MAJOR, napatawag ka,” masayang wika ni Colonel Rolando sa taong tumatawag.
“Tumawag sa akin si Zierelle, nanghihingi siya ng dagdag na kapulisan na reresponde sa kanila. Nagulat pa nga ako noong isend niya ang address. Nariyan pala sila sa hide-out mo,”salaysay ng lalaki.“Nagpadala ka naman ba?”“Siyempre hindi. Kapag nagtagumpay ang mga pakialamerong iyan, Colonel, siguradong malamig na selda ang hihimasin natin. Siyempre ayaw ko namang mangyari iyon,” may himig takot ang tinig ng nagsasalita.“Good,” halatang nakahinga siya ng maluwag.“Mag-iingat ka riyan Colonel. Be careful not to get caught,”Ngumisi si Colonel. “Sila ang mag-ingat sa akin. Sa oras na pumasok sila ng hide-out ko, dapat alam na rin nilang hindi na sila puwedeng makalabas, buhay man o patay,”“ASH, anong ginagawa mo? Bakit mo ako sinusundan? Pumasok ka na sa kuwarto mo at napakadelikado kapag nahuli tayong magkasama. Ayokong mapahamak ka,” wika niya sa babaeng napansin niya"TALAGANG tatapusin ko ito dahil ako ang nagsimula!” sigaw pa ni Gwyn kay Gabrielle na halos ikinabingi niya. Nakasabunot din ito sa kanya nang mga oras na iyon. Kung kaya’t ubod lakas niya rin itong sinasabunutan pabalik.“Wala akong kasalanan sayo. Kaya hindi ko alam kung ano ba talagang pinanggagalingan mo at galit na galit ka sa akin,” wika pa ni Gabrielle habang nagsasabunutan silang dalawa.Sumuntok ito bigla kung kaya’t natamaan siya sa mukha at napabitaw na siya sa kasasabunot ng buhok nito.“ Gusto mo talagang malaman? Galit na galit kasi ako sa mga taong nang-iiwan. Saka alam mo, nalaman kong isa ka pala sa mga taong iyon. Iniwan mo ang kapatid mo,”“H-hindi totoo iyan!” sigaw pa ni Gabrielle dahil naririndi na siya sa mga ibibintang nito sa kanya.“Iniwan mo ang kapatid mo sa ere. Hindi mo siya hinanap. Pinabayaan mo lang siya,” dagdag pa na pangingonsensiya sa kanya ni Gwyn kung kaya’t tinakpan na niya ang kanyang tainga dahil hindi na niya gustong mar
"BITAWAN mo ako! Bastos! Manyak!” ang mga salitang iyon ang isinisigaw ni Gabrielle dahil nandidiri siya sa lalaking humahawak sa kanya ngayon. Kinakaladkad siya ni Gary papasok sa isang kuwarto at mahigpit nitong hawak ang kanyang kamay.“Tumahimik ka muna Babes, mamaya naman ay paliligayahin kita kaya’t huwag ka nang maingay diyan,” ang sagot ng lalaki sa kanya na mas lalo niyang ikinapangilabot.Marahas siya nitong ipinasok sa isang kuwarto at pabagsak siya nitong itinulak sa kama.“A-anong gagawin mo?” kinakabahan siya sa maaaring gawin nito.“Ang kulit mo naman babes. Kanina ko pa sinabing paliligayahin kita,” ngumisi ulit ito sa kanya at babagsak sana ito sa tabi niya ngunit mabilis saying bumangon at kinuha ang di-kalakihang vase na nakalagay sa side table. Kapag nagkamali lang ng galaw ang lalaki ay ibabato niya rito ang vase na iyon.“Huwag kang lalapit kundi ang vase na ito ang hahalik sayo!”“Iyan ang gusto ko talaga sayo, matapang ka!” akmang lala
"STELLA, ginawa ko na ang gusto mo. Isinakripisyo ko ang buhay ng kaibigan ko para lang sayo,” lumapit si Lemuel kay Stella para sabihin iyon. Tumingin sa kanyang si Stella ngunit walang kaemo-emosyon. “Ginawa mo nga Lemuel and all I can say is congratulations,” she forced to smile upon saying that.Napakunot-noo si Lemuel. “Is that all, Stella?”“Yes. What are you expecting me to do?” balik-tanong ng babae sa kanya.“Ginawa ko iyon, Stella dahil sa pagmamahal ko sayo! Hindi pa ba sapat ang ginawa ko para mapatunayan ko sayong mahal kita!?” napalakas na ang tinig ni Lemuel nang mga oras na iyon at tumaas na rin ang boses niya dahil hindi siya makapaniwala sa mga ginagawa sa kanya ni Stella.“Ang hirap kasi sayo Lemuel, nagpapaniwala ka sa mga sinasabi ko. Masyado kang marupok. Ginawa ko lamang iyon dahil nais kitang subukan kung kaya mong traydorin ang kaibigan mo at nagawa mo nga,” ngumiti pa si Stella.“Napakawalanghiya mo talaga, Stella! Kahit kailan hindi mo m
