Kinabukasan ay nagising na lang akong may benda sa aking ulo, pero nandito na ako sa bahay. And thanks G! It's Sunday at hindi ko na proproblemahin pa ang benda na ito sa aking ulo. Baka kasi mamaya may something na hindi ko kakayaning makita. Hindi naman sa overreacting... Pero parang gano'n na nga.
First time in my life na nangyari iyon. Tinubuan nga talaga ako ng kamalasan simula nang malaman kong si substitute teacher ang hinahangaan ng lahat. Kaya naman pala kilig to the bones ang feel ng mga kaklase ko nang siya ang pansamantalang maging guro namin. Grabeh! Bakit kasi hindi ko alam 'yon?
Pero hayaan na, naging maayos naman na ako simula kahapon kaya nga nakauwi na ako dito sa bahay. Dinala kasi ako agad sa hospital, pero nag-insist akong umuwi na matapos kong magising. Ayaw ko naman kasing mamalagi sa hospital dahil ramdam kong kaya ko naman na. Buong araw talaga akong natulog kahapon at ngayon lang ako mukhang nakabawi at bumalik na rin ang energy ko, I think. Pero nagdadalawang-isip ako kung tatanggalin ko 'tong benda o hayaan ko na lang ito.
Baka wasak na ang aking noo. Sa pagkakatanda ko ay napalakas ang impact ng upuan na tumama sa akin. Gosh! Bakit kasi upuan?
"Ma'am?"
Gulat akong napalingon sa pinto nang may pumasok na nurse. Kaloka! Nakakagulat naman itong si ate girl.
Ito ata ang nurse ng family namin at syempre may doctor din naman, pero hindi ko alam kung nasaan. She's nowhere to be found—kidding!
Lumapit na siya sa'kin at dahan-dahang tinanggal ang benda sa aking ulo. Nanatili akong nakapikit hanggang sa tuluyan niya nang matanggal at magpaalam nang umalis. Hinawakan ko naman ang gilid ng noo ko't nanlaki ang mga mata nang may makapang bukol. Kaya dali-dali kong kinuha ang salamin at halos mapamura nang makakita ako ng bukol.
Nakakaloka! Mukha akong may sungay. Gosh! Grabeh naman ang upuan na 'yon. Parang gusto ko rin siyang bukulan. Charot!
Pero laking pasalamat ko na wala naman sa kabila. Nakakainis lang dahil mukha akong naputulan ng sungay dahil walang bukol sa kabila.
Walang hiya rin kasi 'yong mga nagrambulan sa school. Pati ako ay nadamay na walang kamalay-malay, at sa sobrang antok ko hindi ko naramdamang may palapit na pala sa'kin na lumilipad na upuan. Gosh! Ang lakas talaga ng pagbato nila ng upuan na hindi ko alam kung saan nanggaling. In-report naman agad 'yon ni Aisie sa guidance para mapatawag ang dalawang estudyanteng nagrambulan. Grabeh nga ang galit ni dad, ngayon ko lang naramdaman ang pag-aalala niya. Pero wala siya ngayon dahil busy na naman siya doon sa winery namin.
Ano pa nga bang aasahan? Napaka-workaholic naman kasi ng pogi kong daddy.
Humiga na lamang ako ulit sa aking kama at biglang nag-ring ang cellphone ko. Unregistered number kaya nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Pero sinagot ko pa rin naman dahil medyo curious ang inyong lola.
"Hello," bati ko, pero wala akong narinig sa kabilang linya. Napanguso na lamang ako.
Baka prank call ito?
"Hello!" Ulit ko pa't medyo pasigaw na. Ang kaso ay wala pa rin akong narinig.
Gosh! Ako pa talaga ang napiling pag-trip-an ng prank caller na ito. Kaloka naman, o!
"Hello! Kung pinagtritripan mo lang akong gago ka, huwag mo na akong tawagan dahil wala akong oras makipagdaldalan sa walang balak magsalita. Na-pipi ka na ba?"
Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla naman akong kilabutan dahil sa boses na narinig.
"How are you?"
My goodness gracious! Paano niya nalaman ang cellphone number ko? Ayos din naman pala ang mga galawan nitong feeling close na, at mukhang stalker pa. At dahil nga na-shock ako, ako naman ang walang masabi't na-pipi.
"Hey? I can hear your breathings. Tinatanong ko kung kamusta ka na. Does it still hurts?"
"A-ayos lang." Pagkasabi ko no'n ay bigla ko na lang in-end ang tawag.
My goodness! Lakas ng heartbeat ni heart. Parang kaunti na lang ay aatakihin na ako dahil sa kaba. Bakit ba kasi siya tumawag? At ano ba ang pakialam niya sa aking kalagayan?
Napatingin ulit ako sa salamin at pinag-iisipan kung lalabas ba ako ng bahay o hindi dahil sa bukol. Nakakainis naman kasi, at nakakahiya namang maglakwatsa na mayroong bukol, 'no. Baka isipin ng iba ay tanga ako kaya mayroon akong bukol ngayon sa aking noo.
Tanga ka naman talaga, Lushiane. Kaya ka nga may bukol. Napairap na lamang ako sa sinagot ng sarili ko sa'kin.
"Sis!"
Nagulat ako nang biglang bumakas nang bonggang-bongga ang pinto at pumasok ang pinsan ko.
Bakit nandito ang isang 'to?
"Why are you here, Dey?" Taka kong tanong sa pinsan kong galing pang Manila. Gosh!
Napairap naman siya. "Duh! Sabi ko kasi kay mommy na dito muna ako ngayong sembreak. I really miss you, my beautiful cousin."
"Oh! Sembreak niyo na?"
Tumango naman siya at tinitigan ako na para bang napansin niyang may mali. Napakunot tuloy ang aking noo dahil sa pagtataka.
"Oh my goodness!" Eksaherasada niyang sigaw at saka tinuro ang bukol ko. "What happened? Your face... Ang pangit mo na!" Agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya napahagikhik siya.
"Duh! Kahit may bukol ako." Tinuro ko ang bukol sa noo at sabay sabi, "Mas maganda pa rin ako sa'yo." Inirapan lang ako ng bruha kong pinsan at saka nahiga sa kama ko.
"May bar ba dito, insan?" Tanong niya ng nakapikit.
"Wala. Bakit ba kasi dito ka nagbakasyon? Lakas din naman pala ng trip mo. Eh mas okay nga sa inyo dahil pwede kang magpaka-wild dahil naglipana ang mga bar sa paligid."
Tumawa naman siya at naupo sa tabi ko. "Nagba-baka sakaling may pogi. Malay mo. Feel ko gwapo ang mga lalaki dito dahil alagang probinsya, nakakasawa na ang mga manileno, at foreigner," kinikilig niyang sabi kaya kinurot ko siya.
Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ako ng ganitong pinsan. Sobrang magkaiba talaga kami ng taste. She's really wild.
"May pasok pa kami. Pero last week naman na, at sembreak na rin namin."
"Let's go sa winery kaya?"
Napaismid na lamang ako. "As if may magagawa ka doon."
"Sabi kasi ni Mommy maganda raw sa winery. Ewan ko nga kung niloloko ako o hindi. Kaya gusto kong pumunta tayo," nakanguso niyang sagot.
"Ikaw ang bahala. Basta may pasok pa ako bukas, until Friday."
Napabuntong-hininga na lamang siya at saka bigla akong hinampas sa braso. "Sama ako sa school niyo. Kahit tuwing recess na lang ako pupunta." Napanguso siya at maloko akong nginitian. "Boy hunting," sabi niya't kinindatan pa ako kaya bigla akong napairap.
Kalokohan talaga ang hatid ng pinsan kong ito.
