Sienna POV
Maaga akong nagising dahil tinapos ko ang mga papeles na dapat ayusin sa isa sa mga pagmamay ari na kompanya ni Liam, kailangan niya rin kasi mapirmahan ang mga 'to mamaya kaya mas mabuti ng nakaayos na lahat ng 'to.
Minsan napapaisip ako kung gaano ba kayaman ang mga cavaliers, bukod kasi sa mga kinikita nila sa racing ay may business pa silang pagmamay-ari. Siguro wala na silang mahihiling pa sa kanilang buhay dahil halos lahat naman ay nasa kanila na. Kahit nga siguro dumating ang araw na tumigil na sila sa pagkakarera eh hindi mababawasan ang pera nila, mabubuhay pa rin sila at mabibili ang mga gusto nila.
Pero minsan kaya ay iniisip din nila na nalalagay sa pahamak ang mga buhay nila? Marami na rin kasi ako napapanood at nababasa sa mga balita na hindi madali ang buhay ng isang racer, palaging nalalagay sa peligro ang buhay nila kapag nasa isang racing sila. Hindi naman kasi natin malalaman o masasabi kung ano ang mangyayari sa araw araw.
Halos isang oras din ang lumipas ng tuluyan kung matapos ang mga ginagawa ko at dahil biglang kumalam ang sikmura ko kaya nagpasya na akong kumain. Pagbaba ko ay nagtimpla muna ako ng kape bago magluto ng sinangag at saka nagprito na rin ako ng ham at bacon, sinali ko na si Liam dahil alam kung mayamaya ay nandito na din ang isang 'yon. Kasama niya kasi ang ibang miyembro ng cavs na mag jogging.
Nang matapos akong kumain ay nagpasya na muna akong magpahangin. As I was just sitting in the garden of Liam's villa while thinking some things about my life. Biglang sumagi sa isipan ko ang pinsan kung si Treese. Kumusta na kaya siya? Ano na kaya ang buhay niya ngayon? Hindi ko na matandaan kung ilang taon na ang lumipas simula ng huli kaming nag usap.
Treese is like a sister to me kaya halos palagi kaming magkasama at sobrang close namin sa isa't isa. Kung hindi lang sana nangyari ang bagay na 'yon ay siguradong magkasama pa rin kami hanggang ngayon. Masakit para sa akin na iwasan at talikuran ang pinsan ko pero wala akong magawa dahil ayaw kung suwayin ang mga magulang ko, hindi ko din naman siya magawang puntahan dahil bantay sarado ako, tanging ang kaibigan ko lang na si Liam ang madalas kung kasama.
Wala akong naging balita sa pinsan ko hanggang sa isang araw ay nalaman ko na lang kay Liam na hindi pala nagkatuluyan si Sov at Treece na ikinagulat ko, alam ko kasi kung gaano nila ka mahal ang isa't isa kaya hindi ko inaasahan na maghihiwalay sila. Isa pa sa nagpagulat sa akin ng tanungin ako ni Liam kung alam ko ba na nagkaanak ang dalawa.
Nang malaman ko ang tungkol sa kambal ay agad kung pinuntahan si Sov at do'n ko nalaman ang buong pangyayari. I feel so disappointed to my cousin dahilan para magkaroon ako ng galit sa kanya. Hindi ko inakala na magagawa niya ang bagay na 'yon.
"Is there a problem?" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita kung si Liam 'to, mukhang nasobrahan sa lalim ang pag iisip ko kaya hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya.
Umiling naman ako.
"You're not good at lying, Sienna. So what is it?"
Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga bago tumingin siya kanya. "Bigla ko lang naisip si Treese, kung kumusta na kaya siya." pag amin ko.
Nakita ko naman ang pagkunot ng kanyang noo. "Are you serious? Ang alam ko ay galit ka sa kanya dahil sa ginawa niya kay Sovereign at sa kambal. Don't tell me nakalimutan mo na 'yon?"
"Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yon, hindi naman nawala ang galit ko sa kanya sa ginawa niya sa mag ama. I'm disappointed of her but she is still my cousin, Liam. Kadugo ko pa rin siya. Iniisip ko kung paano hindi sila nagkahiwalay? Siguro ay masaya silang pamilya. Naaawa ako sa kambal, palaki na sila ng palaki at alam kung darating ang araw na hahanapin nila ang totoo nilang ina." paliwanag ko sa kanya.
He sat next to me as he looked up at the sky. "I know that you still care for her even if you're mad. But what she did is unreasonable, Sienna. Sinong ina ang magagawa 'yon sa sariling anak niya? Paano kung hindi nagmakaawa si Sov? Ano ng nangyari sa kambal?" bakas sa boses ni Liam ang galit.
"Paano kung may dahilan siya kaya niya nagawa ang bagay na 'yon? Hindi naman pwedeng one sided lang tayo. Paano kung nasasaktan at nahihirapan din siya?" pagpupumilit ko.
Sunod sunod na pag iling naman ang ginawa ni Liam. "Kahit anong rason pa 'yan, wala tayong karapatan na pumatay ng walang kamuwang muwang na sanggol. Si Sov na nga mismo nagsabi na gustong ipalaglag ni Treese ang mga bata kung hindi niya lang 'to napilit e. Kung may higit man na nagdusa rito ay Sovereign 'yon! Kinaya at ginawa niya ang lahat para lang buhayin ang kambal. Kung nakita mo lang kung paano siya kumayod para lang masuportahan ang mga 'to, kung nakita mo lang ang mukha niya ng mga panahon na lumapit siya sa akin para umutang ng pera kasi wala na siyang maipambili ng gatas at diaper. Lahat 'yon kinaya ni Sov habang ang pinsan mo ay nagpakasaya sa buhay niya,"
"But she is the biological mother, she still has rights to the twins. Siguro naman pwede nilang makilala ang isa't isa." giit ko.
"Nagpakaina ba siya sa kambal? Ilang taon na ba ang lumipas pero ni anino niya hindi man lang nagpakita. Kung talagang may pakialam siya sa mga bata ay bibisihitahin niya ang mga 'to pero wala e. Mas may karapatan si Sov dahil siya ang tumayong ina at ama sa kambal."
"Pero k ----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo si Liam, bakas sa mukha nito ang pagkairita.
"Stop, Sienna. I don't want to argue over this nonsense things. Huwag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ni Sovereign. Kung lumambot man 'yang puso mo para sa pinsan mo, sana huwag kang magdesisyon ng lingid sa kaalaman niya. Huwag mo siyang papangunahan lalo na kapag ang usapan ay tungkol sa mga anak niya." huling sinabi nito bago niya ako tuluyang iwan.
Napahawak na lang ako sa aking sentido, mukhang pati kami ni Liam ay magkakasamaan pa ng loob dahil lang sa bagay na 'to. Hindi ko naman siya masisisi, alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya dahil isa siya sa naging saksi ng paghihirap ni Sovereign.
Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit iniisip ko na baka may rason si Treese kaya niya nagawa ang bagay na 'yon, basta na lang ako nagising kanina ng biglang pumasok sa isipin ko ang pinsan ko.
Nasaan na kaya siya ngayon? Ano na kaya ang nangyari sa buhay niya? Hindi ko na din matandaan kung ilang taon na ang lumipas simula ng huli kaming magkita at magkausap. Malaki na din ang mga kambal ngayon.
