Maaga akong pumasok sa opisina. Iilan lang sa mga ka opisina ko ang nandito. Ewan kung bakit naisipan kong maaga pumasok samantalang dati ay halos makipag agawan na ako nang masasakyang taxi dahil late na ako. Kakaupo ko lang sa aking swivel chair nang salubungin ako ni Ms. Trinidad na may dalang mga papeles. Tulad nang dati ay hindi man lang niya akong nginitian. "Kailangan 'yan mamaya." 'yun lang ang sinabi niya saka tinalikuran na ako. Nagkibit balikat ako saka binuhay ang computer. Nasanay na akong gan'on siya. "Naks! Ang aga natin ah, anong nakain mo?" sabi ni Iris na kakarating lang. "Wala naman." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nakangiti ako ngayon. Kagabi pa ako ngiti nang ngiti sa hindi malamang dahilan. "Inlove ka no?" Agad akong napatingin kay Iris. Nakadungaw siya sa akin habang nakangiting naghihintay sa magiging reaksyon ko. "Ano ba 'yang sinasabi mo?" tanong ko. "E kasi kanina ka pa ngiting ngiti. Kumikislap din ang mga mata mo, halatang ang saya saya mo."
A/N: Maikling update lang po sa chapter na ito. Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilang hindi maipikit ang aking mata dahil sa antok. Nakaka antok din kasing tumingin sa daan habang umaandar ang sasakyan. Kanina pa kami umalis galing sa opisina pero hindi pa din kami dumadating. Nagtataka na ako kung bakit ang tagal namin dumating. Gaano ba kalayo ang pupuntahan namin?"Malayo pa ba?" Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na akong nagtanong nito simula kanina. "Are you sleeppy?" Umiling ako. Ngunit ngumisi lamang siya nang makitang naghikab ako. Gutom na nga, inaantok pa. "You're free to sleep. Gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo." "Gaano ba 'yun kalayo? Bakit ang tagal naman nating dumating?" "Just wait. Matulog ka nalang muna. Doon nalang tayo kakain, kaya mo pa naman maghintay hindi ba?" Kanina pa nga ako ginugutom e. Kung kainin nalang kaya kita? Charot. "Oo." Nanatili sa daan ang kaniyang tingin. Habang ako'y nasa labas pa din ang tingin. Hindi naman
Sa ganda nang lugar, hindi ko maipagkakailang gusto kong tumira dito. Maliban sa maganda, mapayapa pa ang lugar. Walang kahit sino ang pwedeng mangambala kung sino man ang naninirahan dito. Kahit ang bahay na ito ay maganda din. Kasing laki lang siya nang apartment ko pero may 2nd floor. Ang pinakapaborito kong parte nang bahay na ito ay ang ikalawang palapag. Dahil doon mo makikita ang kabuuan nang kagandahan dagat at buwan. Nakaupo na ako ngayon sa couch. Panay sighot at hatsing ko. Kanina ay pinagmasdan ako ang buong bahay ay masasabi kong inalagaan itong mabuti. Siguro ay madalas siya dito. Ang ganda naman kasi nang isla. Kahit ako ay gugustuhin din dito. "Can you wait? Bibilisan ko nalang magluto." Kakababa palang ni Ale. Nakapagbihis na siya nang puting t shirt saka itim na shorts. Napatingin ako sa isang puting t shirt na hawak niya. Naka tapis pa lang kasi ako nang tuwalya, sabi niya'y kukuha siya nang masusuotin ko. "Wear this." Ibinigay niya sa akin ang t shirt. Nang
Nagising akong masakit ang buong katawan. May mabigat na kung ano sa aking noo, nang hawakan ko ito ay puting panyo ang nandoon. Nararamdaman ko din ang init sa aking buong katawan. Nang pilitin kong umupo sa kama ay napahawak ako sa aking noo dahil sa sakit. I'm sick. Napatingin ako sa pinto nang kwarto nang bumukas ito. And there, I saw Ale. Agad naman siyang lumapit sa akin. "You're sick," aniya. Ngayon ko lang napansin ang maliit na palanggana sa side table. May isang mangkok din doon na naglalaman nang lugaw at umuusok pa. "I-I'm fine," Pinilit ko ulit umupo sa kama pero napabalik ulit ako sa pagkakahiga nang sumakit ulit ang ulo ko. "You need to rest. 'Wag ka munang masyadong gumalaw." Tumayo siya saka may kinuha sa drawer. Bumalik siya sa akin dala ang thermometer."I'll check." Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya sa kaniyang ginagawa. Pakiramdam ko'y wala akong lakas gawin ang anumang bagay ngayon. "You're still sick." aniya habang nakatingin sa temperature.
