ISANG LINGGO NA ANG LUMIPAS. Ngayon na 'ko pwedeng ma-discharge sa hospital, pumayag na si Reigan na sagutin muna ng mga kaibigan niya ang bill ko basta siya na raw ang bahala sa bill ni baby.
Sa ngayon ay magi-stay muna si Issel sa hospital at dadalawin na lamang namin siya. Hindi pa rin ako makakilos nang maayos at mas naawa ako kay Reigan dahil mas nadoble pa ang trabaho niya.
Sa bawat araw ay dumadagdag ang bill namin sa hospital at kailangang-kailangan na pag-ipunan namin 'yon agad, buti na lamang at may kaunting ipon na siya.
Nanghingi na rin kami ng tulong sa Baranggay at sa mga kapwa niya workers dito ngunit wala pa rin sa 1/4 ang lahat ng perang nakalap namin sa paunang bill.
Kapag uuwi rin si Reigan ay napakarami niyang dalang paperworks, kung hindi ko pa siya tatawagin ay hindi pa siya kakain. Masiyado rin siyang nagmamada
"Kumalma ka at baka bumuka ang tahi mo, Isabelle anak, please..." Hindi magkandaugaga si nanay sa pag-alo sa 'kin, pero hindi ko talaga mapigilan ang pag-iyak. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit habang tinitignan si Reigan na nakaratay at walang malay habang puro sugat ang katawan niya.Bakit ba nangyayari 'to? Karma ko na ba 'to sa pagiging masamang anak kina daddy? Sana ako nalang, sana sa 'kin nalang nangyayari 'tong mga 'to at hindi na sa kanila.Bakit sa mga taong mahal ko pa?Wala ako sa sarili hanggang sa dumaan ang mga oras, ni-hindi ko man lang nagawang bisitahin si baby Issel sa NICU. Hindi ko na alam ang gagawin ko at parang sasabog na ang isip ko sa pag-aalala at stress ngayon.Mababaliw na 'ko sa sunod-sunod na problemang dumarating sa 'min. Parang gusto ko nalang sumuko at magtago. Parang hindi ko na kayang harapin pa 'to.
Napatigil ako at unti-unting napaangat ng tingin at napalingon sa isang mag-ina nang marinig ang boses nila. Igina-guide ng ina ang kaniyang anak sa pagdarasal. Para akong baliw na umiiyak ngunit unti-unti ring napapangiti.Sana ay ganiyan din kami ni Issel kapag lumaki na siya.S-Sana... Sana naging ganiyan din kami ni mommy noon...T-Teka...Si mommy.. Si daddy... S-Sila... Ang mga parents ko.Napakapit ako sa upuan at napatayo. Pinahid ko ang mga luha ko habang nakatingin pa rin sa mag-ina.S-Sila mommy at daddy nalang... Sila nalang ang pag-asa ko!Nangangatog ang mga tuhod ko nang itigil ko ang paglalakad sa gitna ng tahimik na kalsada at sa harap ng malaking bahay na ito.Ang bahay na ito, ang bahay na
"M-Mommy... D-Daddy..." Hindi ko mapigilan ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha ko.Nanginginig ang mga kamay ko nang ilapat ko ito sa magagara nilang sapatos habang nakatingala sa kanila.Hindi ko na ininda ang malamig at basang lupang inuupuan ko habang patuloy pa rin sa pag-iyak."S-Sorry... Sorry po s-sa lahat... Sorry po mommy... S-Sorry po sa lahat ng ginawa kong m-masama... K-Kailangan ko po kayo ngayon... K-Kailangan po k-kayo ng m-mag-ama ko!" Malakas kong pag-iyak at tuluyan nang napayuko sa mga paa nila."Isabelle! Stand up!" Sigaw ni Daddy. Nanghihina na 'ko ngunit pinilit ko pa ring itukod ang mga siko ko at muli silang tingalain. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at ubos na ang lakas ko sa pag-iyak.Halo-halo ang emosyong nakikita ko sa mga taong nakapaligid sa 'kin. Ang mga kamag-anak nami