Liam POVMalakas na napahampas ako sa manobela ng kotse ko ng mahinto ko 'to, pagkatapos naming mag usap n Sienna ay dito na ako dumiretso sa main track para sana mag training pero hindi ako makapag focus sa pagmamaneho dahil palagi akong nawawala sa lane.Napatingin ako sa pinto ng kotse ko ng marinig ko ang pagkatok ni Russel, kaya tinanggal ko na ang seatbelt ko at saka lumabas."What's wrong with you?" bakas sa kanyang boses ang inis, marahil ay napapansin niyang wala ako sa wisyo."Chill, okay?" saad ko at saka umupo."Are you fucking serious, Liam? Magpapakamatay ka ba?"I sighed. "May iniisip lang ako," mahinang sambit ko."May problema ba? Is it about Sienna? Nag away na naman kayo ng kuya mo?" sunod sunod na tanong nito dahilan para mapairap ako. Kahit kailan talaga ang chismoso ng pinsan kung 'to."Both? Alam mo naman si Kuya. Mainit ang ulo kay Sienna." napailing pa ako ng sabihin ko 'yon."Alam ko na ang bagay na 'yon, pero anong meron kay Sienna?" "May hindi lang kami na
Raven POVKagigising ko lang ng makatanggap ako ng tawag mula sa sekretarya ko at sinabi hindi nakaattend si Liam sa isang importanteng meeting na labis kung ikinataka. Kilala ko ang kapatid ko, malabo pa sa sabaw na hindi 'yon sisipot.Ilang beses kung sinubukan na tawagan si Liam pero hindi 'to sumasagot. Napahilamos na lang ako sa aking mukha dahil sa inis. Agad akong nagpasya na puntahan na lang siya sa kanyang villa.Pasakay pa lang ako ng kotse ko ng mahagip ng mga mata ko si Russel. Ang aga naman yata ng gagong 'to."Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Ang aga aga nakastraight na naman 'yang guhit ng kilay mo." saad nito sa akin."Kung ikaw ba naman agad makikita ko sa umaga ay talagang nakakasira na agad ng araw." nakangising turan ko."Fuck you, Raven! Itong mukhang 'to? Nakakasira ng araw?" itinuro niya pa ang kanyang sarili na animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Baka makakalimutan mong magpinsan tayo. Ulol!""Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yan. Kaya nga napapais
Raven POVHindi na ako nagtagal pa matapos kung kausapin si Sienna dahil mas lalo lang umiinit ang ulo ko sa tuwing nakikita ko siya. Hindi ko alam kung ano ang pwede kung gawin para lang mapaalis siya sa landas ng kapatid ko, alam kung hindi siya makakabuti kay Liam kapag palagi silang magkasama. Ano na lang ang iisipin at sasabihin ni Leigh?Pagdating ko sa bahay ay agad akong kumuha ng alak para uminom, hindi talaga ako mapalagay kapag nandito sa paligid ang babaeng 'yon. I need to get rid of her soon."Ang aga niyan ah," narinig kung saan ni Sovereign na kapapasok lang n villa ko."Naghihirap ka na ba at pati relo hindi mo magawang bumili? Subukan mo kaya tingnan ng orasa para malaman mong tanghali na." pabalang na sagot ko sa kanya."Pareho pa rin naman maliwanag 'yon. Gago!"He sat next to me and also poured wine into the glass and drank it. "So, what's the problem? Bakit mukhang mainit na naman ang ulo mo? Hulaan ko, si Sienna na naman ba?" Unirapan ko naman siya. "May iba pa
