Maagang nagising si Ley at hindi pa rin nawawala sa isip niya ang inis na naramdaman niya kay Margaux kagabi pero dahil sa kumalma na siya ay naiisip niyang humingi ng sorry dito dahil sa paghi-histerical na sinabi niya.Isang malalim na buntong hininga na muna ang ginawa niya bago lumabas ng kwarto upang magluto ng breakfast, nagtatali pa siya ng buhok papalabas nang matigilan siya seeing Margaux in apron again doing stuff at the kitchen."Anong ginagawa mo?"Takang tanong ni Ley."Ha? Magluluto ng breakfast""Eh sabi ko hindi ba ako na ang magluluto rito sa bahay, akin na iyang mga itlog, ako ang magsasangag, magpi-prito ng itlog, ng bacon at nang hotdog okay! Like your favorite!"Natatahimik naman sa pagtataka si Margaux dahil sa biglang bago ng mood ni Ley na kagabi lang ay inis na inis sa kaniya kaya naman naisip niyang ipagluto upang mawala ang inis nito."Ahmm, okay ka na ba?"Tanong ni Margaux na tila sinisilip pa ang mukha ni Ley na biglang abala na sa kusina."Oo naman, wala
Tahimik na kumakain ng agahan sila Ley at Margaux pero walang kibuan dahil sa pangyayari kanina sa pagitan nila, binalot ng pagsisisi si Ley sa ginawa niya na halos mahiya nang tignan si Margaux kaya naman nang matapos na siyang kumain ay agad na rin siyang tumayo upang mag-prepare papunta sa templo.Bago pa man makalabas ng bahay si Ley ay agad siyang tinawag ni Margaux na nagpahinto sa kaniya."A-Ano iyon?"Patay-malisyang tanong ni Ley na hindi naman nakatingin kay Margaux na ngayon ay nakalapit na sa kaniya."Hindi ba tayo magsasabay papuntang templo?""Ahmmm oo nga, magsasabay nga tayo, hahaha, nauna lang akong lumabas, ang init kasi sa loob eh"Pagpapalusot ni Ley sabay marahan na hinarap si Margaux na same attire, naka-dress ulit at naka-braid ang buhok."Diyos ko self! Nawa masanay ako agad sa trip ng babaeng ito talaga!"Maya-maya pa matapos kunin ni Margaux ang bag niya ay sabay na silang umalis papunta sa templo nang magsalita ito habang naglalakad sila."Sorry..."Natahimi
"Kuya...kuya!?""Cecille!!!""Kuya!!!""Kuya!!!""...Kuya!!!"Isang malakas na sigaw ni Ley nang mapabangon siya dahil sa kaniyang panaginip, halos naghahabol ng hininga siyang napaupo sabay sapo sa kaniyang buhok."Napanaginipan ko ang pagbagsak ng eroplano namin...alam kong mayroon sinasabi sa akin si Kuya pero hindi ko ito maalala at ang isang boses na iyon, isang babae ang humatak sa akin, alam ko ang amoy na iyon..."Sambit ni Ley sa kaniyang sarili sabay pabagsak na napahiga ulit habang nakatitig sa kisame, alam niya na ang pabango ng babaeng naka-itim ay parehas sa babaeng humatak sa kaniya sa eroplano."Kahit kalian ay hindi ko pa naamoy iyon kahit kanino, alam kong siya lang ang mayroon ng ganong pabango"Sambit niyang muli nang biglang may kumatok sa kaniyang pinto and it is Margaux."Ley... you okay?"Tanong ni Margaux mula sa pinto kaya naman wala nang magawa si Ley kung hindi pagbuksan ito."Okay lang ako"Seryosong sambit lang ni Ley."I heard you screaming""Kasi nanagi
