Hinabol ni Gabriel ang lumalayong bulto ni Kalexx. Patungo ito sa kung saan dala ang nagwawalang si Felicity. Mabilis ang pangyayari't hindi niya agad napansin na ang target na pala nito ay ang dalaga.
Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin sa ginawang 'yon ni Kalexx. Kanila lang kasi'y sinabi nito na ibabalik niya ang dating ginagawa. Nababaliw na ba siya? Hindi pa siya natuto sa sampung taon na pagkakabilanggo.Malalakas ang alpas ng pakpak ni Kalexx, mabilis upang makalayo agad siya kay Gabriel.Nagwawala naman sa takot ang dalaga. Narinig niyang sinisigaw nito ang kaniyang pangalan. Mabilis na tinatangay ng hangin ang tinig nito patungo sa kaniyang tainga. Wala siyang ibang magagawa habang nasa ere sila. Hindi naman siya pu-puwedeng gumamit nang kahit na anong armas lalo't baril ang pinaka mayroon siya. Mahirap na't baka si Felicity pa ang kaniyang matamaan. Kaya naman mas lalo na lamang niChapter 44 "Come on, eat up," sabi ni Victoria habang nilalagay ang bacon sa pinggan ni Elias. We were eating our breakfast together. Me, Victoria, Elias, Gerry and Lucius. "Busog pa ako, love." May konting pagmamaktol sa boses ni Elias. "No. Tignan mo nga namamayat ka na," reklamo naman ni Victoria. Sa huli'y wala nang nagawa ang binata, sumunod na lang siya sa nais ng kasintahan. "Masyado mong in-u-under si Elias. Baka isang araw mamulat ka na lang na wala na 'yan sa tabi mo," biglang sabi ni Gerry habang hinihiwa ang hotdog sa kaniyang pinggan. Nagulat kaming lahat sa pagkalampag ng lamesang aming kinapu-pwestuhan. "Don't talk Gerry kung wala ka rin namang sasabihing maganda," inis na bulyaw ni Victoria. Ang batang Gerry naman ay hindi umimik o sumagot man lang. Nanatili siya sa paghihiwa ng pagkain sa kaniyang pinggan. "'Wag na kayong mag-away
Chapter 45Sobrang dilim nang kalangitan at galit na galit ang kalikasan ngayong araw. Alas singko pa lang ng hapon pero wala nang makita sa labas nang bintana ng bawat silid sa Tenement. Pabigla-bigla ang pagbabago nang panahon. Kanina lamang ay maganda ang klima ngunit pagsapit nang dapit-hapon ay ganito na."Grabe, may presentation pa naman sana kami ngayon," malungkot na sabi ni Farrah habang nakamasid sa labas nang bakuran. Kitang kita mula sa loob ang rumaragasang tubig ulan."Gano'n talaga, hindi mo masasabi kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Kaya ang masasabi ko, 'wag tayong papakampante," sabat naman ng kapatid nigmyang si Timothy.Inismiran naman siya nang kaniyang kapatid. "Ewan ko sayo, ang dami mo na namang sinasabi."Sa kalagitnaan nang malakas na ulan ay dumating ang reaper na si Lucius. Hawak nito sa kaniyabg kaliwang kamay ang isang payong ba kulay asul. Basa ang laylayan ng kaniyang unipormeng pang
Gabriel.Samu't saring komosyon ang aking narinig pagkalabas ng opisina. Kauuwi ko pa lamang galing sa Timog, inasikaso ko ang tungkol sa nanggugulong si Kalexx. Nang ini-uwi ko si Felicity nang gabi na 'yon ay nalaman din agad ni Cindie ang tungkol sa anghel. Nagkaroon ang dalaga ng anxiety dahil do'n. Hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko ang hirap na dinanas siya sa lalaki na 'yon. Kung bakit kasi nabigyan pa ng petition ang mapanlinlang na 'yon.Babasagin ko talaga ang mukha niya oras na magkita ulit kami. Pasalamat siya't kasama ko si Felicity nang gabi na 'yon dahil kung hindi'y baka nakabalik na siya sa selda na pinanggalingan niya.Hindi agad ako lumapit sa kumpol na nabuo ng mga tenants ko. Ngunit bakit ang ilan sa kanila ay balisa at tila takot?Mayamaya'y nagkaroon na ng buhay ang mga paa ko. Tinungo na niyon ang direksyon na p
Victoria.Natapos ko nang linisan ang mga sugat na natamo ni Cindie. Napainom ko na rin siya ng gamot ngunit hindi ng para sa buntot niya. Pansamantala'y inilublob ko siya sa bathtub ko't pinuno iyon ng tubig."Nagluto ako nang lunch, you should eat first."Nakatayo mula sa aking likuran ang boyfriend kong si Elias. Habang inaasikaso ko si Cindie ay ako naman ang inaasikaso niya."Thanks babe." Lumapit ako sa kaniya't binigyan siya ng halik sa labi."No worries, I know how your frustrated to what happend to Cindie. She's a very good friend," aniya.Muli'y tinapunan ko ng tingin si Cindie na nakapikit pa rin ang mga mata."Yeah," iyon lang ang naisagot ko sa aking boyfriend."Pero sobrang nakapagtataka talaga, ano'ng nangyari sa kaniya. We all know she is very good in swimming.
