August's POVHindi ako nakasali sa naganap na pagpupulong dahil bagsak ang katawan ko ng makabalik kami sa inn. Pagod na pagod ako na hindi ko maintindihan. Nagising ako na hindi ko na alam kung anong oras na basta gabi na. Si Pearl naman ay kasama nila Cayden. Medyo nawiwili na ito sa bata at okay naman din yun sa akin dahil nakakapagod din yung ako lang lagi ang nag-aalaga.Bumangon na ako at naligo dahil magaan na ulit ang pakiramdam ko. Ako lang ngayon mag-isa sa kuwarto baka naman talagang hindi pumasok sina Gen para hindi ako maistorbo dahil madaldal pa naman yun.Matapos kong maligo ay naghanap ako ng maisusuot pero nangunot ang noo ko ng isang set na lang yung natitirang damit ko. Sapat para bukas. Hala ka, anong susuotin ko nito ngayon na pangtulog? Hindi ko naman kasi inasahan na magtatagal kami dito ng ilang araw. I thought it would just be like, 2 days."Oh may problema ba?" Biglang tanong sa akin ni Gen na nakapasok na pala.Napatingin naman ako rito. "Wala akong pantulog
August's POVGusto kong mapanganga pero hindi ko magawa dahil papasok ang tubig sa bibig ko. Katangahan lang kung gagawin ko yun. Ang ganda! Parang hindi siya nabigyan ng justice sa panaginip ko! Pero kunsabagay eh panaginip lang naman yun. Pero ang linaw linaw ng tubig! Oo mahapdi sa mata pero alam kong makakasanayan ko rin ito pero ang ganda ng paligid! Kulay asul at berde at nahahaluan ng pula dilaw, puti, at kung ano pang kulay dahil sa coral reef at mga isdang lumalangoy.Pero napakurap kurap na lang ako. May mga nakikita akong lumalangoy pero malayo ito sa inaasahan ko. What the fuck am I seeing? They are mermaids right? Then why are they look like that?Bakit mukhang mga alien? But shit, di ba mga alien naman talaga sila? Ba't ba ako nagtataka pa? Pero teka, bakit parang sugatan yung isa? Anong nangyayari? Gusto kong magtanong, pero hindi ako makapagsalita. Paano ko naman kasi gagawin yun?Napatingin naman ako kay Gen na biglang sumenyas sa akin.😳
August's POVThis feels so awesome. Paano ba naman kasi nakasakay lang naman kasi ako sa isang malaking dolphin. Yep, you read it correctly. A freaking huge bottle nose dolphin. Oh di ba identified ko pa? Para itong kabayo pag nandito sa ilalim ng dagat at water horse naman kung nasa ibabaw. Bakit kaya water horse pa ang tawag nila dun, kung pwede naman pangalan nilang sea horse yun. Mas bagay ang sea horse dun kesa water horse. Pero hindi ko na masyadong inisip yun dahil nakaka-stress lang.Napatingin ako sa buong hukbo. Hindi ko mabilang kung ilan talaga kami. Basta marami kami na pakiramdam ko ay susuong kami sa isang malaking gyera na parehong kaharian ang mga nakataya. Macedonia versus Troy, parang ganun lang ang datingan. I bet you are not familiar with greek history. Patuloy lang kami sa paglangoy at mabilis nga ang nagiging paglangoy namin. Si Pearl naman ay mahigpit ang pagkakapulupot sa akin, mukhang natatakot ito na baka maiwanan namin. Sa bilis kasi ng langoy ay parang kal
August's POVNakalabas na ako ng ospital pero shookt level 999 pa rin ang status ko. Paano ba naman kasi, pinahirapan na namin ang mga sarili namin eh kusang lumapit na pala sa amin yung hinahanap namin. Hindi nga lang namin naisip yun. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang isang madungis na bata eh yun pala ang Aqua Siren. And the worst is, she holds the power of perfect healing. Siya ang gumamot sa akin pero nakatulog ako ng tatlong araw dahil kahit nagamot na ako ay hindi naibalik sa akin ang aking lakas. They said, she is not a full mortal, half of her is a deity. Yun ang sabi nina Gen kaya sobrang awkward ng feeling tuwing tatawagin niya akong mama. Diyos ko, anak ko ay isang kalahating dyosa, ano? Aarte ka pa? Hahaha.Binigyan pala ako ng cellphone ni Cayden. Hindi ko alam kung anong nakain nun. Nagpost ako ng status tungkol sa shooktness level ko. Hindi ko pa alam kung may naglike ba o wala. Hindi naman ako madalas magfacebook dahil hindi ko naman yun nakahiligan dati, but n
