At dahil sa nangyari minadali na talaga ni Geleen ang kasal nila. Tinantya niyang wala ang Mommy ni Xavier ng araw na iyon at sinama niya ang reverent na binayaran niya para ikasal lang sila nito. Ganon na siya kadesperada at kaya niyang gawin ang lahat ng ito. "Babe? Where have you been?" tanong ni Xavier ng mabungaran ang babaeng mahal na ilang araw ng hindi dumalaw sa kanya kaya natakot siya na baka hindi na ito ulit bumalik. Hindi niya napansin ang suot nito at maging ang kasama nitong dumating. "Babe, long story. Pero, nandito na ang magkakasal sa atin." sagot ni Geleen at halatang desperada na talaga siya. "Ha?? Bakit ngayon? Babe, naman ganito kalagayan ko kasal ang iniisip mo?" tanong ni Xavier na nagulat sa nangyari. "Ahmmm! Sorry babe akala ko naman ito ang gusto mo?" sagot niya sabay lungkot ng mukha. "Oo babe gusto ko pero, hindi dito at hindi ganito ang kalagayan ko." sagot ni Xavier. "Miss Geleen, talk to your groom first, before I leave." wika ng reverent
Mabilis lumipas ang bawat mga araw dinala sa ibang bansa si Xavier para doon magpagaling at wala ng balita pa si Hailey dito. Kabuwan na rin niya at anumang oras manganganak na siya babae ang anak niya. Last check niya kanina at well ready to deliver na ang baby girl niya na pinangalanan niyang Havannah. Kanina pa nga nasakit ang balakang, likod niya. Pakiramdam niya lalabas na talaga ang bata. Hanggang sa hindi na niya nakayanan at isang malakas na sigaw ang pinakawalan niya at maya maya lang nakaramdam na siya ng pagsabog ng kanyang panubigan. "Help! Help meeeeee." malakas na sigaw niya. Habang ang Mommy naman niya ay busy sa sala nang marinig siya ng maid na dumaan sa kwarto niya at agad siya nitong kinatok. "Ma'am Hailey, ayos lang ho ba kayo?" tanong nito. "A-Ate J-Josie, pakitawag si Mommy manganganak na ako." utal utal na sagot niya. At hindi na niya mapigilan ang sakit kanyang nararamdamang sakit. "Sige, sige Ma'am Hailey." natatarantang sagot ng kanilang Maid.
Two Months ago.. "Babe, ano positive na ba?" excited na tanong ni Xavier sa kanyang asawa. Lumungkot ang kukha ni Geleen. "Negative pa rin babe. Hindi ko na alam kung bakit hindi pa rin ako mabuntis buntis." tanong nito. "Subukan na lang nati babe." sagot ni Xavier para palakasin ang loob nito. "Paano kung wala ng pag-asa babe?" balik na tanong nito. "Babe, hwag mong sabihin yan. Habang may buhay may pag-asa ka. Gusto mo bang magpa check-up tayo?" tanong niya. "Hindi na siguro babe. Natatakot ako e, baka may problema ako." sagot niya. Hinawakan ni Xavier ang kamay nito at biglang may pumasok sa isip niya at nakita sa balintataw niya. (Ney, saan natin igagala si Harvey?" tanong niya sa babaeng kausap na hindi naman niya kilala.) (Kahit saan, ney." sagot ng babae.) Natigilan siya ng marinig niya ang boses ni Geleen. "Babe, are you alright? Kanina ka pa tulala dyan. Anong iniisip mo? Sabihin mo naman sa akin, baka dinadamdam mo na ha." saad nito. "Ang alin? Ang
"Babe, aren't you sleeping? Akala ko ba sasamahan mo ako bukas magpa check-up?" tanong nito ng makitang magkasama ang mag-ina sa labas at tila may pinag uusapan. Hindi siya papayag na lalayasan siya ng kanyang asawa. Kaya ayaw niyang nakakasama nito ang Mommy Sofia niya at kung ano-ano ang pinapasok sa utak niya. Naglakad siya palapit roon at saka naman umalis ang ginang. Ayaw talaga niya sa naging asawa ng kanyang unico hijo ngunit wala siyang magawa sapagkat ito ang pinakasalan nito. Nagkasukatan sila ng tingin na dalawa at himalang nag-iwas ng tingin si Geleen sa ginang. "Hindi pa ako inaantok babe, mauna ka na susunod na lang ako." sagot ni Xavier at inuubos pa ang kalahating alak na kanyang iniinom bago pa dumating ang Mommy niya kanina. Yumakap patalikod si Geleen, medyo nakakaramdam na kasi siya na tila nagbabago na ang kanyang asawa. "Babe, matulog na tayo! Please.." lambing niya kaso imbes na matuwa ito sa kanya parang nairita pa nga si Xavier. Kinalas niya ang pagka