SiennaSabay kaming kumakain ng almusal ngayon ni Liam, isang linggo din siya nawala dahil may inayos sa business kaya ngayon lang siya nakauwi."May gusto ka bang sabihin? Kanina mo pa ako tinitingnan," tanong ko kay Liam, kanina ko pa kasi napapansin ang panay sulyap niya sa akin."Nababalitaan kung madalas ka nasa villa ni Kuya simula ng umalis ako. Anong ginagawa mo do'n?""S-sino naman nagsabi sayo ng fake news na 'yan?" tumawa pa ako para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.Sumilay ang ngisi sa kanyang magandang labi. "Fake news? Really? Sasabihin mo sa akin ang totoo o mas mabuting kapatid ko na lang ang tanungin ko. What do you thin, Sienna?"Mabilis naman akong umiwas sa nanghahamon niyang mga mata. Alam kung hindi ko maiisahan si Liam sa ganitong bagay. Pero paano niya nalaman kung wala naman siya dito? Hindi kaya may nakakita at sinumbong sa kanya?"Ano ka ba naman! Huwag mo ng istorbohin ang kapatid mo." saad ko."So tell me now, why are you in his villa? What are you
Raven POVKakarating ko lang sa main track gamit ang Lamborghini Aventador SVJ 63 Roadster na binili ko no'ng isang araw, wala naman akong training ngayon pero naisipan ko lang na pumunta dito dahil may kailangan ako sa ka team ko."Hi, Raven." nakita kung papalapit sa akin si Sienna."What do you want, woman?" diretsang tanong ko sa kanya."May training ka ba ngayon?""What do you think? Hindi ka naman siguro bulag diba? Kung may training ako edi sana hindi mo ako kaharap ngayon. Sigurado ka ba talagang kinuha kang assistant ng kapatid ko?" singhal ko sa kanya."Oh kalma ka lang, mainit na naman ang ulo mo hindi naman kita inano, binati ka lang eh," saad nito."Why are you here? Hindi mo ba alam na bawal ka dito sa main track? Gusto mo bang isumbong kita kay Coach?" seryosong anas ko."Alam ko ang bagay na 'yon. Pumunta lang ako dito kasi akala ko may training ka.""And?" tanong ko."Gusto ko lang ib---" hindi niya na natapos ang sasabihin niya dahil dumating ang isang cavs."Hey, R
SiennaPalabas ako ng bahay ng makasalubong ko si Liam, pinaningkitan ako nito ng kanyang mga mata. "Saan ka na naman pupunta?" tanong nito sa akin."Bakit ba ang chismoso mo?" singhal ko sa kanya."Bakit masama ba? If I know guguluhin mo na naman si Kuya,""Huwag ka nga kontra diyan! Mabuti nga at mabait na 'yon sa akin ngayon e," nakangiting saad ko.Ngumisi naman 'to. "Hinay hinay lang at baka umasa ka na niyan. Ipapaalala ko lang sayo ha, hindi porke't okay na kayo ni Kuya ay mag pag asa ka ng mahalin ka niya.""Epal mo kahit kailan, ayaw mo bang maging sister-in-law ako? Hindi ka na lugi kasi nga maganda at sexy naman ako." pagpapacute ko sa kanya."Sinabi ko lang ang totoo, hindi ka bagay sa aming mga Samaniego,"Binatukan ko naman siya, minsan talaga hindi ko alam kung kaibigan ko ba 'tong lalaki nato o hindi eh. "Mahal na mahal mo talaga ako 'no? Iisipin ko na talaga na baka naman ikaw ang may gusto sa akin kaya ayaw mong lumapit ako sa kuya mo?" natatawang sambit ko.Umarte n
Sienna POVIlang buwan na ang lumipas simula ng maging maayos ang samahan namin ni Raven. I don't know how that it happended, siguro napagod na lang siya sa pagiging makulet ko. Pero may mga araw lang talaga na nasusungitan niya pa rin ako.Napadaan ako sa villa niya ng makita ko siyang palabas. "Hi, Raven." nakangiting bati ko sa kanya."Ano na naman ang kailangan mo?" singhal nito sa akin kaya hindi ko mapigilan ang hindi matawa. Sinusumpong na naman 'to ng pagiging impakto."Ang sungit mo naman! Parang namamasyal lang ako e," sagot ko.Tinaasan niya naman ako ng kilay. "Anong akala mo sa villa ko? Park? Tss!" nilagpasan lang ako nito at dumiretso sa kanyang kotse kaya mabilis ko siyang hinabol at hinawakan ang kanyang braso."Aalis ka?" tanong ko sa kanya.Bakas naman sa mukha nito ang sobrang iritasyon ng tumingin sa akin. "Hindi pa ba obvious? Ano bang akala mo tatambay ako dito sa labas ng nakaganito?" "Saan ka pupunta? Pwede sumama?" pangungulit ko pa."Hindi!" sigaw nito sa a