"Ayan, sana makita mo 'yan. Sana ikaw ang unang makabasa niyan. Ang epic naman kasi kung hindi 'di ba? E 'di nasira ang drama ko. Joke," Sandali akong natawa at napailing sa sarili ko.Pinahid kong muli ang mga luha kong panibago na naman sa pagbagsak, ano ba 'yan, para naman 'tong gripo.Kinuha ko ang isa niyang kamay na may nakadikit na aparato at marahan itong dinampian ng halik."Mag-iingat kayo palagi, sana h'wag mo nang abusuhin ang sarili mo. Uso pong magpahinga, daddy engineer," Pinagsalikop ko ang mga kamay namin at niyakap ito. Isinandal ko rito ang baba ko at napapikit.Pumikit ako at nagsimulang kantahan siya ng kantang pinakapaborito ko simula noon pang bata ako, at minsan ko na ring pinangarap na kantahin 'to para sa taong gusto ko makasama habang buhay.At ngayon... Kay Reigan ko na 'to kin
10 years later. . ."Gosh, male-late na 'ko, ano ba 'yan!" Naii-stress kong sabi at madaling-madali sa paglalagay ng mga mahahalagang papel na dadalhin ko sa aking bag.Basta ko na lamang isinalpak ang mga kagamitan ko roon at tumakbo naman sa human sized mirror ko at saka sinuklay ang magulo kong buhok.Inayos ko pa ang pagkakasuot ng pencil skirt ko dahil nalukot na 'to sa bawat pagkilos at pagmamadali ko. Napa-inhale exhale pa 'ko bago kumalma na at isinabit ang bag sa braso ko atsaka lumabas na papuntang sala.Kahit 3 inch ang heels ng suot kong sapatos ay tinakbo ko na agad ang paglabas at 'di-magkandaugagang ini-lock ang pinto ng Condo ko."Sorry!" Gulat kong sambit nang may makabig akong tao sa sobrang pagmamadali. Hindi ko na ito inabala pang tignan at tumakbo na.
Sa totoo lang ay miss na miss ko na ang mag-ama ko. Wala na 'kong nakuha pang balita sa kanila magmula nang lumarga ako papuntang France. Kapag tinatanong ko sina mommy at daddy tungkol sa kanila ay laging hindi ng mga ito alam.Sila kasi ang kumakausap sa tutulong sa kanila habang wala ako. Pero sabi nila mommy ay hindi ko na dapat daw muna malaman upang hindi ko sila masiyadong ma-miss at makapag-focus ako sa pag-aaral, hanggang sa sobrang pangungulit ko ay sinasagot nalang nila ako na hindi raw nila alam."Yung tao namang may hawak ng contact kung sakaling manghingi ng tulong ang mag-ama ay sinasabing ni-minsan ay hindi raw tumawag si Reigan, base sa isang pagkakataon na nakausap ko ito noon.Sinubukan ko namang hanapin sa social media ang account ni Reigan, lalo na sa ginagamit niyang social media platform noon pero wala na ito. Malamang ay binura na niya.
"Now, what's with your face, ma'am?" Napaatras ako at biglang napatay ang tawag. Napahilot ako sa sentido ko at ibinulsa ang cellphone ko."P-Please, don't do that again. I'm continuing my discussions, just please go back to your own seats." Tinalikuran ko na siya at bumalik sa harap.Hindi pa rin kumakalma ang sistema ko. For pete's sake, she's Ranela! She's my Ranela Echavarri, ang batang bida-bida na 'yon!K-Kaya pala... Kaya pala may mga gestures siya na pareho sa 'kin at kay Reigan. Akala ko nagha-hallucinate lang ako.Oh, God, unexpected nito, ha? Bumabawi na po ba kayo sa 'min?Hindi ako ready, ha? Grabe!Hindi ko man lang na-expect na anak ko na pala itong nilalait ko sa isip ko at kinaiinisan ko dahil sa pagiging ma-attitude at bida-bida...