Isang taon ang tanda ni Deylia sa'kin, pero kung titingnan ay parang siya pa ang isip bata kung minsan. Kaya nga nagtataka ako minsan kung paano 'to nakakapasok sa bar, eh minor pa lang. Malay ko bang baka may-ari ng bar ang kaklase niya or dinadaya niya since hindi naman halata na 16 years old pa lang siya. Nakakaloka talaga!
Tumayo na lamang ako para maligo. Nagpasiya naman ang pinsan kong matulog muna dahil napagod daw siya sa biyahe.
Pagtapos kong maligo ay sinuot ko na lamang ang gray tee and maong shorts ko, at saka sinuklay ang kulot at itim kong buhok na abot na hanggang sa aking baywang. Tiningnan ko ang aking sarili sa whole body mirror at napanguso nang makitang medyo tumataba na pala ako. Maybe kailangan ko nang mag-work out. Yayayain ko na lang ang pinsan ko bukas ng hapon since may class ng umaga. Bumaba na lang muna ako para kumain dahil nagugutom na ako at tinanghali ako ng gising, walang almu-almusal mga sis! Kaya gutom na gutom na ako. Hinayaan ko na lang ang pinsan kong matulog dahil baka mapatay ako niyan kapag ginising ko pa siya.
Kasalukuyan akong kumakain nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko't may message na agad ko namang binuksan at binasa.
Unknown Number:
Are you fine?
Napakunot-noo naman ako at in-send-an siya ng question mark. Bakit ba kasi ang daming nakakaalam ng numero ko? Gosh! Bigla ko tuloy naalala ang taong tumawag kanina.
Unknown Number:
Xalent.
Napaisip naman ako kung sino 'yon. At nang maalala ay agad kong pinatay ang sari—este ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pag-kain. Medyo napabagal pa ang pag-nguya ko dahil parang may kakaiba akong pakiramdam sa kaniya.
Anong trip no'n? He's acting weird lately. May gusto ba 'yon sa'kin? O sadyang isa lamang siyang concerned citizen? Kaloka! Basta ang weird talaga ng taong 'yon. O baka feeling ko lang dahil ngayon ko lang naman siya nakilala.
Ano ba, Lushiane? Stop thinking na nga, kumain ka na lang. Agad naman akong sumang-ayon sa aking utak at saka nilantakan na ang mga pagkain.
Edited—
It's already Wednesday at kailangan nang mag-review dahil exam na namin bukas at after ay sembreak na. Madalas din ang pinsan ko dito, tuwing recess nga lang, at sa tuwing pupunta siya dito ay excited na excited siya. Hindi naman nagkukuwento sa'kin kung sino ang nahanap niya dito. Kaloka! Ang harot, pero wala akong pakialam dahil hindi ko naman mapipigilan ang pinsan ko sa mga pinaggagagawa niya. Kung diyan siya masaya, support na lang ako. "Oh my goodness! Naku insan! Ang pogi niya. Nasaan na kaya 'yon? Kilala mo ba, insan? Hindi niya kasi ako pinapansin kahit tinatanong ko kung anong name niya. Choosy pa siya, sa ganda kong 'to ako na ang lumalapit sa kaniya. Iyong palay na mismo ang lumalapit sa manok, pero wala siyang pakialam," sabi niya at saka maarteng hinawi ang kaniyang buhok. Narinig ko naman ang pagtawa ni Aisie. Sus! Parehas lang silang maharot. Kaloka! Bakit ba ganito ang mga kasama ko? Go
