"Colby...please sumagot ka...hayyysss"Sambit ni Ley na hindi na mapakali sa lakad-balik na ginagawa niya sa opisina ni Aux.Sinusubukan niyang tawagan ang kaibigan na si Colby pero hindi ito sumasagot hanggang sa binuo niya na ang kaniyang loob na makikipagkita sa babaeng si Laila na nagpakilalang manager ni Aux.Kahit hingian niya ng tulong si Colby ay hindi ito sumasagot kaya naman wala na siyang magawa.Napatingin siya sa suot na relo at bente minutos na lang ay kailangan niya nang umalis para kitain si Lalila kaya naman napakagat daliri na lang siya sabay dampot ng kaniyang bag sabay mabilis na lumabas ng building.Kahit nahihintakutan ay kinakalma niya na lang ang sariling hindi kabahan, kilala niya ang mga gawain ng organisasyon kaya naman aware rin si Ley na pwede siyang mapahamak sa pakikipagkita sa babaeng kausap."Wala na akong magagawa, besides...ang tagal kong gustong kumausap ng kahit isa sa tao ng organisasyon kaya hindi ko palalagpasin ito"Sambit ni Ley sa kaniyang sa
Pabalik-balik na hindi mapakali si Laila dahil sa nararamdamang guilty sa sarili, ngayon niya lang nalaman na ang organization pala ang dahilan ng pagkabaril ni Ley noon bilang Ashley two years ago."I am loyal to the organization but...I am not a bad person to do that sa inosenteng babae! Damn! Bakit ba ang tagal pa dumating ni Aux!!!!"Sambit ni Laila sa kaniyang sarili nang biglang makatanggap ng message."The subject is now on the way to Aux building...""Shit! Hindi pwede! I know that was my plan but...it will be a big trouble pagnakita ni Aux ang babaeng yon! Once malaman niya ang connection ni Ley doon...it will be their end! Kailangan ko yun mapigilan!!!"Sambit ni Laila muli sa sarili na tila nababaliw na, alam niyang siya ang may plano ng lahat knowing all she needs to do is to ruin Aux and Ley but when she found out about what the organization did kay Ley two years ago ay tila nag-iba na ang isip ni Laila, alam niyang sa puntong ito maling-mali na ang samahan na matagal niy
SAAVEDRA MANSION"Regina, the madam wants to see you"The former head maid said commanding the one who will replace her,Regina De Asis ay may ilang taon na rin naninilbihan sa mansion ng Saavedra, a wealthy and known family sa bansa.Hindi madali ang makapasok sa mansion, may iilan ang nagtangka ngunit Iilan lang din ang natanggap.It is a dream come true para kay Regina to be the next head maid, she is now assigned for everything inside the mansion.Her voice is a great command for every maid na naka-assign sa bawat member ng family.When Regina was introduced sa Saavedra, her eyes was caught by the sole heir and son of the family, sa mga tinginan nila na iyon ay agad mababanaag ang kakaibang koneksiyon.That simple but cute connection ay tuluyan nang lumalim , from a little look na naging palihim na pagtatagpo sa mga sulok ng mansion and even more."Oohh...dahan dahan.."Ungol ng pinuno ng mga katulong habang sarap na sarap na nakayakap sa stante ng ilalim na kwarto, sa likod niya