Nag makalabas ng ospital si Hailey nar'yan si Xavier sa tabi niya. Ngunit, hindi na niya masyadong inaasahan na magiging maayos pa sila gayong alam niyang may asawa na ito. Siguro mas mabuting co-parenting na lang sila para sa anak nila. Karga ni Hailey si Havannah ng dumating si Xavier kasama si Harvey galing sa basketball court. Nakagawian na ng mag-ama na magbonding sa umaga lalo kapag walang pasok ang bata. Masaya na siya na ganyan ang set-up nila. "Mommy." malayo pa lang naririnig na niya ang boses ng kanyang anak na patungo sa kinatatayuan niya. Pawis na pawis ito at kasunod ang daddy nito na pawis na pawis rin pero, ang gwapo pa rin naman. Sinaway niya ang sarili sa mga inisip niya. Hindi na dapat siyang mahulog pa ng tuluyan dito dahil alam niyang ngayon pa lang siya rin ang talo. Ayaw niya ng umasa na naman tapos aalis na naman ito. Hindi na niya sinasanay ang sarili niya sa presensya nito at kung sakaling umalis na naman ito sa buhay niya ay hindi siya mahihirapan pa. A
Bumalik si Geleen ng bansa at nakipagkita siya kay Xavier. Ayaw sana nito kaso wala naman itong choice kundi sumunod lang. "Hailey, aalis muna ako." paalam niya rito. "Okay." simpleng sagot ni Hailey at hindi na lumingon pa rito. Alam naman niya na kung saan ito magpupunta. At hindi niya kailangang pigilan ito lalo na't wala naman siyang karapatan. Nang maka alis na ito naupo na lang siya. Naka ilang buntong hininga siya bago niya ibinaba ang anak niya sa crib. Kanina kasi narinig niya ang pag-uusap ng dalawa at kahit hindi niya sabihin ito alam naman niya kung sino ang kausap nito sa phone. "Hello." "Why did you call me, Geleen!" "I'm busy." "Okay, I'll go and wait for me." Ayon ang usapang narinig niya mula rito. Masakit pero, kailangan niya ng tanggapin at magparaya para sa totoong asawa nito. Nakatunghay siya sa anak niyang si Havannah.. "Anak, alam kong bata ka pa at hindi mo pa alam ang mga nangyayari sa paligid mo. Nagpapasalamat ako na ikaw ang naging a
Durog na durog ang puso ni Hailey ang makita ang eksena kaya naman pagkauwi niya ng Mansyon agad siyang nag empake para sa mga anak niya. Nakakunot naman ang noo ni Harris na kakabalik lang galing America ng makitang nag eempake ang kanyang Mommy Hailey. "Mommy, where are you going?" tanong ni Harris. Natigil siya sa pag eempake ng marinig ang sinabi ng anak. Hinawakan niya ang kamay nito sabay sabi. "Magbabakasyon muna tayo anak, ayaw mo bang sumama sa amin?" tanong niya rito. "Gusto Mommy pero, paano si Daddy? Ngayon ko na lang ulit siya makikita. Hindi pa ba siya nabalik?" tanong nito. Paano niya ba sasabihin sa kanyang anak na may iba ng asawa ang Daddy niya na hindi ito masasaktan. "Hmmm! Magkikita pa naman kayo ng Daddy mo anak this time gusto ko lang talagang mag bakasyon tayo." sagot niya at tinuloy na rin ang pag eempake ng kanilang gamit. Samantalang pabalik na si Xavier sa Mansyon na masayang masaya naibalita na rin siya sa Mommy ay byenan ang nangyari at masaya
"Hailey Montecillo, Will you Marry Me?" ulit niyang tanong. "Tumayo ka nga dyan, ano ba yang pinagsasabi mo?" tanong niya at nang lingunin niya ang paligid niya nakita niya ang mga anak niya sina Harvey, Harris at Havannah na ngayon ay kalong na ng Mommy ni Xavier. "Answer me muna bago ako tumayo dito." giit ni Xavier. "Ano bang kalokohan to? Hindi ba may asawa ka na, hindi mo ba naisip na masasaktan siya sa mga pinag gagawa mo." inis na sagot niya at malapit na rin siyang mapikon sa pinag gagawa nito. "Asawa, yes noon iyon. Pero, ngayon wala na. Kaya maniwala ka sa akin Hailey, dahil yan ang totoo." sagot ni Xavier at naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari. Napatingin siya sa kanyang Mommy at ngumiti ito. "Mommy??" usal niya sabay kunot ng noo at baling ulit ng mga mata sa harapan ni Xavier na ngayon ay mukhang hirap na hirap na sa pag luhod. "Hailey, answer me now." saad nito. "Teka, naguguluhan ako. Paano kita sasagutin gayong nakita pa lang kita na kasama mo a