Chapter 63
Mcknight Comprehensive High School.
"Kailangan ba talaga nating gawin 'to?" Naka chip up at deretso lang ang tingin ni Gabriel na nagtanong sa akin.
"Oo, as an adult kailangan natin silang turuan nang leksyon," pgbulong ko rin sa kaniya.
"Okay" aniya bago inayos ang bag na nakasukbit sa kaniyang balikat.
Nasa tapat kasi kami ng paaralan na pinapasukan ng magkapatid na Youngster. Nagsuot rin kami ng uniform na kagaya sa kaniya. Pero bago 'yon qy dumaan muna kami sa beauty clinic at nagpa facial at kung ano-ano pa. Kailangan naming magmukhang mas at umayon sa edad nang isah highschooler.
"So, ready ka na Mr. Landowner?" nakangiti na pagtatanong ko sa kaniya.
"Ano pa nga ba?" iyon ang naisagot niya sa akin.
Inilabas k
Chapter 64Felicity."Ano naman 'yong pinagsasabi mo kanina? May pa my girl ka pang nalalaman diyan," sita ko kay Gabriel habang nasa sasakyan kami pabalik ng Tenement. Natapos ang klase na nakatulog lang ako pero kahit gan'on ay napagod ako, grabe pala kapag walang ginagawa... stressful."Nakakairita ang lalaking 'yon," sabi niya habang nag-da-drive. Derecho ang tingin niya sa unahan kaya ako na lang ang lumingon sa kaniya."Ang arte mo, mabait naman si Brent ha," sagot ko sa sinabi niyang naiirita raw siya rito."So Brent pala ang pangalan niya? Nagkar'on kayo ng time for introduction, gan'on?" Kitang kita ko ang pagsalubong ng kaniyang makakapal na kilay.Nangunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. "Wait, may issue ka ba sa akin? Tinulungan ako no'ng tao kaya nagkaroon kami ng time magkausap kanina-"
Chapter 65 Felicity. "So, ano na ang plano mo. Sabihin mo na." Ilang beses kong niyugyog ang braso ni Gabriel habang hawak niya ang manibela't tinatahak ang daan patungo sa Mcknight. Ikalawang araw 'to nang pagpasok namin bilang mga estudyante ro'n. Actually ay nakalimutan ko bigla ang tungkol sa bagay na 'yon. Kung hindi lang ako ginising nang mga katok ni Gabriel sa aking silid ay hindi ko maaalala na may pasok kami. Akalain mo 'yon ang aga niyang naggayak, mas desidido pa ata sa akin 'to eh. "Change of plan," sabi niya. "Ano'ng change of plan? Ay! Ano ba 'yan habang chinage of plan mo ang plan ko." Pagrereklamo ko sa kaniya. "Shut your mouth first okay?" Ay! Ang sungit naman? "Okay siya sige." Sa harapan na lang ako n
Alangan pa akong lumabas nang buksan ni Gabriel ang pinto. Paano kung nariyan pa sila at hulihin ako, pagbintangan ako na may gawa no'n sa babae? Lalo may maididin sila sa akin.Pikatitigan ko ang aking kamay na mapula pa rin, may parte na natutuyo na ang dugo at may parte na basa pa.Paniguradong kapag pinatingnan nila ito'y malalaman nilang galing sa babae nag dugo.Ipapakulong nila ako!"Halika na Felicity," naalimpungatan ako sa biglaang pag de-daydream nang tawagin ako ni Gabriel.Lumunok ako ng laway at sumagot sa kaniya. "Nariyan pa ba sila?"Hindi siya sumagot at naglakad papalapit sa akin."'Wala kang bilib sa akin Felicity, halika." Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at itinulak palabas ng silid.Tumango ako sa kaniya at dahan-dahan na naglakad palabas.