SAAVEDRA MANSIONNahaharap ang mag-iinang Saavedra sa isang malaking problema dahil sa kawalan ng babaeng anak na magmamana ng kanilang ari-arian."Hindi ko maintindihan bakit hindi man lang kayo nabiyayaan ng anak ni Beverly!?"Bulyaw ni Madam Saavedra na halos hindi matignan ang asawang babae ng kanyang anak."Hindi naman namin hawak ni Beverly ang ganyang kapalaran ma!""But who will be the succesor of our company then!?"Sigaw naman ng chairman ng Saavedra.Binalot lamang ng katahimikan ang mag-anak, nakayuko lamang ang mag-asawa habang nakikinig sa galit ng mga magulang."What if...how about my daughter...ang anak ni Regina"Banggit ni Mr. Saavedra nakapagpataas ng emosyon ni Beverly."It is a big insult for me, I am the wife and you will make your illegitimate child the successor!"Inis na banggit ni Beverly."She has a point, I have no problem with Harlene's daughter pero kung malaman nang lahat na isang katulong ang kanyang ina ay tiyak masisira ang pangalan natin!""Then we n
Sa ikatlong taon sa kolehiyo, hindi ni minsan naalis sa isip ni Margaux ang kanyang pangarap, even having her happiness is not a priority,Fulfilling her goal and do what her Mom's wish ang tanging nagpapalakas sa kanya.Habang nag-aaral ay pinagsasabay niya ang pag-aasikaso sa naiwang business ng Natividad siblings, Hindi niya isiniwalat sa lahat ang pagiging new owner niya sa Natividad corporation, Lumipas pa ang ilang taon at magtatapos na siya sa pag-aaral, and instead of staying in the country, she manage to go overseas and live there for a while, Walang paalam o kahit anong salita ang iniwan niya kay Patrick na kasalukuyan niyang kasintahan.Margaux starts a business, a fashion design business that handles the finest people in the different country and different celebrity.Lumipas pa ang ilang taon at sa edad na bente-singko ay sikat na sikat na siyang fashion adviser and stylist ng mga sikat na artista, Ang kanyang pangalan at kumpanya ng mga damit ay isa sa sikat at talaga
REGENCY RESIDENTLooking at the window drinking her wine sa bagong condo unit ni Margaux, hindi pa rin makapaniwala na nagtagumpay siya sa unang plano niya getting closer to the Saavedra family."Their smile is still lingers in me, tuwang-tuwa sila getting me as their product producer""Nakakatawa nga boss dahil wala silang kaalam-alam and one more thing, Ms. Beverly returned to the country""Hmmm mukhang umaayon lahat sa gusto ko, check everything about her""Actually boss, I already did, at huwag ka sana mabibigla, pero she proposed her lost daughter daw na kasama niya na sa bansa bilang new heir ng Saavedra, sa nakalap ko, she will convince the family na i-announce that this girl is your Dad's daughter"Sa paliwanag ng kaibigan na si Colby makikita sa reaction ni Margaux ang pagtitiig bagang, sign that she is really pissed off about what she heard."Hindi ako papayag na agawin ni Beverly lahat! Not now, not never! You know what to do, make sure our place at Saavedra corp. is alread
"Sa tingin ko ay tama si Margaux, kailangan ni Ashley matutunan ang mga kailangan malaman sa ating kumpaniya"Sambit ni Madam Saavedra looking at Beverly na ngayon ay nanggagalaiti sa inis kay Margaux."Ma, wala pa naman alam si Ashley sa mga iyan, mapag-aaralan niya iyan sa tamang oras, ang mahalaga ay maipakilala na siyang Saavedra"Banat naman ni Beverly na kitang-kita ang pangungumbinsi na matupad ang kaniyang plano."Sa tingin ko, maari naman natin iyon gawin, pagsabayin ang pagpapakilala sa kaniya at pagsasanay niya"Sagot naman ni Mr. Saavedra,"This is my decision, let her learn things first at least a few months then doon siya ipakilala, being the heir is also taking responsibility, she must be equipped by then"Sabi naman ng Ama ng Saavedra na nagpatahimik sa lahat, dahil siya na ang nagdesisyon ay wala naman nang nagawa ang lahat kung hindi sumang-ayon.Nang matapos ang pagpupulong ng pamilya ay hinatak naman ni Beverly si Ashley papasok sa kwarto."I didn't expect this to