Sa back ride sana ako uupo, pero inunahan na ako ni Xalent. Napakamot na lamang ako sa aking noo at napakapit sa strap ng aking bag. "Just sit inside." Wala naman akong nagawa kundi ang pumasok sa loob. Alangang makipagtalo pa ako, mas lalo lang kaming matatagalan. This isn't my first time riding a tricycle. Madalas akong mag-tricycle dati sa tuwing wala ang sasakyan at dala ni dad. Isa lang kasi ang sasakyan na mayroon kami dati, kaya nasanay na rin ako. Pero nagbago ang lahat nang tumuntong ako ng high school, dahil nga umangat na ang business namin ay nakabili si dad ng isa pang kotse. Iyong luma naman niyang kotse ang ginagamit sa paghatid, sundo sa'kin. Sa kaniya naman 'yong BMW na nabili niya. "You... okay, there?" Napaangat ako ng tingin at nakitang nakasilip si Xalent sa'kin. May katabi rin naman ako, pero ka-batch ata 'to ni Xalent base
Tahimik lang sa kabilang linya. Pero rinig ko ang bawat paghinga niya. Siguro ay nag-iisip siya. "Can you sing for me? Because... I'm sad right now, really. And I want to hear you sing." Pinukpok ko ang sarili kong ulo ng sabihin ko 'yan. Bakit ko ba siya kinakausap? I can't just say that I'm being being dramatic, but I found him comfortable to talk with. "What kind song do you want to hear?" "Anything." Kabado man na baka hindi niya ituloy ay naghintay pa rin ako hanggang sa nakarinig ako ng pagtipa ng gitara. He can play? H-how? Oh my goodness! Malamang inaral, Lushiane. Hindi ka talaga nag-iisip. Napapikit na naman ako nang marinig ko ang boses niya. Ang ganda talaga't hindi ka magsasawang marinig. So he is singing 'Passenger Seat'. Naalala ko tuloy ang pagsakay namin sa tricycle kanina. Hindi kotse, kundi tricycle. Tapos ito pa ang kinanta.  
I heard him chuckled a bit."Tinulugan mo ako," he accused me.Napaangat naman ako ng tingin "S-sorry.""Hmmm..." Napayuko na lang ako ulit. Hindi ko kayang titigan siya, pakiramdam ko sa bawat segundong tatama ang paningin ko sa kaniya ay bibigay na ako."Can you look at me." Napanganga naman ako sa sinabi niya at bigla na lang siyang tiningnan."Better," sabi niya at ngumiti na talagang nagpakaba sa'kin ng bonggang-bongga.Nalilito na ako. Parang bago pa lang naman kaming nagkakilala pero pakiramdam ko ang lalim na ng ugnayan namin sa isa't isa. Parang may something between us. Nakakaramdam ako ng kaba, saya, lungkot at inis ka
Kasalukuyan kong hinihintay ang dalawa kong kasama sa pagpunta sa meeting place. Ngayong Martes kasi napagpasyahan ni Aisie na aalis kami para sa in-planong camping for two days. Ang tagal pa ng mga kasama ko kaya talagang naiinip na ako ng dahil sa kanila. Sabi kasing mag-ayos na agad ng mga gamit kahapon, eh hindi pa ginawa. Alas-tres kasi ang kitaan doon para hindi kami abutin ng dilim sa daan. "Ang tagal niyo!" Bulyaw ko rito sa sala kahit alam ko namang hindi nila ako maririnig. Ilang minuto na lang at sa tingin ko ay kompleto na sila doon. Nasa tabi ko na nga ang malaki kong bag na pang-camping. Nandito na rin ang tent naming tatlo. Pambihira! Imbes na dapat sa bag 'to ni Dienvel nakalagay, ay pinagkaisahan ako ng dalawa at sinuksok sa loob ng bag ko. Pero okay lang naman. Kaming tatlo kasi ang gagamit nitong isang tent. "I'm here na!" Sigaw ng pinsan ko at tumabi sa'kin sa couch.
