Chapter 110
"Ano ba ang gusto mo, ito o ito." Pinapapili ko siya sa pagitan ng dalawang brand ng cellphone na nasa harapan namin.
Binalikan namin ang mga labahin na dinala namin sa laundry shop para alamin ang status no'n. Aabutin pa raw ng three hours bago namin makuha dahil naka line up, and first come first serve. Kaya naman minabuti ko na ayain na lang siya sa malapit na Mall para sa Cellphone nga niya na ipinangako kong sasamahan ko siya sa pagbili.
Pero bago pala 'yon ay ipinapalit muna namin amh dala nitang gold at diyamante. Ang lagkit pa nga nang tingin sa sanglaan ang makita ang dala-dala namin, hindi ko siya masisisi, magmumukha naman talaga kaming kahina-hinala sa gano'ng sitwasyon.
Chapter 111"Grabe ang tagal mo! Inu- ugatan na ang puwetan ko kakahintay sa 'yo rito." Reklamo ko nang sa wakas ay nakarating din si gabriel. As in ang galing niya, halos isang oras akong naghintay bago siya nakarating."Sorry, hinila kasi talaga nila ako para makasama sa kanila. Pero andito na ako, halika uwi na tayo." Binitbit niya ang launddy bag na nasa tabi ko't sinenyasan ako na sumunod na. Pero kasi naiinis talaga ako sa kaniya kaya naman hindi agad ako kumilos. Ngunit napansin niya ang pananatili kong nakatayo lang. Sinundan ng tingin ko ang pa
Chapter 112Monica. "Good job team." Masaya kaming nagpalakpakan nang matapos ang pag meet sa amin ni Sir Gabriel. Tungkol 'yon sa ilalabas naming update sa writting app na last year pa talaga napaglanuhan, under pa kay sir Edwin."Sana maging succesful ang proposal natin, sir." Mula sa likuran ay nagsalita si Ruth. "Nothing is impossible, basta magtutulungan tayong lahat. So, let's end it and get back to work." Nagbigay si sir ng isang magandang ngiti sa aming lahat.
.Chapter 113Felicity. "Feeling ko masarap kumain ng adobo ngayon, kaya sige isa nga pong adobo." Tinuro ko ang nasa menu na adobong may pineapple chunks at nilagang itlog. "Caldereta po sa akin at one rice." Mula naman sa likuran ko ay nagsalita si Monica. "Uy, patikim ako ha." Bulong ko sa kaniya. "Oo, basta patikim din ako ng adobo." Nagkatawanan pa kami sa eksenang iyon. Hilig talaga naming bumili nang magkaibang ulam tapos ay paghahatian din namin.Nagbayad na ako kaagad ng
Chapter 112Victoria.Natuwa ako nang padalhan ako ng mensahe ni Gabriel na magpunta kami sa lugar nila ni Felicity ngunit para sa iba pa lang dahilan. Sinabi niyang may baliw na pantas ang naghahanap sa presensiya ko roon. Alam kong maganda ako pero hindi ko naman expected na kakalat hanggang sa mundo ng mga tao."Gabriel." Tinawag namin siya, nakatayo ang landowner ng Tenement sa harapang bahagi ng isang mataas na building. Ito at ang property na bi
Chapter 115Victoria. Okay. Nakipagkasundo na nga kami sa matandang pantas. Pumayag ako sa nais niya, kapalit ay ibabalik niya ang kalahati ng kaluluwang nakuha niya kay Felicity. Natapos na ang solar eclipse at nanatili ang anyo ngayon ni Felicity. Suhestiyon ko na ibalik muna siya sa Tenement habang hindi pa tapos ang gagawin kong pagpapalit sa mukha ng engkantada. Sa silid na ni Gabriel sa itaas nila dinala si Feli, at kami'y sa laboratoryo ko nagtungo. Ginawa ko ang disenyo ng mukha na nais niya.
Chapter 116Gabriel.Kanina pa nangangati ang mga paa ko, gustong-gusto ko nang pumasok at tignan kung ano na ang nangyari sa ginagawa nila Victoria. Iniwanan ko muna si Felicity kay Mrs. Youngsters at Fifi. Hindi lang ako makakampante sa silid na iyon. Pabalik-balik ako sa paglalakad sa harapan ng maliit na laboratory ni Victoria. Ilang oras na sila roon, matatapos na ang gabi. Pakatok na sana ako nang bumukas ang pintuan, iniluwa niyon si Cindie at Victoria. "Ano, kumusta?" tanong ko. Hindi sumagot ang dalawang babae, nangunot ang noo ko sa kanila. Hi
Chapter 117After one week. "Hi Felicity. Kumusta?" Napangiti ako sa pagpasok nina Victoria sa apartment ko. Kasama niya pa sina Cindie, Elias at Gerry. "Narito na naman kayo? Guguluhin niyo na naman ang master ko?" "Fifi. . . hayaan mo na sila, isa pa, bored na bored na ako rito sa loob ng bahay. Tamang-tama 'yan para may makausap ako." Saway ko sa pasaway kong house elf na ngayo'y nasa katawang tao niya. "Pero master-" "Sige na
Chapter 118 Ilang araw na naman ulit ang lumipas. Natapos na rin ang ten days kong pag-leave sa trabaho. Ang sabi naman ng doctor ay hindi malala ang pagkakabagok ng ulo ko kaya anytime soon puwede na akong mag-work. Sila lang naman kasi na mga kaibigan ko ang over acting, eh. "Hi Felicity, welcome back." Bungad nila sa akin pagkapasok ko pa lang ng Office. "Hoy, Ardanel ba't pumasok ka na agad?" Mula sa kaniyang kinauupuan ay sumigaw si Greg. "Okay na 'ko eh." matipid kong sagot sa kaniya. "Nextime kasi mag-iingat ka." "Oo nga naman, ba't kasi patakbo-takbo ka hagdanan wala ka naman sa playground." Hindi ko akam kung tinatarayan ba ako ni Leina o ano. Nginitian ko na lang sila't naupo da, wala ata akong lakas para sagutin ang mga sinasabi nila. Mayamaya nama'y lumapit sa akin s