito ang aking private maid ngunit hindi talaga ito sumipot kahit na anino nito, kaya pinatawag ko ang manager ng resort. Ilang minuto lang ay naroon na ang manager upang ipaalam na hindi pumasok si Wency dahil masama daw ang pakiramdam nito. Alam kong palusot lamang lang iyon ni Wency dahil ayaw ako nito makita kaya naman hiningi ko nalamang ang address nito dito. At ng makaalis na ang manager kinuha ko agad ang jacket ko at agad na lumabas. Pasunod na sana si Mr.Rod ngunit pinigilan ko ito.'' 'Wag ka ng sumama sa akin gusto kong kami lang munang dalawa ni Wency ang magkausap ng sarilinan.'' sabi ko dito na agad nitong ikina hi
Kanina pa ako naguguluhan sa mga nararamdaman ko, mula ng makita at makausap ko si Mr. Montreos ay nalito na ang damdamin ko, sa totoo lang may ilang mumunting ala-ala akong nakita sa aking nakaraan matapos akong halikan ni Mr. Montreos. Ang halik na iyon parang kabisado ko ang bawat paglapat sa labi ko. Napahawak ako sa labi ko na tila nakadikit pa rin ang malambot na labi ng mapangahas na lalaking 'yon. Napapikit ako ng mariin sa naiisip ko. ''Tumigil ka sa ganyang pag-iisip tandaan mo may nobyo ka.'' mahinang saway ko sa sarili ko Kaya naman pilit kong iwinaksi ito sa isip ko. Napatingin ako sa relo ko habang naghihintay kay Jhon dahil sabi nito ay susunduin niya ako ng maramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. At ng tignan ko ang nobyo kong si Jhon.''Nand'yan kana pala ginulat mo ako.'' Mahinang sabi ko dito saka ko ito tinignan. Medyo napahiya ako sa sarili ko dahil ibang lalake ang nasa isip ko kaysa sa nobyo ko.'''Masyadong naman yatang malalim ang iniisip mo? Kaya ayo
Jokos MontreosNakatanaw ako sa ibaba ng veranda habang inaalala ang nangyari kanina.''Kamukhang kamukha niya si Wency.'' naibulong ko bago ko kinuha ang cellphone ko at nag-dial.''Mr. Rod, may ipapagawa ako sa iyo. 'yung kamukha ni Wency na nakita natin sa lobby ng hotel paki kuha mo ang lahat ng files niya.'' sabi ko dito bago ko mabilis na ibinaba ang cellphone ko at tumingin naman sa madilim na kalangitan._____________ Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko habang nakatingin ako sa babaeng nasa harap ko at nakayuko.Napatingin ako kay Mr. Rod na halata rin sa mukha ang pagtataka at pagkagulat gaya ko. Marahil hindi ito makapaniwala ng makita ang kamukha ni Wency. Nasa gano'n silang sitwasyon ng dumating ang isang lalaki at lumapit sa kinaroroonan ng babae. ''Mika pagkatapos mo d'yan pumunta ka sa opisina ko.'' wika ng lalaki saka humarap sa akin at inilahad ang kamay.''Mr. Montreos, ako si Mike Fuejo, ang presidente ng hotel.'' ''Nice to meet you, Mr. Fuejo.'' ganti ko dito
Tress Point Of View..Madaling araw ng maalipungatan ako ng may tumawag sa cellphone ko at ng tignan ko si James.''Ano naman kayang drama ang trip nito at talagang alas dos ng madaling araw pa nito naisipang tumawag.'' reklamo ko habang pupungas-pungas na sinagot ang tawag nito.''Tress pumunta ka dito sa bahay ko nandito si Jokos.''''Weehhh anong tinira ng ilong mo bakit pupunta si Jokos d'yan sa bahay mo.'''' 'Yon nga pinagtataka ko pare, bukod doon nag-aaya ito ng inom.''''Talaga? Naku malamang nakasinghot din 'yan.'' tatawa tawang sabi ni Tress.''Ina mo! Sumeryoso ka nga kahit kailan talaga 'yang utak mo pang grade school lang ang abot. Malamang may matinding problema ang isang ito kaya naligaw dito.'' seryosong sabi ni James.''Okay, okay, malamang malaki problema nya kaya nandyan siya sa inyo. Sige pupunta na ako dyan magbibihis lang ako.'' sabi ko dito bago ako tumayo at naghanap ng masusuot.James Point Of ViewTahimik kong pinagmamasdan si Jokos, hindi ako sanay na ganit
Nasa harapan ako ng mansyon habang nagdadalawang isip kung papasok ba ako sa loob o hindi. Alam kong kita ako mula sa loob dahil mula sa main gate ay maraming cctv na ang nakapalibot sa buong lugar. Napatingin ako sa malaking gate ng makita kong bumukas iyon at lumabas si Mr. Rod yumuko ito sa akin at lumapit. ''Madam, wala po si Sir. Jokos dito nasa out of town po siya.'' wika nito na ikinatango ko. Alam kong nagsisinungaling ito sa akin dahil alam kong laging kasama ni Jokos si Mr. Rod sa mga lakad nito. Malamang ayaw nito akong makausap o makita manlang. Nasa ganun akong sitwasyon ng makita kong may lumalabas na puting sasakyan mula sa loob ng mansyon. Napatingin ako dito. Huminto ito at bumukas ang pinto at lumabas ang isang matanggkad na babae. Ito ang babaeng kasama ni Jokos noon ng umuwi itong lasing.''Anong ginagawa mo dito?'' tanong ko dito pero tumawa lang ito sabay sabing.''Sa pagkakaalam ko ikaw ang dapat tinatanong ng ganyan. Bakit naririto kapa? Hindi kana asawa ni Jo