Raven POVPalabas ako ng villa ng makita ko si Sienna na may kinakalikot na naman sa garden. Ano na naman kaya ang demonyong sumanib sa babaeng 'to para pagdiskitahan na naman ang mga halaman ko.Nanatili lang akong nakatayo habang pinagmamasdan siya. She's pretty but annoying. Ilang buwan na din ang lumipas simula ng maging maayos ang pakikitungo ko sa kanya pero may mga araw pa rin na umiinit ang ulo ko. Hindi ko alam kung paano nangyari ang bagay na 'yon, siguro nasanay na lang ako sa kakulitan niya, kahit naman ipagtabuyan ko siya ay walang epekto.Mayamaya pa ay naglakad ako palapit sa kaya, mukhang busy talaga siya dahil hindi niya man lang naramdaman ang presensya ko. "What are you doing in my plants, woman?" saad ko.Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa at dahan dahan na lumingon sa gawi ko. Binigyan ako nito ng tipid na ngiti kasabay ng pagkamot niya sa kanyang ulo gamit ang isa niyang kamay."B-binisita ko lang 'tong mga halaman. Tingnan mo, namumulaklak na ang isa sa p
Liam POVPapasok ako ngayon sa bahay dahil nalaman ko na nandito ang magaling kung kapatid. Kailangan ko siyang makausap ulit lalo na at nandito na sa Pilipinas si Sienna. Baka sakaling magbago pa ang isip nito at harapin ang kanyang responsibilidad."Good morning, Sir." bati sa akin ng isa sa mga katulong dito. Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti."Nasaan ang kapatid ko?" tanong ko."Nasa pool area, Sir." nagpasalamat naman ako sa kanya bago siya tinalikuran."Why are you here?" bungad nito sa akin ng makita ako."Am I not allowed here? This is also my home," pabalang na sabi ko.Napailing na lang ito at akmang aalis nang pigilan ko siya."We need to talk." diretsong wika ko.Tiningnan niya naman ako ng seryoso. "About what?""Sienna and you child." sagot ko."What about that, woman?""Don't you have any plans? That child is yours! Be a man, Kuya!" inis na saad ko."Inutusan ka ba siya para kausapin ako?""Hindi niya kailangan gawin ang bagay na 'yon. Ako ang nagkusa at baka maun
Raven POVNandito ako ngayon sa main track nakaupo kasama si Sovereign, katatapos lang namin mag-training kaya nagpapahinga lang kami saglit bago umuwi."Mas lalo kang bumilis ngayon," biglang bulalas ni Sov."Kung tutuusin ay mabagal pa nga 'yon. Ang tagal ko pa bago makaabot sa finish line," saad ko naman."Anyway, hindi pa din ba kayo nagpapansinan ni Liam?"Umiling naman ako. "You know how stubborn my brother is." I said."You can't blame him for acting that way. Nabuntis mo lang naman ang kaibigan niya,""He really likes to interfere in other people's problem. Mas mukhang kumakampi pa siya kay Sienna kaysa sa akin na kapatid niya." inis na turan ko."Kasi wala ka sa tamang wisyo. Hindi din naman tama ang mga pinagsasabi mo kay Sienna. Siguro kung hindi ko lang alam na may feelings ka sa kanya ay maniniwala akong galit ka talaga sa kanya."Tumingin naman ako sa kanya. "Komplikado lang talaga sa ngayon." maikiling wika ko."Pero hindi ko nagustuhan ang mga sinabi sayo ni Liam. Alam
