Pag galing ni Geleen sa ospital agad siyang nagtungo sa mga jewelry store. Desperada na siya na magpakasal silang dalawa ni Xavier pag nakalabas ito ng ospital kahit na simple lang ang mahalaga silang dalawa ang magkasama. Nasa loob siya ng Mall at kasakukuyang namimili ng singsing. Isang pang proposed at ang isa naman ay ang couple ring nilang dalawa. Para sa kanya ang pagkaka amnesia nito ay blessings sa kanya. "Miss, how much is this one?" tanong niya. "500,000 pesos for that and this one is almost 1.5 Million pesos." sagot naman ng staff. "Oh! I'll get it. This is my card." wika niya sabay abot ng card na hawak niya. "Okay, I'll swipe it first." sagot nito. At nang matapos ibinalik na rin sa kanya ang card nito. Itinago na niya ang card ni Xavier sa kanyang bag. Ibinigay sa kanya nito at sinabihan siyang bumili siya ng kahit anong gusto niya ng makabawi naman daw ito sa pag-aalaga niya sa kanya. "Pero, hindi naman siguro siya magagalit kung ibinili ko ng singsing namin ang
At dahil sa ginawa ni Xavier nagkalat ang dugo niya sa sahig at kung saan saan pa. Nataranta ang kanyang Mommy kaya nabitawan niya ang buhok ni Geleen, diretso siya sa intercom para tumawag ng nurse. Walang tigil sa pagsirit ang dugo ni Xavier halos maduwal duwal na si Geleen. "Look what you have done. Lumayas ka nang babae ka bago pa kita mapatay." malakas na sigaw ng ginang ngunit hindi nagpatinag si Geleen at hindi ito pinansin kahit na ano pang sabihin niya. Nang pumasok ang mga nurses at doctor agad silang lumapit kay Xavier na malapit nang maubusan ng dugo. Agad nilang inayos ang dextrose nito at nilipat muna ng ibang room para malinis amg kanyang kwarto. Pinagtulungan siyang ilipat ng limang nurses sa kabilang stretcher bed at itinulak palabas ng pintuan. Nakikipag unahan si Geleen sa ginang pero, inawat siya ng Nurse. "Ma'am, ang relatives muna ang pwedeng magbantay. Medyo trigger pa ang patient at kailangan nitong magpahinga. "Do you hear it? So, get lost." bulyaw ng do
Habang si Hailey naman ay nagbalik sa kumpanya para mag asikaso ng mga naiwan ng kanyang Daddy. Nasa loob siya ng MGC nang dumating ang secretary ng daddy niya. "Good Morning ma'am, nandito po ang mga updated report ilalagay ko na lang sa table mo." sagot niya. "Okay, thank you. " nakangiting sagot ni Hailey at binalik ang kanyang atensyon sa pagrereview mg mga files at project pa na naiwan. Hindi kasi maasikaso ng Mommy niya ang lahat at may kumpanya rin itong sarili na galing naman sa mga magulang nito na namatay na. Marami siyang napasing anumalya ngunit hindi niya muna sasabibin sa kanyang Mommy ang lahat at kailangan niyang makausap muna ang nasa audit at Treasurt department bago siya gumawa ng hakbang niya. Ayaw niyang may mapahamak kung sakaling nagkamali lang siya. Mas gusto niyang sigurado na ang lahat ng evidence na hawak niya bago siya magsumbong sa Mommy niya. Pasado alas onse na siya nakaramdam ng gutom. Agad siyang nagbukas ng drawer para kumuha ng tinapay na kak
At dahil sa nangyari minadali na talaga ni Geleen ang kasal nila. Tinantya niyang wala ang Mommy ni Xavier ng araw na iyon at sinama niya ang reverent na binayaran niya para ikasal lang sila nito. Ganon na siya kadesperada at kaya niyang gawin ang lahat ng ito. "Babe? Where have you been?" tanong ni Xavier ng mabungaran ang babaeng mahal na ilang araw ng hindi dumalaw sa kanya kaya natakot siya na baka hindi na ito ulit bumalik. Hindi niya napansin ang suot nito at maging ang kasama nitong dumating. "Babe, long story. Pero, nandito na ang magkakasal sa atin." sagot ni Geleen at halatang desperada na talaga siya. "Ha?? Bakit ngayon? Babe, naman ganito kalagayan ko kasal ang iniisip mo?" tanong ni Xavier na nagulat sa nangyari. "Ahmmm! Sorry babe akala ko naman ito ang gusto mo?" sagot niya sabay lungkot ng mukha. "Oo babe gusto ko pero, hindi dito at hindi ganito ang kalagayan ko." sagot ni Xavier. "Miss Geleen, talk to your groom first, before I leave." wika ng reverent
Mabilis lumipas ang bawat mga araw dinala sa ibang bansa si Xavier para doon magpagaling at wala ng balita pa si Hailey dito. Kabuwan na rin niya at anumang oras manganganak na siya babae ang anak niya. Last check niya kanina at well ready to deliver na ang baby girl niya na pinangalanan niyang Havannah. Kanina pa nga nasakit ang balakang, likod niya. Pakiramdam niya lalabas na talaga ang bata. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya at maya maya lang nakaramdam na siya ng pagsabog ng kanyang panubigan. "Help! Help meeeeee." malakas na sigaw niya. Habang ang Mommy naman niya ay busy sa sala nang marinig siya ng maid na dumaan sa kwarto niya at agad siya nitong kinatok. "Ma'am Hailey, ayos lang ho ba kayo?" tanong nito. "A-Ate J-Josie, pakitawag si Mommy manganganak na ako." utal utal na sagot niya. At hindi na niya mapigilan ang sakit kanyang nararamdamang sakit. "Sige, sige Ma'am Hailey." natatarantang sagot ng kanilang Maid.