Dahan-dahan akong bumibitaw sa pagkakayakap sa akin ni Jhonsy at tumingin dito.Hinawakan ni Jhonsy ang mukha ko at pinunasan ng palad nito ang mga luhang masaganang lumalandas sa pisngi ko.''Patawarin mo ako Wency, naging mahina ako.'' Sabi ni Jhonsy habang nakatingin sa mga mata ko. ''Nakahanda na akong ipaglaban ka. Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin Wency.'' lumuluhang sabi nito na inilingan ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo nito ng makita nito ang pag iling ko. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Jainah.''Tama na muna 'yan. Sa loob na kayo mag-usap ipaghahanda kona rin kayo ng kape.'' offer ni Jainah na agad kong sinang ayunan.''Tama sa loob na tayo mag-usap Jhonsy.'' sabi ko dito saka ako bumitaw sa pagkakahawak nito at naglakad patungo sa loob ng bahay ni Jainah. Napaupo ako agad ng marating ko ang maliit na sofa. Pakiramdam ko kasi ay nanlalambot ang buong katawan ko. Umupo din sa tabi ko si Jhonsy at muling hinawakan ang kamay ko. ''Ayos na ba pakiramdam mo?
Nakapikit pa ang aking mga mata ngunit nasisilaw na ako sa mumunting liwanag na naaaninagan ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tsaka ko nilibot ang paligid. Tinignan ko ang gilid ng kama wala na si Jokos sa tabi ko. ''Lagi nalang ganito. After ng sex namin ay wala na kaming usapan pagkatapos.'' mahinang usal ko sa sarili ko bago dahan-dahan na umupo sa kama at tumayo ng bigla akong makaramdam ng pangangasim ng sikmura at agad akong napatayo at nagtungo sa restroom at doon sumuka. ''Ang sama ng pakiramdam ko.'' mahinang sabi ko sa sarili ko bago ko pinunasan ang labi ko. Maya-maya pa ay may kumatok sa kwarto. ''Bakit?'' tanong ko.''Nakahanda na po ang inyong agahan Madam.''''Sige susunod na ako.'' sagot ko dito bago ko narinig ang mahinang yabag nito palayo. Humarap ako sa salamin at saka ko sinipat ang sarili ko. Nakita kong maputla ako at halatang may nararamdaman. Nagpahid ako ng lipstick at naglagay ng kaunting blush on bago tuluyang lumabas.''Nasaan ang Sir n'y
Jokos MontreosThirty minutes na akong late sa usapan namin nila James at Tress pero hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ako ng kotse dahil sa matinding trafic.''Mr. Rod, paki tawagan mo ang Madam ninyo na hindi ako agad makakauwi dahil may lakad ako.'' sabi ko kay Mr. Rod na agad nitong tinanguan at pinadalhan ng mensahe si Wency.''Nasabi ko na po kay Madam, Sir.'' maigsing sabi nito na agad kong tinanguan. Saka ako tumingin sa labas ng bintana at napailing. ''Sa lahat ng ayoko ay ang traffic.'' bulong ko saka ako muling napabuntong hininga. lumipas pa ang ilang minuto narating ko rin ang bar na pag aari ni Tress.Pumasok ako at nilibot ang tingin nakita ko sina James at Tress nakaupo habang umiinom. Lumapit ako sa dalawa na agad nilang napansin. Saka ako nginitian.''Buti nakarating ka? Akala ko puro ka nalang talaga pag-papayaman eh.'' Sabi ni James bago muli tinungga ang alak na nasa kopita.''Anong problema ng isang 'yan? imposible namang babae? Wala sa tipo niya ang magkaka
''What? Call him I need to talk to him.'' maarteng sabi nito na gusto kong sampalin ng katotohanan na ako ang asawa dapat ako ang nag re-react hindi siya. Ako nga asawa 'di tinatawagan siya pa kaya.''Pasensya na kung gusto mo bumalik ka nalang.'' sabi ko dito na lalong ikinataas ng boses nito. At konti nalang magwawala na ito.''I said call him.'' Sigaw nito. Buti nalang at may dumating na isa pang lalaki at agad na inawat ang babae at humingi ng pasensya sa akin.''Pasensya na Miss. Ako nga pala si Tress kaibigan ng Boss mo. At siya naman ang kapatid ko.''''Gano'n po ba? Okay lang po. Ang kaso lang po ay wala po si Mr. Montreos nasa Canada po ito at may inaasikaso. Kung may kailangan po kayo bumalik nalang po kayo sa ikatlong araw.'' sabi ko dito na tinanguan nito saka binalingan ang maarteng babae.''Umuwi kana Sherah,'' utos ng lalaki. Pero imbes na sumunod ang babae ay tinaasan ako nito ng kilay mula ulo hanggang paa.''Ayoko.'' makulit at maarteng sabi muli ng babae. Na agad ik