"Alam mo minsan ang joke mo hindi nakakatuwa!""Really? Hindi ka natutuwa bakit parang iba naman ang nakikita ko sa mata mo?""Pwede ba, hindi ba ginagawa natin ito para turuan ako? can we just stick to that?""Fine then, you are really serious about this, sige, make sure na magagawa mo lahat ng ituturo ko sa iyo!"Nakataas kilay na sambit ni Margaux habang nakatitig kay Ashley na ngayon ay tila nahintakutan sa kaniya.Matapos ang kanilang pamimili ay niyaya ni Margaux na kumain na muna sila and on that part, she plan to really start teaching the girl what she really needs to know."T-Teka, nasaan ba tayo? ang mamahalin dito, we can just eat in a simple resto you know"Napataas naman ng kilay muli si Margaux habang sopistikadang nag-aayos ng table napkin and put it on her lap."You are the heir of the Saavedra, better teach yourself to eat in this kind of place, now, I want to hear you order a food for us"Nang marinig ng babae ay halos manlaki ang mata niya sa sinabi ni Margaux, ni h
"Bakit ba hindi mo ako gustong isama sa Del Rio!?""Kasi delikado roon Cecille, huwag nang matigas ang ulo mo""Eh bakit ikaw, babae ka rin naman pero pwede ka roon?""Kasi mas matanda ako sa iyo""Ilang taon lang tanda mo sa akin Margaux!""Basta hindi pwede!"******"Sandali...nasaan na si Margaux Nanay Esther?""Ma'am...bilin po ng kuya niyo ay dito muna kayo sa loob ng bahay—""—hindi! Gusto ko makausap si Margaux!""Margaux...marg....sandali, aalis ka na?""I am sorry... I just really need to go...""Pero...marami pa akong gustong sabihin...Margaux...Margaux...""—Margaux...!!!"Isang malakas na sigaw ni Ley nang mapabangon siya at halos mapahawak sa ulo dahil sa kaniyang panaginip na tila parte ng kaniyang memorya.Napalingon siya sa paligid at agad na hinanap ng mata niya si Margaux na wala na ngayon sa tabi niya. Napasuot siya ng robe and silently walk out of the room at tila puno ng kaba sa dib-dib lalo pa sa klase ng panaginip niya.Nang makitang wala pa rin si Margaux sa kus
Namagitan ang katahimkan sa pagitan ni Ley at Margaux. Makikita ang kaba sa mukha ni Ley habang naghihintay kay margaux na magsalita."Ano ba ang gusto mo sabihin?"Tanong ni Ley na makikita ang pag-aalala kaya naman biglang nag-alangan siyang sabihin ang totoo sabay niyakap si Ley ng mahigpit sabay halik sa noo nito."I just want to say that I miss you, na-miss ko ang buong ikaw"Bulong ni Margaux kay Ley sabay namagitan ang pagtititigan sa pagitan nila."I miss you more...sobrang hindi ko inasahan na magiging maayos pa tayo, hmmmmm I am sorry for being hard on you""No, you have all the rights to feel that way, malaki ang naging kasalanan ko sa'yo, hindi ko na hahayaan na masaktan ka ulit, hmmmm pero please promise me, you will be happy and you will always choose to be happy"Sambit ni Margaux sabay tinawid na ang distansiya sa pagitan nila ni Ley at ang gabing iyon ay naging makabuluhang muli para sa kanilang dalawa.Dahil naging maayos nang muli sa pagitan nila ay mas naging masay