"What are you doing here?" Tanong ko. Naramdaman ko naman ang paglapit niya at pag-upo rin sa inuupuan ko. "I'm sorry." Napakunot ang aking noo. "About what?" Hindi ko na napigilang mapaharap sa kaniya na ngayon ay titig na titig sa'kin. He's handsome, talented, smart, kind, and he's perfect ang sabi nga ng iba. Pero ngayong nakikita ko siya dahil sa liwanag lang ng buwan ay masasabi kong he's so damn gorgeous in this setting, in this angle. Parang bumagay siya sa lugar na 'to na tanging ang buwan lang ang nagpapakita ng napakagwapo niyang mukha. "Kanina... Uh." Tumawa ako ng marahan at sinabing, "Eh bakit ka naman mag-sosorry? Okay lang na madamay ang pangalan ko. No issue." Umiling siya't seryoso akong tinitigan. "I like you." Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang mga katagang binitiwan niya at napaiwas n
Isang buwan na ang nakalipas at marami na ring nagbago. Isang buwan ko na rin siyang iniiwasang titigan at iniiwasang makabangga. Nakabalik na rin ang pinsan ko sa Manila at sa makalawa na ang alis ni Dienvel pabalik sa states para doon mag-christmas. After that day, I decided na kalimutan na ang lahat. Kalimutang nakilala ko ang Xalent na 'yon, walang magandang— "Fuc—" naputol ang balak kong pag-alma nang tuluyan na akong mahila ng kung sino man at hanggang sa madala niya ako sa isang bakanteng classroom. Nanginginig na ako. What the hell is happening? Nilingon ko ang nagdala sa'kin dito at gano'n na lang ang takot ko ng makilala kung sino ito. "A-ano... Bakit mo a-ko dinala d-dito?" Nauutal kong tanong habang umaatras at unti-unti siyang lumalapit sa'kin. What the hell is wrong with this guy? "Alam mo sawa na akong maghabol at manligaw sa'
"Bye, bro!" Nakangiti kong kinawayan si Dienvel. Nandito ako sa airport para ihatid ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa dahil sa itsura niya. Mukha kasi siyang ewan, suot ang binigay kong mint green na sunglasses. Feel ko kasi nagmukha siyang bakla dahil dito. Imagine, ang matipunong tulad niya ay may gamit na light color. Ang cute lang. "Come on! Give me a hug," nakabusangot niyang saad. Agad akong lumapit sa kaniya't binigyan siya ng yakap at hinalikan sa pisnge, saka tuluyan nang umalis. Lumabas na rin ako ng airport at dumiretso na sa school. May pasok kasi ngayon, buti na nga lang at alas-sinko ng madaling araw ang flight ng baklang 'yon kundi ay baka hindi ko na siya naihatid. Naka-uniporme na rin ako dahil di-diretso na nga ako sa school at alas-sais ang pasok namin. Isang linggo na rin mula nang mangyari sa'kin 'yon at hindi ko pa rin nakakausap ng pers
What is the happiest moment of my life? It is when he kneel down in front of me, holding a ring that will make me cry, and feel so much love and happiness in my whole existence. I never thought that crying can be a happy for me. Until that day came. Sa buhay ko ay madalas akong umiyak dahil sa pagkadapa, sa sakit, sa iniwan, at sa kahit ano pang nangyari at naranasan ko sa mga nakalipas na taon ng buhay ko. Lahat ng masasamang bagay na nangyari sa buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, umiyak dahil masakit at hindi ko na kayang harapin at danasin pa ang mga iyon. Pero sa pagkakataong ito? Wala akong ibang masabi kundi masaya ako at ibinuhos ko ang huling luha ko sa kaniya. Sa taong alam kong siya ang bubuo sa buhay ko, ang kokompleto sa'kin. "Will you marry me?" Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatulala sa kaniya. Ang sahig na niluluhuran niya ay p
Xalent Planze Nang banggitin ng doktor ang mga katagang 'yon ay halos manlumo ako. Tita is a soft hearted woman. She's very kind and of course, a loving mother. Kaya napakahirap sa'min ang masaksihan ang kalagayan niya't ang nais ko lamang ay sana may pag-asa pa, pero tila ba tadhana na ang nagsasabi na wala na. "H-hindi..." I heard my love and I hugged her so tight, at saka hinimas ang kaniyang likod para tumahan. Hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan. Masakit na nga sa'kin ang malaman na namatay si tita kahit na hindi niya ako kadugo. Kaya alam kong mas masakit sa kaniya ito dahil anak siya ni tita. Ilang taon silang hindi nagkaroon ng kahit anong komunikasyon. Masyadong naging matigas ang puso ni Lushhiane, at ginawa niya ang lahat para lamang hindi na sila mag-usap ulit. Pero sino ba naman ako para husgahan siya? Sisihin siya? Tao lang din naman siya at nasasaktan.
