Mag-log inNagmadaling humakbang si Samantha sa kinaroonan ng baril upang sana ay pulutin iyon. Subalit mabilis na inabot ni Kristine ang paa niya at buong lakas nito iyong hinila. Agad siyang napaluhod at napahiyaw sa sakit na sumigid sa mga tuhod niya.
“Mommy!” sigaw ulit ni Charlie.
“Stay where you are, Charlie. Hide behind the sofa,” mabilis niyang utos sa anak sa kabila ng iniindang sakit. She turned to Kristine who was still holding her ankle.
“You are not going anywhere, bitch,” anito.
She mustered all the strength she had and kicked Kristine’s face. Agad nitong binitiwan ang paa niya, humawak sa ilong nito at humiyaw sa sakit.
She was determined to fight. At kung mamamatay lang din siya talaga ngayong gabi, mamatay siyang lumalaban.
When Kristine let go of her foot, she crawled her way to the gun and grabbed it. She struggled to stand. He knees were still hurting from the impact of the fall.
Hindi agad nakasagot si Hazel. Hindi man niya kilala ang matandang lalaki, subalit ramdam niya sa pananalita pa lang nito na hindi ito pabor sa pansamatalang pamamalakad ni Caleb sa Oceanlink.“What now? Bakit bigla kang napipi? Natatakot ka sa boss mo? H’wag kang matakot. Kapag sinabi mo sa akin ang mga sikreto ng boss mo, akong bahala sa ‘yo. Hindi ka maaring api-apihin nino man. Lalong lalo na ni Caleb Sandejas,” sabi ulit ng matanda, naglakad na palapit kay Hazel.Makailang ulit naman na humakbang paatras ang dalaga. Nang balakin niyang tumakbo patungo sa pinto, agad na hinagip ng matandang lalaki ang kanyang braso.“At saan ka pupunta. Kausap pa kita a,” anito, lalong diniinan ang hawak sa braso niya.Muntik na siyang mapaaray. Subalit pinigil niya ang sarili. Kung kaaway ni Caleb ang matanda, pwes, hindi siya dapat magpadaan sa sindak. Nagtatrabaho siya para kay Caleb, kailangan niyang ipagtanggol ang reputasyon nito anumang oras sa harap nang sinoman.“W-wala po akong alam sa m
“Hindi ka ba nakakaintindi? Ang sabi ko, fifteen copies ang gawin mo dito sa document. Bakit sampu lang ‘to?” ani Madison, ibinagsak ang folders ng mga dokumento na katatapos lang gawin ni Hazel sa table ng dalaga.Napaigtad si Hazel, agad na napatigil sa ginagawa at tiningala ang babaeng tila gigil na gigil sa kanya mula pa kaninang umaga. “Ma’am ang sabi niyo po kasi ano… sampu lang at—““I said fifteen! H’wag mo kong turuan!” muling putol nito sa kanya, pinukpok muli ang mesa niya. “Fifteen ang board members na aattend ng meeting. Bakit sampu lang ang ipapa-prepare ko? Sige nga, mag-isip ka? Ang sabihin mo, you are incompetent! Gaya ka rin ng gurang na kasama mo!” dugtong pa nito, pairap na sumulyap kay Ms. Viola na noon ay may ginagawa rin sa table nito.Umigting ang panga ni Hazel, nagpigil ng emosyon. Gusto pa niya sanang ipagtanggol ang sarili, na talagang iba ang inutos nito kanina sa kanya, kaya lang alam ng dalaga na lalo lang lalaki ang gulo. Kaya naman nagpakatimpi-timpi s
“Kulang itong nasa log for sure. Kung naka-board nang maayos ang cargo, na-check at na-inventory, ibig sabihin, ang may pagkukulang ang mga nasa cargo ship. But you can see clearly na walang reported incident ang byahe ng mga barko pabalik dito sa Pilipinas. So we have two possibilities, we didn’t pick up the cargo or, someone has tampered on the logs so they could hide this cargo container that’s worth ten million bucks,” ani Caleb sa officer in-charge sa shipyard ng Oceanlink na si Mr. Arguelles.Tumikhim ang matandang empleyado, niluwangan na ang kurbata. “Paano naman po mata-tamper ang log, Sir. Marami pong security protocols ang—““That’s it. Maraming security protocols ang logs ng kumpanya pero nagkakandawalaan pa rin ang mga cargo, Mr. Arguelles. Hindi ko alam kung incompetent ka o sadyang may itinatago ka,” ani Caleb, naniningkit na ang mga mata.Just last week, may nawala na naman na cargo sa Oceanlink. Unang araw pa lang niya noon bilang OIC-CEO. It was a fckery for a welc