August's POVIt's been two days and I do nothing but stare aimlessly. I learned two things. Do not love. Do not trust. All I wish right now is to gain back my old self. The me that has no feelings. The me that doesn't care. I already stopped crying. It felt like the load has been lift up. Oo, malungkot ako pero hindi na kagaya noong una na pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sakit.Gen did not fail to visit me. According from her, she made an excuse to my professors. The team is looking for me but Gen did not gave any word on my whereabouts. I know I might be crazy but I can't help to think, if Cayden is looking for me. Is he? I guess not, because this is what he wants. I decided to move on. I decided to look for answers. I wanted to go back to earth.I stood up and went to my closet. I wore just a walking pants and a t-shirt. I will go to the town and look for ways to open the portal by doing it legally or not.I left Pearl to her nanny. She did not insist on going with me. I notice
Genieva's POVNababadtrip pa rin ako kay Cayden hanggang ngayon. Walang alam ang iba sa katotohanan. Maliban sa amin ni Lucas. Hindi ko kasi mapigilan na hindi sabihin sa kanya kasi kaibigan naman din siya ni August. Kaya hayon nagalit din si Lucas pero hindi naman ito tulad ko na talagang aawayin si Cayden dahil sa asar. Umaakto pa rin itong normal. Hindi kagaya ko na abnormal na."Hindi pa rin ba babalik si August?" Tanong ni Lucas sa akin.Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko alam kung babalik pa ba si August o ipagpapatuloy na nito ang hindi pagpasok. Alam naman namin lahat na napipilitan lang siyang pumasok rito sa Academy dahil na rin sa Hari. Malakas ang kutob ko na naghahanap na ito ng paraan lara makabalik sa earth. Natatakot ako na baka malaman nito ang paraan ay talagang mawawala na ito ng tuluyan."Hindi ko alam Luke, yang pinsan mo kasi, sarap tapyasan." Naiinis na saad ko.Hindi ko talaga alam kung ano ang trip nitong si Cayden. Alam na alam ko naman na mahal na mahal niy
August's POV Maaga akong nagising kaya naligo kaagad ako. Hindi ko naman alam kung saan ko iiwan si Pearl. Wala itong nanny rito dahil may lakad daw yung nagbabantay rito at hindi kaagad nahanapan ng kapalit dahil biglaan naman daw yung pagbalik ko. Kaya isasama ko na lang si Pearl. The teachers and headmaster knows who is Pearl kaya hindi nila ito pwedeng pagbawalan.Kumain na muna kami sa dorm at maaga na rin kaming umalis. Hindi pa kasi ito nakakapag-ikot sa buong academy kaya balak kong iikot ito habang hindi pa nagsisimula ang klase."That is the Celestial Circle." Saad ko kay Pearl na nakatingin ngayon sa building ng CC."Big." Komento naman ni Pearl."Yes. It's big." Sang-ayon ko naman pero mas malaki ang building ng Knight Circle. "Let's go, I'll show you the garden." Saad ko kay Pearl at hinawakan ko na ulit ang maliliit nitong kamay at naglakad. Hindi ito nagpakarga ngayon.Hindi naman malayo ang nilakad namin at narating na namin ang Garden. May mga bushes na nakaporma na
August's POVNapapailing na lang ako kay Lucas. Wala itong ginawa buong araw kundi ang sundan ako. Nananadya pa talaga kasi pag nandyan si Cayden biglang nagtatransform ito at nagiging isang nakakakilabot na romatikong lalaki ito. Peste, nananayo balahibo ko kung tuwing nagiging ganun siya! I just can't see myself na kaharutan itong si Lucas.Hindi ko rin alam kung bakit ganun paraan ang revenge na tinatawag nila kay Cayden eh hindi naman yun maaapektuhan at tsaka ano ba ang nagawang kasalanan ni Cayden rito? Sa akin kang naman may atraso yun and they got nothing to do with it. Mga sira lang eh. Si Gen naman todo support. Nananadya pa talaga din dahil kung nandyan si Cayden todo support sa tukso din itong babaeng ito.Wala kaming ginagawa ngayon dahil sabado at maya maya lang ay aalis na kami dahil sa gagawing meeting ng dating hari at reyna.A/N: shocks! Excited ako!This will be my first time seeing them at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil narinig ko na sila sa mga