Habang naglalakad ako bitbit ang tray ng pagkain ko ay hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga maaliwalas at nakangiti nilang mga mukha habang kasalo ang pamilya sa bawat hapag.Napatigil ako sa paglalakad at nabura ang ngiti ko nang makita si Reigan at si Issel kasama si-S-Sabrina? Habang masayang kumakain sa isang dining table.Another surprise na naman Lord, eh. Pero 'di ko bet 'tong third surprise mo this time. Ba't nandito si Sabrina?Ba't buhay pa siya-'de charot. Malaki na rin ang ipinagbago ni Sabrina, mukha na siyang yayamanin ngayon, hindi na gaya noon na sobrang jejemon ng style niya.Napahigpit ang hawak ko sa tray nang makitang sinusubuan ni Sabrina si Issel. Nagsimulang mangilid ang luha ko, parang may kung anong tumarak sa puso ko at hindi ko magawang muling ihakbang ang mga paa ko para lagpasan na sila.&n
Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo. Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa. At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay... Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa. Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven. Ang aming tahanan na
"Dad, I saw my mom, s-she's my new teacher," Bungad ni Issel sa 'min ni Sabrina pagkarating namin sa school, I actually refused our today's lunch with her because I'm quite busy. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpalit sa trabaho ko ang bagay na 'to."Yes, I know." Sagot ko at inilapag ang tray ng pagkain namin."Really? Dad, I already have a plan!" Matipid akong ngumiti."Me too,""Hoy teka-paano ako? Extra lang?" Sabat ni Sabrina."Of course you have a role," Sabay naming sambit ni Issel sa kaniya.--"Daddy, wake up!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog ni Issel sa 'kin. Napahilamos ako sa mukha ko at marahang napabangon. Ang sakit ng ulo ko, may hangover pa kasi ako, pagkatapos ay biglaan niya naman akong ginising.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit kami naghihirap ngayon. Kasalanan ko kung bakit naghihirap sila ng anak ko ngayon.Premature si baby. Masakit para sa 'kin na makita ang lungkot sa mga mata niya, pero napakaswerte ko dahil hindi nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin.--Masasabi kong kahit papaano ay swerte ako, salamat sa mga kaibigan kong tinulungan ako para sa pambayad namin sa hospital, pero hindi pa tapos ang problema namin dahil kulang pa 'yon.Ayoko namang i-asa sa iba ang lahat dahil hindi ako lumaking gano'n. Doble kayod ako ngayon, halos hindi na kami nagkakausap kahit na sa iisang bahay lang kami.Pero alam ko namang naiintindihan niya, kung ano-anong klase na ng trabaho ang pinapasukan ko, kumita lang.Halos kunin ko na ang gawain ng mga katrabaho
REIGAN ALDRIUS ECHAVARRI 10 YEARS AGO. . . Napakaingay at ang lahat ng tao ay nagsasayawan at nag-iinuman. Ito ang unang beses kong pag-apak sa lugar na 'to. Ngayon lang kasi talaga ako napilit ng mga kaibigan ko, pumayag na rin ako tutal naman ay sinabi ni tatay na magsaya naman ako kahit pa-minsan-minsan at hindi puro trabaho, siya pa nga ang naghanap ng mahihiraman ko nitong asul na suit na suot ko. Ang ganda pala talaga sa lugar na 'to, sobrang ingay, at ang lahat ay nagkakasiyahan. Parang party lang tuwing may okasyon sa 'min, ang kaibahan lang ay mayayamang tao ang narito, at mas agresibo sila kung gumalaw. "Ah!" Nagulat ako nang may masubsob sa 'king babae. Agad ko siyang inalalayan upang hindi kami tuluyang matumba at baka ma-stampede pa sa mga nagkakagulong tao. &n