TAHIMIK na napayuko nalang si Zierelle at sumaludo habang nakatingin sa mukha ng kaibigang nang-iwan na sa kanya. Nang-iwan dahil basta na lamang itong sumuko at hindi na lumaban upang mabuhay pa.Nais niyang sumigaw at magwala nang mga oras na iyon dahil nawalan siya ng isang kaibigan. Nais niyang mangratrat ng tao dahil sa nangyari. Nais niyang mahuli ang taong sinasabi nitong mastermind ng lahat ng ito.Kung kaya’t dahil sa galit niya ay kinuha niya ang baril na nakita at lumabas na siya ng kuwartong iyon. Kahit na sinong kalaban ang makita niya ay agad agad niyang binabaril. Kalaban na ang turing niya sa lahat lalo pa’t hindi niya kilala ang mga ito.“Sino pa ba ang mga matapang diyan!? Magsilabas kayo sa lungga ninyo!” malakas niyang sigaw. Mararamdaman mo sa kanyang sigaw ang matinding galit na kainlanma’y hindi nabuhay sa kanya. Ngunit ngayon, he might look like a monster for those people who are looking at him.Hindi na niya alintana ng mga oras na iyon ang mga b
HINDI na alam kanina ni Zierelle kung anong mararamdaman niya nang makita niya sa kanyang balintataw ang isang babaeng umiiyak at siya na may hawak na dilaw na payong. Naguluhan siya at nalito kung kaya’t naitulak niya palayo sa kanya si Gabrielle na ikinagulat din ng huli.Hindi nga niya rin lubos na maunawaan kung bakit bigla nalang sumusulpot ang babaeng iyon sa kanyang balintataw gayong si Gabrielle naman ang kaharap niya.May kaugnayan kaya ang dalawang babaeng iyon?Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo upang maiwaksi na ang ganoong isipin. Masyado na yatang palagi nalang sumusulpot ang babaeng umiiyak sa balintataw niya. Noong nakaraan pa naman iyon ngunit hindi niya maintindihan at nitong mga nagdaang araw ay parang lagi nalang sumusulpot ang babaeng iyon. Nahihiya nga siya kay Gabrielle dahil ganoon ang inasal niya rito ngunit iniisip niya nalang na lilipas din iyon. Hindi na niya iyon idinagdag pa sa iisipin niya at nagpokus nalang na pumikit upang makatulog.
INIS na inis si Gabrielle kapag naiisip niya ang naudlot na halikan nila ni Zierelle kanina. Hindi nga niya alam kung bakit bigla lang siya nitong naitulak gayong ito ang nauna na kumabig sa kanya upanag mahalikan siya.Maraming naglalaro sa kanyang isipan ng mga oras na iyon. Maaari kayang may ibang girlfriend si Zierelle kung kaya nakokonsensya ito na niloloko lamang nito ang girlfriend nito kung kaya siya nito itinulak palayo.Maaari ring may ex-girlfriend ito na hindi talaga nito makalimutan kung kaya’t tuwing hinahalikan siya nito ay ang ex nito ang naiisip nito. Nanlumo siya sa ganoong isipin. Kung ganoon pala na may ibang babae itong naiisop kapag hinahalikan siya o di kaya’y kapag magkasama sila, eh di ibig sabihin hindi siya nito totoong mahal? Napatingin siya sa natutulog na si Zierelle habang siya naman ay nakasandal sa pader at malalim na nag-iisip. Napatingin din siya sa iba niyang kasamahan na abala rin sa pagtulog. Napabuntunghininga siya nang makita si B