Nakaupo kaming tatlo at ang nasa gitna namin ay si Xalent habang hinihintay na lumabas ang doktor. Tumahan na rin ako, pero hindi pa rin ako mapakali. "Rendein." Napaangat kami ng tingin nang may magsalita. Lalaki siya, na sa tingin ko ay nasa edad lang ni daddy. Siya ata ang daddy ni Rendein at ang mahal ni mommy. Napatingin naman siya sa'kin na naging dahilan ng pagyuko ko. May kasama pa siyang batang babae na namumugto ang mga mata. Naramdaman ko naman siyang naglakad palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. "Are you ate Lushiane?" Nagulat ako nang tanungin niya ako, kaya napalingon ako sa kaniya. Ang cute niyang bata. Sa tingin ko ay nasa five or seven years old na siya. Maputi rin siya at may pagka-brown ang bagsak niyang buhok. Medyo singkit ang mga mata niya at nakasuot ng pink na dress habang may hawak na teddy bear. Sumisinghot-singhot pa siya at tintigan ang mukha ko.
My lips started to tremble as I looked at him with so much questions in my eyes. I felt my heart hurt a little bit, at sobrang kaba na ang nadarama ko ngayon pa lang dahil sa kaniyang sinabi. "W-what happened?" Napatayo na ako at tuluyan nang nawala ang tama ng alak sa'kin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at bakit ako kinakabahan na tila ba masama ito. "Your mom... Sinugod siya sa hospital ngayon. Umiiyak si Rendein nang tumawag siya." "Puntahan natin siya... Puntahan natin, Xalent!" Nanginginig kong bulyaw sa kaniya at niyugyog ang braso niya. "Yes, baby. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din si tita. Let's go to her," sabi niya't patakbo na kaming lumabas at sumakay ng sasakyan. Habang nasa loob ng sasakyan ay punong-puno ako ng katanungan sa aking utak. Nanginginig na rin ang mga kamay ko at unti-unti na rin
Nang humiwalay na sa'kin ang lalaking nanghalik ay agad ko siyang tinitigan. Kahit nahihilo na ako ay kita ko pa rin ang mukha niya kaya agad akong bumungisngis at nilapit ang bibig sa kaniyang tainga."Xalent," bulong ko at tatayo na sana ng mapaupo ulit. Damn this alcohol!"Let's go home," bulong niya.Tinulungan niya naman akong tumayo at hindi pa kami tuluyang nakakaalis ng biglang magsalita ang lalaki na kausap ko kanina."Saan mo siya dadalhin, bro?""Uuwi na kami ng grilfriend ko," Mariin na sabi ni Xalent kaya agad natameme ang lalaki."Woah?" 'Yun lang at iniwan na namin siya.Natatawa ko namang hinawakan sa pisnge si Xalent habang inaalalayan niya ako palabas. "Girlfriend?""Ayaw mo?" Agad naman akong umiling at kumapit sa braso niya."Gusto. Boyfriend na kita, ha! Doon tayo sa bahay natin." Natawa naman s
Dalawang linggo na ang lumipas at bigla na lang akong bumait kay Xalent. Parang biglang naglaho ang lahat ng hinanakit ko sa nakaraan at bumigay na sa kaniya. Pumayag na rin ako na ligawan niya ako.Gosh! I'm so marupok pala?After ng happenings sa café at sa site ay napagdesisyunan kong 'wag nang magpabebe pa. Naisip ko rin na wala namang mangyayari kung papayagan ko siyang manligaw. Pero na-bad trip ako no'ng pauwi na kami, pagkatapos ng lunch, dahil ang h*******k na 'yon ay nilagyan na naman ako ng hickey dahil naka-spaghetti straps daw ako. Todo tabon tuloy ako ng buhok ko sa leeg ko para hindi makita ni tita.Napakurap-kurap ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko, kaya agad ko namang sinagot ito dahil si Deylia ang tumatawag."Where are you?""Café.""Pupunta ako diyan at nasa eroplano na ako. Samahan mo ako sa bistro at maglasing tayo."Napakunot naman ang noo ko. Anong nakain nito't talagang gumastos para makapunta lang sa