Tahimik lang sa biyahe sila Margaux at Ley as she is just looking at the window at halatang malalim ang iniisip."You can sleep na muna""Bakit, malayo ba?""Medyo""Saan ba kasi tayo—""—basta mamaya malalaman mo"Sambit ni Margaux sabay ngiti kaya naman simpleng ngumiti na lang din si Ley.Maya-maya pa ay nakarating na sila sa isang nayon sa lib-lib ng isang siyudad sa kalapit na bundok nang lugar nila.Agad na nagtungo sila sa isang bahay upang hanapin ang babaeng nagngangalang Hacinta pero isang matandang babae ang lumabas."Anong kailangan niyo mga iha?""Ahmm Lola, may hinahanap lang po sana kami""Hinahanap na sino iha?""Mayroon po bang nagngangalang Hacinta rito?"Natigilan ang matanda at napatitig lang sa kanila at halos balutin ng lungkot. Maya-maya ay niyaya sila nito na pumasok na muna sa loob ng bahay at doon nagsimula itong magkwento."Hindi ko alam kung sino kayo mga iha, pero mukha naman kayong mababait, lalo ka na iha, hawigin mo si Hacinta"Sambit ng matanda kay Ley
Nakatulalang nasa balkonahe si Ley at halos hindi mabati ng kahit na sino. it has been two weeks since mamatay si Nanay Esther at mula noon ay ganon na ang naidulot kay Ley.Naging tahimik at hindi pala-imik, nagtatrabaho ito sa resort pero halos siya ang gusto niyang gagawa ng lahat maliban sa pagharap sa mga client at mga bisita na hindi nito ginagawa.Dahil doon ay sila Margaux at Karina ang gumagawa noon.Maya-maya pa ay lumapit kay Ley si Margaux."Aren't you hungry?""No, okay lang ako"Sagot ni Ley sabay aalis na sana ng hawakan ni Margaux ang braso niya na nagpahinto sa kaniya."Alam mong hindi mo kasalanan iyon"Sambit ni Margaux na walang ganang tinapunan lang siya ng tingin ni Ley at hindi ito sumagot, makikita ang katahimikan ng mukha nito at biglang pamumugto ng mata habang walang lumalabas na salita dito.Agad na niyakap ni Margaux si Ley and understand her feelings kahit alam niyang hindi nito dapat maramdaman ang guilt."Kung hindi ko ginawa yon...sana buhay pa si Nana
Ilang araw ang lumipas at linggo na, abala na ang lahat para sa gaganaping wedding sa resort, maaga pa lang ay naroon na rin ang kaibigan ni Ley na wedding organizer.Habang abala ang lahat at nagtatawanan pa ang iba sa pag-aayos lalo ang asaran nila Karina, Margaux at Colby na bumalik mula sa Manila upang tumulong rin ay natatahimik si Ley na pinagmamasdan sila.Naalala niya ang biglang pagbuhos ng luha ni Margaux isang linggo ang nakakalipas, mula noon ay hindi naman ito nagsabi or nagbanggit tungkol sa pangyayari at tila wala lang sa kaniya iyon.Nahihiwagaan man dahil pansin niya ang kakaibang lungkot sa mukha ni Margaux ay hindi na lang muna niya ito pinansin at maghihintay na lamang siyang sabihin ito sa kaniya.Maya-maya pa ay lumapit si Colby kay Ley at bumulong."Hindi mo ba alam ang araw na ito?""Huh?""Sabi ko may idea ka ba sa araw na ito?""Hmmmm July 27...""Oo nga...sandali, don't tell me hindi mo alam?""Ang alin nga?"Natahimik si Colby at napatitig kay Ley na halos
Simula nang matapos ang gulong nangyari ay nagtalaga na si Margaux at Karina ng mga body guards at tauhan na mula mismo sa Watanabe Clan sa resort.Ilang araw lang ay agad na rin nasimulan nila Margaux at Ley ang pinag-usapan nilang pagre-renovate ng lugar.Habang abala si Ley sa pag-aassist ng mga guest ay nilapitan naman ni Karina si Margaux."After this...what's next for you?""Hmmmmm siguro mananahimik at baka tuparin ko ang payo ni Ley, live normal, live like a simple woman, baka tulunga ko na si Colby, I don't know...basta makaalis dito after this and fulfill what she likes, iyon ang mahalaga"Seryoso pero banayad na sambit ni Margaux."Wala na ba talaga? wala na ba talagang pag-asa?"Sa tanong ni Karina ay napatingin naman si Margaux sabay bumuntong hininga lang at umupo sa bato na nasa tabing dagat."Kahit meron, hind ko na pwede ipilit...all I want is to give the peaceful life she desire and that life didn't include me and I understand...masiyado nang nasaktan si Ley, ang dam