Two Months ago.. "Babe, ano positive na ba?" excited na tanong ni Xavier sa kanyang asawa. Lumungkot ang kukha ni Geleen. "Negative pa rin babe. Hindi ko na alam kung bakit hindi pa rin ako mabuntis buntis." tanong nito. "Subukan na lang nati babe." sagot ni Xavier para palakasin ang loob nito. "Paano kung wala ng pag-asa babe?" balik na tanong nito. "Babe, hwag mong sabihin yan. Habang may buhay may pag-asa ka. Gusto mo bang magpa check-up tayo?" tanong niya. "Hindi na siguro babe. Natatakot ako e, baka may problema ako." sagot niya. Hinawakan ni Xavier ang kamay nito at biglang may pumasok sa isip niya at nakita sa balintataw niya. (Ney, saan natin igagala si Harvey?" tanong niya sa babaeng kausap na hindi naman niya kilala.) (Kahit saan, ney." sagot ng babae.) Natigilan siya ng marinig niya ang boses ni Geleen. "Babe, are you alright? Kanina ka pa tulala dyan. Anong iniisip mo? Sabihin mo naman sa akin, baka dinadamdam mo na ha." saad nito. "Ang alin? Ang
"Babe, aren't you sleeping? Akala ko ba sasamahan mo ako bukas magpa check-up?" tanong nito ng makitang magkasama ang mag-ina sa labas at tila may pinag uusapan. Hindi siya papayag na lalayasan siya ng kanyang asawa. Kaya ayaw niyang nakakasama nito ang Mommy Sofia niya at kung ano-ano ang pinapasok sa utak niya. Naglakad siya palapit roon at saka naman umalis ang ginang. Ayaw talaga niya sa naging asawa ng kanyang unico hijo ngunit wala siyang magawa sapagkat ito ang pinakasalan nito. Nagkasukatan sila ng tingin na dalawa at himalang nag-iwas ng tingin si Geleen sa ginang. "Hindi pa ako inaantok babe, mauna ka na susunod na lang ako." sagot ni Xavier at inuubos pa ang kalahating alak na kanyang iniinom bago pa dumating ang Mommy niya kanina. Yumakap patalikod si Geleen, medyo nakakaramdam na kasi siya na tila nagbabago na ang kanyang asawa. "Babe, matulog na tayo! Please.." lambing niya kaso imbes na matuwa ito sa kanya parang nairita pa nga si Xavier. Kinalas niya ang pagka
Nag makalabas ng ospital si Hailey nar'yan si Xavier sa tabi niya. Ngunit, hindi na niya masyadong inaasahan na magiging maayos pa sila gayong alam niyang may asawa na ito. Siguro mas mabuting co-parenting na lang sila para sa anak nila. Karga ni Hailey si Havannah ng dumating si Xavier kasama si Harvey galing sa basketball court. Nakagawian na ng mag-ama na magbonding sa umaga lalo kapag walang pasok ang bata. Masaya na siya na ganyan ang set-up nila. "Mommy." malayo pa lang naririnig na niya ang boses ng kanyang anak na patungo sa kinatatayuan niya. Pawis na pawis ito at kasunod ang daddy nito na pawis na pawis rin pero, ang gwapo pa rin naman. Sinaway niya ang sarili sa mga inisip niya. Hindi na dapat siyang mahulog pa ng tuluyan dito dahil alam niyang ngayon pa lang siya rin ang talo. Ayaw niya ng umasa na naman tapos aalis na naman ito. Hindi na niya sinasanay ang sarili niya sa presensya nito at kung sakaling umalis na naman ito sa buhay niya ay hindi siya mahihirapan pa. A