Kabanata 49PABILING-BILING si Zierelle sa kanyang higaan dahil hindi siya makatulog nang gabing iyon. Agad siyang bumangon at napatingin sa buwan na tila nagmamalaki nang gabing iyon. May kung anong humahatak sa kanyang mga paa na dapat siyang umalis lalo na at kanina pa niya iniisip kung bakit tila malamig ang pakikitungo sa kanya ngayon ni Gabrielle. Wala rin naman siyang maisip na dahilan para maging ganon si Gabrielle sa kanya.Napaigtad siya nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tiningnan at mabilis niyang nabasa ang nakasulat na mensahe roon at ganito ang isinasaad:Chief, magpunta ka na ngayon sa dalampasigan habang saksi pa ang buwan sa pag-iibigan ninyo ng minamahal mong naguguluhan. Bakit hindi mo ngayon saksihan kung tunay nga bang ikaw ay kanyang minamahal?Gwyn.Halos ibato niya ang kanyang cellphone dahil sa nabasa. Mas lalong nagtagis ang kanyang bagang nang mabasa ang pangalan ni Gwyn. Nag-aalala siya kay Gabrielle dahil baka kung anong ginawa n
“KUYA, bakit hindi mo sinabi sa akin na si Col.Rolando Narciso pala ang aking ama?” umiiyak na tanong sa kanya ng kapatid na si Zephyrine. Maaga pa ay ito na agad ang kanyang naging bisita sa kanyang opisina at pagkarating lamang nito ay seryoso na kaagad ang pagmumukha nito kung kaya’t agad niya itong pinapasok sa kanyang pribadong opisina. Mismong siya nga ay nagulat sa isiniwalat nito dahil maging siya ay walang kalam-alam sa impormasyon tungkol sa tunay nitong ama kasi kahit na sa kanya ay ayaw sabihin ng nanay niya kung sino ang totoong ama ni Zephyrine. “Zyph, calm down. Maging ako ay hindi ko rin alam na si Colonel pala ang iyong ama. In fact, sayo ko lang nalaman ngayon ang katotohanang iyan,” pag-amin niya sa kapatid. Sad but he can’t find the exact words to say.“Kuya, panandaliang bumalik sa katinuan ang inay at pagkakita na pagkakita niya sa akin noong dumalaw ako iyon kaagad ang sinabi niya sa akin. Narinig lahat iyon ng isang babae at kamukha niya ang babaeng ipinost m
NAGPUNAS ng pawis si Detective Lee matapos ipakita sa kanya ni Zierelle ang lahat ng secret files na nakuha nila sa opisina ni Major Rosales. Naroon sila ngayon sa isang coffee shop at hindi sila nakauniporme upang hindi malaman ang kanilang pagkakakilanlan. Nag-disguise na rin si Zierelle bilang pag-iingat dahil alam niyang delikado na ang mga buhay nila simula ngayon.“I can’t believe this,” iiling-iling na wika ni Detective Lee habang pinapasadahan ng tingin ang mga binabasang dokumento.“Detective, nariyan ang lahat ng mga transactions ng sindikatong Crying Ladies. Mga transactions sa drugs at pagbili ng mga armas. Lahat ng mga transactions ay nakapangalan kay Major Rosales,”“Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na involve si Major Rosales sa sindikatong ito,”“Napagtagni-tagni ko na ang lahat. Mabilis na napromote si Major Rosales sa posisyon niya ngayon. Nakapagtataka diba? Siguro mayroong isang nakatataas na opisyal na pumoprotekta sa kanila pati sa kanilang sindik
“ANO na nga Chief? Puwede bang ikuwento mo na sa amin ang mga nangyari?” tanong ni Julian habang umiinom ng kape.Biglang sumeryoso ang mukha niya. “Ganito kasi iyan. Ipinakita ko kay detective Lee ang mga nakalap kong ebidensya at nag-usap rin kami ng mga sapantaha namin nang maya-maya pa’y may mga kalaban sa labas ng coffee shop na bigla nalang nagpaputok,”“Alam ko na Chief kung bakit ka nila sinusundan. Nasa sayo ang ebidensya na magdidiin sa sindikato nila,” kongklusyon ni Brent.“Alam ko Brent at hindi nila ako titigilan hangga’t hindi pa nila nakukuha ito sa akin. Unang hakbang pa lang iyon nina Major Rosales. Alam kong marami pa saying tauhan na saying maghahanap sa atin para patayin tayo,”“Paano na iyan? Kanino natin ipagkakatiwala ang mga ebidensya?” takang-tanong ni Julian.“Wala na akong ibang choice kundi itago muna ito. Hindi ko kasi alam kung sino ang kalaban natin at kung sino ang kakampi. Malay natin at nagtatago lang ang mga traidor sa tabi-tabi,”“Bakit hindi natin