Nakangiti at magkasabay na umuwi sila Margaux at Ley sa resort habang naghihintay naman si Karina sa labas ng bahay na tila balisa at agad napansin ni Margaux."What happen?"Tanong agad ni Margaux na nag-aalala."Ano kasi...si Nanay Esther, natagpuan namin na nasa lapag ganun din si Andrea, mga wala silang malay at ang gulo ng buong sala""What?"Pag-aalalang sambit ni Ley sabay pasok sa loob ng bahay, laking mata niyang pinagmasdan ang sala na ang gulo-gulo sabay agad na pinuntahan ang kwarto ni Nanay Esther.Naiwan naman si Margaux at Karina sa labas."Anong nangyari rito?"Seryosong tanong ni Margaux at seryoso rin naman siyang tinignan ni Karina."Well, a little, Andrea and I had a small fight, she head to the house at naiwan kami ni Colby, I was called by attorney sa clan and Colby is talking to her secretary, we didn't know much pero pagdating namin dito, nakahandusay na silang dalawa ang gulo-gulo na nang sala. Good thing hindi naman napuruhan si Nanay but Andrea, mukhang nagi
Namumugtong mata na naglakad palayo si Ley sabay nagtago sa isang kanto nang makalayo kanila Margaux.Ramdam niya ang kakaibang pakiramdam sa haplos na ginawa ni Margaux sa kaniyang mukha, naghahalo ang emosyon ng galit niya at sa pakiramdam na matagal na niyang inalis na tila bigla niyang naramdaman kanina.Hindi na niya napigilan maluha sabay tuloy lang na naglakad pabalik sa kanilang bahay nang makitang nasa balkonahe si Nanay Esther at pansin agad nito ang luhaan niyang mata."Anak...ayos ka lang ba? Anong nangyari?"Pag-aalalang tanong ng matanda."Wala po Nay, okay lang po ako""Aba nag-away nanaman ba kayo ni Margaux?"Sa tanong ni Nanay Esther biglang natigilan si Ley wearing her teary eyes sabay yumakap sa matanda."Hmmmm bakit ba kasi siya bumalik...hmmmm babalik siya na parang walang nangyari...hmmmm sob*sob*""Si Margaux ba ang tinutukoy mo anak na babaeng nanakit sa iyo noon? Hmmm nakakalungkot naman na iyan na ang samahan niyo, parang kailan lang, halos sumunod ka sa kan
Masayang nagkulwentuhan ang lahat nang makapasok ng bahay except kay Ley na hindi maipinta ang mukha."Wow boss, mukhang marami kang dala!""Yeah, dumaan ako sa building natin sa US and visit our shops, I able to get few clothes and blouses""I see, eh para sa amin ba lahat ng ito, ngayon ka lang nag-ala balik-bayan boss ah!""Kinda, and Colby, stop calling me boss, we are friends ever since, call me Margie if that what makes you feel better"Malumanay na sambit ni Margaux sabay yakap kay Colby na sanay na tawagin siyang Margie noong bata pa sila."Ang dami naman niyan Ma'am Margaux""Nako Nay, huwag na po Ma'am, Margaux na lang po, at iyong iba po, para sa inyo Nay, mga blouse po eh ako po mismo ang nag-design niyan""Talaga iha? Aba at tinupad mo pala talaga ang talent mo noon pa, mainam iyan anak at nakamit mo ang gusto mo""Oo nga, kaya nga marami siyang nasaktan..."Pabulong na sambit ni Ley na ikinatahimik ng lahat sabay takip ng tenga ni Colby kay Nanay Esther. Binalingan naman