Nakatulalang nakatitig si Ley sa harap ng bahay na tinutuluyan habang mugtong-mugto ang mata at makikita ang tila pagod sa kilos nito nang papasok na sa loob.Nanginginig ang katawan na nagpipigil ng iyak hanggang mapaluhod sa lapag sabay sabunot sa buhok at doon na bumuhos ang iyak."Ang tanga mo!!! Sabi ko sa 'yo na tumigil ka na! itigil mo na...hindi ba okay ka na! hmmmm aaaahhhh!!! Huwag mo na siyang mahalin...ano nanaman ba ang ginagawa mo!!!!"Luhaan na sambit ni Ley sa kaniyang sarili mula nang malaman na tuluyan nang papasok sa pagma-madre si Margaux.Samantala marahan naman ang kilos si Margaux wearing her all black suit sabay pasok sa loob ng kumbento, tinignan niya ang oras at alam niyang hindi siya maaring magtagal ng ilang minuto, kailangan niyang makabalik agad sa kinauupuan niya kanina.Papunta sa kanang bahagi ng kumbento, sa sinasabing tambakan ay agad nakita ni Margaux ang isang bakal na pinto ngunit may lock ito kaya hindi niya basta-basta mabubuksan, nakaramdam siy
Nang magising si Margaux na makikitang mugto pa ang mata ay agad na siyang nag-asikaso upang mag-almusal pero nakakapagtakang hindi niya amoy na may nagluluto sa kusina, madalas ay maririnig at maaamoy niya agad na mayroong nagluluto tuwing gumigising siya pero ngayon ay wala.Tulad ng inaasahan, wala ngang nagluluto sabay lingon niya sa kwarto ni Ley, sinubukan niyang kumatok pero wala siyang naririnig na kilos sa loob kaya naman agad na niyang pinihit ang door knob.Agad na tumambad sa kaniya ang kwarto ni Ley at wala ito sa loob, bahagyang nakaramdam siya ng kaba kaya naman mabilisan siyang nagbihis at umalis agad ng bahay nagbabakasakaling maabutan niya pa si Ley sa daan.Nang makarating ng templo ay agad siyang nagtungo sa kusina upang i-check si Ley pero hindi niya ito makita roon kaya naman walang ano-anong tinanong na niya ang punong kusinera."Ma'am, maari ko po bang malaman kung nasaan si Ley?""Nako iha, maaga siyang pinuntahan dito ng mga taga-bulwagan ng mga mongha pero s
Gustohin man dumilat ni Ley ngunit tinatalo siya nang pagkahilo, ramdam niya ang tila init na nanggagaling sa apoy sa paligid niya, hanggang maanigan ang mukha ni Margaux na nakahubo at hubad sa harap niya.Hindi niya maintindihan kung totoo ba ito o isang panaginip lang ngunit alam niyang malabong maging totoo knowing that Margaux will soon be a nun."Kung panaginip ka lang na nakatayo sa harap ko, please, let me feel her....kahit ngayon lang...gusto ko maramdaman muli ang bawat dampi ng labi niya sa katawan ko...mga haplos niya sa akin na kahit kailan ay hindi ko na mararanasan...so please...make me feel her kahit panaginip lang..."Sambit ni Ley sa taong nasa harap niya na kawangis ni Margaux, alam niyang panaginip lang ito kaya sinabi na niya ang nais niyang sabihan ng buong puso.Natitigilan naman si Margaux listening to what Ley is saying habang nanghihina at namimikit ito, napansin niyang ang batid nito ay isang panaginip lang na kaharap niya si Margaux.Magkahalong sakit sa da
Luhaan na lumabas ng bahay si Ley matapos ang tagpo nila ni Margaux, hindi na niya napigilan humagulgol nang gawin sa kaniya ni Margaux ang ganoong halik na kahit kailan ay hindi nito pinaramdam sa kaniya."Hmmmm ganon ba katindi ang pag-ayaw mo sa akin! Bakit kailangan mo ako bastusin ng ganon, all I want is for you to come back to me...hmmmmm sob*sob* hmmmm"Sambit ni Ley habang bit-bit ang sama ng loob kay Margaux hanggang sa magpatuloy siyang pumunta sa templo.Sa puntong ito ay ayaw na niyang magpanggap o magpaligoy-ligoy pa."Tama na ito! Kailangan kong makuha ang kontrata nang matapos na ito at makaalis na ako rito sa lugar na ito!!!"Galit at luhaan na sambit niyang muli sabay walang ano-anong dumiretso sa loob ng bulwagan ng mga monghe upang kausapin ang pinakapinunong monghe sa buong templo.Hinarang siya agad ng mga katiwalang monghe, agad na tinapunan ni Ley ng matapang na tingin ang mga ito."Ihaharap niyo sa akin ang pinuno o masasaktan kayong lahat!"Galit na sambit niy