HALOS mapaupo nalang si Julian dahil sa panlulumo nang maabutan ang sitwasyon ng kanilang inuupahang apartment. Tama nga ang sinabi ni Eris magulong-magulo ang lahat ng gamit nila. Ultimo basurahan nila ay hindi pinalagpas dahil nagbabakasakali ang mga taong iyon na baka nasa bahay nila ang ebidensyang hawak ngayon ni Zierelle.Bukod doon hindi lamang ang sitwasyon ng bahay niya ang inaalala niya kundi ang kalagayan ni Ashtear. Hindi niya alam kung nasaan ito ngayon kung kaya’t labis siyang nag-aalala. Marami nang negatibong isipin ang pumapasok sa isipan niya. Isa na roon na baka nakuha na naman ito ng sindikato.Napasabunot na siya ng kanyang buhok dahil hindi na niya ma-handle ang negatibong emosyon na nararamdaman niya nang mga oras na iyon.“Ashtear!” napasigaw nalang siya sa kawalan ng pag-asa.“J-Julian,” out of nowhere ay narinig niya ang tinig ni Ashtear sa di-kalayuan. Paglingon niya ay nakita niya itong nakatayo sa nakabukas na pintuan ng apartment nila.Hindi na siya nagda
“ANO Zierelle? Nagbibiro ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Ashtear nang makarinig siya ng tawag mula kay Zierelle na nasa ospital ngayon si Julian.“Ash, hindi ako nagbibiro! Hindi basta-basta gawing biro ang sitwasyong ito ngayon,” sagot ni Zierelle sa kanya sa kabilang linya.Naikuyom niya ang kanyang kamao. “Mga walang hiya talaga ang sindikatong pinanggalingan natin. Ayaw na ayaw nila sa mga traidor at wala pang kahit na sinong nabuhay magmula nang tumiwalag sa grupo,”“Anong ibig mong sabihin, Ash?”“Naging isa ka rin sa amin dati, Zierelle. Kaya’t kung merong mang higit na nakakaalam sa kalakaran ng sindikato, isa ka dapat sa mga iyon,”“Ngunit napakabata ko pa noong mga panahong iyon. Hindi na iyon importante Ash. Puntahan mo nalang ngayon dito sa ospital si Julian at ang sabi ng doktor ay kailangan niya munang i-confine dahil kahit na sa balikat ang tama niya ay may tinamaan pa ring buto,”“Sige, Zierelle, darating ako riyan. Hintayin mo ako,”“Sige. Ngunit delikado sayo
“SAAN na sila nagpunta, mga ugok?!” sigaw ni Gary sa mga kasamahan.“Basta nalang nawala sa paningin namin boss eh,” maktol ng isa pa.“Hala! Hanapin ninyo iyon at huwag na huwag ninyong hahayaang makatakas! Lahat ng pinto pasukan ninyo! Move!” sigaw niya sa mga kasamahan at mistulang isang maestro habang iwinawagayway pa niya ang kanyang kamay.Sinunod naman ng kanyang mga kasamahan ang kanyang utos. Lahat nga ng pinto ay pinasukan nila upang masiguradong nandoon nga si Ashtear nagtatago.“ASHTEAR, makinig kang mabuti. Kayang-kaya mo ito, okay? Ang kailangan mo lang gawin ay ang humiga diyan sa higaan ng mga patay sa morgue at magkumot ka. Hubarin mo na rin ang sapatos mo para magmistula kang patay. I know, any moment pupunta rin sila sa morgue’ng ito,”Napamulagat ang mga mata ni Ashtear dahil sa sinabi ni Julian. “Julian! Naloloka ka na ba?! Takot ako sa mga patay kaya huwag mo akong mautos-utusang tumabi sa kanila!” sigaw din ni Ashtear.“Ash, wala na tayong ibang choice. Magpapaa
GANAP agad na nakatulog si Gary pagkatapos siyang hampasin ng malaking pamalo ni Ashtear. Lalagyan na sana ni Julian ng posas si Gary ngunit biglang may nagpaputok kung kaya’t dali-dali naman na hinawakan ni Julian ang kamay ni Ashtear at nagmamadali silang lumabas sa maliit na pintong iyon kanina upang makabalik sila sa pinanggalingan nila.Sa bawat paghakbang ng mga paa nila ay sinisiguro nilang wala silang makasalubong na mga tauhan ni Gary. Nang maya-maya pa’y bigla niyang hinila si Ashtear sa likuran niya dahil nakita niyang may isang tauhan ni Gary na nag-aabang sa kanila. Mabilis niyang ikinasa ang kanyang baril at pinaputukan ang lalaki ngunit mabilis itong nakaiwas at gumanti rin ng putok sa kanya. Sunod-sunod na putok ang pinakawalan nito kaya’t minabuti na lamang nil ani Julian na magtago sa palikong bahagi ng pasilyo.“Julian! Nagdurugo na ang sugat mo!” nag-aalalang sabi ni Ashtear nang makita ang pulang likido na tumutulo sa bandang braso ni Julian.“Huwag kang mag-alala
abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan
“Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an
NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d
Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm
NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l
"GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na
Kabanata 64"MGA inutil na mga pulis iyan! Pinairal na naman nila Ang kanilang katangahan! Nasorpresa silang lahat nang malaman na ako ang founder at boss ng Crying Ladies!" Tumawa pa si Colonel Rolando habang sinasabi iyon.Nakitawa na rin si Gary dahil nagtagumpay na naman sila sa mga binabalak nila. Bumalik-tanaw sandali SI Colonel Rolando kung paano nila nalusutan at natakasan ang mga pulis. Pakiramdam niya talaga ay napakasuccessful niya dahil kahit na si General ay naisahan niya upang mailigtas si Major Rosales na siyang kanang kamay niya. Alam na niya agad na nahuli si Major Rosales at sasailalim na sa interrogation kung kaya't mabilis siyang napapunta sa interrogation and investigation room dahil may kutob siyang kailangan na niyang mailigtas SI Major Rosales . Syempre, dahil may posisyon siya sa kanilang departamento hindi na kwinestyun pa ng mga ito ang kanyang panghihimasok at pangingialam kahit na wala naman siyang Kaugnayan doon.Dati ay Isa na siyang miyembro ng Theatre
“GRECHELLE, dito talaga tayo matutulog?” nakangiwing wika ni Zypherine sa bagong kaibigang nakilala lang sa kalye.Pinasadahan niya ng tingin ang kinalalagyan nila ngayon na mistulang isang abandonadong bahay. Hindi pa naman siya sanay na hindi komportable ang pamumuhay. Lalo pa’t madilim ang lugar na iyon ngayon at tanging ang liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.Narinig niyang napabuntunghininga ang kanyang kausap. “Magtiis nalang muna tayo sa ngayon, Zyph. Wala naman tayong mapuntahan, ayoko namang bumalik sa shelter dahil baka mahanap ako roon ng tatay ko,” simulang pagkukuwento nito sa kanya.Nagtaka siya sa mga binitawan nitong salita. Ngunit bago pa siya ulit makapagtanong ay agad na itong tumayo at may kung anong kinuha. Maya-maya pa’y lumiwanag na ang buong paligid. At doon na lamang niya nakita ang kabuuan ng lugar kung saan sila ngayon naroroon. Isa nga iyong abandonadong bahay na tila maliit na bungalow lang. Mayroon namang bubong na yero ngunit kitang-kita ang mada
GULAT silang lahat pagkatapos na makita ang ganoong ipinakitang ugali ni Colonel Rolando kung saan tinutukan nito ng baril si Major Rosales habang hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi agad sila nakapagsalita lahat dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Makikita ang takot sa mukha ni Major Rosales dahil sa galit na ipinakita ni Colonel Rolando.“Madami na talagang sindikato ngayon ang nambibiktima ng mga kapwa nila tao. They are making other life miserable. At iyon ang hindi ko hahayaan. Ikaw Rosales, alam kong hindi ka nagsasalita at hindi mo manlang ipagkakanlulo ang iyong boss kasi alam mong ililigtas ka niya,” this time, nakangiti na si Major Rosales habang sinasabi iyon pagkatapos ay tinanggal na nito ang pagkakatutok ng baril kay Major at dumiretso na ito ng tayo. “At dahil hindi mo ipinagkanlulo ang boss mo, ililigtas ka niya,” wika ni Colonel Rolando sabay ngumiti ng nakaloloko. Ngunit bago pa makapag-react ang lahat ay mabilis nang kinalabit ni Colonel ang hawak nitong bari