Cayden's POVAgad akong tumakbo ng mabilis ng makita ko si King Laurent na patungo kay August para saksakin ito. Alam kong maaabutan ko ito kaya agad kong niyakap si August at tangkang magteteleport sana pero nakarinig na lang ako ng ungol mula sa aking likuran. Napahinto ako at hindi kaagad ako nakagalaw."Pity, you saved your ............love, while he saved his love. My death, is not for nothing after all. I may be dead, but still............. I............won." Dinig kong saad ni King Laurent sa nanghihinang boses. Dinig ko na may bumagsak at may sumunod din."August!" Nahindik na tili ni Gen. Nakita ko na nagtangkang tumakbo si Gen pero pinigilan ito ni Lucas.Parang biglang nanlamig ang katawan ko. May biglang pumasok sa utak ko at nababalot ako ng takot ng hindi ko siya makita sa grupo nina Gen."Oh my god..." nahindik din si August na ngayon ay nakatingin sa likuran ko.Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad na akong lumingon para tingnan ang nangyayari. Horror filled my
A/N: I created something that will visualize the twins. I hope you will like it. August's POVMy eyes were trained to a certain point where the chaos is going on. Wala ni isa sa amin ang nakagalaw sa gulat. Ang mga mata ko ngayon ay nakatingin sa isang pigura na namumukod tangi mula sa mga halimaw. He has red cape and a crown but he doesn't look human. May palagay na ako kung sino ito, and the fact na may ideya ako kung sino ito ay inaatake na ako ng kaba.That thing is the king of Orcs. King Laurent. He is ridding a war carriage na imbes na kabayo ay dalawang hell hounds ang humihila rito. He looks demonic at kinikilabutan ako tuwing napapatitig ako sa mukha ni King Laurent."Hahahahahahahahaha!" Halakhak ni King Laurent habang papalapit ito sa amin. Parang gusto ko naman umatras pero pinigilan ko ang sarili ko, but my instinct is screaming that he is dangerous! Alam kong hindi rin kaya ng kapasidad ko ang labanan ito. "You manage to somehow, defeat my frontline.." nakangising saad
August's POVKinikilabutan ako habang nakatingin sa matayog na entrada ng Academy. Nakakabinging tunog ang nanggagaling dito dahil na rin sa malakas na pagbunggo ng mga orcs. Hindi ko alam kung ano ang gamit nila para gawin yun. Kahoy o mismong katawan nila? Hindi ko alam."Hindi tatagal ang harang kung patuloy yung pagbunggo nila." Saad ni Kaye na halata ang pag-aalala sa mukha nito."Alam ko. Kahit gaano pa katibay ang pundasyon, mababaklas pa rin yun sa desperadong mga orcs." Saad ko naman na may halong hugot. Ganun talaga eh, anong panama ng maganda sa desperadang malandi? Hahaha.Pero bago pa makapagreak ang iba ay biglang kumalabog ang harang at lumangitngit ito ng malakas kasabay ng pagkatumba nito at lumikha ito ng nakakabinging ingay at makapal na alikabok.Napapikit ako dahil muntikan na akong napuwing. Agad naman na humarang si Angel Grace at gumawa ito ng shield para hindi kami patuloy na tamaan ng mga nakakapuwing na alikabok dahil baka habang nakapikit kami ay umatake na
August's POVPilit kong iniiwasan silang lahat. I stayed in my room o kaya naman ay lumalabas ako at kung saan saan ako ng parte ng Academy tumatambay. Library doon sa may sulok o kaya sa laboratory o sa maze garden. Nagtetake out na rin ako ng pagkain. Ayokong kumain sa pantry dahil makikita ko lang din sila doon. Sa kuwarto na rin ako kumakain.Nandito ako ngayon sa kuwarto ko. Binabalak kong pumunta sa library. Wala naman klase kasi. Pasalamat ko lang. I need to check some books in the restricted section. May access naman ako doon dahil isa akong Elite. Weird, I still have the position even though the real August is back. Pero ano ba ang karapatan niya? I was the one who earned this position at hindi naman siya. I defeated Venna with my own skill kaya wala talaga siyang karapatan dahil kung eepal siya, talagang masasapak ko ang pagmumukha niya.Lumabas na ako ng kuwarto at sa kamalas malasan ay nandoon silang lahat sa baba na tila may hinihintay. I walked held high pero hindi ako n
August's POVInaayos ko ang higaan ko dahil ngayon na ako makakalabas mula sa hospital. Nakaramdam pa rin ako ng pagtatampo ng hindi man lang talaga bumisita sina Gen. Gaano ba sila ka busy? Ni wala nga akong narinig na balita sa kanila. Or maybe because I am useless to them since I got injured. With that thought, it makes me really sad."August! Nakauwi na ang Elites!" Tili naman ni Alice na humahangos papasok sa kuwarto.Ngumiti naman ako rito. I did not feel any excitement at all dahil mas nangingibabaw yung pagtatampo."Okay." Sagot ko lang rito at inayos ko na ang sarili ko. Minsan itong si Alice insensitive din eh. Napansin naman ni Alice na parang wala ako sa mood kaya hindi na niya ako pa kinulit. She's the only one who stayed by my side when the time I need help. I don't remember anyone went to visit me o nangumusta man lang kung okay lang ba ako o kung buhay pa ako. And now, she's saying they are back. I completely understand that they went in a mission but why do I still f