Pasaway talaga ang Felicity na 'to. Talagang umalis mag-isa at hindi ako inantay? Ni-hindi pa nagpaalam na dadalhin nag sasakyan.Naglalakad ako sa hallway kanina, hinanap siya nang mula sa duloy tanaw ako ang kaniyang pagktakbo. Sinundan ko siya ngunit dahil sa nauuna siya ay hindi ko naabutan na makapunta siya sa parking area at paharurutin ang sasakyan.Hindi ko nga sigurado kung marunong bang mag drive 'to. Mabuti na lamang at nag-iwan ng traces ang aking sasakyan at nalaman ko kung saan sila nagpunta.Trinity General Hospital.Isa sa lugar na dapat ay hindi niya pinuntahan. Nagpalakad-lakad ako sa labas nang main door nang malaking Ospital na 'to. Hindi ko sinubukang pumasok dahil baka mabilis lang naman siya at bumaba rin. Magkakasalisi pa kami, 'di ba?Ngunit inabot na ako ng isang oras kahihintay ay walang Felicity na dumadating. Labi na ang pag-
Chapter 68Paulit-ulit na sinabi ko kay Felicity na hindi kami puwedeng magpunta ro'n dahil delikado pero hindi siya nakikinig. Pinipilit niya akong sabihin sa kaniya kung bakit hindi puwede."Basta hindi puwede, makinig ka na lang sa akin, okay?"sabi ko habang naglalakad kami palabas ng Trinity Hospital.Mahahaba ang hakbang ko na tinatahak ang daan patungo sa main exit ng malaking Ospital na 'to."Eh, paano naman kitang maiintindihan niyan kung ayaw mong sabihin sa 'kin ang dahil." Kagaya ko ay mahaba rin ang mga hakbang na ginagawa ni Felicity. Para kaming nagpapatintero sa malawak na espasyong 'yon."At isa pa, bagalan mo nga ang paglalakad mo. Nangangalay na ang paa ko." Pagrereklamo pa niya. Naramdaman ko na lang ang pagkapit niya sa laylayan ng damit ko.Sinulayapan ko siya dahil sa ginawa niya habang nanatili kami sa paglalakad. Ngunit nang paliko na kami ay natanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang mga pamily
Chapter 69Victoria.Kakapatak lang ng alas siyete ng gabi at magsisimula pa lang ako sa aking routine bago matulog nang may kumatok sa pintuan."At sino naman ang magtatangka na mang-istorbo pa sa akin?" Inis kong sabi habang nasa harapan ng salamin."Oo na. Saglit lang." Sigaw ko dahil muli'y kumatok na naman ang kung sino man na nasa labas."Tori!"Nanlaki ang mga mata ko nang mabungaran si Felicity sa labas ng aking Unit."What are you doing here?" I asked her the monmment she entered my room. Actually, hindi ko pa naman siya pinapapasok pero pumasok na siya."Kailangan ko ng tulong mo," sabi niya."About what?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.Grabe ha. Porket sinabi ko na we
Chapter 70Felicity.Para akong ninja na nagtatago sa dilim. Nagpakita nga ako sa kanila pagkatapos akong ipagtabuyan ni Victoria sa kaniyang silid. Ngunit pagpatak ng alas alas otso kuwarenta y sinko ay palihim na akong nagtungo kay Victoria. Dahil ilang pinto lang naman ang layo ng unit niya sa akin ay mabilis kaming nagkita.Inaabangan na pala niya ako kanina pa. Kaya naman nakakaisang katok pa lang ako'y mabuksan na niya agad ang pintuan."Ang talisman mo?" tanong niya sa akin."Suot ko." Ipinakita ko pa 'yon sa kanya na nakasabit sa aking leeg."Good," Sabi niya. Nakita kong may suot rin siyang para sa kaniya. Talaga ngang sasamahan niya ako."Alis na tayo," pag-aya ko sa kaniya."Oo pero saglit lang mun. Halika rito!" Pinalapit niya ako sa k
Chapter 71Victoria.Napakasangsang ng amoy ng Ospital na 'to. Hindi naman visible ang amoy nila sa ilong nang pangkaraniwang tao ngunit hindi nila 'yon maitatago sa akin.Ang Ospital na ito ay nababalot ng napakaraming lobo. Alam ko'y halos lahat ng stockholders at doctor na narito ay lobo.Tiningala ko ang napakataas na gusali na nasa harapan namin. Sa paglipas ng panahon ay mas lalong tumanyag at umasenso ang bussiness na pagmamay-ari ni Vrandon. Siya ang sumunod kay Gargoyle, at may isa pa silang kapatid. . . Si Bethany.Lahat sila'y mga pureblooded wolf mula pa noong 1700. Ang lahi nila ang pinakamatanda sa lahat ng lobo na nabubuhay pa sa ngayon. Naninirahan sila't nakikihalubilo kasama ng mga normal na tayo.Ngunit sa kanilang tatlo at si Vrandon ang pinaka magaling magpaikot ng salapi. Sa katunayan ay siya ang may-ari ng Trinity at Eternal Hospital. Pero mas focused siya sa Eternal dahil ito ang pinakaunang Hospital