Pagdating ko sa café ay agad kong sinuot ang apron ko't dumiretso ng kusina. Nasa counter naman si Xannie habang nagsi-serve naman si Madie.Inumpisahan ko nang magmasa para sa gagawin kong tinapay. Nang matapos ay inilagay ko na ito sa oven. Kumuha naman ako ng baso at gumawa ng kape. Medyo inaantok na rin kasi ako, kaya kailangan kong magising dahil marami pa ang dapat gawin."You're making me jealous."Inis ko namang nailapag ang kutsara na hawak ko at sinabunutan ang sarili. The hell! Why can't I forget that words from his mouth? Shit!"Ate? Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo? Nga pala, may naghahanap po sa'yo. Nandiyan na naman ang love of your life mo, your jowa," mapagbirong sabi ni Xannie."Di ko nga sabi jowa 'yon. Sabihin mo wala ako." Napangisi na lamang siya at agad bumalik sa counter. Pasimple naman akong sumunod at itinago ang sarili sa pader para mapakinggan ang usapan nila."Wala raw po siya dito," inosenteng sabi n
Huwebes na ngayon at laking pasalamat ko na walang Xalent ang nanggulo ng dalawang araw. Naging busy na rin ata siya. Tsk! Buti naman. Inaayos ko ang aking sarili ngayon dahil may meeting about sa renovation. And bukas ay bibisitahin namin ni tita ang winery para tingnan kung may progress ba. Ayaw ko nga sanang pumunta pero kailangan dahil ako ang nagmamay-ari. Kaloka!I just wear my corporate attire at umalis na papuntang building. Pagdating ko ay dumiretso muna ako sa office at tinawag ang aking sekretarya."Can you send me a copy of the important events that I'm going to join this coming week?""Yes, Ma'am. I'm going to send it to your email, later." Tumango naman ako at hinayaan na siyang lumabas ng office.Nang ako na lamang ang mag-isa dito sa loob ay wala sa sarili akong sumandal sa swivel chair at pinaglaruan ang ballpen sa aking daliri. Nilagay ko naman ang isa kong kamay sa aking baba at nag-isip ng malalim.I opened m
Isang linggo na ang nakalipas, pero ang h*******k na si Xalent ay hindi pa rin ako tinatantanan. Kapag alam niyang mainit ang ulo ko ay sasadyain niyang bigyan ako ng halo-halo and leaving me with that damn hickey on my neck. Nasanay na rin ang magkapatid sa kaniya at natatawa sila sa tuwing pinapanood nila kami.Bakit ang landi ng isang 'yon? Si Deylia naman ay bumalik na sa Maynila for her work. Ang mag-asawa naman ay pumunta sa Singapore para sa honeymoon nila. Sana magka-anak na sila para may alagaan at pagkatuwaan naman ako at saka para mawala ang stress ko nang dahil sa pisting Xalent na 'to.Kaunti na lang talaga ay sisipain ko na siya papunta sa Mars. Ginugulo niya ang tahimik at payapa kong buhay, eh. "Two boxes of cookies please," sabi ni Xalent nang makarating siya ngayon."And please give me my babe," dagdag niya pa na naging dahilan nang pagkunot ng noo ko habang nilalagay sa paper bag ang order niya.I heard him chuckled when h