"Tooth...Tooth...""Anong tunog iyon?"Takang tanong ni Karina kay Colby."Shit! Iyan ang alarm ni boss, tutunog lang iyan once pinindot niya signaling na nasa panganib sila""Oh ano pa ang hinihintay natin, we need to move!"Sambit agad ni Karina at sabay na sila ni Colby na pumunta sa Watanabe Clan and talk to Margaux's people, isang mabilisang pagprepera ang ginawa nila going to the temple.Halos tatlong van sila nang makarating sa lugar."Balita ko ay hindi basta-basta makikita ang templo rito""I know, pero natagpuan namin ni Ms. Ley at alam ko kung saan ang pinakalusutan"Sambit ni Colby na napapangiti pa.Nanghihinang napadilat si Ley habang nakatali at nakaupo sa isang upuan, nang makitang nasa isang kwarto siya na puro bato ang haligi ay pumasok agad sa isip niya ang kaparehas ng straktura nito, ang kumbento ng mga mongha.Nagpupumiglas siya upang makaalis sa pagkakatali nang biglang bumukas ang pinto at lumitaw si sister Agatha at ang pinunong mongha na ikinalaki ng mata ni
"Bakit ba hindi mo ako gustong isama sa Del Rio!?""Kasi delikado roon Cecille, huwag nang matigas ang ulo mo""Eh bakit ikaw, babae ka rin naman pero pwede ka roon?""Kasi mas matanda ako sa iyo""Ilang taon lang tanda mo sa akin Margaux!""Basta hindi pwede!"******"Sandali...nasaan na si Margaux Nanay Esther?""Ma'am...bilin po ng kuya niyo ay dito muna kayo sa loob ng bahay—""—hindi! Gusto ko makausap si Margaux!""Margaux...marg....sandali, aalis ka na?""I am sorry... I just really need to go...""Pero...marami pa akong gustong sabihin...Margaux...Margaux...""—Margaux...!!!"Isang malakas na sigaw ni Ley nang mapabangon siya at halos mapahawak sa ulo dahil sa kaniyang panaginip na tila parte ng kaniyang memorya.Napalingon siya sa paligid at agad na hinanap ng mata niya si Margaux na wala na ngayon sa tabi niya. Napasuot siya ng robe and silently walk out of the room at tila puno ng kaba sa dib-dib lalo pa sa klase ng panaginip niya.Nang makitang wala pa rin si Margaux sa kus
Namagitan ang katahimkan sa pagitan ni Ley at Margaux. Makikita ang kaba sa mukha ni Ley habang naghihintay kay margaux na magsalita."Ano ba ang gusto mo sabihin?"Tanong ni Ley na makikita ang pag-aalala kaya naman biglang nag-alangan siyang sabihin ang totoo sabay niyakap si Ley ng mahigpit sabay halik sa noo nito."I just want to say that I miss you, na-miss ko ang buong ikaw"Bulong ni Margaux kay Ley sabay namagitan ang pagtititigan sa pagitan nila."I miss you more...sobrang hindi ko inasahan na magiging maayos pa tayo, hmmmmm I am sorry for being hard on you""No, you have all the rights to feel that way, malaki ang naging kasalanan ko sa'yo, hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit, hmmmm pero please promise me, you will be happy and you will always choose to be happy"Sambit ni Margaux sabay tinawid na ang distansiya sa pagitan nila ni Ley at ang gabing iyon ay naging makabuluhang muli para sa kanilang dalawa.Dahil naging maayos nang muli sa pagitan nila ay mas naging masay