Bakit may mga taong kapag nagsawa o hindi gusto ang isang bagay ay basta nalang itatapon? Bakit hindi nalang balikan kung saan nagsimula kung paano mo ito ginusto? Gaya nang sabi ni Ale ay umuwi kami. Ayaw niya pa noong una dahil may sakit pa daw ako. Seriously? Mas alam pa niya kaysa sa akin na ako ang may sakit."Saan kayo pupunta?" tanong niya. Dahil ayaw niya pang umuwi ay sinabi ko sa kaniyang may pupuntahan ako. Nagtanong siya kung sino ang kasama ko at sinabi kong si Iris. Pumunta muna kami sa bahay ko upang kumuha nang mga gamit ko saka kami pumunta kay Iris. "Sa probinsya nila." "Saan nga?" Hindi ko natanong kay Iris kong saan. Basta umo-oo lang ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay. "Hindi ko tinanong. Sabay naman kami papunta doon." Hindi na siya nagsalita at nag focus nalang sa pagmamaneho. Tinext ko si Iris kaninang umaga. Sabi niya'y maghihintay siya sa kaniyang apartment. "Diyan nalang." Huminto ang sasakyan niya sa tapat nang apartment ni Iris. Kinuha k
Gabi na nang makarating kami sa bahay nila Iris sa kanilang probinsya. Medyo makulimlim na noong dumating kami dahil sa nagbabadyang ulan. Wala din namang nasabing bagyo, siguro'y ulan lang ngunit hindi naman kalakasan. "Nay!" tawag ni Iris nang nasa tapat na kami nang kanilang bahay. Maganda ang kanilang bahay. Sementado at may pangalawang palapag. Mukha din itong makaluma na inalagaan lang nang maayos. Lumabas sa bahay nina Iris ang kaniyang nanay at tatay. "Anak, nakauwi ka!" anang nanay ni Iris sabay yakap sa kaniya. Nagyakapan pa sila nang kaniyang nanay at tatay habang kami ni Ale ay nanonood lang sa kanila. Napatingin ako kay Ale nang bigla siyang humakbang paatras at nag iiwas nang tingin. Tatawagin ko sana siya nang binalingan na kami ni Iris pati ang kaniyang nanay at tatay."Nay, tay, mga kaibigan ko po. Si Chernie 'tsaka si Ale." ani Iris. "Magandang gabi, po." bati ko. Ngumiti ang nanay ni Iris sa akin. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang aking kamay. "Magand
Hindi ako makapagsalita. Feeling ko'y para akong tulog at panaginip lamang ito. "I can't stop myself from seeing you. Hindi ko magawa na sa isang araw ay hindi ka makita." I'm shocked. Yes. Dahil hindi ko naman inaasahan ito. Akala ko'y simpleng lakad lang ang gagawin namin pero hindi ko alam na aamin siya. Pero teka, bakit parang impossible naman yata. I mean, bakit ako? Sa dami nang mga babae niya ay bakit ako? Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang kinuha ko ito'y nakita kong si Ate Tinay ang tumawag. "Excuse me. Sasagutin ko lang," sabi ko. Nakita ko ang pagkawala niya nang pag asa saka tumango at binitawan ang kamay ko. "Hello, ate Tinay?" bungad ko. "Ma'am Chernie..." Kumunot ang noo ko nang marinig ang hikbi ni Ate Tinay. "Bakit po?" Nagsimula na akong kabahan. "Si Sir Joseph ho kasi, nasa ospital..." Bigla akong nanghina. No. Not this time."Anong nangyari? Ayos lang ba siya? Saang ospital?""Bigla ho kasi siyang inatake kanina..." sam