“S-Stella? K-kamusta ka? Anong ginagawa mo rito? Saan ka galing?” sunod-sunod na tanong ng kanilang principal kay Stella. Napaismid nalang si Eris.Pinasadahan niya ng tingin ang babae sa harapan niya. Madumi ang suot na damit nito, magulong-magulo ang buhok na mahahalatang walang suklay, at may punit-punit na ang suot nitong damit. Ang mukha naman nito ay may mga pasa particular na sa labi nito at sa mata nito. Ganoon din sa braso nito. Kahit na sinumang makakakita sa kalagayan ngayon ni Stella ay tiyak na maaawa sa kanya. Pero hindi niya alam kung ito ngayon ang panahon para paniwalaan niya ito. Dapat saying mag-obserba.“M-maam,” iyon lang ang nasabi nito ng may garalgal na tinig pagkatapos ay nanghihina itong napaupo sa silyang nasa tabi nito at pumalahaw na ng iyak.“Stella, sabihin mo sa akin kung anong nangyari sayo?” nag-aalalang tanong ulit ng kanilang principal sa babae.Ninais niyang maawa sa kalunos-lunos nitong kalagayan ngunit hindi niya magawa dahil ma
“GARY! Gary!” dumadagundong na tila kulog ang tinig ni Colonel Rolando noong tawagin nito si Gary sa opisina nito.“Bakit po boss?” nagmamadaling tanong ni Gary na hinihingal pa.“Magtatatlong araw na pero wala pa ring nangyayari sa mga artista ko. Naiinip na ako bilang director dahil lahat naman yata sila ay takot na lumabas sa kanilang lungga!” reklamo nito.“Ayan nga po boss ang sinasabi ko sa inyo pero may nalalaman pa po kayong actor at director kaya hindi ko na po alam kung anong sasabihin sa inyo,”“Heh! Tumigil ka nga riyan at hindi ko tinatanong ang mga iyan sa inyo! Hala! Bilisan mo at tipunin mo ang lahat ng tauhan natin at patayin ang mga hangal na pumasok dito sa lungga natin!” galit na sigaw ng Colonel.Hindi pa rin natinag sa kinatatayuan si Gary.“Ano ba, Gary! Bingi ka ba?! Sabi ko tipunin mo na ang mga tauhan natin at halughugin ang buong mansiyon ko kahit na mapagod man kayo sa kahahanap kung nasaan silang kuwarto nagtatago. Pagkatapos ay p
abanata 70“ANONG ibig mong sabihin? Huwag kang magmataas sa akin sapagkat isa ka lang batang yagit dati na inampon ko! Subalit nag-alaga lamang pala ako ng isang ahas!” sagot ng Colonel.“Puwes ang yagit na ito ang tatalo sayo. Hindi mo ba matanggap? Ang oras na yatang ito ang tamang oras upang makapagpasalamat ako sa lahat ng pagsasanay na ginawa mo. Sinanay mo lang pala ako upang kalabanin ka at masugpo ang sindikatong dati ay nag-alaga sa akin sa marahas na pamamaraan,”“Kung nalaman ko lang ng mas maaga, sana’y hindi na kita pinapasok pa sa serbisyo,” nagtagis ang mga bagang nito nang mapagtantong tila siya ay naloko.“I pity you, Colonel. Hindi pa sana huli ang lahat para sa inyo ni Gary basta’t mangako kang sasama ka sa amin ng maayos,”“Naloloko ka na ba?! Hinding-hindi ko iyan magagawa dahil wala sa bokabularyo ko ang pagsuko sa kahit na sinuman! Lalong-lao na sayo! Kung gayon wala na akong magagawa kundi ang patayin ang kapatid mo!?”“Kuyaaaaa!!!!” nahintakutang sigaw sa kan
“Damn! Alam niya namang delikado rito! Ihahatid pa niya ang sarili niya kay kamatayan!” inis na inis na sabi ni Major Rosales nang marinig ang sinabi ni Gary na papunta na ang anak niya kung saan ang kinaroroonan nila ngayon. Kung kaya’t nagmamadali saying nag-dial ng numero ng kanyang anak upang ito’y matawagan niya at mapigilan ngunit hindi ito sumasagot. Kung kaya’t naibato niya nalang ang two way radio na hawak dahil sa tindi ng kanyang inis.Nag-concentrate nalang siya sa pagiging alerto sa paligid dahil baka anumang sandali ay matunton na siya ng mga kalaban.MABILIS na nakapasok ang anak ni Major Rosales sa loob ng mansiyon na walang manlang katakot-takot. Suot niya ang kanyang pulang mahabang bestida na tinernuhan niya ng itim na sombrero. Sinong mag-aakala na ang kanyang pakay pala sa islang iyon ay ang makitang mamatay si Zierelle at ang babae nitong pinili sa halip na siya? Ito palang ang unang lalaking tumanggi sa kanyang kagandahan at iyon ang pinakaayaw niya sa lahat—an