KINAUMAGAHAN, nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko at gusto kong magsuka. Agad akong napatakbo sa CR at tuluyan na ngang nagsuka roon, nang matapos ay nakaramdam pa 'ko ng kaunting pagkahilo.Nang bahagya nang kumalma ay binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghilamos. Nang mapatingin sa salamin ay may kung ano namang pumasok sa utak ko.Pagkatapos kong maghilamos ay humarap ako sa kalendaryo na nasa kwarto ko at tinignan ang petsa roon.Sandali akong natulala nang makita ang petsa roon. Dapat ay menstruation ko na noong nakaraang araw.P-Pero wala pa rin at hindi ko na 'yon napansin dahil sa sobrang pagka-busy..."Kumain ka po muna, mommy." Inihanda ko sa bedside table ang mga pagkain para kay mommy. Pinanood niya naman ako habang nakangiti.Habang tinatang
"Mommy! Ano bang nangyari sa 'yo?" Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ko nang sa wakas ay makapasok na sa private room ni mommy.Kakagaling ko lang sa airport at wala pa 'kong tulog ngunit dito na 'ko agad sa hospital dumiretso, masiguro lang na safe na talaga si mommy.Habang nasa flight ako ay patuloy akong ina-update ni tita Seline tungkol sa kalagayan ni mommy, sobra akong nagpapasalamat at sinabi niyang naka-survive si mommy sa Sudden Cardiac Arrest na natamo niya."Isabelle, s-sorry anak." Nanghihina niyang ani. Malalim akong napahinga at niyakap siya."Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo, 'my? Ano? Sabihin mo lang po, please..." Alala ko pang sambit. Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko."Maayos na 'ko, anak. H'wag ka nang masiyadong mag-alala pa..." Napabuntong-hininga
Ilang oras pa rin ang naging biyahe namin, habang papalapit na kami sa bahay namin ay may natatanaw akong bulto ng tao na nakatayo sa gilid no'n.Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita kung sino 'yon.Si Sabrina, at dala niya ang anak n-nila ni Reigan, 'yung baby niyang si Rage.Nang tumigil na ang sasakyan namin ay lumapit ito, excited namang lumabas si Issel at sinugod ng yakap ang mag-ina. May bahagi sa puso ko ang nagulat at nakaramdam ng kakaibang kirot.Ang sakit lang na makita si Issel na gano'n sa ibang nanay. Parang... Parang si Sabrina pa ang tunay niyang ina kaysa sa 'kin.Mabilis ding nagbago ang mood ni Reigan at nakipagbeso rin sa kaniya. Bago pa 'ko tuluyang maiyak ay yumuko na 'ko at lumabas ng sasakyan. Pagtingala ko ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Sabrina.
Nanatiling tikom ang bibig niya nang sabihin ko 'yon. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang gustong sabihin ng puso ko. Pero kailangan ko nang ilabas ito ngayon, habang may pagkakataon pa."Reigan... Alam mo namang hindi maganda ang reputasyon ko noon, 'di ba?" Sambit ko at nilingon siya. Nanatiling tutok ang mata niya sa magandang tanawin, wala rin akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya.Malalim lang akong huminga. Kinakabahan ako sa mga oras na 'to at nagsisimula na ring maghalo-halo ang mga emosyon ko."Masama ang reputasyon ko, sa lahat ng tao. Kahit sa sarili kong pamilya. W-Wala akong ginawang mabuti noon, lagi ko silang dini-disappoint, lagi ko silang ginagalit... Na humatong na rin sa pagtakwil nila sa 'kin," Dugtong ko pa at suminghap.Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata
Narito palang kami sa Parking Lot ng beach pero tanaw na tanaw na namin ang magagandang view.Maraming turista sa mismong sea shore, may mga bonfire, at mayroon pang naglalaro ng apoy sa hawak nilang mga stick.Nagliliwanag ang lugar dahil sa mga ilaw na nasa bubong ng mga mini cottages.Ang ganda rin ng dagat, at nagkikinangan ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda sobra ng lugar na 'to."Akala ko ba... date lang?" Natatawa kong tanong at tumingin kay Reigan."This place is so beautiful," Komento ni Issel, napansin ko pang naglabas siya ng cellphone at nag-selfie."Maybe a two days date?" Napaawang naman ang bibig ko sa isinagot ni Reigan.Oh em gee, two days kami rito? Omooo, paano itago ang kilig?!?!"Co