Days passed nasa ospital pa din ang kapatid ko. Nagigising na siya pero hindi pa siya pwede ma discharge dahil kailangan niya pang i-test. Ako naman ay halos sa ospital na tumira. Gusto kong kada gumigising ang kapatid ko ay ako ang nakikita niya. Minsan dinadalaw din siya nang mga kaibigan ko. Ngayon nga ay kasama ko si Alena. Si Ana kasi ay may race habang si Natalia ay nasa ibang bansa na. Si Jhia nasa probinsya na nila, kakauwi niya lang kagabi. At hindi ko alam kung babalik pa ba dito. "Kain ka kaya muna." aniya. "Mamaya na. Sabay nalang kami ni Joseph pag gising niya." Tumango lang siya. Wala akong ginawa kundi pagmasdan ang kapatid ko. Sinabi ko kay Daddy noon na kukunin ko si Joseph pero naisip ko din kung kakayanin ko ba siyang buhayin. "Alam mo, ganyan din ako noong nagkasakit si Kuya. Halos araw-araw ako sa kwarto niya kasi hindi ko napapanatag kapag hindi siya maayos. Siya kasi 'yung taong lahat gagawin para sa akin." May kislap sa mga mata niya habang nagsasalita p
Hi guys! This is the Wakas. Pasensya na sa mga wrong typo's and grammars ko po. I'm just new in writing kaya pasensya na po. At sa plot ng story ko. Pasensya na po at medyo kalat pa siya. Hindi ko naman po kasi inaasahan na matatapos ko talaga ang story na 'to. Again, sorry and thank you all for reading until here. Godbless, Sunnies!---Revenge. That is what I want to do after my parents death. My whole life is a mess when they left. Kung ano man ang ginawa niya sa mga magulang ko ay gusto kong gawin pabalik sa kaniya. Gusto ko rin siyang patayin but I know magiging kagaya ako sa kaniya kapag ginawa ko iyon. "This is the footage of the CCTV. Maswerte tayo dahil naunahan natin siyang makuha ito." Onw of Tito Yves' men said. Weeks after my parents die, hindi ako makausap kahit saglit. It's too painful and I couldn't accept it. I didn't cry because my Mom said that she dislike seeing me crying. I know that she still see me even when they are now in heaven. "Miggy..." Tita Lysa calle
Nasa labas na kami ng kwarto ni Savanah. Dad looked at me. Nanggaling siya dito noong nakaraang araw kaya alam niya kung nasaan ito. He also talked Tita Siara and she's asking for our forgiveness. Gusto niya akong makita kaya nandito ako. Dad opened the door. Napatingin si Tita Siara sa amin na nasa loob, nagbabantay sa anak. When she saw me, she smiled a little. "How is she?" Dad asked. Tita Siara looked at him. Dad is just staring at Savanah, not trying to look back at Tita Siara. "She's getting better. Gumising na siya kanina." Tumango si Dad. Nakatayo lang ako sa likod ni Dad habang nakatanaw kay Savanah. She's peacefully sleeping. Hindi maipagkakaila ang kagandahan niyang namana sa ina. I saw Tita Siara staring at me. Napatingin ako sa kaniya. "I'm sorry..." she said. I smiled at her. Yes, she made mistake to us pero hindi bato ang puso ko. Marunong akong magpatawad sa mga taong alam kong nagsisisi na sa mga nagawang mali. Biktima sila. Inabuso ni Tito Leo ang pagmamahal
Dad and I are saved by Alejandrino. And Savanah... got shot by her father. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng makita si Savanah na naliligo sa sarili niyang dugo. Her Mom immediately ran to her. Umiiyak ang Mommy niya habang pilit siya nitong ginigising.Dumating ang mga pulis at mga tauhan namin. Tito Antonio helped them on finding my brother. Agad naman napusasan si Tito Leo ng mga pulis. Pagkatapos ng nangyari ay natulala lamang siya at nakatanaw sa anak. Gulat at halatang hindi makapaniwala. Ako man, ganun din. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. I was just staring at them when suddenly I feel that my head is turning. Nahihilo ako kaya mabilis akong natumba at nawalan ng malay. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari pagkatapos. Nagising akong nasa ospital. Walang tao sa loob ng magising ako. Naiisip ko ang nangyari kanina. Si Savanah. Dinala ba siya sa ospital? Anong nangyari sa kaniya? Si Tito Leo, nasa kulungan na siguro. Ang kapatid ko. Agad akong nap
Habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan. Kaba dahil baka huli na ako at kaba dahil paniguradong mag aalala sil sa akin kapag nalaman nilang tumakas ako sa bahay. By now, alam na nila iyon. Dahilan para kanina pa tunog ng tunog ang cellphone ko sa mga tawag at texts. Mas binilisan ko ang pagmamaneho patungo sa nasabing lugar. Natanaw ko sa aking side mirror ang mga sasakyang mabilis ang mga takbo. Pinaliko ko ang aking sasakyan patungo sa nasabing lugar. Tanaw ko na agad ang mga kotseng nakaparada ilang metro ang layo sa kung nasaan nakatago sina Tito Leo. Namataan ko agad si Alejandrino, papalapit sa kotse ko. Busangot ang mukha at galit na galit. Inihinto ko ang aking sasakyan. Kinuha ko ang aking cellphone at naghanda ng lumabas. "What are you doing here?" Bungad agad ni Alejandrino sa akin. Kakabukas ko pa lang ng pinto ng kotse ko at hindi pa ako nakababa ng tinanong niya iyon. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Galit na galit ang kaniyang mga mata ngunit kay halo
Dad and Tito with the police planned on how to catch Tito Leo. Nasa amin si Savanah and she knows where her father is. I keep on asking Savanah about my brother. Ayos lang daw siya at sa katunayan ay ang ina niya ang nag alaga sa kapatid ko. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag nasaktan ang kapatid ko. Sa araw na iyon ay medyo masama ang pakiramdam ko. Gusto kong makibalita tungkol sa kapatid ko pero nahihilo lamang ako kaya nagpahinga muna ako saglit. Nang magising ako ay dinalaw na naman ako nang pagduduwal. Sakto pang tumatawag si Jhia sa akin. Kinamusta niya ako at I told her what is happening here. Medyo malaki na ang tiyan niya. May pumasok sa isipan kong tanong tungkol sa pagbubuntis niya. I may be assuming pero gusto kong makasiguro. Pangalawang beses na akong nagduwal. Don't tell me iyong agahan naman namin ngayon ang problema? It's just simple sunny side up egg and bacon. Walang masama doon. "Jhia, can I ask you something?" Umiinom siya nang kape na
"Savanah?! Nasaan ang kapatid ko?!" Bumukas ang pintuan nang kwarto ko at nakita kong pumasok si Alejandrino doon. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Basa pa nang luha ang mata ko pero nangibabaw ang galit sa aking sistema. Agad akong dinaluhan ni Ale dahil sa pag alala. Nakita niyang may kausap ako sa cellphone kaya kumunot ang noo niya. "Tutulungan ko kayong makuha si Joseph. Masyado nang marami ang kasalanan namin sa inyo at hindi ko na kayang dagdagan pa iyon." "Nasaan nga ang kapatid ko?!" "Chernie..." ani Ale. "Alam ko kung nasaan siya. Tutulungan ko kayong makuha siya." ani Savanah. Hinapit ni Ale ang baywang ko at hinawakan ang braso ko. Nagkatinginan kaming dalawa. "Give me the phone," bulong niya. Umiling ako at suminghap. "Paano namin masisigurong nagsasabi ka nang totoo?" tanong ko kay Savanah. "Chernie, give me the phone." si Ale. "I know, hindi niyo na ako kayang pagkatiwalaan ngayon dahil sa nangyari pero hindi ko na kayang dagdagan pa ang mga kasalanan