Malakas ang kabog ng dibdib ni Hazel habang pabalik siya sa opisina. May emergency daw na pupuntahan si Caleb at kailangan siya nitong isama. Mabuti na lang at hindi pa siya nakakapagpalit ng damit kaya naman agad siyang nakabalik sa Oceanlink.Hindi niya alam kung ano ang dapat isipin. Ramdam niya na galit ang boses ni Caleb sa telepono. Parang alam na nito na maaga siyang umuwi. Kung ano man ang nangyari sa meeting nito sa SSL, hindi niya alam . Subalit malakas ang kutob niya na may kinalaman ang pagbabago ng mood nito ngayon dahil doon. Pakiramdam niya tuloy, sa kanya ibubunton ni Caleb ang galit nito mamaya. At doon pa lang, kinakabahan na siya.Wala pa silang masyadong interaction ni Caleb. Sa totoo lang, hindi pa niya kayang sabayan ang ugali nito. Pero sanay naman siyang magtiis. Kung ano man ang kahihinatnan ng muli nilang pagkikita ni Caleb mamaya, hindi na lang niya masyadong didibdibin. Tama, ‘yon ang dapat niyang gawin.Hindi naglaon, narating na rin niya ang Oceanlink.
“May tutuluyan ka na ba dito sa Maynila, Hazel?” tanong ni Ms. Viola sa kanya habang nagla-lunch sila sa pantry. Inilibre siya nito ng lunch, treat daw nito sa kanya dahil tinulungan niya ito nang dumating ang mga Van den Bergs.“M-meron na po, Ma’am. Sa kasera ng kaibigan ko po noong college,” sagot niya. Ang tinutukoy niyang kaibigan at si Caitlyn, dati niyang kaklase na ngayon ay nagta-trabaho na rin sa siyudad. Isang sakay lang ng jeep ang layo ng kasera nito mula sa Oceanlink kaya naman nang alukin siya nito na paghatian na lang nilang dalawa ang kwartong inuupahan nito, umoo siya agad.Tumango si Ms. Viola. “Mabuti kung gano’n. At least, hindi ka na masyadong mahihirapan sa biyahe. Siya nga pala, mamaya, mauna ka nang umuwi. Alam ko mag-aayos ka pa sa lilipatan mo. Ako na ang bahalang mag-explain kay Sir Caleb,” anito, sumubo ng pagkain.Ngumiti si Hazel. “Maraming salamat po, Ma’am.”Gumanti ng ngiti ang matandang babae. Nang sumunod na ilang minuto, napunta sa ibang topic ang
Kanina pa nakatitig si Hazel sa kisame ng kanyang silid habang yakap-yakap ang anak na si Riley. Tahimik ang buong ampunan dahil malalim na rin ang gabi. Subalit sa isip niya, maingay ang iba’t-ibang katanungan. Katanungan tungkol sa mga susunod na araw, sa hinaharap.Nag-usap naman na sila ni Sis. Clara kung anong magiging set-up kapag nakakuha na siya ng trabaho sa Maynila. Pumayag si Sis. Clara na iwan muna niya si Riley sa ampunan. Alam naman niyang safe ang anak doon. Kaya lang… maisip pa lang niya na hindi niya makikita nang ilang araw sa isang linggo ang anak, parang nadudurog na ang puso niya.Humigpit ang yakap niya sa anak na noon ay tulog na tulog pa rin.Alam niyang para sa anak din ang lahat ng ginagawa niyang pagsusumikap sa buhay kaya lang… mahirap pa rin. Kung pwede lang siyang mag-uwian sa Tagaytay araw-araw, gagawin niya. Subalit alam niyang siya rin ang mahihirapan kapag gano’n ang ginawa niya.“H’wag kang masyadong makulit kapag wala ang Mama, anak ha? H’wag mo m