NAKITA na nilang lahat ang mansiyon na nakatayo sa gitna ng isla. Habang nasa laot sila ay nakita na nila sa kanilang largabista ang ilang mga tauhang nakabantay sa labas ng mansiyon. Kaya’t upang hindi kapansin-pansin ang kanilang pagdating sa islang iyon ay lumampas sila sa naturang mansiyon at dumaan sila sa malayo-layo at likurang bahagi ng isla. Kung bibilangin nasa bente rin silang lahat dahil dumagdag pa ang dalawang babaeng kasama nila-sina Zyph at Grechelle. Gabi na rin nang makarating sila sa islang iyon kung kaya’t ipinasya na lamang nila na mag bonfire muna habang nagpaplano kung paanong pagsugod ang gagawin.Nang makagawa na sila ng bonfire pumaikot sila doon. Nagustuhan ng lahat ang atmosphere lalo na ng dalawang babae habang nagbabatuhan silang dalawa ng mga buhangin. Nakita rin nila kung gaano ka-enjoy ang dalawa habang nagtatampisaw sa tubig-dagat.“Masaya sana kung narito lang tayo upang mag-relax,” napabuntunghiningng wika ni Brent.“Pero hindi, may misyon tayong d
Ang mga kaganapan ilang oras bago makipagkita si Detective Lee at ang mga tauhan nito kay Zierelle…WALANG inaksayang panahon si Zierelle dahil naalala niya dati ang usapan nila ni Gabrielle pagkatapos na maligtas ito mula sa mga kidnappers. Nagflashback ang lahat sa isipan niya.“Gab, palagi mong buksan ang location sa phone mo ha. Iyong GPS ba para kahit saan ka magpunta puwede kitang ma-track,” nakangiti niyang sabi sa babae.“Oo naman, sabi mo eh,” ngumiti rin sa kanya pabalik si Gabrielle habang sinunod nito ang utos niya. Dahil sa isiping iyon ay dali-dali siyang nagpunta sa kanilang headquarters upang humingi ng tulong sa dalawang kasamahan kung saan expert si Julian sa ganoong field. Mabuti na nga lamang at mabilis na naging maayos ang kalagayan ng dalawa matapos magtamo ng sugat na kagagawan ni Colonel Rolando Narciso. Nang makarating siya doon ay humahangos pa siya dahil sa sobrang pagmamadali niya kanina. “Julian!” biglang tawag niya at sigaw rito.“Napano ka chief?” nagm
NAKARAMDAM si Gabrielle nang sobrang pagkahilo habang lumalapag ang sinasakyan nilang chopper. Hindi kasi talaga siya sanay na sumakay sa mga ganitong uri ng sasakyan dahil tiyak na kung hindi siya mahihilo ay masusuko siya at iyon ay ayaw niyang mangyari noon ngunit gusto niyang mangyari ngayon upang masukahan niya si Gary upang kahit papaano ay makapaghiganti siya mula rito. Ngunit sa mga pagkakataong iyon ay tila kay damot ng tadhana. Ni hindi nga siya nasusuka kapag sa mga panahong nasusuka siya. Ba’t ba naman kasi ayaw makisama ngayon ng kanyang sikmura kung saan handa na siyang sukahan ang isang taong karapat-dapat naman talagang masukahan!“Gary, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa amin ng Ate ko? Hindi ka ba marunong maawa? Sa lahat ba ng mga pagsubok na napagdaanan mo ay hindi mo pa rin kayang baguhin ang sarili mo?” pangongonsensya ni Gwyn kay Gary.“Manahimik ka!” sita ni Gary kay Gwyn sabay sampal dito. Hindi naman makapalag si Gwyn dahil hawak-hawak siya ng dalawang l