Sienna POVIsang linggo na ang lumipas simula ng dito na muna ako manirahan sa New York, sa una hindi madali dahil siguro hindi ako sanay pero kalaunan ay naging maayos naman ako. Nanatili din muna dito si Liam para makasigurado na okay na okay na talaga ako at ngayong araw ang uwi niya sa Pilipinas. Hindi naman kasi siya puwedeng magtagal dito dahil may training pa siya."Are you sure you will be okay here, Sienna?" napatingin na naman ako kay Liam, hindi ko na mabilang kung ilang beses na niyang tinanong sa akin ang bagay na 'yan."Paulit-ulit tayo Li? Ilang beses ko na din sinagot 'yan. Huwag ako ang alalahanin mo dahil magiging maayos naman ako dito at isa pa may kasama naman na ako," sagot ko."Alright. Basta tawagan mo ako kapag may problema ha?"Ngumiti naman ako. "Oo na, Tay!" pang-aasar ko."I'm serious here, Sienna." Napahagikhik naman ako. Ang moody din talaga ng lalaking 'to, dinaig pa akong buntis kaya ang saya niya lang asarin e. Kaya himbis na bwisitin pa siya ay tinul
Sienna POVTahimik lang ako hanggang sa makabalik kami sa villa, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil halatang galit at disappointed si Liam sa akin. At mas lalo akong nalungkot dahil ako ang dahilan kung bakit sila nag away na magkapatid. Kung hindi lang sa pagiging matigas ng ulo ko ay hindi mangyayari ang bagay na 'to.Naiintindihan ko naman kung hindi tanggapin ni Raven ang bata dahil hindi niya naman ako pinilit, binigyan niya pa ako ng pagkakataon na makaalis pero ako 'tong nagpumilit. At alam kung mas lalong madadagdagan ang hinanakit niya sa akin dahil sa nangyari sa kanila ng kanyang kapatid."What's your plan now?" seryosong tanong nito sa akin.Nanatiling nakayuko lang ako dahil nahihiya akong humarap sa kanya. "I'm asking you, Sienna." pag uulit nito."I. . . I don't know." mahinang sagot ko."Are you still expecting that my brother will change his mind? If only you had seen the disgust on his face at what he found out. I'm sure you won't get anything from him,"
Liam POVMabilis natapos ang meeting namin kaya umuwi ako agad dahil inaantok ako, gusto ko muna matulog. Pagdating ko sa villa ay hindi ko naabutan si Sienna kaya dumiretso na muna ako sa banyo na nandito sa baba.Pagpasok ko pa lang ay agad na agaw ng atensyon ko ang isang maliit na box kaya kinuha ko 'to at binasa."Pregnancy kit?" mahinang anas ko at dahil nakabukas na 'to ay tiningnan ko ang laman at nakita kung tatlo 'to at puro positive ang resulta kaya himbis na maligo ay lumabas ako bitbit 'yon."Ang bilis mo naman makabalik, tapos na ba ang meeting niyo?" tanong ni Sienna na kakapasok lang."Do you own this pregnancy test? Don't lie to me, Sienna." seryosong turan ko sabay taas ng hawak ko.Saglit na napatitig siya do'n at kalaunan ay nanlaki ang kanyang mga mata. Mukhang hindi niya inaasahan na makikita ko 'yon."Saan mo nakita 'yan?""Masyado ka bang nagmamadali para makalimutan mong ligpitin ang bagay na 'to?" madiin na wika ko. "L-liam. . ." bakas sa kanyang boses ang k
Sienna POVIsang buwan na ang lumipas simula ng may mangyari sa amin ni Raven, mabuti na lang at hindi naman kami masyadong nagkikita dito sa compound busy kasi sila sa training. At isa pa ay hindi ko pa kayang humarap sa kanya dahil nahihiya ako. Alam ko naman na wala lang sa kanyang ang nangyari sa amin ng gabing 'yon."Are you eating again?" napatingin ako kay Liam na kapapasok lang sa villa."Kanina bago ako umalis ay kumakain ka tapos ngayon na umuwi ako kumakain ka pa rin? Hindi ba sasakit ang tiyan mo?""Anong magagawa ko kung nagutom ang mga bulate sa tiyan ko? At saka isa pa masarap kumain kaya hayaan mo na ako," giit ko.Nakita ko ang pagseryoso ng kanyang tingin na parang may nagawa akong mali. "At kailan ka pa nagsimulang kumain ng macaroni salad at uminom ng strawberry juice? Matagal na tayong magkaibigan, Sienna at alam kung ayaw mo sa ganyan,""People change, okay? Hindi naman siguro big deal kung sinubukan ko tikman at masarap naman pala," sagot ko sa kanya."You're we