Tahimik lang sa biyahe sila Margaux at Ley as she is just looking at the window at halatang malalim ang iniisip."You can sleep na muna""Bakit, malayo ba?""Medyo""Saan ba kasi tayo—""—basta mamaya malalaman mo"Sambit ni Margaux sabay ngiti kaya naman simpleng ngumiti na lang din si Ley.Maya-maya pa ay nakarating na sila sa isang nayon sa lib-lib ng isang siyudad sa kalapit na bundok nang lugar nila.Agad na nagtungo sila sa isang bahay upang hanapin ang babaeng nagngangalang Hacinta pero isang matandang babae ang lumabas."Anong kailangan niyo mga iha?""Ahmm Lola, may hinahanap lang po sana kami""Hinahanap na sino iha?""Mayroon po bang nagngangalang Hacinta rito?"Natigilan ang matanda at napatitig lang sa kanila at halos balutin ng lungkot. Maya-maya ay niyaya sila nito na pumasok na muna sa loob ng bahay at doon nagsimula itong magkwento."Hindi ko alam kung sino kayo mga iha, pero mukha naman kayong mababait, lalo ka na iha, hawigin mo si Hacinta"Sambit ng matanda kay Ley
Nakatulalang nasa balkonahe si Ley at halos hindi mabati ng kahit na sino. it has been two weeks since mamatay si Nanay Esther at mula noon ay ganon na ang naidulot kay Ley.Naging tahimik at hindi pala-imik, nagtatrabaho ito sa resort pero halos siya ang gusto niyang gagawa ng lahat maliban sa pagharap sa mga client at mga bisita na hindi nito ginagawa.Dahil doon ay sila Margaux at Karina ang gumagawa noon.Maya-maya pa ay lumapit kay Ley si Margaux."Aren't you hungry?""No, okay lang ako"Sagot ni Ley sabay aalis na sana ng hawakan ni Margaux ang braso niya na nagpahinto sa kaniya."Alam mong hindi mo kasalanan iyon"Sambit ni Margaux na walang ganang tinapunan lang siya ng tingin ni Ley at hindi ito sumagot, makikita ang katahimikan ng mukha nito at biglang pamumugto ng mata habang walang lumalabas na salita dito.Agad na niyakap ni Margaux si Ley and understand her feelings kahit alam niyang hindi nito dapat maramdaman ang guilt."Kung hindi ko ginawa yon...sana buhay pa si Nana
Ilang araw ang lumipas at linggo na, abala na ang lahat para sa gaganaping wedding sa resort, maaga pa lang ay naroon na rin ang kaibigan ni Ley na wedding organizer.Habang abala ang lahat at nagtatawanan pa ang iba sa pag-aayos lalo ang asaran nila Karina, Margaux at Colby na bumalik mula sa Manila upang tumulong rin ay natatahimik si Ley na pinagmamasdan sila.Naalala niya ang biglang pagbuhos ng luha ni Margaux isang linggo ang nakakalipas, mula noon ay hindi naman ito nagsabi or nagbanggit tungkol sa pangyayari at tila wala lang sa kaniya iyon.Nahihiwagaan man dahil pansin niya ang kakaibang lungkot sa mukha ni Margaux ay hindi na lang muna niya ito pinansin at maghihintay na lamang siyang sabihin ito sa kaniya.Maya-maya pa ay lumapit si Colby kay Ley at bumulong."Hindi mo ba alam ang araw na ito?""Huh?""Sabi ko may idea ka ba sa araw na ito?""Hmmmm July 27...""Oo nga...sandali, don't tell me hindi mo alam?""Ang alin nga?"Natahimik si Colby at napatitig kay Ley na halos
Simula nang matapos ang gulong nangyari ay nagtalaga na si Margaux at Karina ng mga body guards at tauhan na mula mismo sa Watanabe Clan sa resort.Ilang araw lang ay agad na rin nasimulan nila Margaux at Ley ang pinag-usapan nilang pagre-renovate ng lugar.Habang abala si Ley sa pag-aassist ng mga guest ay nilapitan naman ni Karina si Margaux."After this...what's next for you?""Hmmmmm siguro mananahimik at baka tuparin ko ang payo ni Ley, live normal, live like a simple woman, baka tulunga ko na si Colby, I don't know...basta makaalis dito after this and fulfill what she likes, iyon ang mahalaga"Seryoso pero banayad na sambit ni Margaux."Wala na ba talaga? wala na ba talagang pag-asa?"Sa tanong ni Karina ay napatingin naman si Margaux sabay bumuntong hininga lang at umupo sa bato na nasa tabing dagat."Kahit meron, hind ko na pwede ipilit...all I want is to give the peaceful life she desire and that life didn't include me and I understand...masiyado nang nasaktan si Ley, ang dam