"Wala pa ba?" Dad asked. Umiiyak na ako dito habang nakaupo sa sofa. Si Dad naman ay panay lakad pabalik balik habang si Tito at ang kaniyamg mga kasamahan ay nag iimbestiga sa nangyari. Alejandrino is beside me. May hawak din siyang laptop pero may mga oras ding hinahawakan niya ang kamay ko at niyayakap ako. Kinidnap ang kapatid ko nang mga taong hindi namin kilala. But we... all know who it is. "Hindi klaro ang mga mukha. Puro nakatakip. Hindi din ma trace ang plate number nang sasakyan dahil sa sobrang bilis nang patakbo, hindi na makita." sabi nang isa sa mga tauhan ni Tito. Iyak lang ang nagawa ko. Nag aalala ako sa kaligtasan nang kapatid ko. Hindi normal ang kondisyon niya at hindi namin alam kung saang lugar siya dinala, baka maalikabok o mainit sa lugar na iyon. "I'm sure, kagagawan na naman ito nang hayop na 'yun." si Dad. Napatingin ako sa kaniya na ngayo'y nakakuyom ang kamao at nag aalab ang mga mata sa galit. Yumuko ako at umiling. Bakit ganito? Sa panandaliang
Naglagi kami nang isang araw pa sa resort. May inasikaso pa siya doon sa meeting at masayang masaya siya pagkauwi. Na close na naman niya ang deal. Nasabi niya na rin sa akin ang nangyari sa kaniya noong namatay ang mga magulang niya.Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko noon habang kinu-kwento niya iyon sa akin. Nakayakap lang siya sa akin habang sinasabi niya iyon. Para bang kumukuha siya nang lakas sa akin para maipaliwanag niya. Pauwi na kami ngayon sakay sa isang private plane na pag aari ni Alejandrino. Mabuti na rin ito para mas masiguro ang kaligtasan namin kung sakaling may magbanta man. Nakalapag na kami nang tumawag si Daddy sa akin. Napag usapan na din namin ni Ale kung paano namin sasabihin kay Dad at sa kapatid ko na kami na. Hindi ko din pa nakakausap ang mga kaibigan ko tungkol sa kaniya. Wala silang alam sa amin pero kilala naman siya ni Anastasia at Jhia. Pero mas maganda pa rin 'yung ipapakilala ko siya sa personal. Nakasakay kami sa kaniyang sasakyan pap
Dilat na dilat ang mata ko at hindi ko maproseso ang nangyari kanina lang. Ale is beside me. Nakapulupot ang kaniyang katawan sa akin habang pinalilibutan ang katawan namin nang puting comforter. I give myself to him. 'Yan ang totoo. Gumalaw ako nang kaunti at naramdaman ko ang hininga ni Ale sa leeg ko. Nakayakap siya sa akin at nasa leeg ko ang kaniyang mukha. Pikit ang mata at halos ayaw na akong pakawalan. Napangiti ako. Ibinigay ko ang sarili ko sa kaniya kasi mahal ko siya. Wala akong pagsisisi sa ginawa ko. Hinaplos ko ang buhok niya. Natigil lang ako nang gumalaw siya at dumilat. Ngumiti agad siya nang makita ako sa tabi niya. Mabilis niyang hinalikan ako sa labi at bumalik sa pwesto niya kanina. "I love you." aniya. Tumitig ako sa kaniya. Hindi ko maisip noon na mamahalin ko ang lalaking ito. Akala ko noong una ay ang mga lalaking katulad niya ay malabong magmahal. Ngunit mali ako. Humigpit ang yakap niya sa akin saka ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg. Kung hind