Liam POVAla sais na ng umaga ng magising ako, maaga akong nakauwi dito kanina sa villa at agad akong natulog dahil sa pagod. Ang ipinagtataka ko ay wala si Sienna sa kanyang kuwarto kanina ng tingnan ko. May pinuntahan ba siya? Pero wala naman siyang nababanggit sa akin kaya imposibleng aalis siya sa compound.Bumango na ako at bumaba dahil nakaramdam na ako ng gutom. Saktong pagkababa ko ay siya namang pagbukas ng main door at iniluwa no'n si Sienna, mukhang hindi niya ako napansin dahil nakatulala 'to."Are you okay?" biglaang saad ko."L-liam. . ." bakas sa kanyang mukha ang gulat."Whats wrong? Dinaig mo pa ang nakakita ng multo dahil diyan sa reaksyon mo," natatawang sambit ko."Ah, oo naman! Bakit hindi, aber?" "Where have you been? Wala ka sa kuwarto ng dumating ako dito," tanong ko at lumapit sa kanya."Nag-ikot lang ako sa compound kaya siguro hindi mo ako naabutan,"Tinitigan ko siya ng seryoso. "Himala yata at ang aga mong naging at lumabas ngayon."Kitang kita ko ang pag
Raven POVSimula nang iwan ko si Sienna sa labas ay hindi ko na magawang makapagpahinga ng maayos. Bumabalik sa isipan ko ang mukha niya na labis nasasaktan dahil sa mga sinabi ko, kaya nagpasya na lang akong bumaba para uminom ng alak.Grabeng pagpipigil ko kanina para lang hindi siya balikan sa labas, kailangan kung panindigan ang desisyon ko na tuluyan na siyang iwasan. Mas makakabuti 'to para sa aming dalawa. Nilunod ko na lang ang sarili ko sa alak para mawala as isipan ko si Sienna hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at marami na din akong nainom.Inubos ko lang ang isang natitirang bote at nagpasyang umakyat na sa taas, pero tatayo pa lang ako ng makarinig ako ng sunod sunod na katok sa pinto. Hindi ko na sana papansinin pero mukhang ayaw tumigil ng kung sino man ang nasa labas. Damn it!Naglakad ako papunta sa pintuan para tingnan kung sino ang gumagambala sa gabi ko. "Who the hell are you?" galit na saad ko pagbukas ko at nakita kung si Sienna 'to."R-raven..." namamao
Raven POVIsang linggo na simula ng iniiwasan ko si Sienna, kahit na ilang beses niya akong pinupuntahan o ginugulo ay hindi ko siya hinaharap. I need to do it para na din sa kapakanan naming dalawa. Hindi ako papayag na tuluyan akong mahulog sa kanya, masyadong magulo ang buhay na meron ako at hindi ko hahayaan na madamay siya.I am not ready for any commitment. Simula nang magkrus ulit ang landas namin ng tunay kung ina ay bumalik na naman ang takot sa akin. I need to stop what I am feeling for Sienna habang maaga pa, ayaw kung masaktan ko lang siya. I don't deserve her.Papasok na ako ngayon sa villa ko, may meeting kasi akong pinuntahan kanina at masyado ng late natapos. I feel so tired today and I want to rest."Raven!" hindi ko pa tuluyan nabubuksan ang pinto ng marinig ko na naman ang kanyang boses. How I miss her but I need to stop.Pumikit ako ng mariin bago ko siya hinarap. "Why are you here? Hindi mo ba alam kung anong oras na?" saad ko.Binigyan niya naman ako ng matamis n