Nakangiti at magkasabay na umuwi sila Margaux at Ley sa resort habang naghihintay naman si Karina sa labas ng bahay na tila balisa at agad napansin ni Margaux."What happen?"Tanong agad ni Margaux na nag-aalala."Ano kasi...si Nanay Esther, natagpuan namin na nasa lapag ganun din si Andrea, mga wala silang malay at ang gulo ng buong sala""What?"Pag-aalalang sambit ni Ley sabay pasok sa loob ng bahay, laking mata niyang pinagmasdan ang sala na ang gulo-gulo sabay agad na pinuntahan ang kwarto ni Nanay Esther.Naiwan naman si Margaux at Karina sa labas."Anong nangyari rito?"Seryosong tanong ni Margaux at seryoso rin naman siyang tinignan ni Karina."Well, a little, Andrea and I had a small fight, she head to the house at naiwan kami ni Colby, I was called by attorney sa clan and Colby is talking to her secretary, we didn't know much pero pagdating namin dito, nakahandusay na silang dalawa ang gulo-gulo na nang sala. Good thing hindi naman napuruhan si Nanay but Andrea, mukhang nagi
Namumugtong mata na naglakad palayo si Ley sabay nagtago sa isang kanto nang makalayo kanila Margaux.Ramdam niya ang kakaibang pakiramdam sa haplos na ginawa ni Margaux sa kaniyang mukha, naghahalo ang emosyon ng galit niya at sa pakiramdam na matagal na niyang inalis na tila bigla niyang naramdaman kanina.Hindi na niya napigilan maluha sabay tuloy lang na naglakad pabalik sa kanilang bahay nang makitang nasa balkonahe si Nanay Esther at pansin agad nito ang luhaan niyang mata."Anak...ayos ka lang ba? Anong nangyari?"Pag-aalalang tanong ng matanda."Wala po Nay, okay lang po ako""Aba nag-away nanaman ba kayo ni Margaux?"Sa tanong ni Nanay Esther biglang natigilan si Ley wearing her teary eyes sabay yumakap sa matanda."Hmmmm bakit ba kasi siya bumalik...hmmmm babalik siya na parang walang nangyari...hmmmm sob*sob*""Si Margaux ba ang tinutukoy mo anak na babaeng nanakit sa iyo noon? Hmmm nakakalungkot naman na iyan na ang samahan niyo, parang kailan lang, halos sumunod ka sa kan
Masayang nagkulwentuhan ang lahat nang makapasok ng bahay except kay Ley na hindi maipinta ang mukha."Wow boss, mukhang marami kang dala!""Yeah, dumaan ako sa building natin sa US and visit our shops, I able to get few clothes and blouses""I see, eh para sa amin ba lahat ng ito, ngayon ka lang nag-ala balik-bayan boss ah!""Kinda, and Colby, stop calling me boss, we are friends ever since, call me Margie if that what makes you feel better"Malumanay na sambit ni Margaux sabay yakap kay Colby na sanay na tawagin siyang Margie noong bata pa sila."Ang dami naman niyan Ma'am Margaux""Nako Nay, huwag na po Ma'am, Margaux na lang po, at iyong iba po, para sa inyo Nay, mga blouse po eh ako po mismo ang nag-design niyan""Talaga iha? Aba at tinupad mo pala talaga ang talent mo noon pa, mainam iyan anak at nakamit mo ang gusto mo""Oo nga, kaya nga marami siyang nasaktan..."Pabulong na sambit ni Ley na ikinatahimik ng lahat sabay takip ng tenga ni Colby kay Nanay Esther. Binalingan naman