Share

Kabanata 30

Liwanag na tumatama sa aking mukha ang nakapagpagising sa akin. Bumangon ako at humikab bago nag-unat. Napatingin ako sa cabinet kung saan nailagay ko na ang mga damit kong dala kahapon. Nadaanan rin ng mata ko ang mini table na katabi niyon at kinagat ko ang pang ibabang labi nang makita ang laptop na ibinigay nya sa 'kin noon.

Natatandaan ko pa kung paano ko sya niyakap nung sinabi nyang sakin nalang daw 'yon. Ang saya-saya ko nung mga panahong 'yon.

"Argh! Move on na tayo, self! Huwag na natin isipin ang isang hatdog!" niligpit ko na ang pinaghigaan.

Inayos ko ang kurtina at saglit pinagmasdan ang maulap na kalangitan saka nagdesisyon na bumaba na. Nakaupo na si nanay at saktong nagpapalaman ng cheese sa pandesal. Umupo ako katapat nya at kumuha na rin.

"Good morning, anak."

"Good morning, nay."

Kumagat ako sa tinapay at wala sa sariling napangiti. Paborito ko 'to sa lahat ng breakfast sa umaga. Walang sinabi ang garlic bread at pancakes ng mga Vanhouger. Masarap rin naman 'yon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status