Chapter 94
"Felicity. . . Welcome back!" Matinis na boses ni Monica ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng pintuan.
Niyakap niya ako nang mahigpit, hindi alintana ang mababasaging bote ng alak na hawak niya.
"Ano ka ba Monica, d-dahan-dahan naman. Hindi ako makahinga." Pilit ko siyang inilalayo sa akin ngayon, napasobra ata ang yakap na ibinigay niya sa akin.
"Monic, awat na." Mula sa likuran ay bumungad naman sa akin si Dustin, nakangiti na itinaas pa ang hawak sa magkabilang kamay. Isang box ng chiken at cake.
"Grabe! May ganito pa talaga?" Ang tinutuk
Chapter 95Nakapikit pa ako ngunit nagawa ko nang maiupo ang aking sarili mula pagkakahiga. Kasabay niyon ang pag-abot ko sa sumisigaw na alarm clock. Nakadalawang alarm na 'yon, dalwang beses ko na rin itong pinatay. At heto nga sa ikatlong pagkakataon ay bumangon na talaga ako. "Antok pa ako." Subalit walang nagawa ang bawat reklamo ko, tila may sariling paa ang aking mga paa. Dire-diretso ako sa banyo, kailangan munang mahimasmasan ng ulo ko upang mawala ang konting kirot no'n. Hang over! Sobrang lamig n
Chapter 96Halos madapa na ako sa kakatakbo papasok ng building ng Inkfirst publishing. Lagpas alas otso y media na, late na ako. Unang araw ng pagbabalik ko 'to pero palpak pa. Nangangatog ang paa ko habang nag-aabang na bumukas ang elevator, lumipas na ang ang trenta segundo ay hindi pa rin bumukas 'yon. Wala akong choice kundi takbuhin ang direksyon ng hagdanan papuntang third floor.Masakit man sa binti'y itinuloy-tuloy ko na ang nasimulang pagpapasakit sa sarili ko. Napuno ng pawis ang mukha ko sa ginawang iyon, alam ko naman na kulang ako sa exercise pero hindi dapat sa araw na 'to. Kailangan ko pang magpasikat, halos lahat nang alaala ko sa Inkfirst ay negatibo, puro pangdo
Chapter 97Sa isang restobar nagpunta ang team, pinagdikit namin ang tatlong maliit na lamesa para makabuo ng mas mahaba niyon. Trese kaming lahat, kinse sana kaso absent nga sina Monica at Dustin. Sa dulong bahagi lang ako naupo, mas madali ring makakatakas kapag magkaaberya.Umorder sila ng dalawang bucket ng alak at pulutan. Actually, ang dami nilang pinadala sa table namin, akala mo wala ng bukas sa pag-inom. Inumpisahan ko ang pakikipag'jamming' sa kanila sa pamamamgitan ng paunti-unti pag-ubos sa crackers na naroon. Nagsalita sila nang nagsalita, nagtawanan at ngbolahan, habang ako nakaupo lang, umiinom at pumupulot ng mani.
Chapter 98Nawala ang pagkahilo ko nang makabalik kami sa venue. Ipinako ko agad ang tingin sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng lameza. Bagong dating kaya pinagkaguluhan nila, inalok nilang lahat ng kahit na anong naroon, pulutan, manok at alak. Malutong kong hinila ang metal na upuan, naglikha 'yon nang tunog na tumawag nang pansin sa lahat. "Ano ka ba naman Felicity, dahan-dahan sa upuan. Eksahedora ka," puna ni Ros sa ginawa ko. Ngunit hindi ko siya pinakinggan, mukhang tanga aking ibinalik at muling hinila ang upaan, siguro dalawang beses. Tinitigan nila akong lahat, confu
Chapter 99Boom!Isang malakas na lagabog ang nagpabangon sa katawan ko muna sa pagkakahiga. Maliban sa lakas ng tunog na 'yon malakas din ang naging epekto ng pitong bote ng beer sa akin. Ulo ko kaagad ang nasapo ko nang tuluyang maiupo ko ang sarili sa higaan. "Aray ko po! Ang ulo ko. . . Parang mabibiyak ata." Subalit natigil ang reklamo kong iyon ng maalala ang malakas na tunog na siyang nakapagpagising sa akin. Dali-dali akong bumangon, halos madapa na ako kakatakbo patungo sa labas ng kuwarto.
Chapter 100"Wow! Hindi ko nakilala ang kotse na 'to ha." Ang tinutukoy ko ay ang SUV na kinalululalan namin ngayon."Nawala sa isip ko na marami ka nga palang sasakyan. Tapos, nakita ko 'to kagabi sa labas ng apartment pero hindi koi man lang talaga naisipan na sa 'yo 'to." Nakaupo ako sa tabi niya habang siya ay nakahawak sa manibela't diretso ang tingin sa kalsada."Bago ka man lang umalis mag-iwan ka ng kotse para sa akin, ha?""Bumili ka ng iyo, ibebenta ko lahat ng iyon at ibabaon sa lupa ang napagbentahan para kapag nabuhay akong muli maya salapi akong puwedeng hukayin." 'Yon ang naging sagot niya sa akin, ng walang kuwenta lang."Baliw ka ba? Paano kung magreincarnate ka after 500 years pa? Edi kinain na ng lupa ang salapi mo." Nginiwian ko siya, balak ko sanang paluin ang balikat nito, nag-alangan lang ako dahil nagmamaneho ito."Then so be it, ari-rian ko naman 'yon I
Chapter 101 Tahimik lang ako habang tinutusok ang hiwa ng karne ng baboy na ulam ko ngayong tanghalian. Wala akong ganang kumain ngayon, pakiramdam ko'y punong-puno nang pagkain ang aking tiyan. Nasa harapan ko sina Monica at Dustin, panay ang tinginan nila sa isa't-isa habang kumakain ng kanilang pananghalian. Amoy na amoy ko talaga ang malansang nagaganap sa pagitan ng mga kaibigan ko. "Sabihin niyo nga, naniniwala ba kayo sa mga kakaibang nilalang, I mean, kagaya ng mga duwende, sirena o kaya mga kamatyan?" Tumiwid ng likuran ko't lumapit ang mukha sa kanila. Ibinulong ko lang lahat ng 'yon, paniguradong pagtatawanan ako ng kung sino mang makakarinig ng mga tanong kong 'yon. "At bakit mo naman naitanong Feli ha?" Inilapag ni Monica ang hawak na kutsara't binalingan. Napaisip ako, bakit nga ba? "Ah, curious lang ako. . . At isa pa, m-may ginagawa akong manuscript na fantasy ang genre. Kailangan ko ng i-i
Chapter 102Yuporia, kaharian ng mga Enkanto sa dulong bahagi ng Silangan.Napakalawak ng kaharian ng mga engkanto, nagkalat ang iba't-ibang lipi nila sa bawat sulok ng bansa. At masasabing ang Yuporia ang may pinakamamatag na pundasyo ng pamuno at pakikidigma.Ang kaharian nila'y punong puno ng berde at luntiang mga halaman. May isang bahaghari na tuwing papatak ang alas singko ng hapon ay lumilitaw sa paanan ng isang bundok patungo sa kabila. Mayroon silang malinaw at napakalinis na batis kung saa'y pinapasyalan ng mga naggagandahang mga diwata. Nagk