Buong akala ko'y matatauhan na si Gabriel ngunit hindi pala. Pagkatapos niyang bigkasin ang mga katagabg iyong kay Felicity ay sinundan naman niya ng isang malutong na hagalpak. Sobrang nadismaya ako sa ginawa niya, kamuntik ko na nga siyang gamitan ng mahika."Are you serious Victoria? Alam nating lahat na normal na tao lang sisdo Felicity. Hevow come you've think na may kakaiba sa kaniya?" Tatawa-tawa pa rin niyang tanong sa akin."Hindi mo ba talagla nakikita Gabriel? O baka nagbubulag-bulagan ka lang? Sla isn't Felicihtyga atdx all!" Malakas ang loob ko na sabihin 'yon. Cause why not? I know what I know?"Look Victoria, you're just tired and frustrated about what happened to Cindie. Pero sana'y 'wag na tayong mandamay ng ibang tao," I was atonished of what he had said."You're insane," sabi ko."Alam mo, Felicity is also concern to Cindie's health righ
Idineretso ko ang sasakyan sa dati nitong kinalalagyan. Mahigit isang oras rin akong nawala, at sana'y hindi napansin ni Gabriel ang pangingialam ko na 'yon sa kaniyang gamit.Mabilis akong lumabas sa bodega habang iniisip pa rin ang nangyari kay Norman.So, ang motibo sa pagpapatay ay para sa Ressurection Stone. May kinalaman kaya ang nawawalang daliri ni Norman sa kung saan nakatago ang bato?.Kailangan kong makabalik bukas sa labas upang mas kumalap ng impormasyon. Natitiyak ko na may koneksyon ang nangyari kay Cindie at Norman.Malakas ang puwersa na ibinuhos ko upang buksan ang glass door ng main entrance. Medyo pagod ako at gusto ko nang magpahibga. Ngunit tila mauudlot ang lahat ng 'yon, nagkukumpulan na naman sila dito sa baba. Don't tell me may something na naman.Napalingon sila nang tumunog ang wind chime na nakasabit sa may pintuan. Nakatuon ang kanilang m
Wanted Victoria, the Witch Doctor.'Yan ang kumakalat na balita sa buong supernatural community. May nakapatong na mga bolke ng ginto at libo-libong Philippine Peso bills sa kaniyang ulo.Pinaghahanap na nila ngayon ang pinaratangan na siyang nagnakaw sa pinakaiingatang crystal ng tubig at ang pumatay sa tagapangalaga sa Ressurection stone.Maraming pagala-gala na afterlife ghouls sa paligid-sila ang nagbabantay sa kulungan ng mga nagkakasalang non-human."Grabe! Kitang-kita ko ang pagtama ng katawan nila sa barrier ng Tenement." Si Timothy 'yon habang nakatingala sa invisible barrier na siyang nagpoprotekta sa kanilang tinitirhan."Nasaan na kaya si ate Victoria?" malungkot na tanong ni Farrah."'Wag mo na siyag hanapin, mapapahamak lang tayo kapag narito siya," sagot naman ng kaniyangbkapatid."Ano ka ba Timothy, walang na
Pinilit kong lumabas nang unit ko kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko pa talaga lubos na kaya. Nagmadali ako upang makarating nang mabilis sa opisina ni Gabriel. Balak kong sabihin sa kniya ang tunay na nangyari. Pagkaalis ni Felicity sa silid ko kanina'y mas nalugmok ako't nahirapan na tanggapin ang nangyari.Ginagawa akong puppet at pinapasunod sa nais niya. Tandang-tanda ko kung paano niya ako habulin at saktan nang nasa ilalim kami ng karagatan. Pinilit niyang kuhain ang Crystal kahit na labag 'yon sa akin.Tinakot niya rin ako't pinagbantaan na sasaktan ang mga kaibigan ko kapag nagsabi ako nang tunay na nangyari. Kaya naman kahit masakit ay itinuro ko si Victoria. At ngayon pinapanalangin ko na sana'y nasa mabuti siyang kalagayan. Nawa'y hindi siya mahuli ng mga ghouls.Ngunit sa kabila nang lahat ay labis-labis ko pa ring pinagtataka ang tunay na katauhan ng nasa katawan ni Felicity. Batid ko nang