"GARY!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano ba! Saan mo ba kami dadalhin!?” reklamo ni Gwyn habang sapilitan silang pinapaakyat sa chopper. Nang pasadahan niya ng tingin ang mga lalaking kumakaladkad sa kanila kanina ay mga bagong mukha at tanging si Gary lang ang kakilala niya.Patunay lamang nito na dumarami na ang tauhan ni Colonel Rolando Narciso. Kahit na maraming nalalagas ay marami rin namang handang pumalit at dumagdag sa mga tauhan nito.“Walanghiya ka, Gwyn! Naturingan ka pa namang kanang kamay ni Colonel ngunit niloloko mo lang siya! Handa ka na palang isuplong kami pinatagal mo pa!” at pagkatapos sabihin iyon ni Gary ay ubod lakas niyang sinampal si Gwyn.Nakita naman ni Gabrielle ang ginawang iyon ni Gary sa kanyang kapatid kung kaya’t agad na nag-init ang kanyang ulo.“Hoy! Huwag na huwag mong padadantayin iyang kamay mo sa kapatid ko dahil nakasisiguro talaga ako na ako ang makakatapat mo!” sigaw ni Gabrielle habang pumapalag. Hindi naman siya makalapit nang ganoon kabilis dahil hindi na
Kabanata 64"MGA inutil na mga pulis iyan! Pinairal na naman nila Ang kanilang katangahan! Nasorpresa silang lahat nang malaman na ako ang founder at boss ng Crying Ladies!" Tumawa pa si Colonel Rolando habang sinasabi iyon.Nakitawa na rin si Gary dahil nagtagumpay na naman sila sa mga binabalak nila. Bumalik-tanaw sandali SI Colonel Rolando kung paano nila nalusutan at natakasan ang mga pulis. Pakiramdam niya talaga ay napakasuccessful niya dahil kahit na si General ay naisahan niya upang mailigtas si Major Rosales na siyang kanang kamay niya. Alam na niya agad na nahuli si Major Rosales at sasailalim na sa interrogation kung kaya't mabilis siyang napapunta sa interrogation and investigation room dahil may kutob siyang kailangan na niyang mailigtas SI Major Rosales . Syempre, dahil may posisyon siya sa kanilang departamento hindi na kwinestyun pa ng mga ito ang kanyang panghihimasok at pangingialam kahit na wala naman siyang Kaugnayan doon.Dati ay Isa na siyang miyembro ng Theatre
“GRECHELLE, dito talaga tayo matutulog?” nakangiwing wika ni Zypherine sa bagong kaibigang nakilala lang sa kalye.Pinasadahan niya ng tingin ang kinalalagyan nila ngayon na mistulang isang abandonadong bahay. Hindi pa naman siya sanay na hindi komportable ang pamumuhay. Lalo pa’t madilim ang lugar na iyon ngayon at tanging ang liwanag ng buwan ang tumatanglaw sa kanila.Narinig niyang napabuntunghininga ang kanyang kausap. “Magtiis nalang muna tayo sa ngayon, Zyph. Wala naman tayong mapuntahan, ayoko namang bumalik sa shelter dahil baka mahanap ako roon ng tatay ko,” simulang pagkukuwento nito sa kanya.Nagtaka siya sa mga binitawan nitong salita. Ngunit bago pa siya ulit makapagtanong ay agad na itong tumayo at may kung anong kinuha. Maya-maya pa’y lumiwanag na ang buong paligid. At doon na lamang niya nakita ang kabuuan ng lugar kung saan sila ngayon naroroon. Isa nga iyong abandonadong bahay na tila maliit na bungalow lang. Mayroon namang bubong na yero ngunit kitang-kita ang mada
GULAT silang lahat pagkatapos na makita ang ganoong ipinakitang ugali ni Colonel Rolando kung saan tinutukan nito ng baril si Major Rosales habang hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi agad sila nakapagsalita lahat dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Makikita ang takot sa mukha ni Major Rosales dahil sa galit na ipinakita ni Colonel Rolando.“Madami na talagang sindikato ngayon ang nambibiktima ng mga kapwa nila tao. They are making other life miserable. At iyon ang hindi ko hahayaan. Ikaw Rosales, alam kong hindi ka nagsasalita at hindi mo manlang ipagkakanlulo ang iyong boss kasi alam mong ililigtas ka niya,” this time, nakangiti na si Major Rosales habang sinasabi iyon pagkatapos ay tinanggal na nito ang pagkakatutok ng baril kay Major at dumiretso na ito ng tayo. “At dahil hindi mo ipinagkanlulo ang boss mo, ililigtas ka niya,” wika ni Colonel Rolando sabay ngumiti ng nakaloloko. Ngunit bago pa makapag-react ang lahat ay mabilis nang kinalabit ni Colonel ang hawak nitong bari