August's POV"Misha! Totoo ba ito? Nakabalik na ako?" Halos hindi ko makapaniwalang tanong. Sa naalala ko kasi ay nasa Pandora pa ako at sugatan."Oo August... mabuti at nakabalik ka na. Ang tagal ka namin hinanap." Naiiyak na saad ni Misha."Sorry na, hindi ko naman kasi alam na hihigupin ako patungo sa ibang planeta." Nakangusong saad ko. Pero sa totoo lang masaya ako dahil sa wakas ang nakauwi na ako. I don't belong there anyway."Sana kasi isinama mo ako! Alam mo bang ang hirap ng buhay dito ng wala ka? Halos hindi na ako makalabas ng bahay. May naka-abang na mga gangster sa labas ng school kasi hinahanap ka. Pati yung mga underlings mo, kinakawawa ng ibang grupo." Reklamo nito ulit."Tss, oo na. Pero malay ko ba na mapupunta ako doon? Kung alam ko lang sana eh di sinabihan na kita para picnic tayo doon." Asar na saad ko rito.Talagang nainggit pa ito eh ako nga atat na atat na makauwi. Hindi ko lang talaga inakala na nakauwi na ako. I thought, I will die there in Tierrabithea Tr
August's POVHalos dinaig pa ng paligid ko yung school ground namin dahil sa linis. Hindi rin ako sigurado sa mangyari, basta mainit ulo ko gusto kong manapak kaya dito sa mga tuyong dahon ko ibinunton ang inis ko at pinagsisipa ang mga yun.Natipon na kasi ata yung asar ko. Una, doing a mission without any concrete plans. Second, we are looking for something that we don't even have any idea what is it. There are no even clues, no evidence gathered. Tapos ako yung taong tipong susugod kung meron ng mga nakalap na impormasyon. Sa palagay niyo, hindi ako sasabog? Ilang beses na akong nagreklamo sa loob ng utak ko. Pinilit kong hindi magreklamo dahil alam ko naman na may sarili silang paraan pero nakakabanas ng sobra lang. Talo pa namin ang mga baguhan eh.Napatingin naman ako sa mga medyo hindi naman kalakihang mga puno kumpara sa iba. Anong nangyari sa mga ito? Bakit nabuwal ang mga ito? Pinilit kong alalahanin kung nabuwal na ba ito bago ako dumating. Pero hindi ko talaga maisip! Hind
August's POVI didn't know how was I able to sleep last night. Last night was a nightmare. We did not do anything but just sit and waited to those ghost fade away and their screeching scream is nerve wrecking. I bet, I already have another set of bags under my eyes.Lumabas ako sa tent and I saw everyone how busy they were. But I was stopped by the wild grumbling in my stomach. Tama, ni hindi ko magawang kumain kagabi kahit nagutom ako. Sino ba naman kasi ang makakaramdam ng gutom kung napalibutan ka na ng multo. May pagkain naman pero hindi ko mapilit ang sarili ko na kumain. It's hard for me. My fear with ghost is way more than my hunger.Biglang nanubig na lang ang bagang ko ng makaamoy ako ng inihaw na isda. Agad kong sinundan ang amoy na parang may sariling isip itong mga paa ko at talagang alam na alam ng instinct ko kung saan galing ang amoy. And there I saw my group they are in circle and grilling with a man made bonfire."Hey, it's good that you are awake. This is almost done
August's POVNawala ang tugtog na narinig namin ng marating namin ang parang isang mga batong ruins na may mga baging pa. Pero halos hindi naman kami nakagalaw ng sabay na may tumutok sa aming mga sinat. Agad namin nakita ang mga tribo na maiitim ang mukha. Uso na sa kanila ang clay mask? Pero imposibleng clay mask ito dahil alam ko na hindi. Parang pinagsasampal yung mukha nila ng puwet ng caldero."Mga dayuhan! Anong pakay niyo at naligaw kayo sa aming teritoryo?!" Matapang na tanong ng isang malaking lalaki na nakabahag lang na may dalang sibat at parang ano man maling galaw na gagawin namin ay itatarak nito ang sibat sa amin.Hindi ko magawang magsalita! Tila nabato na ako sa kinatatayuan ko. We might be strong be we are totally out numbered. I am hesitating if I have to move or not. Pero akmang gagalaw na sana ako at tatalon ng may pumugil sa akin. Agad kong nilingon at nakita ko kaagad na nakatingin sa akin si Cayden at umiling ito ng konti, giving me signal to not do whatever I